<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

5th kami sa FOPC

galeng! galeng ng ERG! :)
sayang, konti lang natulong ko. hindi pala ganoon kasaya yung feeling kasi alam kong hindi naman talaga ako isa sa mga todo naghirap para dun.sa susunod, hindi ko na kayo pagpapalit sa cebu. hehehe..
pero masaya ako para sa erg :) galing! buti na lang may mga tumulong talaga, yung todo tulong.

galing din ng statsoc! san niyo hinagilap mga binagsak niyo?!?! (hi bebs ang joevert)
congrats din sa circuit :)
yung iba nde ko na icocongrats. booooohhh!!! ahahaha. joke lang po.
Monday, May 30, 2005 at 10:33 AM

ilang pagninilay

at dahil wala akong magawa...
1. may mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin pwedeng manipulahin. Kahit gaano mo pa ipagdasal, kahit ga-timba pang luha ibuhos, kahit na sabihin mong 'ginawa ko na lahat'...hindi mangyayari ang gusto mo. Hindi mo mapipilit na matupad ang hinahangad mo, hindi mo mapipigilan ang mga bagay na ayaw mo. At ang mas masakit pa dito, hindi mo makukuha ang sagot sa mga katanungan mo. Bigong-bigo ka na nga, gulong-gulo ka pa. O kay saklap talaga no?
2. alam nating mamatay tayong lahat, bawat isa may katapusan pero lahat rin tayo hindi tanggap ang ganoong kalakaran.Alam mong mamatay ka rin isang araw pero nasa iyo pa rin ang mga agam-agam, ang mga katanungan.At ulit, wala kang makukuhang eksaktong sagot sa mga tanong, labo talaga.Kaya madalas ay kinakalimutan na lang ang alalahaning iyon, magpapatuloy sa buhay at magigising na lamang ulit kapag may malapit sa ating na puso na lumisan.Mahirap tanggapin na yung kasa-kasama mo bigla mo na lang titingnan sa loob ng kabaong, hindi na humihinga, kahit na sabihin pang nakangiti siya.Doon ulit papasok sa ideya mo ang sistema ng buhay.
3.sa kabila ng mga nangyayari sa akin ngayon, dapat maramdaman kong swerte pa rin ako.May nakakain pa kami sa araw-araw (sobra pa nga), may tinutuluyan, makakapag-aral pa kami sa dadating na taon, may kinabukasan na naghihintay kahit papano. May mga laging andyan para tumulong sa tuwing dapang-dapa kami. Nakukuha pa rin naming magbiruan, maglokohan, maggaguhan.Kaya kahit may mga pagkakataong gusto ko na lang magpakalayo-layo, hindi ko sila kayang iwan kahit madalas ay aburidong-aburido na ako sa kanila at madalas ko silang sinisigawan.
4.masarap ang feeling nang nakakatulong ka sa pamilya.Kahit na malalayong kamag-anak, masaya yung nakaktulong ko kahit papano.Yung mga akala mong wala nang silbi sa closet mo, pwedeng malaking bagay para sa kanila. Kaya naman kahit ang hirap bitawan ng ilan kong bag (na mahal na mahal ko kahit na hindi ko na ginagamit), nabawi naman yun sa mga ngiti ng mga nakatanggap.
5.hindi ko kayang tumira sa probinsya! mababaliw ako. Kahit na sabihin pang maganda mga beach, hindi ko kaya nang matagal. Mga 2 weeks siguro pwede pa pero pagkatapos nun no no no. Gaya nang pagpunta ko a cebu, nung mga dulo parang gusto ko nang magwala at lumipad pabalik ng manila. Iba talaga ang kinasanayan, kahit pwet mo maninibago pag nasa ibang lugar ka.Hindi ko rin pala kaya malayo ng matagal sa pamilya. Namimiss ko kagad mama ko. Naks naman, is dat me? Eh pag nandito naman ako, madalas ay wala sa bahay. Umabot pa nga sa puntong boarder na ang tawag sa akin dito.
6.hindi ko rin kayang maging housewife, feeling ko naman makakapag-asawa ako. Sige rephrase, hindi ko kayang manatili sa bahay ng mahabng panahon upang atupagin ang mga gawaing-bahay.Nakita ko kasi yun sa mga pinsan ko sa probinsya. Maghapon lang babantayan yung anak, maglalaba, magsasaing,maglilinis at maghihintay na lang sa sweldo ng asawa.Hindi ko sinasabing pangit yun, pero sa sarili ko, hindi ko kaya.Marami akong panagrap para sa sarili ko at alam kong hindi uunlad pagkatao ko kung ganoon lang (hindi ko minamaliit, lang..ibig sabihin wala nang iba) ang gagawin ko.Nasanay na akong always on the go tapos mabuburo ako sa bahay, isang malaking NO. as in N-O.
7.ang corny mag-asawa ng bata ka pa. imagine.. imbes na makipagchikahan eh maghuhugas ka ng mga tsupon. buti sana kung madatung ka o di kaya yung napangasawa mo at magkakaroon ka ng mga super alalay at pwede ka pang makapagpatuloy ng buhay mo.Pero sa hirap ng buhay ngayon, dapat talagang pag-isipan ang mga bagay na iyon. Mas masarap na kapag uwi mo sa bahay eh sarili mo lang ang papaliguan mo at ang laman lang ng push-cart mo eh non-fat milk at hindi Nido.
8.hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa mga taong malalapit sa akin. Kahit gaano pa kalaki kasalanan nila, kahit gaano ko pilitin sarili ko na magalit sa kanila.. kaya naman, sa sarili ko na lang ako nagagalit.waaaah!! ang sarap sumabog.
9.masarap ang feeling na alam mong may kakampi ka, laging may andiyan para sa yo. :)
10.naniniwala na ako kay princess, ang pag-ibig, parang pagjejebs, hindi pinipilit. Basta na lang mamalayan mong uupo ka na sa trono para ibigay mo lahat para don.
11.pero mahirap kalaban ang sarili. Sa lahat, dapat una mo munang itanong sa sarili mo kung ano ba talaga.
12.marami pa akong hindi nararanasan sa buhay.siguro nga dapat itabi ko na yung ideya na "bata pa naman ako eh" kasi hindi na ako bata. hello?! dapat unti unti ko nang i-set yung mga goals ko.Hindi yung tipong basta na langako pumapasok, mag-aaral pag exam. Siguro nga kaya magulo nangyayari sa akin kasi hindi ko rin plinaplano yung patutunguhan ko.
13.Masayang makita ulit ang mga kaibigang kasa-kasama mo noon pa. Kasi sa kanila mo malalaman na nagbabago na rin ang buhay. Iba na mga ichura, iba na rin mga pinag-uusapan.
14.naks, tumatanda na si chanda. Hindi ko namalayang iba na pala yung mga issue na nakikita ko. Siguro nga dahil magbebente na ako sa taong ito (yak!)
Sunday, May 29, 2005 at 12:57 PM

pag-palit ng design

gusto ko sana palitan na naman design ng template ng blog ko (since medyo umuulan na, nde na bagay yung beach) pero.. isang malaking pero. tinamad ako. hehehehe, tsaka gusto ko magkaroon ng adobe (whaaaat!?! chanda wala ka pang adobe!?!?). opo, wala pa. pero pinalitan ko rin ibang colors neto (medyo hindi lang halata) sa loob ng isang oras. at kasalukuyan na akong kinukulit ng kapatid ko na siya naman daw. bahala siya! ako ang batas!
basta masaya naman ako ngayon, pero naguguluhan pa rin. hindi ko pa rin alm kung ano talaga gusto ko. may moment na bigla na lang mag-iiba. haay chanda, sarap mo ihampas sa pader.
nakakalungkot yung nangyari kay vanessa :( condolence talaga.. hindi ko alam kung dapat ko bang sabihing "happy birthday" bukas.
Friday, May 27, 2005 at 10:08 PM

hay.. pag marami kang pedeng isulat saka ka naman tinatamad.
basta andito na ako sa manila at enrollment na pala next week.
Sana makapagpost na ako ng matino ulit.
at 5:49 PM

paalam

paalam relo.. :(
sa tuwing mapapatingin ako sa wrist ko, nalulungkot talaga ako.
wah! shetness. bakit kelangan mo pa mawala?

*ito yung relo ko na transparent. pinakanagagamit ko pa mandin yun. mamahaga sana yung kamay nang kumuha
at 11:22 AM

the art of breaking bad news

At dawn the telephone rings..."Hello, Master Carlos? This is Arnaldo your country house caretaker."

"Ah yes, Arnaldo. What can I do for you? Is there a problem?"

"Um, I am just calling to advise you, sir, that your parrot died."

"My parrot? Dead? The one that won the competition?"

"That's the one."

"Darn! That's such a pity! I spent a small fortune on that bird. Ohwell... what did he die of?"

"From eating rotten meat."

"Rotten meat? Who was so mean as to give him meat?"

"Nobody. He ate the meat of one of the dead horses."

"Dead horses? What dead horses, Arnaldo?"

"Why, those purebred ones that you had, sir. They died from all thatwork pulling the water cart."

"Are you insane? What water cart?"

"The one we used to put out the fire."

"Good Lord! What fire are you talking about, man?"

"The one at your house! A candle fell and then the curtain caught on fire."

"What the...!?! But there's electricity at the house!!! What was thecandle for???"

"For the funeral."
"WHAT BLOODY FUNERAL???!!!"

"Your mother's! She showed up one night out of the blue and I thoughtshe was a thief, so I shot her."
Saturday, May 21, 2005 at 12:19 PM

shit talaga.
1.sinisipon ako nung nakaraang araw.
2. ilang araw na ako di makakilos ng matino kasi may namamagang chuva sa likod ko (yak!) kung ano-ano nang gamot tinapal dito nang kung sino-sinong matanda dun sa baryo :( maawa na po kayo sa sugat.kung nasa manila lang talaga ako.
3.na-delay na talaga yung uwi namin. argh!! waahh!! sarap magwala. nakakahiya sa erg, wala ako sa tambakan ngayon :(
4. hindi ako nakaattend ng hs reunion. haayyy.. ito talaga pinakabadtrip sa lahat.
5. nagpaload ako ng 100 kahapon ng hapon, kaninang umaga, 4 pesos na lang.
6.hindi ako makajebs ng matino.
7.nakikita kong dumadami na kalyo sa paa ko. shetness, matinding foot spa kailangan pag-uwi ko.
8.uber na rin ako sa itim.
9.pakiramdam ko namamaga na ako.
10.mamomove na naman yung uwi namin. waahhh!!! hilahin niyo na ako dito. -_-
Friday, May 20, 2005 at 3:08 PM

Patay na si Leithold

nangalay rin ba kayo sa pagbitbit ng mahiwagang TC7?
mula high school pa nagpapabiogat ng buhay.
natapos ko na math series pero di ko pa rin nabubuklat lahat ng pages. hehehehe.

salamat Leithold :)
http://www.cnn.com/2005/EDUCATION/05/09/obit.leithold.ap/index.html
Thursday, May 12, 2005 at 10:49 AM

uwi na ko...

waahhh!!!!! kunin niyo na ako! baka sa 27 daw kami umuwi. di pede -_- patay ako.

pero naiinis na ako! naiinis na talaga ako. wala akong specific na obligasyon na naiwan, bakit ako pinipiga? Pag naasar talaga ako papayag na ako na sa 27 kami uwi. Wahhh!! bad trip. Nagtatalo ang kalooban ko. Gusto kong pumunta sa 20! Sa bagsakan at sa reunion. Ang labo ko talaga.
at 9:53 AM

1st week

yey! after 5 days of watching the sea appear and disappear.. im now in front of a pc :)

shit-head-ache
Masakit pa ulo ko. Kagabi natutunan kong uminom ng beer na beer at gold eagle beer. Ahahahaha! Meron pala talagang ganoong products. Tapos wala pang ice. Kaya niyo yon? Ewan, nasa culture na kasi nung place na mag-inuman lalo na fiesta. Kahit babae, kahit bata, umiinom. At sino ba si Chanda para hindi uminom? Hehehehe. Shit, hanggang 3am. Di ko pa ata nagagawa sa manila yun. Iba rin yung tama, hindi ko alam kung bakit.

seafoods galore
puro lang isda. malamang tabing dagat eh! normal food nila yun. almusal alimango, tanghalian calamares. pero kanina lahat ata may hangover, corned beef lunch namin.

b-o-r-i-n-g
grabe! boring din pala. Konti lang kasi kaming umuwi aya hindi rin ganoon kasaya. May mga araw na natutulog lang kami ni Ate Rachel, actually sa barko pa lang. Wala naman kasi magawa, dalawa lang kami, hindi ganoon kasaya ang kwentuhan. Ilang araw na rin akong nanonood ng wowowee! sinong di mawiwili..dahil sa game to.. ahahahaha! channel 2 lang meron sila! minamanas na ako kakatulog at kakakain.

signal
mahirap ang signal. period.

digicam
ang mapalad na digicam na hiniram ko sa pinsan ko ay 16mb lang pala, walang data cable na kasama nung binigay sa akin, at walang rechargeable battery -_- ang laking problema nung una kasi kailangan pa naming pumunta sa cebu city para matransfer yung pics. buti na lang yung isa nilang tito, may data cabe at may laptop. naaliw naman ako dun. lumuwas pa kami nung isang araw sa bayan para maghanap, nasa kapitbhay lang pala hinahanap namin.

emails
heavy! dami..di naman pwedeng delete all kasi may mga important announcements dun. Tapos na rin pala unang bagsakan, GO ERG! makakatulong rin ako pag-uwi ko :) chickababes, leche! ang daming messages!

NBA
3-3 dallas at houston!?! waahhhh!!!!!! kakaalam ko lang. go Houston!!!!!!

BORACAY
yeeeeyyyyyyy!!!! punta kami sa bora sa monday. galing dun sa tapata ng bahay, sakay kami ferry boat ng tito nila then 4-5 hours daw to bora. ahehehehe, biglaan lang pero ang saya. sulit talaga tong bakasyon na to.

yun lang nangyayari sa akin. nagpapataba. hehehe, samantalang yung iba papakahirap sa summer class nila! booohhh!!! loser! ahahahahaha. Masarap din magbakasyon pero sana kumpleto kaming magpipinsan dito. at sana andito rin sina mama para todong wala na akong paki-alam, sila na bahala :)

yan, sige.. 'hafta" go. hehehe. Dadaanan kami dito sa bayan kasi punta sa isang beach. buti naman medyo hapon na :) kasi sunog na sunog na ako sa hangin pa lang.
Saturday, May 07, 2005 at 4:44 PM

Minamalas

Nung ok na halos lahat, medyo nakapagpack na ako, namimili na ako ng grocery nang ilang kailangan ko nang mapansing kong giniginaw ako sa loob ng rustan's. Waahh! Nag-chill na ako nang mapagdesisyunan kong bumili na ng biogesic sa pharmacy sa labas. Akala ko, after ko uminom, mawawala rin yun. Pero hindi! magdamag akong nagdusa sa sakit ng ulo at lagnat! Bawat tatlong oras kelangan kong tumayo para uminom ng antibiotic at biogesic. At hinahalukay yung sikmura ko sa tuwing iinom ako kasi nakalimutan ko palang mag dinner :( Pag minamalas ka talaga, ngayon din kasi alis ko at kailangan kong umarte na nde na masakti ulo ko (kahit na masakit pa rin -_-) dahil baka pigilan ako ni Papa na sumama. Minsan kasi talaga tinotopak yun. At jusko! ayaw nila akong paliguin ngayon. Takte! 24 hours yung byahe sa barko. Pero pwede naman maligo dun :) At least, may chance pa ako maligo mamaya. Hehehe....

ERG sensya na nde makakatulong sa unang bagsakan (wala pa rin ako nababagsak). Pero promise sa pangalawang bagsakan, pati paghahakot pwede na ako. :)
THX yey!! gawa ka na!! namiss kita sobra :) pero ako naman aalis ngayon.
reggy wah! sorry, hindi na talaga ako makapagtext magdamag. Sobrang sama nang pakiramdam ko. Basta salamat sa lahat :)
rovina basta alis tayo pagbalik ko :) tsaka nung sunday ko lang narealize na ang layo pala ng bahay niyo. takte, pakikipagsapalaran yung pag-uwi ko.
QUESCI 02 kitakits sa reunion :) Pero bagsakan rin kasi yun eh..baka ma late ako.
bebs waaahh!!! booohh Dallas! May cable kaya don? sana meron -_-
princess tama nang pang-ookray. ahahahaha! maawa ka naman :)
katkat god bless sa dose ah. naku! yung classcard ko sa math. nakalimutan ko na talaga -_- bala na. :)
sa iba pang nagbabasa neto hello. swanget ng lay-out noh? Ahahahaha, yung picture parang ewan pa, yung sky lang kasama. Ayusin ko to pagbalik ko. :)

Sige peeps! mamimiss ko kayo :)
Bye Manila :)
Tuesday, May 03, 2005 at 3:53 AM

Bente

Sadyang hindi na ata mapipigilan ang panahon. Parang kelan lang iba pag pagkakarinig ko sa pangalan mo, akala ko kapangalan mo yung kontrabida sa 'Sarah, ang Munting Prinsesa.' Ang harot mo noon pa, kahit kakaumpisa pa lang ng klase at hindi pa tayo magkakakila-kilala. Medyo nakakainis ka, pero wala naman akong magagawa kasi medyo malapit yung mga upuan natin. Magkasama tayo sa bilog ng mga upuan kapag lunch non. Kaya naman pansing-pansin namin kung gaano ka kabagal ngumuya at kung paano inayos ng nanay mo lahat ng gamit mo para sa araw na iyon. Nakakatawang ang una mong crush ay hindi lalaki, na sobrang gulo mo pala talaga noong elementary. Naalala ko ring kasama kita sa unang offense ko sa school, yung sinugod tayo ni Jaguar sa room dahil sa ingay natin. Pero malaking grupo tayo noon, at hindi tayo yung constant na magkasama.
Hindi ko na talaga maaalala kung paano bigla na lang ikaw yung kinonsidera ko na bestfriend. Unti-unti ko nang natanggap na likas ka talagang late at nahawa na nga ata ako sa yo. Naiitindihan ko na kung bakit ka ganyan, madaldal, kengkoy, maingay pero ang mas mahalaga, nakilala kita sa likod ng mga tawang iyon. Maraming kababawan noon pero tinuring natin yung sobrang mahalaga nang mga panahong iyon. Gaya nang pagsabi ko sa yo kung sino ang crush ko, at syempre ng crush mo rin at crush rin nina ana, sushie, daryl, vanessa at ibang mga taong naging malapit sa tin. Ika fry, calcu..yan na lang naaalala ko sa mga code names ng crush natin. Di ko mapigilang mapangiti habang ginagawa ko to. Ang mga walang humpay na kwentuhan ng 'kilig moments' at mga pagbibigay ng payo na akala mo naman ay may alam talaga sa sitwasyon. Hindi ko rin makakalimutan kung paano natin iniyakang tatlo ni ana nang sabihin ko sa inyo na may balak ligawan yung crush niyo. Hahahaha! Natatawa na talaga ako sa kababawan natin noon. Pero gayunpaman, hindi ko pagpapalit ang mga alalaalang iyon. Mga kapraningan, mga kagaguhan, mga pantritrip sa ibang tao, mga simpleng kain sa SM na umaabot nang ilang oras dahil sa kwentuhan, ang walang sawang paglibot sa SM kahit wala namang tayong bibilhin, ilang oras na chikahan sa telepono, mga bagay na mag-papaalala sa kin ng parteng yun ng buhay ko at kasama ka doon.
Apat na taon tayo nagkasama at araw-araw halos na nagkikita. Hindi natin napansin ang mga pagbabago sa bawat araw na iyon, pero kung babalikan, ibang-iba na talaga tayo ngayon. Hindi man tayo madalas na nagkakasama ngayon, alam ko, at alam mo rin na wala pa ring nagbago. Hindi mo man nasasabi agad sa akin, at ganoon din ako, alam kong isang 'coffee session' lang natin ay magiging updated na naman tayo sa isa't isa. Oo nga, iba na ang level ng kwentuhan ngayon, hindi na natin pinag-uusapan kung nakatabi ba natin sa upuan yung crush natin sa araw na yon. Hindi na natin inookray yung mga babaeng nalilink sa mga crush natin. Wala na nga halos crush crush, may boyfriend ka na rin kasi :) Lumalalim na ang buhay at natutuwa akong hindi tayo mahihirapang intindihin ang isa't isa sa bawat sitwasyon. Ibang problema na ang pinaguusapan natin sa harap ng mga kape at pagitan ng mga naninigarilyo. Maaring hindi tayo nagbago sa tingin ng ibang tao, nandun pa rin kasi ang mga tawa at walang katapusang hiritan, pero alam ko at alam mo rin na iba na talaga.
At ngayong bente ka na, andito pa rin ako. Malamang sa pagtungtong ko ng bente ay andiyan ka pa rin. Hindi mo ko kelangang tawagan agad para magbalita kung anong bago. Alam ko namang kahit ilang buwan pa tayong hindi mag-usap, kilala pa rin kita. Oo, lahat tayo nagbabago, pero madaling makasabay ulit lalo na't alam mo naman yung core nung taong yun. :)
Happy Birthday ulit Rovina! haylabshuuuuuuuu!!!
Sunday, May 01, 2005 at 11:44 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.