<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

lumalabong mata

Mabubulag na ako. Sobrang lumabo yung mata ko ngayon. Oo, as in ngayong araw lang. Masakit ulo ko maghapon tapos nagpa-check up ako nung gabi na. Ang dating 125-200, ngayon eh 250-275 na.

Mga posibleng dahilan:
1. pagcontacts ko? (?)
2. pagpupuyat tapos paghihilamos para magising.
3. pagbabasa ng mga lintek na BIT ERROR PROBABILITY na yan habng nasa sasakyan.
4. Pagbasa sa mga lecture ni geof nang pabaligtad, nasa opposite side kasi ako ng table.
5. pag-eexam ng 3 sa isang araw. Meaning, pagtitig ng napakatagal sa isang papel.
6. pagkatapos ay tititig sa kawalan kapag wala nang masagot.
7. pagte-text sa ngayong maliit nang screen na telepono.

_________________

Birthday ni Reggy, ni Lendl at ni Ma'am Joy ngayon. Happy berdey sa inyo! :)
Tuesday, February 28, 2006 at 12:34 AM

minamalas

So kamusta naman ang PILIPINAS?

Parang ERG noh? MINAMALAS.

Hehehe.

Pero hindi na nakakatuwa. Hindi na talaga. Pagkatapos ng lahat ng sakuna, nagkakagulo na naman sa lansangan dahil gustong tanggalin ang pangulo. Bulsiyet. Eh diba sila rin yung nagrally para maalis si Erap at mailagay sa pwesto si GMA. Tapos ngayon biglang "ooops, ayaw na ulit namin sayo. Palitaaan na. Iba naman." Eh mas mabilis si gloria. Naiimagine ko siyang nagsasabi ng "wag ka na boy" habang nagdedeklara ang malacanang ng state of emergency.

Ang resulta, walang pasok, nagkalat lang sa EDSA at pinakaba ang mga magulang. Magulang ng mga tiga-UP sa pag-aakalang baka sumama na ang mga anak nila sa rally. (Pero pag EEE anak niyo, naku, wag na po kayo mag-alala. Siguradong safe ang anak niyo kundi man sa lab niya eh sa bahay ng kung kanino man at nag-aaral ng mga bandpass filter.)

Pero ano nga bang magagawa sakaling mapaalis si Gloria? Papalit sa Noli? Ano naman? Para may EDSA kwatro na? Ay jusko. Ganito ba dapat ang paggunita ng 1986 EDSA Revolution? Uulitin? Kaungasan. Kahit sino ipalit sa pwesto, walang pagkakaiba.

Bilyon ang inaabot sa isang pangangampanyang pampangulo. Bilyon yun. Magkano lang ba ang kita sa isang buwan? Kahit hanggang kamatayan ng taong yun siya magsilbi bilang pangulo, hindi aabot sa bilyon ang kikitain niya. So bakit maraming nagpapatayan sa posisyong iyon? Maraming nag-aambag sa puhunan ng pagkapngulo. At dahil doon, dumadami ang mga "ka-tropa" niya. At kapag nanalo siya, syempre, hindi makakalimutan ang mga katropa. Kasama lagi iyon sa saya. At kapag may problema ang katropa, tatanggi ba ang pangulo eh maraming naitulong iyon sa kanya. Lahat ng nasa pwesto, magaling magpakita ng utang na loob iyan. So nakikita niyo na yung buong picture? Wala nang pag-asa kung ipagpapatuloy ang ganitong klaseng pamahalaan. Wala nang pag-asa ang Pilipinas.

Ang magagawa na lang ngayon ay maging mabuting Pilipino. Indibidwal na layunin na lang. Kahit sa tingin mo wala kang direktang tulong, sigurado kang hindi ka nagpapabigat.
Sunday, February 26, 2006 at 5:56 PM

Updates

Parang pagod ako. Es ano lang ba ginawa ko after ng examexamexam nung saturday?

Sat nyt-Natulog.

Sunday- "Day off" namin. ahahaha! namasyal sa glorieta. asar talo ako sa kapatid ko kasi mga katulong daw yung gumagala pag sunday. Fine. Eh sa may exam pag saturday eh.

Monday- Natulog?

Tuesday- Pumasok! At ipinagpaliban ang pagtutu-tor dahil sa isang pagkakataong mahirap palampasin. Treat nina Jayrald at Lendl ang dinner. Buti na lang! Kundi hindi ako makakakain ng minute steak na may steak (shempre), 2 scrambled eggs, mashed potato at pancakes. Totoo pala ang sinabi ni meiling na malaki (with matching hand gestures) ang serving sa Heaven and Eggs. Buti na lang talaga kasi ang saya saya. Saya magpa class picture sa timog, saya panoorin ang mga angels na waiters. ahahahaha. Saya magpakabusog. Yung mga pics pag nasend na lang sa akin.

Image hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket





pasensiya na, wala akong matinong mga pics dito.


Nakita rin pala namin sa Camille Pratts. Parang peke yung muka. Parang ang kapal ng make-up at braso pa lang, dapat hindi na siya nag fhm. Ahahaha. Nagsalita ang sexy. Ahahahahah.

At dahil late na natapos, nagovernight na lang kami kina mei. At ano ginawa namin? Nanood ng Cinderella Story! Ahahaha. Akala mo high school sleep over. Tapos yun na ata ulit yung overnight na walang exam kinabukasan kaya naman nauwi na rin sa chikahan. Mga past 3 na nga ata kami natulog.


Wednesday- La naman ako pasok. At paggising ko parang pagod ako, wala pa ako sa sariling kama ko then hindi pa ako makaligo kasi wala naman akong dalang ibng damit. Ahahaha. Patibayan na to. Hindi ako nagbihis nung natulog. Ahahaha. Pero stress rin yung mga ganitong overnight. Sabayan pa na tinatamad kaming lahat magsiglaw at eto pa, nanood pa kami ng Princess Diaries 2! Ahahaha. Tinodo na. Mga 12 na kami nakaalis kina mei. Akala ko mag-stay na ako sa bahay kasi napagod naman talaga ako at may tutor ako ng 7pm.

Pero, kelangan kong pumunta sa San Miguel sa Ortigas. Gash. Naghahanap ako ng ibang pwede pumunta pero wala. Buti na lang at ipinahiram ni Paul yung koche niya. Takte, bait talaga. Parang ballpen lang na pinapahiram. Pero masaya naman, sarap ng power steering. Nang-inis nga lang yung aircon dahil biglang huminto. Pina-check namin sa car aircon, yun pala, nagyelo na. Ay josko. Pero ok na.

Dapat mag-aaral ako pagdating pero nakatulog na ako. Naalimpungatan pa ako nang ginising ako ng kapatid ko dahil andito si Reggy. Hindi pa magregister sa utak ko hanggang ngayon kung bakit siya pumunta. Heheheh. Weird.

At Thursday: Dapat na akong mag-aral ng 141. Ajah!
Thursday, February 23, 2006 at 9:09 AM

rak at eee life

"Kamusstaaa YUU-PIIIIIIII!!!!"

Madalas ganyan yung sinasabi ng mga bandang nagpeperform sa pagtapak nila sa stage sa may grandstand. Walang puknat, UP fair na nga.

Ano?

UP Fair.

At kelan ako huling pumunta? Hmm.. nung second year ata. Oo, second year. Yun yung may naganap pa ata na stampede. Noon talaga, gustong gusto kong pumunta sa mga gigs. Alam ko yung mga bagong kanta at kakaiba talaga yung feeling kapag imaatend. Ewan kung sino ba yung kumupas, yung "rak" sa buhay ko o ako sa mundo ng "rak."

Eh kamusta naman ang "rak" scene? Nung lagi pa akong present, iyon talaga yung panahon ng sandwich, ng chicosci, ng greyhoundz, ng cheese at sige na nga, ng slapshock. Kahit hindi pogi yung mga myembro ng bandang yun, ewan, iba talaga karisma ng mga rakista. Kaya naman pag nilagay mo pa si Yael, Champ at Ruben, eh wala na. Kahit na monotonous na mga kanta, kahit na mababaw lyrics, titilian pa rin. Noon, lahat ng kasama mo sa gigs, ma-appreciate yung lahat ng bandang tutugtog sa gabing iyon. Sa ngayon, aasahan mo bang maaliw yung isang fan ng mymp pag tumugtog na ang cheese?

Hindi ko tuloy maiwasang maging nostalgic. Unang punta ko sa UP fair, kasama ko buddies (officer-mates sa CAT) ko. Ahahaha! Wala lang, natawa ako nung inalala ko pa yung mga porma nun. Tapos alas-kwatro ng umaga eh nagpasundo pa kami sa tatay ni andrea para dalhin kami sa bahay ni Joy.
Image hosting by Photobucket













graduation. wala na akong makitang ibang pic eh.


At nung nakaraan nga, umuwi si Joy from New Zealand. Siyaks. Sobrang kakamiss.. dami na ring pinagbago.
Image hosting by Photobucket













Gawa na lang ako ng ibang entry para dito.


At ito naman yung huling beses kong umattend ng album launch (1st album ng bamboo). Sa SM north pa. Actually, wala kaming kuha sa mismong scene. Sa mcdo yan.
Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket







Hula ko magcocomment ng matindi dito sa Princess. Ahahaha. Short hair!


At bakit nga ba ako hindi na nakaka-attend ng mga gigs? Bakit hindi ko na alam yung mga bagong kanta? Bakit wala kumupas na ang "rak" sa buhay ko? At hindi lang rak, bakit parang wala na akong social life? Bakit hindi ako nakakasama sa mga highschool batchmates ko?

It all boils down to my "EEE life."

Exam ba naman sa sabado ng week ng UP fair, at humahataw talaga sa taong ito, TATLO exam ko. At hindi lang yon. Exam sa bawat sabado. So kamusta naman ang tinaguriang "friday night" ko? Eh di walang humpay na pag-cra-cram (CRAMMING isa my life). Pero may Saturday night pa naman eh. Ay goodluck rin kung may lakas pa ako. Madali pa naman ako ma-stress pag acads ginagawa. So wala na akong chance na gumala, sumama sa mga party. Ay meron pala, monday night? At sinong lumalabas ng monday night?

Wohoooo!! Ang bitter ko.

At lahat tayo'y magdasal para sa nasalantang mga exams ko kahapon.
Sunday, February 19, 2006 at 10:26 AM

ibong adarna sa UP

Pag kelangan mo mag-aral, saka mo naiisipang gawin ang ilang mga bagay.

Gaya kaninang umaga. Maaga ako bumangon para magbasa pero nauwi na lang sa pag-gupit ko sa buhok ko at paglalaro ng sims.

Successful in a way ang pagpasok ko kasi pagkatapos ng sandaang taon, pumasok na ulit ako sa dalawa kong class tuwing MTh. Ang physics 103 at eee 105. At mas successful kasi hindi ako naging bato. Kasi ba naman parang nasasailalim ako sa powers ng ibong adarna (peram muna lei ah) kapag nasa mga klaseng ito.

At ngayon, imbes na mag-aral. Nanood ako ng tv at nagnet at pa-post post pa ako dito. Goodluck sa kin.

Mag-d-dc na ako at mag-aaral.
WAG KA NA BOY!
Thursday, February 16, 2006 at 11:14 PM

tamang...

kakaiba.

alas syete na kami nagkita. pero may meeting pa siya talaga, para sa conference nila bukas.

tas sobrang astig ng mga bulaklak. huling beses kong humawak nun nung debut ko, binili pa ng nanay ko. kaya tuwang-tuwa talaga ako.

tas may choco cupcakes pa. na sobrang hindi ko napigilan kaya kumain na ako ng isa.

at bumalik na siya sa meeting.

tas medyo nainip ako sa paghihintay na muntik pang maging dahilan ng gulo. hehehe. sama ko talaga.

pero ok na yun. madali lang lumipas.

kinain lang namin ng spag na may sausage at taco pizza.

takte, food stuffing ata eh. ahahaha. sobrang dami ko nakain, actually, namen. ahahaha.

kaya naman, para bumaba, nagyosi kami. ahahaha. tamang yosi.

tamang balentayn's day.

um, kahit ano naman eh. basta kasama mo yung taong nagbibigay ng tamang saya, tamang pagmamahal, tamang kalinga...

___________________
tamang nawalan din pala ako ng 500 pesos. takte yan! baka nakapulot kayo.
Tuesday, February 14, 2006 at 11:15 PM

naantok na ako para mag-isip ng title

>Hello blog.. 'Sup?
>>nothin much. bout you?
>uh, got 3 exams on sat -_-
>>aww.. bloody day.
> u bet! argh.

Ahahaha. Wala lang. Saya ka-chat ng blog ko. Minsan iniisip ko kung naprapraning na ba talaga ako eh.

Hindi na naman ako pumasok kanina. Maaga naman ako nagising kasi natulog lang ako buong Sunday. Pero may kakaiba talaga sa physics na yan at pinipigilan akong pumasok eh. As in every monday and thursday na lang. Whew! Kung di lang ako makapagpigil. Naku. Eh parang "kanto boy" pa ichura ng prof namin dun. Well, hindi pala kanto boy yung tamang term, kasi ang layo na niya sa pagiging bagets. "Sunog baga" na lang.. naaalala niyo yung mga sunog baga sa home along da riles? Yung kay Dolphy? Ayun! Kahawig niya yung mga yun. (Sir, kung nababasa niyo to, hindi kayo 'to. May isa pa akong physics class at siya yun. Pramis, hindi talaga kayo to.) Tas pag nagdidiscuss siya, ang sarap sabihan ng "wag ka na booyy!!!" (c/o mga kapatid ko)

Hayy, basta parang nag-shut down yung katawan ko pagkatpos ng careeer talk. Basta wala na akong paki-alam sa lahat. Heheheh. Naku, kelangan ko ng push para sa 3 exams sa sabado. tsk.

And today is valentine's day. Hindi ko ma-explain yung feeling. Parang may something na kakaiba tas nde ko point out. Feeling ko nga mas inaaalala ko pa ang araw na ito dati nung single pa ako eh. Or masyado lang akong maraming iniisip ngayon kaya nde ko ma-enjoy. Pati gift ko, cri-nam ko! Ahahaha. Buong buhay ko cram. At hindi ko pa to nasasabi sa kanya. Bukas ko na lang ieexplain. Sayang, dami ko sana ideas pero hindi na kaya overnight eh. Di bale, sinulat ko sa planner. Meron pa namang next year :)
at 12:09 AM

kwento

unti-unti ko nang nachechekan yung mga dapat kong gawin.
sana machekan ko na lahat.
at kapag nachekan ko na lahat yun, pwede na magsimula ang sem ko.

ang gulo-gulo na ng planner ko. parang puro doodle. ang ganda pa naman nun (hehe). ang gulo na rin ng desktop ko. sa paniniwalang mas madali kong ma-a-access kapag andun. But no. Halo halo na sila.. from jpeg, png, doc, ppt, gif, pdf eh andun. samahan pa ng samu't saring post-it notes. ang gulo-gulo na rin ng mga gamit ko. hindi ko na makita yung mga libro. natatakpan ng mga kapapelan.

kanina, pumunta ako ng recto mag-isa, para sa memo pad na souvenir ng careeer talk. sa akin, wala lang yun. pero sandamakmak na pangaral yung natamo ko sa mga tao. jusko naman, para naman akong bata nun. "mag-ingat ka, hindi ka pa nakakarating dun, hindi ka sanay dun. maraming manloloko dun," pahabol ng aking ina bago ako umalis (hindi niya alam na nakarating na ako dun nung hs, para sa mga shirts namen). hindi ko naman plano pumunta mag-isa dun pero yung mga tinanong ko, hindi pwede oh late pa sila pwede *ahemelingahem*. na-stress na rin ako maghanap ng kasama. (ganito na ako ka-stress, maghanap lang ng ksama..napapagod na ako. hahaha)

perstaym kong sumakay sa lrt2! yey! ang saya! walang ticket vendors! ahahaha. (pagpasensyahan niyo na, taong kyusi talaga ako) tas since mag-isa lang ako.. na-enjoy ko talaga yun. nangawit yung leeg ko kakatingin sa bintana. ang pangit ng view, puro buildings, pero tingin pa rin ako.

hehehe. pagkababa, canvass kagad ako.

unang store, 25 pesos. mahal.
pangalawa, 35. mas mahal. 200 pieces papagawa ko.
eh ayoko na maglakad pa sa magulong alley na yun. at mapapgod ako kaka explain ng papagawa ko.
sa pangatlo. "eh ate dati 5 pesos lang yun pinagawa. hindi lang ako ksama kaya hindi ko alam kung saan dito."
Nakuha ko ng 7 pesos. not bad. isang taon na rin ang lumipas at 12% na ang vat.
kumpara naman sa 25 at 35.
wala nga lang front page yun. ipapaprint ko pa sa sc bukas yung front page kasi prinepresyuhan niya ako ng 8each front page. ano siya, ungas? kaya nakaisip ako ng paraan na lalabas na 3 pesos lang isa. ipriprint ko bukas sa sc.
tapos ibabalik ni reggy sa recto. hehehe. biglang siya na.
may tutor kase ako eh.

tapos naisipan ko ring pumasok sa issetan. at naisipan kong magpa-trade ng phone. kaka-shock nga eh. pag-uwi ko, iba na yung hawak ko. ahahaha. pero kasi naman, feeling konti na lang talaga tuluyan nang masisira phone ko (kanina, hindi makapsok yung messages kasi puno na daw, eh hindi pa talaga puno!). kesa naman sa akin umabot yung pagkasira niya diba?

napapagod na talaga ako. wala na rin akong pera. as in. kahit pampamasahe. self-supporting na ako eh. astig.

mga gagawin ko before monday (hindi para sa mambabasa kundi para sa akin)
  • mail doc s and doc m about their scheds, and request infos for their introduction. doc s also requested for a copy og the programme.
  • PROGRAMME. haven't finalized yet. got this feeling that the talk will end at 7pm. patay.
  • call the "table rentals" ahahaha. takte, sabi ni lyand nung nakaraan, party table na lang daw. subukan niya na lang yun sa event niya. hehehe.
  • letters para ipagpaalam yung tarp at yung mga tables sa "silent zone". takte, nde ko kasi inisa na lang dati.
  • letters para sa message ni ma'am gev, doc r sa souvenir program. (sana humabol pa)
  • itext yung mga committee heads na may meeting kami sa monday.
  • maghanap ng mahihiraman ng water dispenser
  • mag-aral ng 105 at physics 103
Sunday, February 05, 2006 at 12:01 AM

STAB =STUB

argh! kainez. nakita ko na yung tamang site para sa intro ng labrep namin tapos na-close ko. ang tanga.

well, wala sa kalingkingan yun ng katangahan ko kanina. puchak. "stab" as in saksak/turok ang nagamit ko para sa "stub" as in coupons. sabi ko na nga ba eh, sana coupons na lang ginamit ko. kahiya-hiya sana sa mga labs. josko. naiimagine ko na kung pano nila 'to pag-uusapan.

eeestudent1: pare! free review daw oh! basta umattend ng careeer talk.
eeestudent2: eh takte, papa-stab ka ba!? (sabay kunwaring pagsaksak sa sarili)
at magtatawanan pa sila.
dudugtungan pa ng mga ganito...
eeestudent1: madugo pala tong careeer talk eh.
eeestudent2: ahahaha! sino kayang ungas sa erg ang gumawa niyang letter. ambobo ampucak. stab ba naman! ahahaha!
oo na! ako na gumawa.
eeestudent1: si chanda daw eh.
eeestudent2: ahahaha! amboploks pala nun. stab! stab! ahahahaha
oh shet, buti na lang talaga nakita ni jayrald.

laugh trip talaga pero diyahe. naghanap pa ako ng "arial" kanina sa tambayan. at ang last na kaungasan bago umuwi ng bahay:
tricycle drayber: saan ka?
ako: sa tripple e po!
tricycle drayber: ha?
ako: ay shet...
Thursday, February 02, 2006 at 11:58 PM

tsk

aaayyyy! (lei style)

pwede naman kasing sabihin yung totoo. sometimes, white lies can be very offending. kasi pinagmumuka mong tanga yung pinagsinungalingan mo eh.


Wednesday, February 01, 2006 at 11:07 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.