hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
uhh, naguluhan ako dun ah!
kasi, dati pa ako nag-start mag blog. marami na rin ako napost dun,pero dumating na naman sa point na tinamad ako at sobrang daming ginagawa kaya nde na naasikaso. actually, nawala talaga sa isip ko na may blog pa ako. hanggang sa kahapon, (salamat kay princess) ay naalala ko ulit. pilit kong binabalik sa aking alaala kung anong username ang ginamit ko. malamang chanda,chandita,chandita03, o bumblebee lang ang pagpipilian ko. hanggang sa pagpunta ko sa chandita.blogspot.com, nakita ko.. aba meron! pero nde ako yon, naka lay-out eh. tsaka alam ko marami na akong napost at hindi ako nagopen ngayong april (bago neto). tapos ang title pa, 'ako si tsanda'. nasabi ko na lang, uy, may chanda rin pala na nagkapalayaw ng chandita. eh di hula..hula..wala talaga!
naisipan ko na lang na maglog-in. username: chandita password: chandita nakapasok ako, pero yun nga, yun yung may-ari ng blog na 'ako si tsanda'. Nasabi ko ulit, ayos ah, pareho pa kami ng ginagamit na password. chandita rin kasi ginagamit kong password madalas (pero pinalitan ko na ngayon lahat! asa pa!). aalis na dapat ako nang mapansing kong Chanda Espineda ang nakalagay sa profile. pagtingin ko pa lalo, chandita03@yahoo.com ang email ad. eh ano pa ibig sabihin neto? ako talaga ang may-ari ng account na ito!
sa chanda na naki-alam ng account ko, ang galing mo ah! nasaktuhan mo pati password ko. pero epal ka kasi pwede ka naman gumawa ng ibang account diba? pero tanga ka rin, di mo pa pinalitan profile. hindi ko na naman sana papaki-alaman to kung ibang name na nakalagay. hindi ako kasing intrimitida mo.takte!
mabuti na yung linilinaw ko.
hanep yung muli kong pagbabalik sa pagblo-blog :) natuwa ako!
basta, malalaman niyo na ako na talaga ito sa mga susunod na post. :)