<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Sa friendster

You can now identify the people who viewed your profile.

Aliw diba? As in hindi na na lang tipong "66 people viewed your profile since blah-blah." As in nakikuta mo yung 66 na nag view.

Medyo nde na ako nagbubukas ng fster pero nung nalaman ko to eh bigla ulit akong nagbukas. Tas nakita ko yung mga nag view. Ang aliw kaya kasi sila rin tiningnan nung mga nakaraan. Iniisip ko nga kung ano yung mga nag udyok sa amin na i-view yung page ng isa't isa. Well, yung iba kasi bigla ko na lang nakita ulit, or biglang naka-ym. Yung iba, hindi ko rin alam kung bakit.

Pero ang panget lang dito, hindi nagwarn yung fster admin! Eh shet, ang dami ko kayang "fi-nish-an" na page nung nakaraang linggo. As in makikita nila na "o, sino tong chanda na nagview sa akin." O di kaya, "grabe, vi-nu-view pa pala ako ni chanda" Shucks. Nakakahiya kaya. Sana nagsabi sila ma tipong "warning, in next month makikita na kung sino-sino nagview so wag kayo open nang open ng pages lalo na kung secret niyo lang na pinagpapantasyahan niyo yung tao."

Ahahahaha. Ang babaw ng post na ito. Pero sigurado ako, hindi niyo mapipigilang i-check ang bagong feature na to ng fster.
Friday, September 30, 2005 at 10:40 AM

wag kayong magulo sa tagboard!

pag mahaba yung sasabihin niyo at tungkol naman sa isang post ko eh ilagay niyo na lang sa "comment" section.

hehehe, salamat sa dumadaan.
Monday, September 19, 2005 at 11:22 PM

wake me up...

when this week ends.

Gusto kong maglaho ng isang linggo. Sakto, mga hapon ng sabado ako dapat sumulpot ulit. Pagkatapos ng lahat ng mga aberya. Iniisip ko pa lang, na-stress na ako. Parang 70% ng buong sem pinagsama-sama ngayong darating na linggo.

Monday - quiz sa 21 (na 5% ng buong grade!!!!) I need this badly. Pero wala pa rin akong naaral hanggang ngayon. Wala akong alam kahit katiting kasi hindi ko na to inabot nung 1st take ko.
- 2nd exam sa 101. wala pa rin ako naaaral, um, 30% pa lang masasagutan ko sa ngayon. kahit na medyo may puhunan ako dito, ayoko pa ring sumablay.

Tuesday - quiz sa 43 dc. wala pa akong alam. Medyo may oras pa naman bago dito.
- pasahan ng problem set sa 21. ay goodluck sa akin noh. buti na lang may mabubuti akong orgmates. hehehehe. **move this to wednesday :) **

Wednesday - reporting ko sa CEL. Sa tingin ko, eto ang highlight ng week na to. Dahil solo lang ako na haharap sa mga mems at shempre kay doc M. Hindi ko alam kung malas at napili yung Zigbee kasi sobrang nahihirapan akong intindihin to. Hindi ko alam kung pano irereport. Hindi ko kayang blah-blah-hin gaya ng mga reporting sa mga GE.
- deadline ng documentation para sa MP1 namin sa 44. Abstract at references pa naka-assign sa akin. kelan ko kaya gagawin to?
- deadline ng lab report. Ok lang, malapit ko na rin to matapos.

Thursay- reporting sa 107. lately ko lang nalaman na sa week na rin to pala kami magrereport. 10% to ng grade namin at namumulaklak na 52% 42%!!!! takter! (mas takte) ang standing ko dito sa subject na ito. Kelan kaya ako magbabasa tungkol sa Loran-c? Waahhh... buti at hapon to. Hindi na lang ako papasok nito sa 21 at 101.
**hindi na, last pa pala kami magrereport, inungas lang ako ni francis. hehehe, peace francis! Basta, bawas sa sakit sa puso***

Friday- Problem set sa 43. Hindi ko pa sigurado kung fri nga to. pero ito na yung latest possible.

Saturday- exam sa 21 at 43. TAKTE. isang malaking takte.

malas lang talaga at nagkasabay-sabay ngayong linggo.

alam ko naman na humihinga pa rin ako pagkatapos ng linggong ito. Pero alam ko rin na kapag ginago ko tong week na to, tapos na ang eee life ko. hehehehe.

sabay-sabay tayong magdasal para sa akin.

at ako, dadagdagan ko na nalalaman ko sa 101.

_________
ps. ok sana yung "wake me up when september ends" pero nakukulangan ako sa lyrics. ewa ba.
pss. nakakainis yung nangyari sa cheering kasi yun ulit yung last year. parang naghintay ka ng buong taon pero parang yung dati lang rin pinanood mo. Hindi ko na rin mafeel yung UP. Sorry, magaling sila pero wala na yung dati. Akala ko nga nung una wala sila sa top 3. I love lasal pep! ahahaha! yung military theme nila astig! Nagpa-ikot pa sila ng riple. aliw aliw. Syempre, hindi snappy. Hay, naalala ko lang old days. :)
psss. wag niyo ko bwisitin ngayong week. lahat ng kinabwibwisitan ko, wag kayong magpakita.
Sunday, September 18, 2005 at 11:36 PM

pananaw ko tungkol sa...

Pinoy Big Brother

Hindi ko parati napapanood pero alam ko ang takbo ng mga pangyayari at kilala ko ang mga tauhan. Nasisiyahan akong panoorin sila kahit na sobrang babaw lang ng mga issue at hindi ko alam kung bakit affected sila ng husto sa bawat nangyayari. Eh jusko, after 3 months tapos na lahat! I mean, buti sana kung bestfriend mo yung nagalit sa yo at magngangangawa ka jan kasi sayang yung pinagsamahan niyo. Pero nakakabastos rin naman yung mga tipong "She's the cheapest boldstar." hahahahaha!

Si Uma, syempre siya pinaka-pogi dun kaya siguro hindi niya tinatantiya yung mga kasama niya. Hindi ko alam kung anong trip niya pagdating kay Cass. Plinaplastik at nilalandi niya. Sabay! Ay goodluck. Ang gagang Cass pa tinuturing na bestfriend tong si Uma. Sayang nga lang at hindi naipapakita sa tv yung mga maaalab na parts. hehehe. Sabay si Cass pa puro underwear lang ata ang laman ng maleta. Pambahay niya underwear, pang-exercise niya, underwear rin. Hindi ko alam kung sa bahay talaga nila naka-underwear siya araw-araw.
Sa Say at JB. Ewan, siguro sila yung mga taong tipong hindi sanay na walang kalandian. Si JB, feeling gwapo lang. Feeling. Si Say, halatang pa-conya talaga magsalita. Lalo na kapag nasa confession room at kausap si Willy tuwing weekend. Pero kapag kausap naman niya yung nasa loob ng bahay normal naman. Hinihintay ko na lang talagang bumigay ang dalawang to. Shet! Ipalabas niyo na sa cable ang big brother.
Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com






Si Bob, sayang gwapo pa mandin pero insecure siya kay uma. Kung mas malakas sana dating niya, siya magdodominate dun. Eh hanggang kay Nene at Raquel lang karisma niya eh.

Si Nene, feeling ko tibo. Hindi lesbian. Peor basta, halata naman na hiyang siya sa kilos lalaki.

Si raquel, pang-asar talaga. Ang babaw. Puchak, siya na nga yung ipapapayat siya pa magrereklamo. Basta ang babaw niya. Iyak pa ng iyak. At ang sarap niya sapakin tuwing weekend kasi pa-cute kay willie. "I Love you po!" Takte yan!
Image hosted by Photobucket.com






Si franzen, wala. Hindi ko alam kug bakit siya gustong paalisin ng mga housemates niya. Nahihirapan siyang makisama pero natural yun. Pero basta, ayoko pa rin siyang maalis dun.

Si jason ang bading. period.
Image hosted by Photobucket.com






Nung unang elimination, wala akong gustong maalis dun sa tatlo. Si Franzen, kasi ok naman siya at kailangan niya talagang panalo. alam ko rin na hindi talaga siya matatanggal dun kasi ang mga Pilipino, likas na mahahabagin. Kahit hindi nila kaano-ano si Franzen, hindi sila magdadalawang-isip na magtext para sa kanya. Sa Raquel, nakakinis talaga siya nung una. Pero yung week na bago mag elimination, naging mabait siya at nagustuhan na rin siya ng mga housemates. Well, dahil siya siguro taga-hugas, taga-linis, etc. Si Rico, feeling ko meron pa siyang magagawang issue sa loob ng bahay ng PBB. May itsura, may boses sa loob ng bahay kaya hindi ko inisip na siya matatanggal. Pero ok lang, sikat na sikat na naman ngayon si rico.
Image hosted by Photobucket.com






Nung time na yun, gusto ko talagang si Jenny na lang matanggal. Pano kasi, wala namang issue sa kanya. Kung baga, "pamparami ka lang" award ang pwedeng ibigay sa kanya. Kaya naman napataas yung kilay ko nung nabalitaan ko na aalis na nga siya kasi may sakit daw tatay niya. Wala lang, ang nasa isip ko eh binayaran na lang si Jenny para lumabas na. Kasi nga, wala talagang magagawang issue sa kanya! Ang boring kaya yun, gianawan siya ng istorya kahit papano bago umexit.

Ano naman kaya ang karter ng bagong ipapasok.
At sa susunod na elimintaion, malamang nag siguro matanggal na si Raquel. Mas marami sigurong susuporta kay JB dahil na rin sa ka-mushy-han nila ni Say.
Image hosted by Photobucket.com










At sana, gawan na rin nila ng issue si Chx. Hindi rin pala siya maganda gaya ng akala niya. Ahahaha. ang harsh. Sabi pa ng kapatid ko, para siang katulong na nagme-make-up. Dagdag pa ng isa kong kapatid, mas maganda pa yung dating katulong ng kapitbahay namin. Ang sanamn, hindi naman kami galit kay chx pero yun, ayaw ko na sa kanya sa loob.

Image hosted by Photobucket.com










____________________
alam ko marami rin sa inyong nanood ng pbb. Shet, eto ginawa ko sa halip na magsearch tungkol sa loran-c.
at 4:04 PM

pang-aliw post

natagpuan ko to: (tingnan niyo muna ng matagal)










kung erg ka, malamang isa lang nasa isip nating dalawa.





Si Paul!!!!!


(Si paul V malamang)


wala lang, tapos naisip ko, kahit anong shot, walang matinong kuha si paul.

tingnan niyo na lang tong mga to:

Kadalasan sa mga picture, parang hindi talaga siya "belong" sa grupo. Ewan kung may iba siyang iniisip habang nagpipicturan.
Image hosted by Photobucket.com






(malamang nahulaan niyo na kung sino dito si paul)








Kaya rin naman naging favorite na siyang picturan.


Kahit wala siyang kamalay-malay...

















o di kaya'y kahit ayaw na niya...

















pinipicturan pa rin siya.



kaya naman siya kagad ang napisil naming Melman (ng madagascar) para sa aming page





















(sayang nga lang at nawala na yung colored neto, tanga ko kasi nde ko nasave).

Marami ring sablay na hirit si Paul. Nakakatuawa talaga siya, pag tipong stress ka na sa tambayan, hanapin mo lang siya. Hehehehe. Pero kasi, mabait talaga to si Paul (kahit medyo heartbroken siya ngayon, ang tagal niya maka-get-over). Matulungin. Laging handang sagutin ang aming mga katanungan. Maswerte kami at kaibigan namin si Paul. hahahaha. basta peace tayo paul.

ps. meron pala matinong kuha si paul...nung nag-feeling sila nina lendl na body builder models. Sayang, wala pa kasi akong copy. Katkat! send mo sa akin para mapost ko dito. hehehe
Friday, September 16, 2005 at 10:30 PM

panggabi na ako

Grabe, ngayong hapon lang ako halos nakatulog. Pagkatapos kasi naming magdamag gawin yung MP 1 namin sa 44 eh di pa rin ako nakatulog nung pag-uwi ko. Kakaiba nga eh, nanghihina na ako pero mababaw lang yung tulog ko. Buti na lang nung hapon naging tuloy-tuloy na. Ang masama nga lang dun, hindi ako naka-attend sa interview ng CEL. arh. patay ako. pero wala na talaga akong lakas lumabas kanina.

Ngayon sana may lakas na ako, pero tapos na reporting. hehehehe.

Ako, si katkat at si paul p. ang group D sa 44. Actually, mas madali nga ata yung sa amin compared s aibang group. Bale kasi sa amin, papabilisin lang ng papabilisin yung motor sa pamamagitan ng pagcontrol ng field resistance. Eh sa ibang group, may papalit-palit pa ng direction ng ikot. Yung iba parang washing machine, may timer pa. Kami, delay lang naman. Ayun, swertihan lang talaga. Swerte pero inabot kami ng 5:30 ng umaga sa YIA. Mas maliwanag pala pag gabi dun sa hallway ng YIA. Heheheh. Pero creepy pa rin talaga. Kailangan mo magtiis ng ihi dahil kahit may sasama sa yo, hindi mo pa rin maatim na mag-cr. Nang maayos namin yung PLC, nagdesisyon kaming kumain muna bago i-wire yung motor. Gusto na naming matapos talaga para hindi na bumalik sa umaga at mahihirapan na rin dahil kulang sa equipments. kaya mga alas singko nang katukin namin si Sir Ivan at sabihing magpapacheck na kami.

Nakakabangag magpuyat pero mas nakakabangag kapag naiimbyerna ka. Shit, super inis ko na sa dahilang hindi ko maaring isulat dito. Ay grabe, kung pede lang magsisigaw, pero tiniis na lang namen dahil kailangan. Ang daming ka-epalang nagyari at buti nakapagpigil rin ako.

Pano ba naman kasi ang ano talaga ni ano. To the nth level. Ang kupal. Oo, plinaplastik ko na siya. Pero kinakausap ko na lang siya kapag academic thing yung topic. Pero sa mga hirit, deadma to the max. Nakakainis kasi eh. Puro kaungasan pinagsasabi eh.Nahigop ata niya ang bagyong katrina. Buti sana kung ano. Basta basta. dadating araw, babarahin ko na yun sa harap ng maraming tao para malaman ng lahat na mali pinagsasabi niya.

At nagyong gabi, magdamag na naman ata akong gising dahil sa mga dapat nang tapusin. Mas masarap naman talaga gumawa sa gabi. Kung meron lang mga panggabing class, mas masaya ang buhay, bihira pa ako malelate.
Wednesday, September 14, 2005 at 8:26 PM

para sa mga nasa lansangan pa ng hatinggabi

******
Finally, I am able to get over my initial shock, and write about my experience. The other Tuesday, Aug. 24, after the fellowship following our regular club meeting, I was on my way home to Filinvest I.


Around 12 midnight, my car (a late model Accord), was cut by another car with blinkers, and four men armed with armalites aimed their guns at me, and told me to open my door. First I thought they were policemen in civvies who had mistaken me for someone else, or whatever. But when they commanded me to board their car and demanded my wallet and valuables, I knew they were robbers and carjackers. To make a long story short, I was dropped at Macapagal Avenue at around 3 a.m. of Wednesday, but not before cleaning my ATM account, inflicting harm on my person, threatening to kill me, and firing at me (with the intent of scaring me).(And of course, taking my Accord earlier). Classmates, the following day (actually around 9 am of the same day, Wednesday) I reported the incident to the Central Police District. And lo and behold, I learned that so many incidents (about a dozen or more since the beginning of the year) like what I went through (remember, we are talking here of carjacking or taking your car at gunpoint, not just simple carnappingt!) had been taking place in and around the following areas:

1. Quezon Avenue underpass, crossing EDSA
2. Dark streets in the areas around Morato and around the West Triangle
3. Some areas in the Teacher's village, etc.
4. Commonwealth -- although I understand that my case was the first one on top of the overpass over Tandang Sora.
5. Some parts of EDSA - also in Q.C.

Another, and I just learned this later from non-police sources, is the flyover from Libis, going to Katipunan, and also the underpass tunnel connected to the flyover. (Here, as in the Quezon underpass, the favorite manuever is to sandwich the victim's car between two cars, one in front and the other behind.) Other carjackings have also taken place in other parts of Metro Manila, especially Pasig, but Q.C. is the epicenter of these incidents. Favorite time of carjackers (as distinct from carnappers who take vehicles while they are parked) is between 11 p.m. and 3 a.m. although some carjackings are known to have taken place even earlier.

The day after I was victimized, another similar incident took place (probably by the same gang), with a 26 year old woman, the daughter of an executive judge of Zambales, as the victim. She tried to parry an armalite aimed at her and apparently, the gun went off, hitting her on the thigh, shattering her femur. Let's pray that she will recover soon, and that she will not lose her leg.

Before me, it has been rumored that the son of a high official of the PNP was almost victimized, but for the fact that his driver, a policeman himself, told the robbers he was a policeman, and
that his passenger is the son of this high official of PNP. (The robbers had the temerity to ask for
IDs of the two before letting them go.) Other victims: a priest, a money changer, a couple with a daughter, another couple, etc.

According to the police, even kidnappings are rising. Let's be careful but not fearful. Let's inform our children about what's taking place. And maybe suggest to them that, rather than go home during those unholy hours (11 p.m. to 3 a.m .) better if they just stay where they are or stay with a friend at his or her place, rather than go through the no-man's land that is Q.C. (or parts of it anyway!).

Note: If you or your children have to really drive during those hours, better to take the Commonwealth / Tandang Sora crossing at street level, where there are many vehicles, people and a police outpost.

Take care, my friends! You don't want to go through what I have gone through.

*******
Nakuha ko to sa yahoogroups ng erg. Grabe, nakakatakot. Kahit kanino pwedeng mangyari to. Dati, feeling ko, basta nasa kotse ako, safe ako. Hindi ko pa ma-gets yung point ng nanay ko na mas nag-alala siya sa akin pag may dala akong koche (sa tingin ko nga mas nag-aalala siya sa koche eh. hahahaha) Tsaka mas masarap dumaan sa ibabaw ng flyover sa tandang sora diba? Feeling ko nga mas scvary sa baba kasi ang dami pang tao, yung mga barker. Mas masarap rin umuwi sa mga ganyang oras ng gabi dahil wala nang katrapik-trapik.

Delikado mag-koche, delikado rin mag commute. Hindi rin porke maaga ka uuwi safe ka na (sina katkat, muntik na mahold-up nung papunta pa lang sila sa UP para sa isang exam, so maaga pa talaga yun). Wala nang safe napagkakataon. Pero hindi naman natin kailangan magpakaparanoid na tipong hindi ka na lang aalis. Dapat ienjoy pa rin natin ang buhay, syempre, kaakibat pa rin ng pag-iingat. :)
Sunday, September 11, 2005 at 1:17 PM

haaayy...
kapag meron kang dalawang pwedeng gawin
pero kailangan mo lang mamili ng isa
at i-give-up yung isa
tapos, hindi rin pala mangyayari yung pinili mo
maiinis ka diba?
pero wala ka na rin namang magagawa
dahil hindi mo na magagawa yung isang dapat sana ginawa mo

pero basta nakakalungkot pa rin.
sarap magsisigaw.
leche.
waahhh!!! arghhhh!!!

pero malamang panahon na rin ito para alamin mo kung nagdedesisyon ka pa ba ayon sa mga prayoridad mo. hmmm..tama. dahil ayoko na ulit mangyari to.
Saturday, September 10, 2005 at 12:23 AM

tulog

shit. may pumitik na ugat sa may leeg (malapit sa kanang panga) ko.

mamatay na ba ako?

ewan.

alam ko naantok na ako.
nde ko maggawa pa yung abrep namin sa 101.
nde pa ako nagaaral sa 41.
nagupdate din ako sa lj ko pera kaungasan lang yon.
masakit na mata ko.
excited akong pumasok bukas.
tutulog na ako.

di pa ako namamatay...
Thursday, September 08, 2005 at 1:29 AM

hanggang sa dulo...

Grabe, pulang pula na yung calendar ko sa telepono. Ibig sabihin, puro na may laman ang mga araw. Matindi na talaga hanggang sa dulo ng sem... Goodluck na lang sa akin.
Tuesday, September 06, 2005 at 2:33 AM

HIRITs Part1

punong-puno ng alaskahan at banatan ang araw na ito.

umaga pa lang. hindi ako nakapasok ng eee21 (na sinumpaan kong papasukan ko na) at medyo late na rin ako sa eee101. Sa may parking lot pa lang yun ng eee nang..

Chanda: Oi!
Medyo malayo pa ako nun. hinintay niyang makalapit talaga ako bago..
Francis: Ilang beses ko bang ipapaalala sa yo na naka-enroll ka sa eee21?
Shet, suplado na naman ako. Ang hirap talagang pumasok nang nasa oras. Sa isip-isip ko, "gago to si francis ah, kala naman niya pumapasok siya parati." At inisip ko rin na makakaganti ako sa kanya. hehehehe.

Kaya naman nung eee107 namin...

Si francis, hindi na tumabi sa amin ni katkat pero andun siya sa row na nasa likod lang namin. Feeling niya kami ang hindrance sa pangarap niyang pumasa. Medyo hyper na rin siya nun kasi natupad na ang kanyang hiling na magsolve na si sir Umali para naman matuto kami at pumasa na sa mga exam.

Excited kumopya, humingi na ng papel kay katkat.

Ako pilit kong iniintindi pero ewan, may pumasok na naman isip ko kaya nde na naman napanalunan ni sir umali ang atensyon ko. Alam ko si Katkat ay nagpapanggap lang rin na nakikinig.

Maya-maya, lumingon ako. Ang Francis nakatulog na. Yung ulo niya nakatungtong pa sa desk. Hanep, akala ko ba masaya siya dahil nagdederive na si sir Umali. Kinuha namin yung papel na sinusulatan niya at ang masaya dun, sinulatan ko ng..

Pano ka papasa kung lagi kang tulog!?!?- Mr. Umali

tapos binalik ko sa desk niya! Bwahaahhahaha!!! Kung makikita niyo lang muka niya nung naalimpungatan. Sobrang nahirapan kami ni katkat magpigil ng tawa.

Pero di lang pala sa amin minalas si francis kanina. Sa interview rin pala ng isang app...

Mem na nagiinterview: Mag-bigay ka ng word na i-aasociate mo sa execom na sasabihin ko..
At nagsabi na nga ng mga pangalan ng execom, nang dumako sila kay...
Mem: Francis..
APPLICANT: PAWISIN!

bwahahahaha!!! Haler!?!? ang mga ineexpect na sagot dun, tipong "masipag" "palangiti" "mataray" etc.. Ang masaklap pa rito, saktong pumasok si francis sa room na iyon na kagagaling lang niya sa kanyang PE. Eh malamang pawis na pawis siya! sakto! ahahahaha!!!!

Sa interview rin eh may mga situational na tanong. Tipong mamimili ng tatlong execom na isasama sa isang island tas biglang may beast. Ang point ata dun, basta may isang igigive-up yung applicant kasi nde na pwede sa cave na pagtataguan nila.

Mem: Sino ang i-gigive-up mo? (meaning mamatay yung execom na ito dahil malalapa ng beast)
App: Si Sir Lyand na lang po.
Mem: Bakit?
App: Para po madaling mabusog yung beast!

bwahahahaha!! Sa mga nde nakakakilala kay lyand eh siya ang pinaka sekseh sa execom. Siya yung lion dun sa dati kong pinost na page ng committee namen. At para marefresh kayo.. eto siya:

Image hosted by Photobucket.com

Benta rin siya sa mga questions na may bodies of water na scene.

App: Para po madali kaming lumutang.

Langya, kahit app lumalabas na yung kagalingang humirit. Ahahaha. Sa ERG talaga madedevelop mo tong talentong to.

Marami pa akong naiisp na banat pero gagawa muna ako ng 41. Hehehehe, masyado ako nagenjoy eh babagsak na ako. Langya.
at 12:01 AM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.