Major events, mini events, event ng org mo.
Simple lang naman, malalaro o magpeperform pero bakit halos magpakamatay lahat ng org para sa points.
Pang-apat ko nang eng'g week 'to (yes, pero si RA pang anim, hehe).
Nung panahon ni Maggie, 60 lang ata active mems, may awitan, may indakan, may jamengg (na lahat ata sila awitan din), and of course may mini events. Pare-pareho lang yung mga naglalaro, tipong pabalik ka pa lang galing sa isa mong event tas may makaksalubong kang mem na papunta sa isa at wala siyang kasama at kelangan 2 dun so go ka na kahit na kakain na pala ng sili sa event na yun. At may time pa na kelangan mo nang madaliin yung current event mo kasi may susunod ka pa at baka madefault. Stressful pero masaya. May mga nadedefault, meron ngang di na lang nag reg, pero naka-5th pa that time. Yun ata yung pinakasayang engg week, para sa akin ah. Aside from the major events na naipanalo, sobrang daming naipanalong mini-events. Sina Kiwe at Kit, apps sila nun, pero nag 1st sila sa Finger-o. Si Jiro walang nanood sa kanya pero nanalo siya ng cosplay. Yung naghawak ng miss engg, lahat kami new mems. At yung pinamasaya dun eh yung mga larong nakasama mo yung ibang mems na hindi mo pa nakakasama before. Instant bonding.
Sa eng'g week, bukod sa paglalaro para maipakita sa engg na magaling yung org mo, marami rin nangyayari within the org. Parang sa eng'g week yung peak ng transition ng members. Tuwing eng'g week mo maipapakita sa new mems kung pano lumaban para sa org, kung paano ibigay lahat, para sa org pride. Dito mo din maipapakita sa kanila kung paano sumuporta sa mga orgmates na naghirap magpratice magkaroon lang ng magandang laban. Dito nila makikita yung "puso" na laging sinasabi. At sa dulo ng eng'g week, mas lalo nilang marerealize na "masarap palang maging erg." Naks, hehe. Bakit kelangan ganon? Kasi sila yung susunod na old mems na magtuturo sa new mems. And of course, ang puso para sa erg ay di lang tuwing engg week, mag ra-radiate yan to other events (dapat :))
Nung execom kami, of course we're aiming na mataasan yung 5th. Ginawa namin lahat ng pwedeng gawin, org event handlers, affinity diagram, labas ng pera, just to make that eng'g week more remarkable. Pero di naiwasang may madefault na game, walang pwedeng gumawa ng videos, walang magaasikaso at di rin maiwasang walang maipanalong major event. We ended up 5th, and maybe that was one major frustration of our batch. Oo masaya, 5th ulit, pero kapag iisipin yung pagod and sacrifices, parang kulang. Im not saying na nde nagpagod yung ibang orgs, pero kasi kung icocompare yung effort nung sa last time, mas sobra yung naibigay, lalo na ng execom.
At ngayon, eng'g week ulit, ibang ERG na naglalaro. Mas maraming members, may cheering pa nga na seryoso (seryosong puso yung last year :D). Nag reg tayo sa lahat ng events, may affinity diagram pa rin. Kapag sinabi mong kelangan mo ng paint, instant na may bibili at marami pang handang magpaint ng props niyo. At may bonus pang pa meryenda. Grabe, eto yung mga mga hinihiling ng ERG dati, mga bagay na mas magiging ok yung mga araw kung meron neto. Pero bakit ganun, may kulang pa rin. We're just playing for the sake of playing. We're just there for the participation points.. hindi naman bawal matalo, pero yung may laban sana. Kasi masasayang yung hirap ng paggawang affinity diagram, masasayang yung lahat ng pagplano, at pinakamalaking sayang, yung effort ng mga nagbibigay ng todo. Yung mga nag practice ng awitan, indakan, etc. Nagsacrifice na sila ng time prior to start ng engg week, hindi ba natin kayang dumating ng maaga sa mga events na sinalihan natin? Naubos na nila boses at lakas nila, hindi ba natin mahagilap sa cabinet yung mga kelangan for dressengg at dumaan between 12-1?
Once a year lang ang engg week, mas matindi pa sa 1st exam ng es11, kasi dun pwede kang bumawi sa next 3 exams at may finals pa. Ang engg week, hindi ganon, sa wednesday, yun na yon. Kung babawi ka, next year na at ulitan na naman. Sa kahit anong victory, wala nang mas masarap kapag alam mong part ka talaga ng panalong iyon. Kahit mini event, sobrang saya kapag masasabi mong "ako nagpanalo neto." At di rin matatwaran ang ngiti sa mga orgmates kapag pagkabalik mo eh sasabihin mong "nanalo ako". :)May ilang araw pa, malabo man ang ultimate goal, laban na may puso lang ang kelangan para maramdaman mo ang huddle sa dulo.
Wala na talaga akong planong maglaro. Smokers lang, sabi ko tapos nood na lang ako ng ibang major events. Pero di ko kinaya. Hindi dahil feeling ko kelangan ako, they've got all they need, pero dahil gusto ko pa. Gusto ko pang lumaban para sa ERG. Im still hoping that my last eng'g week will be the best eng'g week.
_______________________________
ps. Hindi sapat ang puso lang? Of course kelangan din ng talent. Malas mo na lang wala ka nung pareho.
Sunday, December 16, 2007 at 1:28 AM