Bakit nga ba hindi na ako nagbloblog?
Hindi dahil sa walang time. Online naman ako madalas pero ang dami na ring ginagawa. Well, wala naman nang reports or researches compared nung student pa lang, pero bat parang dami ko ginagawa. Sa tingin ko, dami ko kasi ginu-google. Bukod sa mga technical terms na naririnig ko tas wala akong idea, dami ko ring ginu-google na tao, lugar, company. At madalas din ako mag-google ng mga lugar na gusto ko bakasyunan. Hahaha. Syempre ngayong may work na, eh nakikisama ako sa hiyaw na "i need a break" ng mga pagod na sa kanilang trabaho. Kahit na wala pa akong isang buwan diba. Eh bakit ba, masama bang may target na puntahan? Bukod sa gusto mga gusto kong puntahan, eh tinitingnan ko na rin online ang mga gusto kong bilhin. Haba na nga ng listahan ko, pera na lang kulang. Tapos, dahil hindi ko na nakikita yung karamihan ng mga tao, eh nakiki-update ako sa tulong multiply. Hindi ko na kelangan mag elaborate pa tungkol dito.
Feeling ko, isang malaking factor na pumipigil sa akin sa tuwing susubukan ko gumawa ng entry eh yung kelangan ko pang i consider yung ita-type ko. Dati kasi ano man maisipan ko, go lang. Ngayon, kelangan kong isipin kung pede ko ba yun isulat, kung baka makasama yun para sa career ko. Naks, as if may career. Pero pano nga ba ang 'blogging ethics' for the professionals? Basta yung nde na student. Pero bakit nga ba pag student ok lang. Ok lang isulat kung anong school mo, anong course mo, sinong prof kinaiinisan mo, kung feeling mo bagsak ka sa exam. Bakit ngayon nde mo na pwedeng sabihin derecha kung san ka nagwowork, kung naiinis ka man, kung ano na nafifeel mo sa ginagawa mo. O well, hirap naman maging mature.
So ano na lang pede ko ilagay dito? Mga lakad, mga bakasyon, mga inuman, mga pangyayari sa kalsada. In summary, anything na nde kasama work.
Ay di ko pa pala napopost yung mga ginawa ko nung summer :)
Tuesday, June 10, 2008 at 8:29 AM