<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

random

matagal na rin pala nung huli akong mag-post.
random things na lang...

1. medyo nagkasagutan pala sa egroups ng erg dahil sa 'blog post' issue.

2. sasali ako sa bagong org, IECEP. hulaan niyo kung ano yun! ahehehe. Pero sa tingin ko hindi naman siya ganon katindi gaya ng sa erg.. department-based rin. ay malamang, kasi pang ece peeps lang siya.

3. nadeliver na rin sa wakas yung raffle tickets para sa iPod mini. As in bigla na lang siya sumulpot sa tambayan. Nag-cut pa tuloy ako ng 44. Umpisa na ng sakit ng ulo. tsk.

4. 6.50 na ang ikot. grabe! sobra na pagtataas. 3.50 lang to hanggang 2nd yr ako eh. iniisip ko na ulit magdala ng koche. langya yan, san kaya ako makakatipid?

5. hindi ako marshall sa concert bukas at ok na lang rin pala. Ito yung concert na free para sa freshie. Astig talaga yung line-up ng bands. Naisip ko, nung mga hanggang 2nd yr ako, lahat ata ng concert eh pinapatos ko. Pero iba na talaga ngayon. Naisip ko na aabot ng 4am yun. Naku, eh hassle yung sermon at marami pa akong aaralin.

6. naasar na ako sa issue na kris aquino-james yap. homaygoodness talaga. ano na ba nangyayari sa mundo? parang kelan lang tinitilian ko rin yan si james yap kapay uaap tapos ngayon, hmmm...

7. isang kaungasan rin ang ginawa ni gloria. akala niya makikisimpatya yung mga tao sa kanya? hindi yun kagaya nung case ni clinton kasi tungkol naman yun sa pambababae. Tungkol ito sa kung siya ba talaga dapat ang presidente. puchak naman, gagawin niya talagang tanga mga pinoy eh. Inamin niya tapos wala namang mangyayari, siya pa rin nakaupo. Feeling niya siya si kris aquino na pagkatapos umaming may kung anong sex disease eh tinatanggap pa rin ng tao. Kung yung pag-amin niya eh tungkol sa sex disease pwede pa siguro.

8. hindi ko trip yung war of the worlds. Ewan, may kulang sa story..basta basta, hindi ako natuwa dun sa movie. pero buti na lang.. :)

9. langya, akala nila sa tambayan nakikipag-joke ako. ahahaha! walang bumibili sa mga reasons ko kung bakit nde ako sumasama sa kanila. si katkat lang kasi napagkwekwentuhan ko dun eh.

10. ay muntik na pala ako operahan. tsk. pero di pa rin pala sure. maghihintay pa ako ng results. pero ok lang to, hindi ko naman ikamamatay in case. wahehehe.

11. grabe! ang tindi ng mga subjects ngayon, napapatanga na lang ako. maraming beses rin kasi ako nag-absent kaya eto, nagbabayad ako...

12. masaya, magulo, hindi ko alam, pero ok lang, bahala na, magulo, pero ok naman, di ko pa rin alam, parang may ewan, ewan. :)
Thursday, June 30, 2005 at 8:55 PM

mga nakaputing uniform

Sa ngayon, nagkalat talaga ang mga taong nakaputing uniform. Hindi mo alam kung sila ba ay mga nursing students, o caregivers, o therapist o kung ano pang iba na puti rin ang uniform. Hindi mo rin masabi kung sino ba sa kanila ang estudyante pa lang at kung sino na talaga yung may lisensya. Maayos naman silang tingnan, malinis kasi kapag puti. Lahat sila taas noong naglalakad. Malamang naman ang naglalaro lang sa isipan nila ay "kikita rin ako ng dolyar."

Hit na hit talaga ang ganitong course ngayon. Pano ba naman, dolyar nga daw ang kikitain. Magpapakahirap ka pa ba sa accounting kung wala rin namang kasiguraduhan na malaki ang kita mo pagkatapos? Eh kung ang mga doktor nga kumukuha ng nursing units eh. Parang lahat sila atat na makalabas ng bansa at magpunas ng tae ng mga porenjer. Mag-aaral ka para magpaka-yaya. Anubayun! Eh dito nga sa atin kahit katorse anyos pwede nang maging yaya.

Ewan, bias nga siguro pananaw ko tungkol sa nursing fad na ito. Oo, aminado naman ako na pagkita ng pera ang isa sa mga dahilan natin sa pagpili ng ating mga karera sa buhay. Kaya ko rin pinili ang course ko dahil malaki rin daw ang demand para dito. Pero ako, hindi talaga pumasok sa isip ko na kumuha ng nursing. Wala rin naman kasing nag-suggest nito sa akin dati. Pero ngayon, sa tuwing may magtatanong sa akin kung bakit hindi na lang ako nagnursing, napapa-nge talaga ako. Hindi ko maimagine ang sarili kong nakasuot ng puti na iyon. Pero higit sa lahat, hindi ko maisip na magiging ganoon ang buhay ko. Mag-alaga sa mga may sakit, tumingin ng bp, mag injection, hindeee!

Tapos kanina lang, habang nakapila sm, sa sakayan ng fx, may mama na bigla na lang natumba. Akala ko nga may nanunulak lang sa likod ko, pero natutulak pala siya nung mamang nahimatay. Maayos naman pnanamait niya at marami pa nga siyang pinamiling goldilocks product. Kaya hindi ko rin maisip kung bakit siya nahimatay. Sakto siya sa may paanan ko kaya medyo lumayo-layo ako. Alam ko naman na wala akong maitutulong. Akala ko kasi ay bubuhatin na siya para dalhin sa ibang lugar. Nagkagulo na ang paligid, nagkakatinginan kung sino ang sasaklolo. Hanggang sa mahagip ng mga mata namin ang grupo ng mga kabataan na naka-puti. May nagsabi kaagad, "hoy kayo! first aid!" Pero wala, nakatanga ang mga nakaputi. Meron na lang sumigaw sa gwardiya. Meron na ring babae na nagpaamoy ng white flower. May nagtanggal ng butones ng polo at nagluwag ng belt. Mayroong nagpaypay. May nagsaway sa mga tao na lumayo-layo para magkahangin. Marami nang hakbang pero nakatunganga pa rin ang mga naka-puti na yun. Nakakapag-init ng ulo talaga. Eh gago pala sila eh. Mga ungas sila na nag-susuot nang puting mga uniform na yun. Ano yun, pamporma lang? Bakit wala silang alam sa first aid? Buti yung ibang mga nakapila. Kahit na sabihin nating estudyante pa lang sila, dapat alam nila yung mga bagay na yun kasi yun yung nature ng career nila.

Nakakainis. Halos kalahati ng mga tao ngayon sa bansa natin eh gusto mag-nurse. Pero bakit yung mamang nahimatay hindi man lang natulungan ng mga naka-puting ito? Nagtanga-tangahan lang ba sila kanina kasi baka madumihan lang yung mga uniform nila kapag tinulungan nila iyon? Naisip siguro nila na wala naman silang mapapala don. Wala namang dolyar. Puchak yan. Naleleche pa rin ako kapag naalala ko to.
Friday, June 24, 2005 at 11:39 PM

NBA/ hs friends

Sa wakas, nanalo rin ang kinampihan ko. Mula play-offs, lahat ng bet ko talo.

Kanina, parang pyesta sa lutong bahay at lutong kapitbahay. Ito nga ay dahil sa nba finals. Eh dun pa mandin kami maglulunch nina rovina. Tinext ko sila na wag na lang dun kasi malamang maraming tao pero kaya pala dun talaga eh dahil nanonood sina cesar at lillian. Pagdating ko, huling mga segundo na lang. Naaliw naman ako at lamang nga nun ang Spurs pero nakakabadtrip rin kasi hindi ko napanood. (Hanggang ngayon nde ko pa napapanood kahit replay.)

Pagkatapos ng game eh biglang nagsiwalaan ang mga tao at matiwasay na kaming nakakain. Ay, hindi pala. Kasi may dalawang lalaki na akala nila inagawan namin sila ng table pero nauna naman talaga kami dun. Ako hindi kumikibo pero umandar na ang mga katarayan nila..hehehe. Malas lang nung dalawang lalaki. Hay, pag kasama mo yung mga kaibigan mo nung high school, doon mo talaga mararamdaman yung mga pagbabago. Dun mo ulit maiisip na tumatanda na talaga kayo. Kasi iba na yung mga topics niyo, may sense na (kahit yung mga banat ganun pa rin). Tsaka kapag nangangamusta kayo ng ibang tao, kakaiba na yung mga sagot. Tipong, "buntis daw", "nagtratrabaho siya ngayon", "naalis na sa UP eh". Nakakatawa rin na napag-usapan namin kanina yung pagbabago sa mga porma ng iba naming batchmates. Meron na daw na tipong nagpa-salon tuwing pumapasok sa kapal ng make-up. Nge. Normal daw yun. Nge ulit. Eh parang napag-iiwanan ba ako ng panahon? Huling paglapat ata ng make-up sa muka ko eh nung debut ko. Tsaka putakte naman, late na nga ako, maglalagay pa ako ng kolorete sa muka. Mga ganung bagay yung makakapag-paisip sa yo ng sitwasyon mo sa kasalukuyan. Naisip ko kanina, ano kayang mga pagbabago sa akin? Ano kaya sinasabi ng iba kong batchmates sa tuwing may nangangamusta sa kanila tungkol sa akin. Tapos tiningnan ko rin sila, syempre marami na ring nabago.

Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

Kuha yan 4th yr ata kami. Usong uso pa nun ang Great Image. Hehehehe, kabangagan. Siguro hindi na nila tinitingnan yung mga ganito nila. Pero ako, hinalungkat ko. Wahahaha! Sayang, wala akong picture nina cesar nun eh..class pic lang. Pero bukod naman sa pisikal na pagbabago, eh mas malaking nagbago sa mga pananaw sa buhay. At kahit lahat pa magbago, masaya pa rin ako na lagi silang andiyan. :) Handang makasama ka kapag lunch na free sila, handang makinig sa mga problema mo, handang makidamay at handang kiligin para sa yo. Hehehehe.
at 10:19 PM

game 7 bukas

at sino kaya mananalo bukas?

SPURS o PISTON

noong una spurs talaga ako, akala ko pa nga no match. marami rin nagsabi na spurs. at spurs pa rin naman ako bukas. kung baga, dehado ang pistons. pero nakita ko yung kabangisan ng pistons nung game 6. kulang pa sa defense spurs samantalang hanep sa depensa sina billups at hamilton, na hindi rin pumapalya sa offense. sana lang may magawang hakbang si popovich laban sa kanila. malakas naman rin sina duncan at ginobli pero ewan, nung nanood ako parang may kulang. basta basta. may chance pa rin naman. malamang maraming tutumbang bangkero kapag nanalo ang pistons. buti na lang hindi ako nakipag-bet. harharhar.

abangan ko na lang replay. bad trip naman kasi eh..
Thursday, June 23, 2005 at 11:45 PM

sugat

hindi ako pumasok ngayong umaga kahit na..
1. may homework sa eee21 (na di ko pa nasisilayan)
2. may quiz daw kame sa eee101 (nagpaphotocopy pa mandin ako ng notes kahapon)
3. may quiz sa eee107 (zero na nga ako last quiz eh)
kase..
NAMAMAGA yung sugat ko! pagkatapos ko maligo, natripan ko siyang piga-pigain. Yak! ahahaha. may nana kasi at feeling ko mas gagaling siya kung mawawala na yun. Tiniis ko yung sakit tapos mas masakit pala pagkatapos. Minsan talaga gusto kong pasakitan sarili ko. Hindi ko na tuloy madikitan ng bandage sa sobrang sakit. Taka nakakadiri na rin pala siya. Yak yak talaga. Sairli kong sugat pinandidirihan ko. Hassle talaga pag ganito.

Marami talagang mga pasakit sa buhay. Minsan, sa kagustuhan nating humilom, nasasaktan na rin natin sarili natin. At may mga pagkakataon talaga na lumalala pa yung sugat na yun. Kaya naman sa pagkakataong ito, hindi ko na lang gagawin. Naalala ko tuloy si Rizal, hehehe, ang kanser ng lipunan. Hindi na natin maatim galawin dahil makakapagdulot lang ng labis na kasakitan. Ang dami ko na naisip dahil lang sa sugat na ito. Pero malamang ito, hihilam rin. Inuman ko lang to ng gamot hindi ko na mararamdaman yung hapdi. Sana lahat na lang sakit na nararamdaman ko ngayon kagaya nito. Masakit pero may kasiguraduhan kang hihilom. Sana lahat ng sugat humihilom...
at 10:05 AM

pero sana

hay.. pag wala talaga nakakamiss.
pero buti na lang naayos na kahit papano.
akala ko tapos na yung yugto na yun eh.
akala ko magagaya na naman sa mga nakaraan.
pero iba ito eh.
iba nga siguro to.
kung pano naging iba, hindi ko alam.
kung mag-iiba pa, hindi ko rin alam.
pero nag-iiba na rin naman ako.
ok nga eh.
pero..
pero kahit may pero, sana..
sana hindi na ako maguluhan.
sana gumaling na siya.
sana maging ok na lahat.
magiging masaya naman siguro eh.
sana wednesday na. :)
Monday, June 20, 2005 at 7:22 PM

Ang Aming Page

Grabe, mula before lunch pa ako gumagawa ng Fin page para sa sigsheet. Masakit na ulo ko, mata ko, kamay ko etc etc. Pero natatawa pa rin talaga ako sa kinalabasan. Kagaguhan! Ninakaw ko mga pictures nila sa fster. Harharhar. At least naiba na yung page ng Fin. Hindi na boring :)

Image hosted by Photobucket.com

Asteg diba? Natatawa pa rin ako sa tuwing makikita ko yan. Siguro pag nde niyo sila kilala medyo nde talaga kayo matatawa. Sakto yung muka ni lyand sa leon.

Image hosted by Photobucket.com

at nakakatawa talaga , kahit sarili ko ginago ko!!
at 2:21 AM

my day

Linggo ngayon.
Wala akong lakad, gaya ng kadalasan.
Gusto ko lang talagang nasa bahay kapag ganitong araw.
Wala rin naman kasing nagyayaya ng lakad kapag Linggo.
Um, uso rin kasi na dapat family day ito.
Pero sa kaso ko, ang araw na ito ay para sa sarili ko.
Chanda's Day kung baga.
Panahon para magpahinga, magpaka-bum at mag-cram kung kinakailangan.
Kahit walang pasok, maaga pa rin akong gumigising.
Pagkagising ko, dederecho sa banyo.
Madadaanan ko na nagluluto si mama.
Paglabas ko, pupunta ako sa labas para hanapin yung diyaryo.
At magbabasa na hanggang maisipan ko nang gawin ang mga iba ko pang dapat gawin.

Ganito ang normal na linggo ng umaga. Kahit marami akong gagawin, magbabasa talaga muna ako ng dyaryo. Kanina, naabutan ko siyang nagbabasa rin sa labas. Kinuha ko yung mga sections na hindi niya hawak at umupo sa kabilang silya. Walang pansinan, normal lang naman yun eh. Wala naman akong mahalagang sasabihin. Sa pagbuklat ko ng dyaryo, nalaman ko na meron palang kakaiba sa araw na ito. Father's Day pala. Kaya pala sa bawat section ng Inquirer eh puro litrato ng kung sino-sinong tatay at kadalasan, kasama pa anak nila. Lahat nagsasabi kung gaano kagaling na tatay yung tatay nila.

Pero ano ba sukatan ng kagalingan ng isang tatay? Sa dami ba ng na-iprovide sa pamilya niya? Sa mga morals ba na naituro sa mga anak niya? Magaling na ba yung naipadala niya sa eskwelahan mga anak niya? Mas magaling ba yung nadadala pa niya sa iba't ibang bansa mga anak niya? Mas OK ba yung may quality time para sa mga anak? Masama na ba ang isang ama na hindi maibigay ang kahilingan ng pamilya niya? Masama ba yung laging wala kasi nagtratrabaho siya? Masama na ba yung laging umiinom? eh yung nagsusugal? Pero merong mga sugalero na good provider. Meron rin namang laging may quality time pero hindi naman makapagpundar ng maayos. Wala namang specific na batayan eh. Kung sa mga ganoonng batayan lang, eh di sana masasabi ko na magaling rin siya. Pero hindi lang naman yun dun eh. Pwede niyong sabihin sa akin na 'depende kasi yan.' Oo, depende naman talaga yun. Para sa akin, nasusukat ang kagalingan ng ama sa puso ng kanyang mga anak. Kung walang nabuong hinanakit para sa mga kakulangan ng ama, magaling siya. Ibig sabihin, napunan niya ng iba ang puwang na dapat sana'y isusumbat sa kanya. Hindi naman talaga dapat maging perpekto, kasi wala rin namang perpekto. Ang dapat lang, matutong magpuno ang tatay at sana'y naturuan niyang umintindi ang kanyang mga anak.

Kaya kanina, sa bawat mabasa kong article tungkol sa kanino-mang tatay, nalulungkot ako. Katabi ko siya pero hindi ko mabati. Hindi ko kaya sa mga panahong ito. Malamang pagsisihan ko to balang-araw, ito yung araw na may pagkakataon pa ako para bumati pero hindi ko ginawa. Gusto ko siyang tanungin pero ayaw ko ring marinig ang sagot. Alam kong hindi niya rin gusto mga nangyayari. Pero may mga bagay lang talaga na ganon, yung hindi mo alam dahilan pero ganon na lang. Wala na akong magagawa, kahit sino wala na. Ang kaya na lang ngayon ay magpanggap na ok pa.

At kanina, hindi ko nakayanang magpanggap pa. Iniwan ko na yung mga dyaryo. Tuloy lang ang Chanda's Day.
Sunday, June 19, 2005 at 3:14 PM

eee batchmates

Bagong sem na naman. Panibagong set na naman ng long exams, problem sets, MPs, lab reps, at final exams. Pero sa tingin ko iba ang sem na ito. Iba na talaga mga kasama ko. Sa 107 na lang kami magkakasabay ng mga 'batchmates' ko. Wala na yung mga review overnights kina lyand na kapag tulugan na ay ganito kami.


Medyo maluwag pa nga yan sa lagay na yan eh. Bangag na bangag pa diyan si katkat.May mga pagkakataon na nagsisigawan pa bago matulog kasi nakalaylay ang mga paa ng mga nasa kama at tumatama sa mukha ng mga nasa sahig. At ayaw rin nilang tumabi sa kin kasi nadadagan ko daw sila. hahaha!

Wala na rin yung mag-aagawan sa pwesto sa dining table, syempre mas ok kung mas malapit sa master. Wala na yung pag-aawayan kung anong papatugtugin sa pc kaya nauuwi sa pagpatay na lang nito. Wala na rin yung magluluto at kakain ng kung ano-ano kapag alas tres ng madaling araw. Hindi na namin gagaguhin si Lyand sa kanyang power speech skills. Hindi na rin namin mapagtritripan yung burger machine sa kanto. Wala nang sisigaw kay katkat sa umaga kasi mabagal kumilos. Hindi na rin namin siya maloloko kay edu. Hmm...Nasan na nga ba tong mga to? Si Sherwin nasa usa/europe tour ng UPSA (sosyal eh), si Ayin nag-shift na sa GE (iniwan kami -_-), sina Geoff (master), Lyand (host, speaker), Lei (um, muse na lang siya) at Francis (at siya, escort) ay mga members na ng ExeCom ng ERG so busy na talaga sila. Si Paul naman ay busy kaka promote ng kanyang pelikula, Madagascar. Umasenso na talaga sila. Ang mga 02 na 'pseudo' 03 naman ay ganun pa rin, patawa-tawa lang kami ni edu, pero unti-unti nang bumabangon. At nagkaroon na rin ng iba't ibang kaberks sa mga 03 eh. Ayun, kaya kailangan na ng extra effort para magkasama-sama kami ulit.

Sana marinig ko ulit yung mga tawanan namin na madalas dulot ng kakornihan, kababawan at kagaguhan.



Tuesday, June 14, 2005 at 11:57 PM

topak

tinotopak ako netong mga panahong to
bigla na lang ganun
epekto siguro to
basta ang gulo!
gusto ko lang 'mapag-isa"
mapag-isa sa paraang walang magtatanong sa 'kin kung kamusta ako. kung nakagawa na ako ng assignment sa 41 pwede niyong itanong. pwede rin kung nakabili na ako ng libro sa 107. pero bukod sa acads eh hindi ko na alam isasagot ko sa inyo. tambak na dapat isipin. dapat nang harapin pero ayoko pa. kung pwede lang takasan at magtago.
pakshet.
emo na lang palagi. palagi na lang.
sana magalit na lang lahat sa kin para hindi na ako kamustahin.

Monday, June 13, 2005 at 6:07 PM

True Things About Me

INSTRUCTIONS:
1. Copy this whole list into your journal.
2. Bold the things that are true about you.
3. Get rid of all the other trash.

01. When I was younger I made some bad decisions. (i still am..)
02. I don’t watch much TV these days.
(summer's over)
03. I love psychedelic mushrooms.
04. I love sleeping. (hindi ako namimili ng panahon sa pagtulog)
05. I have loads of books. (and readings, grabe.. yun yung aaralin ko sa buong sem -_-)
06. I once slept in a toilet. (hehehe)
07. I love playing video games.
08. I adore marijuana.
09. I watch porn movies.
10. I watch them with my father.
11. I like sharks.
12. I love spiders.
13. I was born without hair and I still have no hair.
14. I like George Bush.

15. People are cool.
16. I have changed a lot mentally over the last year. (pagkatapos ng lahat, malamang!)

17. I have a Jacuzzi and a Porsche. (Porshe lang eh)
18. I have a lot to learn. (eee43,41,101,107, gusto ko rin matutong mag flash,dreamweaver,etc)
19. I carry my knife everywhere with myself.
20. I’m really really smart. (pagkatapos ng lahat ng singko at tres, oo naman)
21. I’ve never broken someone’s bones.
22. I have a secret.
23. I hate snow.
24. What’s twenty four?!
25. Punk rock rules.

26. I hate Bill Gates.
27. I love Chinese food. (bola-bola sa select!)
28. I would hate to be famous.
29. I am not a morning person. (patawarin..)
30. I wear glasses. (cute ako eh)
31. I don’t need glasses, except sunglasses.
32. I have potential. (*shyness*)
33. I’m pure Japanese.
34. My legs are two different sizes.
35. I have a twin.
36. I wear a padded bra.
37. I can ramble on about absolutely nothing.
38. I’m left- handed.
39. I hate llamas, but I’m one of them.
40. I don’t like horror movies.
41. I suck at climbing, but I love it anyway. <>
42. People hate me usually.
43. I love like pop music.
44. I hardly ever go to bed before midnight. (pero maaga na ako natutulog mula nung summer)
45. I hate parking fines. (malamang! lenshak yan!)
46. I know the National Anthem of my country by heart.
47. I know more than two languages. (uu)
48. I spend too much time on my computer.
49. I often want to throw out the computer in a window.
50. I live on a ground floor.
51. I don’t like chocolate.
52. I’d like to be more original. (astig ako eh)
53. I’ve lied. (i still am)
54. Cocks are my favorite birds.
55. I want to conquer the world.
56. I wonder what happens when you die. (-_-)
57. I’ve read all books about Harry Potter.
58. Eat your dog!
59. I love to exercise.
60. I hate chemistry. (hahahaha, si ana lang nag-enjoy sa chem 16)
61. I love to write.
62. I like changes.
63. I hate going to class.
64. I am afraid to die.
65. I hate dish-washing.
66. My hair is long, brown, and incredibly curly.
67. My nails are nine inch long.
68. My favorite color is black.
69. I like to sleep on the floor.
70. I am hopeless at cooking.
71. I sucked my thumb when I was little.
72. I should be doing something else rather than writing this. (natutulog na dapat)
73. I am online a lot. (pero di na masyado ngayon, sana tuloy tuloy na)
74. I hate the government.
75. I don’t have a boyfriend. (walang tataas ang kilay!)
76. I’m too nice for my own good.
77. I love to read. <newspapers and magazines. Period>
78. I don’t trust newspapers.
79. I like debating.
80. I live in a lagoon.
81. I clean my room once a month.
82. I’m scared of American fast food.
83. I am prying open my third eye.
84. I love Mozambique.
85. I don’t trust any religion.
86. I used to play with barbies.
87. I wanted to be a super hero when I was little.
88. I like listening to wind chimes.
89. I’m very disorganized.
90. My hair is long and straight.
91. I earn a lot.
92. I don’t like spicy food.
93. I keep a diary.
94. I can’t do cartwheels.
95. I am very lazy.
96. I’m sarcastic.
97. I think my hair is annoying.
98. I am very sensitive.
99. I love being abnormal.
100. My left eye is violet and my right eye is light blue.

got this from another blog whose owner happened to be a member of ** club (you dont have to dig to get that!) hindi ko po yun sinadya, nagkataon lang at walang issue tungkol dun. trip ko lang banggitin :)

Saturday, June 11, 2005 at 11:16 PM

'Good' Friday

The last day of the first week of classes went fine.

Fine, uh, except for EEE41 DC. Number one, Sir Hizon asked me the right pronounciation of my surname (like my surname's really complicated.) I remembered Sir Uy calling me ES-PE-NI-DA for the whole duration of CS 11 (didnt bother to correct him though). Im sure it's not mispelled in their list. Bisaya ba teachers sa eee? -_- Damn, it's easy as reading ba-be-bi-bo-bu! Number two, and because of my sensational surname, he was able to memorize it and call me to do nodal analysis in front. Uhhh, like im really prepared! I was learning that RAPE card game from 12noon till 3, just before that class (btw, the game's really cool, you need luck and the right strategy to win. and im getting addicted to it). Hayy.. and then i knew that i have to review my circuit analysis agian (and again).

THE SPURS WON!!!! yey yey yey!

Our 'jogging class with bob' pushed through. I was hesistant at first cause I thought that I'll be the only girl joining them, im afraid I can't keep up with their pace. Good thing DR was able to borrow shorts from Amiel so she was able to come with us, ah no, with me only. She became my partner and we can't jog forever so we just walked. We walked 2 and a half rounds of acad aval with lots of chismisan. I never thought that well get along, but she's really nice to be with. And we have the same mission, to lose weight! hohoho! We're not yet losing hope...hehehe. And our class is every Tues and Fri, if you want to join, just contact our instructor, bob. wahehhe.

But then..then then then.. I ate 2 cups of rice that night. I was really hungry! It was about past 7 when I decided to go home but Reggy texted that he'll give me the cd (Hale included :>). I met him in front of EEE since he was still nigs. And we decided to eat dinner. Tokyo tokyo.. unlimited rice -_- hell! i was really exhausted and hungry. I just ate till im really full. Hehehe.

That night, I easily dozed off (busog at pagod eh).

And now im listening to hale. Ganda! magugustuhan to ni edu, at hinihiram na rin ni katkat. Salamat Reggy! Marami pa rin palang ibang kasama dito. :)
at 11:53 AM

I-POD mini raffle

Bili kayo ng tickets(may 's' kasi marami kayong bibilhin diba?) sa kin ah.
Php 20 LANG!
Pwede kayong manalo ng I-pod mini for 1st prize, tapos 2nd and 3rd prize ay MP3 players din na nde pa napag-dedesisyunan.
Post ko na lang yung ibang info sa susunod.
Bili kayo, bili kayo, bili kayo!!!!
Ha?ha?ha?ha?ha?
Friday, June 10, 2005 at 7:02 AM

dami gagawin

Medyo nawawala ako sa sirkulasyon nitong mga huling araw. Meaning, hindi na ako sumasama sa mga labas, kain man o sine. Ewan ba at tuwing papatak ang alas kwatro ay nanghihina ako at parang gusto ko nang umuwi at matulog. Huwat!?! Si chanda uuwi ng alas kwatro? Eh dati nakakauwi ako na wala nang tao sa sala, tapos na lahat ng teleserye. Hindi na rin ako gumagamit ng PC masyado. So medyo hindi na rin ako nakikita sa YM. Wala na yung mga nagtatanong sa kin na "nagpapatay ka ba ng pc?" Wala na rin ako masyado kinakausap kapag online ako, kasi madalas invisible ako, o di kaya, sobrang dami kong binubuksang window kaya hindi ko napapansin yung mga nag-oonline (kahit may nagpa-pop na name nila sa lower right corner ng pc.) Tambak na rin pala kasi yung dapat gawin..kaya malamang hindi niyo ako makakachikahan sa mahabang panahon. Malamang mamimiss niyo ko. Hehehehe. Pero sa mga taga EEE, hindi. Araw-araw lang ako andun eh. Hmm.. ano na nga ba mga dapat kong gawin.
1. ACADS. hay, narealize ko na rin sa wakas na hindi pwede yung ginagawa ko dating pachamcham lang. Mag-aaral pag may problem set na. Ayokong ma-1 unit passed this sem (courtesy of eee44 na dahil sa kaswertehan ay napunta ako kay Sir Ivan). Kailangan kong aralin yung buong eee33, 35, 25, at isama na rin ang 21 ngayong weekend. Dapat serysohan na. Buti rin at masisiag mga kasama ko ngayon. hehehe. Yung tipong hindi ako aasa sa kanila at sabay-sabay kaming mag-aaral. Nakagawa na ako kahapin ng assignment para ngayon sa eee41 (na 8:45 at 7:00 na ngayon). Naks! eh ang usual na chanda eh mga 8:40 'gagawa' ng hw.
2. Raffle tickets. ako na ba gagawa nito? Pag walang umako eh di mapipilitan ako malamang. Wala pa akong software para dito. Kelangan daw next week meron na. Hmmm, mga tuesday ko dadalhin sa marikina then sana friday makuha ko na. "Next week' pa rin naman yung friday eh.
3. Marketing. Ang pinaka-epal na trabaho sa lahat. Kelan naman kaya ako tatawag? Eh HOLIDAY na kaya sa monday. Naeepalan na ako sa mga holiday na yan. Basta kelangan ko pa mag-dl ng fax software para makapag-fax ako. Ay, update pala muna ng contacts then fax, then update. Ang saya. -_-
4. FIN Page. Naaaliw ako dito kasi Madagascar daw ang theme namin. Nakakatawa. Sana lang magawa ko ng maayos. Sana matutunan ko yung photoshop ngayong weekend.
5.ARM drop box para sa applicants ngayong sem. Actually, excited akong gawin to. Eto kasi yung mga naeenjoy ko talagang gawin. :) Nde pa ata final yung theme. Pero sana magawa(maisingit) ko.
7. Iba pang gawain sa FIN. argh argh. Hirap naman.

Hindi ko na maalala a ngayon yung iba. At kelangan ko na maligo. Pagdasal niyo ko ah. :)
at 6:38 AM

emo

grabe, walang magandang nangyayari sa kin.

sa ngayon ay may 'emo chat' kami ni rovina sa ym.. siyaks... :(

kung pwede lang ipost dito mga pinagsasabi ko at pinagsasabi niya. pero hindi.. hindi ganon ka-open ang feelings ko para sa lahat. pasensya na. kaya sana hindi kayo mainis pag madalas akong topakin at mabad trip. hindi ko na kayang magpaka-sigla parati.

buti na lang nakapag-chikahan kami ni katkat kanina.
Wednesday, June 08, 2005 at 9:57 PM

First Day, how cool..

Sobrang bad trip ako kanina.
Bad trip to the nth level! Ngayon ko lang ata nagawa yun sa buong buhay ko..iniisip ko nga kung nag-inarte ba ako. Pero kung nde rin ako umuwi eh marami lang rin akong mahahawaang ibang tao kasi alam kong ibang klasend pagkabad trip yun. Hanggang ngayong bad trip pa rin ako.
Napuno na rin siguro ako, mula nung sermunan ako nung sunday..tapos samu't sari pang mga problema. Talo pa ang miami...May mga tao pang akala nakikipagbiruan ako. Meron ring walang konsiderasyon..argh! At nang hindi ko na makita ang block G9, at check opertor services na ang cellphone ko gusto ko na talaga magwala! I felt so helpless... Nagtitipid din ako sa gas at kaya lang ako nagdala ng sasakyan kanina eh para dun tapos napunta sa wala. Ginagago ba talaga ako!?! Dapat lang siguro nde na ako bumalik ng tambayan at dumerecho uwi na.
At wala pa nga akong kinaausap mula kanina, walang nirereply-an. Bad trip pa ako eh... Invi ako sa YM, kasi may mga taong ayaw ko talaga makausap.
Hay..hayy.. may mga taong hindi talaga maiintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi pa ba nila nahahalata, hindi na ako kagaya ng dati. Kahit gaano ko pilitin, hindi ko na maibabalik yun.

Tuesday, June 07, 2005 at 10:04 PM

Fete de la Musique 2005

June 18 2005, Saturday, 4pm onwards
El Pueblo, Ortigas Center

Punta tayo Princess! Hehehe. Si princess lang daw niyaya eh. Siya kasi yung kasama ko nung last na pagpunta. Actually kasama si ana pero andun siya kasi required :) Pero mahirap na nga pala mayaya sa kung saan mga tao ngayon -_- marami nang umuokopa sa oras nila. naks! mga inlab! ahahahaha. sige, basta kung gusto niyo pumunta, message niyo ko or text (para sa mga piling nakakaalam ng number ko. hehehe)
Monday, June 06, 2005 at 9:24 PM

leche

bakit hindi naglaro si wade nung game 6? tsk! naka-chamba tuloy! hehehehe
pero sheeeettt!!! sana sa game 7 maglaro na siya.

napapagod pa rin ako sa natanggap kong sermon kahapon. argh! malay ko bang yun yung gagamitin namin. iniwan kasi sa sta. cruz yung isang sasakyan. pero kasalanan ko talaga yun. hindi ako naglilinis, hinayaan ko lang bumagsak yung sticker (kasi nde naman naka-stick) at hindi ko kinabit ulit, pinapasakyan ko ng marami kaya bumaba na naman yung shock..in short, wala daw ako pagmamahal sa koche. at ka-leche-han pa na sinakay sa kin yung mga putakteng libro na nawala rin sa isip ko na nasa likod pala. kaya nung pauwi na kami at maglalagay na ng mga pinamili sa likod..tadadadadan! parang doomsday na. bat daw ako nagkakarga ng mga yon, bat nde ko daw binaba, bat ko daw hinahayaan na pasakyan ng mga ganon ng mga kaklase ko. waahh!!! pag minamalas talaga.

ayoko pa pumasok bukas... na stress pa rin ako.
at 4:04 PM

yeye miami

at nanalo nga pala yung miami :)
at malamang miami-spurs na sa finals.
ill bet my.. umm.. wala na akong ari-arian kaya wala na pala akong ma-bet. hehehe
basta! i heart wade pa rin at sana ok na siya :)

at 7:49 PM

miami dapat!

at isa sa dahilan kung bakit ayaw ko pang umalis ng bahay....
DAPAT MANALO MIAMI ngayon!!!!! kailangan kong mapanood!
miami vs spurs dapat sa finals.
waaahhhhh!!!!
I heart you wade!


Friday, June 03, 2005 at 9:01 AM

pers day

enrollment na kahapon pero parang walang sense yung pinunta ko sa UP. pagdating ko, punong puno na VLC pero wala pang 'payb' minutes eh nakuha ko na yung form5a ko kay paul. iba ako eh.hehehe. at pagkataos ay pumila ako sa SAL na umabot na ng alas diyes ay di pa daw ayos ang mga pc doon kaya akyat naman ako sa DSP para magpa-DEEERS kay geoffrey. Mga 10:15 ay kumpleto na talaga pero over sa cuteness na si chanda ay kinalimutan ang mga classcards so hindi siya makakapagpa-check. homaygoodness. kaya naman nanggulo na lang ako sa VLC hanggang bago mag lunch.
at naawa na ako kay lyand kaya naman pumunta na rin kami ni geof sa bahay nila para magtawag. pero pagdating dun nde rin ako tumawag, naiinis na sila sa kin. hehehehehe. tapos alas singko na nang umalis kami papuntang cubao para pumunta sa gonuts (sabi ni sherwin, dun kasi nila nakuha yung 100+ dozens nila ng gonuts) na akala ko alam nila pero nde rin pala nila alam. at ang main purpose pala ng pagpunta dun ay manood sa gateway. buti na lang nakakatawa yung madagascar! kamuka pa ni paul v. yung giraffe! ahahahahaha.
so yun, ganun na ang unang araw ng enrollment ko. past 10 nakauwi sa bahay tapos hindi ko pa alam magkano babayaran. at ngayon, tinatamad pa akong umalis, nadala na ako sa traffic kahapon -_-
at 8:14 AM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.