<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

he's back!!!

Reggy's here in manila!

Alam ko na naman na uuwi siya, pero kanina (kahit hanggang ngayon) parang nde pa rin nagsisink-in na andito siya, i mean nasa UP lang siya. Dapat eh susunduin ko siya talaga. Well, nasundo ko pa rin naman siya, pero wala nga lang kotse. hahaha! napaka walang sense. Pero kasi, sakto ba naman na sira yung kotse, sabi ng tatay ko namamatay-matay daw. Siguro kung sa UP lang ako punta, iririsk ko yun, pero hello, super south na para sa akin yung sa airport. Pano kapag nasiraan ako along edsa, sinong sasaklolo sa akin. So yun, so wala nga kotse. Plano ko nang hindi siya sunduin kasi wala na rin talagang sense, plano ko nang magsort buong maghapon sa tambayan. Pero kinonsensya ako nina Karen at Nina. Kasi, di ko na rin naman nasabi sa kanya na nde ko siya masusundo since hindi siya tumawag nung nasa changi na siya. Ayun, so nasundo ko siya.. at kamusta naman, ako yung mukang mas galing sa malayong biyahe. UP-airport-UP, ni hindi man lang sumayad pwet ko sa airport.

Pero ang saya talaga! =) tas sabi ko sa kanya nung hinatid niya ako pauwi, hindi na rin ako sanay na andun siya. eh parang nung jan-march, kundi mag-isa, si monde kasama ko pauwi. tapos netong summer, kundi ako sasabay kay mm, mag-isa rin uwi. Tas basta, iba talaga na namumuhay ka ng "single" kasi ikaw lang magdedesisyon ng gagawin mo sa araw na yun. Kaya medyo kakaiba na kanina.. Dumaan kami sa grocery tas may kasama ako, eh lagi na akong naglalakad mag-isa..Iba rin kasi yung kwentuhan, hindi lang puro chismis (uy monde! hehe)..Tapos pagkababa ko ng kotse bahay na namin (at hindi ako yung nagdrive). Hehe, basta parang, wow! andito ka na ulet. Pero ang bilis lang rin ng panahon, ilang buwan na rin pala..

At syempre, siya ang aking partner in crime sa pagkaen. Patay na, nung nalaman ko pa lang na uuwi na siya, inisip ko kagad kung saan-saan kami pwede kumain. Ahahaha! As in for the past months, hindi napunta dun yung isip ko na "planuhin ang pagkain." Seryoso, sinabi ko sa kanya na kasabay niyang bumalik ang appetite ko. Oh no! Shet talaga. Pero nako, kala ko pa naman sa mga kakaibang kainan kami unang kakain, "naka-book" na pala kami una sa Jollibee. Nge. Hehehe, pagbigyan, joke lang :D

Ang ganda pa ng bag na pasalubong niya! Volcom! Hehe, tsaka.. tsaka.. :D

Pati nanay ko naexcite na andito siya, sakto naman may spaghetti kami, na sobrang favorite niya kaya yun, saya saya niya. Masaya rin naman nanay ko kase may pasalubong siya, pati tatay ko. Astig talaga. Hehehe, tas nakakalula pa chocolates! Dala ako mamaya :) Meiling, may twix. Hehe..

Basta, shet, ngayon na lang ulit ako nakapag blog ng ganito. Iba yata talaga ang nadudulot ng pag andiyan lang siya :) naks! 22nd din pala namen ngayon. Nung una, sabi ko pa na nakakatamad na magbilang, maghintay na lang kami sa July. Tas sabi niya, magsusubtract ka lang naman ng 2 ah. Fine.. mas mushy talaga siya (sshhh! di na yon nagbabasa neto).

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

first pic after 4 months.. at ako talaga yung mas mukang ngarag.

ps. yan pala yung heart ko na hikaw na napagkamalang "maga" ng tenga ko.
********

On the other side, nakakalungkot kasi talo yung isa kong kapatid kanina sa basketball. Yung panagatlo, si giorgio. Well, liga yun dito sa village, magkaiba sila ng team ni Glenn (2nd kong kapatid. After elimination, 1st yung team ni glenn, tas 2nd sina Giorgio (at ang haba na ng hair ng nanay ko sa park, 1st five din kasi silang 2) and twice to beat sila. Sina Glenn, ok na, pero kanina, nalaglag na sina giorgio. Nakakalungkot talaga, alam mo yun, lalo na kapag alam mong nalulungkot talaga kapatid mo na it wasnt a nice game. Pano, wala ring ganun kagaling sa kanila, or kahit ganun man lang ka-energetic para magbantay at magrebound. Pero di ko rin alam kung anong meron sa 2 games nila, nde naman siguro sila mag 2nd kung wala lang.

Kaya nga gustong gusto ko basketball kasi feeling ko may drama sa bawat laro. Na parang goal makarating sa finals tas ilang games bubunuin then with just one game, ur out.

Pero yun talaga, di bale, may aabangan pang game nanay ko. Yung finals nina Glenn pati yung senior division na maglalaro naman tatay ko. Hahaha! As in naiimagine ko pa lang natatawa na ako. Kase, hindi naman sila sporty ng mga kabarkada niya dito noh. Kundi sila nagsasabong, eh nagtotongits at umiinom. Pero nakakatawa na nagprapractice sila ng mga 6am. Sobrang nakakatawa talaga.. seryoso na ewan. At eto pa, eh syempre kilala yung 2 kapatid ko dito, tas biglang eeksena tatay ko. Sa mga hindi nakakaalam, hindi kasi ganun katangkad tatay ko, hmm.. mga kasingtangkad ko siguro. Eh goodluck sa mga height ng kapatid kong lalake. So parang, what happened? San sila nagmana? Hehehe, ang sama ko. Pero most probably ganun naman iisipin ng karamihan.

Post na lang ako ng ibang entry tungkol sa mga basketball games ng mga kapatid ko, ng tatay ko at ng nanay ko (the manager). :)
Friday, May 18, 2007 at 12:07 AM

ayos

Ok rin pala na wala akong magawa kanina kasi nakapaglinis ako ng mga gamit sa paligid ng pc namen ngayon. actually karamihan eh gamit ko talaga pero syempre, mas nakakinis kasi halo halo na rin pati gamit ng mga kapatid ko. buhol buhol na rin ang mga wires na nakakirita nang tingnan pero wala akong ginagawa dun for the past few months. Naiyaos ko na rin ang mga cds, at sinipag akong alamin kung anong mga laman ng mga walang label. Astig kasi nakita ko yung cd ng cebu pics namen na matagal ko na ring hinahanap. Tas yung ilang mp3 cds ay nilabel-an ko na. Pero may mga ilan dun, actually medyo marami na porn. hahaha! takte, iniisip ko nga kung susulatan ko ng "porn" eh. ewan kung anong mafifeel ng 2 kong kapatid kung nakasort yung mga cds nila at ang mga yun eh nasa isang side. hahaha!

pero masarap din pala na medyo umaayos yung paligid. at least kahit paligid mo maayos.

susunod naman etong pc mismo, kapag meron na ako ng lahat ng kelangan kong installers, format na. ang tindi na rin kasi ng mga virus.

*******
minsan, may mga bagay na naiintindihan mo pero hindi mo mapilit yung sarili mo na ganun yung maramdaman. wala namang kaso talaga eh, yun nga lang, kelangan lang ng panahon para lumipas kung ano man yung nararamdaman na yun. at siguro, dadating din na babalik sa normal ang lahat. kelangan lang maghintay...
Monday, May 14, 2007 at 2:13 PM

IPOD SHUFFLE 2nd Generation For Sale

color: PINK!

3 months old (wala pa nga ata)
3,000 :)


hanapin niyo na lang yung pic..ang tagal magbukas ng photobucket.
http://www.apple.com/ipodshuffle/ <--ayan pala..yung pink na de-clip. wahehe...

baka may kakilala kayo na gusto. text niyo lang ako :D
Saturday, May 12, 2007 at 9:19 PM

New Post

Last week pa yung huling post ko. Wala rin kasing ganoong kaexciting na nangyari sa buhay ko, at walang ganung ka-idle na time para magpost. hahaha! wala daw eh lagi lang ako nakikipagdaldalan kapag nasa lab. Pero basta, nde na gaya ng dati.. Pagdating ko, magnenet.. actually YM. Tapos tulog.. hehe, kakapagod maghapon. Wala pang wednesday na rest day.. at higit sa lahat, BAWAL magabsent. Di ko akalaing psych101 ang makakapagpatino sa attendance at tardiness ko.

Pero astig din kahit papano yung mga bago kong natutunan. Clones, neurons, evolution, enzymes! hahaha! so not eee.. Pati emotions eh inaaral pala. Seryoso, diba kapag galit ka eh dahil galit ka lang. Meron pa pala yung components, perception of the environment chuva. Tapos meron din tungkol sa obesity. Syempre yun talaga eh. Pero super iba yung pagtackle niya. basahin ko ng mabuti para maisagawa ko..hehe.

Di pa rin pala ako nagtitimbang. Bano kasi yung timbangan sa bahay, paiba-iba. sipa-sipain mo, maiiba na naman.

(mapuputol kasi uuwi na kami nina DR, sana makapagpost ako sa bahay)

Yey! nakapagonline, balak ko kasing habulin si reggy sa YM matapos maputol yung tawag niya. Pero hindi ko na naabutan, eh sayang yung effort ng pagbukas..

Hmm...pero wala naman akong mapost. Anuba.. matatapos na summer classes. Gusto ko na ayaw ko. Sobrang daming gagawin. Thesis, wala talaga halos nangyari. Umalis pa si doc.. Tapos haharapin ko na ang 1st sem at malalaman ko na kung pwede ako sa oct o sa march pa. Minsan, ok lang, pero minsan nagsisink in sa akin na nakakainis na rin talaga ako. At syempre, nakakahiya sa mga magulang ko. 3 na kaming college sa june.. di na yata kami kakain. Hahahaha! Pero malamang malalampasan ko naman yun lahat diba? Tuloy lang..

Tas excited na rin ako matapos magsummer kasi magkikita na kami ni Reggy! yey!!!

Marami ako sana kwento pero nakakatamad. saka na.. long weekend naman eh.
Friday, May 11, 2007 at 8:21 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.