nawawala.
ngayon rin pala ang deadline ng CRS. at hindi ako nakapag enlist nung 1st wave. so kung gusto kong makapag-enroll ng matiwasay next sem, kelangan ko na mag-enlist. at ang bagal bagal ng crs ngayon dahil marami rin siguro ang kagaya ko na hinintay pa ang last day para mag enlist. konti lang naman kelangan ko, tsaka walang GE. 17 units (lang) pero nakakawindang bawat clisk ko sa mga subject na iyon. Jusko, maipapasa ko kaya yon? Bahala na next sem.. Engg week pa naman (iniisip ko talaga yung engg week noh?)
haayy.. so far ok yung sem na ito. Wala pa kong singko (tres pa lang) at hindi pa ako naka tres sa 41. Yung 21 (na sobrang nakakahiya na talaga) eh singko ako sa tentative grades na pinost. Takte!! Nagpost pa siya eh super tentative nun kasi wala pa yung isang item sa exam at 50 lang ako sa problem set. Hmm, sa tingin ko naman makakatres pa rin ako. So bale 107 na lang. todo laban pa rin yun, pero medyo marami pa akong chance kasi nga may finals pa.
Inisip ko lang, mas ok tong sem na to compared sa last 2 sems. Eh mga last 2 sems eh sobrang ok ng buhay ko. Ngayong sem eh sobrang windang talaga. Ewan kung kapalit ba to nung pagiging magulo ng mga bagay-bagay. Bakit hindi ba pwedeng mangyari masaya ang buhay at masaya rin ang acad life at the same time? Inisip ko rin, sobrang daming nagbago sa loob lang ng isang taon. Pero kaya ko to. Kaya ko to.
Ako pa? Hehehehe.
Hihiga na ulit ako. today is my tulog-basa-iyak-nood-kain-live like a baboy- day.
Friday, October 14, 2005 at 3:17 PM