Meron talagang mga tao na hindi kayang manindigan para sa sarili nila. Hindi makagawa ng sailing desisyon, kelangan nakaasa pa sa iba. Ewan, nakakainis. Kahit nga nde ako affected dun sitwasyon, eh naiinis pa rin ako. Hehehe, dami ko kasi pinapakialman.
Anyway, ayun..iniisip ko lang. hanggang kelan sila magiging dependent sa mga lagi nilang kinoconsider? Hindi ko sinasabi na magrebelde sila (sa case ng mga magulang-anak), pero diba, sila nakakaalam ng sitwasyon, sila nakakaalam ng dapat nilang gawin. Ako, lagi na akong napapaglitn dahil sa late kong pag-uwi at hindi ko pag-uwi. Eh ano magagawa ko? Kelangan ko iyon. At pinapakita ko sa kanila na kelangan ko talagang gawin iyon kahit ano pa ang kapalit (minsan la ako baon..hehehe).
Minsan din hindi naman sa parents nakadepend, kundi sa friends. *ahem* Kelangan rin naman makisama na tipong medyo isysynchronize mo sched mo sa sched ng lahat. Pero nakakainis pag yung tipong hindi sila makakapagdecide kapag hindi pa nagdedecide iba.
Hayyy..nakakafrustrate talaga kapag nageexpect ka.
Wednesday, August 30, 2006 at 3:47 PM