November 28 na at overnight pa rin ako dito sa lab. Pano ba naman kase, hindi ko pa inayos last week 'tong mobot namin. Eh mamaya na yung MADC. Ayusin ko pa yung program..test kung pag ni-load sa mobot eh gagana ayon sa kagustuhan ko.
Sarap mag-overnight dito sa lab ng wala kang gagawin. Bilis ng net eh.. aircon pa. At nakikita ko talaga kung gaano kasaya ngayon si EJ. Tapos na siya eh, as in graduate na, samantalang ako pawire-wire pa kanina. Langya.
Ayun, grabe din yugn sipon ko at feeling ko kanina nilalagnat pa ako. Pero muakng nde naman lalala kahit na nagpaulan kami ni EJ kanina sa KNL (Krus na Ligas). Nilibre niya ko dinner, ako naman sagot sa pamasahe. Ayun, sana mawala na 'tong sipon ko. (Kahit na nde naman ako uminom ng gamot o calamansi juice o water therapy man lang).
Saturday, October 28, 2006 at 12:14 AM