kawawa ka naman, may dinner celebration ng birthday mo pero wala ka. tsk, baka may kare-kare, hmm, caldereta? hehe, ingget na yan.. wala na nga akong gift eh mang-aasar pa.
actually matagal ko na narealize yan pero wala pa rin akong nasisimulan. hehehe, nagovernight ako dito kagabi para magnet, at magjog kaninang umaga. hehehe, adik. anyway, sobrang daming magbabago sa mga susunod na araw.
wala na sigurong bum moments at tsikahan moments. errr, di naman siguro completely wala (hello, ka-lab ko si monde! ahahahaha! joke lang monde); pero mababawasan. :) aba, eh magpro-proposal na. um, so ibig sabihin maha-high blood na naman ako. kulang pa mandin ako sa carbs so talagang mabilis ako maimbyerna lately. eh lalo na kapag malapit na naman mag-mock at wala pa kaming maprepresent noh? tapos puro exams... hay, gawd, 5 years ko na 'tong ginagawa at same old shit each sem. so nothing new to worry about :D
tapos, elections na rin sa erg.. awww :( wala lang, nakakalungkot lang isiping sa susunod na gagawin ng org eh hindi ka na yung isa sa may pinakamalaking "say". it's not about the power pero yung tipong, um di ko ma-explain. parang ito yung nafifeel ko nung naglalast march kaming mga officers parang sa CAT nung 4th year at kasunod namin yung mga incoming officers. nakakakilabot, hehehe. ewan kung may nakakagets sa akin. kasi kahit sabihing "i can still help" kapag hindi ka na execom, iba pa rin talaga kapag ikaw yung in-charge. ewan talaga, kahit na sobrang daming hirap para sa akin, its all worth it. basta para sa erg :)
at buti na lang walang problema kung sinong tatakbo sa committe ko. kahit lahat pa sila tumakbo, ok lang. each one of them is more than enough to handle such responsibilities. kaya go go go! lang. :D
at kahit nahihirapan na, masayang may inaabangan ka sa pagtatapos ng sem na 'to. i'm happy that we could afford to give the members the year ender that they deserve. after all ng lahat ng ginawa this year, sa lahat ng tulong, ng sacrifices at ng love para sa erg.. eto na ang kapalit. :D
************** some funny chuvas:
chanda: ay, patay na pala si ana nicole smith (mga friday ata yun, thurs siya namatay) eden: talaga? monde: sino si ana nicole smith? chanda: hindi mo kilala si ana nicole smith? eden: yung cover sa playboy! monde: eh kaya pala eh!
chanda: uy! nakita yung ______ ni ______. tangina, ________ ba naman siya! (parang ang bastos, pero hindi yan ganun kabastos promise, nde lang ako pwede magbigay ng kahit anong clue kase very crucial) monde: ahahaha! chanda: pinangatawanan! monde: ang naughty!!! :D chanda: tanginang comment.
mama: chan, may card ka galing kay Reggy. chanda: ahh... mama: dali, basahin mo na! chanda: excited!? mae: kanina pa nga yan gusto basahin ni mama eh. chanda: takte! eh di binasa ko na.. tas maya maya, mama: pabasa naman ako chanda: ano ka!!! ayoko ngaaaaaa!! (yung nanay ko feeling close talaga, eh nakakahiya kaya ipabasa) mama: anong sabi? chanda: anong namang sasabihin, basta! mama: may picture?? chanda: takte, ano, saudi style??? (diba nung mga nakaraang panahon, laging nagpapadala ang mga kamag-anak galing sa saudi ng mga pictures...) glenn: hindi uso kay mama internet eh. chanda: takte! itatago ko talaga 'tong card!
sa execom meeting...pinaguusapan kung sinong tatakbo para sa ARM: katkat: ay si ___ ano kasi, baka hindi na dahil... joma: eh sino ba talagang gusto mo!? chanda; OO NGA, EH SINO BA TALAGANG GUSTO MO KATKAT!? katkat: gustong tumakbo? chanda: eh yun naman topic natin diba? may iba pa bang issue... tas ang dami nang humirit.. (di ko na maalala kung sino exactly nagsabi eh) eh ang labo mo naman kasi katkat! ang tagal mo magdesisyon! naghihintay na si joma.. um, si kit,.. si emong, si kiwe, si ra.. katkat: (sa kagustuhang magantihan ako) ah, si reggy gusto ko! (reggy dumayas) kiwe: ay, ano ba yan, kaibigan pa namin!!! (issue na naman) chandat: walang kai-kibigan sa pulitikan, sa pag-ibig nga walang kaibi-kaibigan eh. at napahawak sa likod ko si kit.. hehehe
1: Kumain ka ba mula kanina? 2: ahh..umm, oo 1: nako, hindi ka na naman yata kumain 2: kumain naman ako kahit papano 1: pinapabayaan mo na naman sarili mo... 2: eh kasi nga.. 1: basta bukas.. i-promise mo na ayusin mo lunch mo 2: opo...
sweet no?
oo nga, parehong lalaki sa 1 at 2.
ano na reaction niyo? weird noh?
why can't they have a love story?
unfair talaga. pero pwede naman sana eh. If only they'll tell their own story and not let others do it for them. Kasi kapag iba gumawa ng kwento, may halong paghuhusga. Sila ang nakakaalam kung anong klaseng love story meron sila at sila rin nakakaalam ng tunay na nararamdaman ng bawat isa.
kakapagod pero masaya. friends kasi kami ng groupmates ko eh. pero actually, mas close close sila kasi mas matagal silang nagbond. isa ako dun sa "nawawalang" groupmates nila nung una.
ay oo nga pala, tulog ako halos sa biyahe. tipong gigisingin na lang nila ako kasi andun na kami sa destination. hahaha! eh ang sama pa kasi ng pakiramdam ko. alas dos na ako nakatulog kagabi galing sa sarahs. hindi magandang uminom habang nagdi-diet ka, kasi bukod sa busog na busog yung feeling mo habang umiinom eh mas may tama na agad. hehehe, eh ako pa!
ayun, so after nung sa bahay ni rizal sa calamba, sa kung saan-saan na kami pumunta. tipong papasok kami sa isang museum, "sinong bayani dito?" ahahaha! feeling siguro ng classmates ko sobrang patapon kong student.
at lalo silang nawirduhan sa akin nung lunch time. aba, eh may "party" pala kami at parang dapat may ma-i-share ka. yung isa, fried chicken, yung isa menudo at pansit dahil birthday ng kuya niya tapos yung isa eh cake. yung iba, mga kanin at ulam. eh ako, egg white yung nasa baunan ko! tahakte. diyahe talaga. "bakit white lang?"..."uhh..protein"... "weird ka pala". nice, nde ko masabi directy na "im on a diet" kasi baka matawa sila. inisip ko rin at that moment na baka iniisip na nila na sobrang poor ako kasi itlog ang baon sa field trip. nde ko naman sinasabi na pang mahirap itlog, pero gets? ibaon mo ba naman sa field trip. buti na lang at may binili akong cookies sa mercury nung umaga so may matino akong na-i-share. hindi ko na rin nilabas apples ko kasi ayoko na matanong-tanong ulit. in the end, kumain ako ng normal food today -_- walang rice pero fried chicken, cake, buko pie.
ay, meron pala dung 2 babae sa field trip. basta, napansin ko kagad sila kasi lagi silang magkasama at ang arte ng dating. eh minsang medyo napalapit ako sa kanila...
"I soooo want to take a bath! its grossssss.." -habang medyo pinapawisan na kami kakaakyat sa mga simbahan
"What the hell are they looking at those small holes" -habang busy lahat sa kakatingin sa balon
weird lang, sa UP pa sila nagenroll. basta, weird, buti wala naman akong ganung friend sa EEE. kundi, ihuhulog ko sila sa sapa.
at meron din 2 babae sa field trip. medyo nagka-hint na ako na butch yung isa. then bigla na lang sila nag-smack dun sa gitna ng pinagbibilhan ng buko pie. nice! ahahahaha! Rome and Juliet na ito Monde!!!
napansin niyo ba, wala akong kwento tungkol sa mga places na napuntahan namin, kundi dun sa mga tao. ahahaha! ay, upload ako ng pics sa multiply kapag nagka-time. chandita.multiply.com yung mga pics din namin nina jayrald, lendl, sherwin at lyand ilalagay ko na.
happy birthday sa mga tao! jayrald, jhong! :) lapit na rin berdey ni Reggy.. pede ba magpadala ng kare-kare sa air21? Saturday, February 17, 2007 at 9:06 PM
Kagabi eh nagbabasa ako sa PC, katabi ko yung pinsan kong 5years old at nakikitingin sa monitor.
Chanda: buurrrppp... Caitlin: nabusog ang baboy.
Takte! kahit bata inuungas ako. Nagsimula ito sa WCEL eh. Meron ba namang upuan dun na nasira dati tapos nugn friday lang, nakatayo na siya. Nakalagay sa likod eh "Ayos na 'to but for LIGHTWEIGHT persons ONLY." Diskriminasyon!!! ahahahahhaa!
Chanda: Takte. May chocolates ako na dadating nde kita bibigyan! Caitlin: Ay, ang sabi ko kaya nabusog ang payat!
*********
ang sakit ng likod ko ngayon kakabuhat nung GK :( aba, nde man lang ako naka stretch. tsaka kelan ba ako huling nagbuhat. pero masaya ang GK.. lalo na yung mga kulitan. pati mga batang nagsasabing "ang pangit mo kuya!!!" sa isang babaeng mem. Hahhaha! Sana maulit.
*********
Hindi na naman ako nakapag-sarahs nung friday. Ahay, takte kasi. Gusto ko na talaga nun pero ang kulit ng pinapagawa sa akin ng nanay ko. Nakatipid naman sa calories. Na nabawi nugn saturday sa pa-pizza ng RFiDSP group. Yellow cab! shet, kahapon na lang ulit ako nakakain nun.
********
At dahil dun eh namiss ko talaga si Reggy.. ayy, sad. Hahaha! namiss nung kumakain ng pizza. Eh kasi naman yun na yung pinaka-bonding moment namen. Fave talaga namin pizza tsaka spag with sausages. Pero since dapat eh diet ako, plao kong kumain sa Subway sa 14. ahahaha, kaso ang loser naman ata nun, wala pa akong kasama. Bakit kasi hindi na lang sa december ang valentine's day.Sunday, February 11, 2007 at 3:44 PM
Walang nangyayaring exciting sa buhay kaya walang masyadong post. Ewan ko ba, parang walang nangyayari pero lagi akong pagod. Um, meron palang mga nangyayari..hehe. Parang wala kasi wla namang mabuting nagiging epekto sa akin. Lahat lang ikinaka-imbyerna ko.
Nangunguna na itong tao na 'to. Wala na akong nakilalang ganun KA-INTRIMITIDA kagaya niya. Puchak talaga, hiniritan ba naman ako ng "sa wakas, tutulong ka na rin chanda." How dare you!!!! Wala pa namang sinisimulan sa paggawa nun diba? Ang kapal ng muka mo, pasalamat ka natigalgal ako pagkarinig ko nun kaya nde ako nakareact. Kung mabasa mo 'to, wala akong pakialam. Siguro naman wala ka na ring pakalam dahil sa pagkakaalam ko, lahat naman ata galit na sa 'yo. Backfighter! Wag mo ring subukan kantihin ako, hindi kita uurungan. Ilalagay ko sa manila paper lahat ng pinagsasabi mo at ipopost ko sa bulletin board. Hindi na kita kinompronta dahil gusto ko pa rin namang maging civil tayo sa isa't isa. Pakiramdaman na lang.
Isa pa 'to. Nakakairita yung mga nonsense questions mo. Stop making excuses..
Nakakalungkot din isiping may mga taong hindi maka-realize ng mga responsibilities nila. Shet, hindi class presentation yung mangyayari, big event. Ewan, kaya siguro kapag ako head, ang tendency ko eh gawin halos lahat ng pwede kong gawin. Pangit nga, kasi walang ibang natututo.. pero ewan, mas nakafocus ako sa "what would other people see in this event".
Nawawala nga daw pala yung isang Stupid Cupid poster. Baka daw janitor yung kumuha.. oops, wala naman sigurong janitor na nagbabasa ng blog ko so walang matatamaan :)
Sorry sa post, puro ka-imbyernahan. hehehe, PMS siguro. Anyway, dami pa babasahin. Bukas punta pa ako espanya, kukuha ng moolah! yey! UP ERG goes to puerto galera!!!! (the 2nd time) Sana nde maudlot. Sched na lang naman problema eh. :)