<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Things TO DOOOOOOOO!!!!

Mababaliw na ako. Feeling ko andun na ako sa edge ng tuluyang pagkawindang.

Habang nanonood ako ng TV, tas biglang may ad na "10 Days to go" Maiisip ko, "waw, sila may ten days pa para mag prepare. ako kaya? ano na naman kaya ang score ko sa mga 1st long exams na ito.." Minsan naman naipakita rin yung ad para sa marathon ba yun ng DZMM tas sabi "FEBRUARY 2006". Eh February rin yung Careeer Talk!

Ampuchak. They're hunting me even in my not-supposed-to-be-bum-but-im-really-tamad-so-bum-na-bum-na-talaga hours. So kahit nagpapaka-bum ako, stressed pa rin ako. Labo no? Kayo niyo yon?

At isusulat ko na dito yung mga dapat kong gawin.
  1. Acads
  • Physics 103- Absent ako last 3 meetings at wala akong 2 quiz at wala pa akong nababasa ni katiting sa mga waves waves na yan. Ang exam? January 4.
  • EEE 103-May problem set. Take two kaya kahiya-hiyang bumagsak. Tsaka goodluck! Isa to sa mga sureball na ipasa dapat sa sem na ito. Ang exam? Jan 7.patawarin!!! natulog at tumunganga lang ako sa exam. yugn 40 points lang ang nasagutan. Yung essay, parang "sit-in-lang-yata-ako-dito" type ng exam. Dagdag pa na wala akong tulog sa gabing nagdaang (salamat sa brewed coffee ng shatels)
  • EEE 51- Lord help meeeee. Lahat sila sinasabing mahirap. Eh goodluck noh? Puro recorded yung mga pinanood namin. Asa pa na makikinig si chanda. Tsaka basta! wah. wah. iyak na lang. Ang exam? Jan 7 rin. Mas malakas na wah! wah! - ok lang. mas madali sa expected. nabobo lang ako sa ilang numero pero hindi naman mahirap maabot yung 60 dun. naku! dapat lang, kasi mapaphiya ako dito sa blog ko!
  • At muntik ko na makalimutan, buti na lang medyo ka-ym ko sa pransis:
francis : at guess what?! may hw pa sa 141, at 51. ps sa 103 at malay mo.... 1-week MP sa 105. yahoo!!!!
francis : and dont forget.... may labrep pala tayo kasi akalain mo, enrolled pala tayo sa eee52. HAHAHAHAHA!!!!
Kasi parang hindi ko nga maalala na may lab pala ako. Isang beses pa lang yung lab at 1 hour lang ang pinasok ko (na dapat 3 hours siya) at goodluck dahil kinalimutan na namin na may lab report pala. So nananawagan ako sa groupmates ko, si Edu at Lian, sana makakuha na tayo ng outline noh? Ahahaha. Goodluck sa group naten.
hindi ko alam kung dapat na to i-strike. well, sabi kasi ni Lian (take note, si lian) siya na daw bahala sa lab rep 1. so yun,.
  • ECE 141. Jusko, major. CEL pa mandin ako, lagot ako kay Doc M. Isa rin to sa mga una kong kinalimutang subject para sa Engg Week. - next sat pa daw exam. at least medyo matagal pa.
  • EEE 105- may MP ba tayo? Parang patapon mga classmates ko rin dito eh. Hindi kayo tinutukoy ko pransis at katkat ah, hindi talaga. Alam ko masisipag kayo at maasahan talaga eh. -matindi talaga ako kasi hindi pa rin ako pumapasok dito.

2. ERG
ok, hinga muna...
  • CareeerTalk '06 WEBSITE. wowowi! Kelangan lang talagang may paglalagyan ng template para sa mga resume ng mga aattend. Kung wala yon, magulo. Magulo yung resume catalog CDs na ibibigay sa companies.- bukas daw sabi ni tina
  • Speaking of companies, nawawala yung marketing committee. Hello? San kaya kukunin yung mga panggastos ng CT atDagitab. Mamamatay na ako. Kelangan ko mag-update kagad sa 1st week ng January (kasabay ng mga exams ko). Sponsors...halina. - meralco oo na sa Dagitab. pano naman CT? Doble kayod this week
  • Yung mga speakers pala. Josko, nawala na ata sa isip ko. Wala kasi ako mahanap na letter ko yun, bahala na si Batman. Kelangan magka-letter by 2nd week of Jan para makapag invite na ako ang speakers. (Tsaka yung ibang speakers pala galing rin sa sponsoring companies.. so yun.) - kelangn ko nang gumawa ng committee para dito. hindi ko na kaya
  • At syempre, hindi magiging event yun kung wala yung mga estudyante na makikinig at magpapasa ng mga resume nila. Kelangan mag invite na starting January. Kelangan maaayos ko na letters. Actually, ayos na eh. Nagkakagulo na lang.
  • Makipaglinawan na sa IECEP. :) -wala pang MOA. at ewan.. hehehe. sorry EJ.
  • Ayusin na yung mga committee. Pub com.. haayy.
  • Gumawa ng time line chuva para sa mga dapat gawin. Shet, 1 month na lang.- sana masunod
Ok, so medyo humaba pala. At ilang atraw na lang ang nalalabi. Minus bukas kasi maggrogrocery kami sa.. tentenenententen... SM San Lazaro! Ang lapit ng Fairview noh? Buhay talaga. Sige, Ciao. At malamang ito na yung last post ko. Masisiraan na ako ng bait eh.

BABAY 2005!!!!
________________________________
ps. Putangina nawala ata eardrum ko kanina! Pauwi na kasi ako galing sa pagbabadminton. Eh di sa loob na ng village, at hapon pa lang yun ah, may araw pa. Nagdradrive ako ng nakababa na yung window (tipid sa gas) nang biglang may sumabog sa gilid ng muka ko. May nagpaputok sa may pader ng isang bahay! Eh may nakapark sa left side so malamang sa right side ako dadaan. Gimbal na gimbal ako, pero uwi pa rin ako. Pag uwi ko na lang sa bahay narealize na na-shock/trauma pala talaga ako kasi humahagulhol akong nagkwento sa nanay ko. Ahahahaha! Nakakatawa. Wala lang, parang hindi ko nakontrol. Basta basta, weird. Halo-halo na rin siguro emosyon ko nun. Kaya please lang, wag kayo magpaputok.
Thursday, December 29, 2005 at 12:59 AM

madaling-araw post

ok, so gising pa ko (na naman).

Gising ng mga 11am, tapos tulog gn mga 3am. Buti sana kung nag-aaral ako noh? eh nde eh, wala nga akong maisip na gingawa ko eh. Waahh!! Nakakawindang na sa bahay dahil para bang adik ako sa tulog at pagkain. Feeling ko may sakit na ko eh. Kung may kabaligtaran yung anorexia, yun! yun ang sakit ko. Feeling ko kelangan ko pa ng mas mahabang tulog at mas maraming pagkain.

Ok rin naman sa bahay, makipag-ungasan sa mga kapatid ko.

Habang nanonood kanina tas teen awards yun tas si andam sandler yung nagsasalita.
Mae: Diba siya yung bida sa 20 First Kiss?
Ahahahahahahaha!
Giorgio: Takte, "first" lang tinama mo ah
At hindi na ata namin nasabi sa kanya yung tamang title ng movie na yun.

At medyo kasunod rin nun..
Mae: Nanonood yung mga classmate ko ng "bad trip"
Ako: Ha? Bad Trip?
Mae: Yung sa channel 22!
Iniisip ko pa kung ano yung channel 22 namen.
Gio: Sa MTV?
Mae: Oo! yun! Channel 22 kaya naten yun.
Gio: Tanga! One Bad Trip kaya yun!!
Mae: Ay, ganun ba. Kinulang ng "one"
Ahahahahahaha

Nung isang gabi tapos kami na lang ni Glenn yung gising, napagtripan ko siyang asarin sa date niya nung umagang iyon.
Ako: San kayo nagdate? Sa Ever? Ahahahahaha!
Glenn: Kapal mo! Mahiya ka naman.
Ako: Yes naman, ultimate dating place. Day off ba? Day off? Ahahahaha
Glenn: Kapal mo!
Ako: Tas malamang nag jollibee kayo. Spaghetti meal ba? Ahahahaha!
Glenn: Mahiya ka nga. Kahit eat-all-you-can pa, kaya ko!
Ako: Ahahahaha! Spaghetti meal takte yan. Napa "go-large" mo ba? O di na kinaya ng budget?
Ahahahahaha!! Natulog na lang siya. Asar talo.

Yung mga asar nila sa akin, syempre nde ko isusulat dito. Blog ko to eh.

Tapos yung pinsan kong 4 year old, siya kasi taga-sagot ng telepono. (Syempre bata, masipag pa sumagot). Tas wala atang nagsalita sa kabilang linya. Bigla ba namang binaba niya yung phone tapos..
Cait: Putangina, wala!
Nakaka-shock kaya! Pero nakakatawa na. Pero yung tita ko, pinagalitan talaga siya. As in super pagalit. Tas kami tawa ng tama. Ang hirap pag marami nang matanda yung nasa bahay, kawawa yung mga bata.
_________________________
Hayy.. sobrang hindi talaga ok yugn feeling ko. Bukod sa pakiramdam ko minamanas ako sa katabaan eh inaamag na rin ata utak ko. Hindi ko mhanap yung urge na mag-aral eh sobrang dapat nagcra-cram na para sa exams. Jusskoooo.. hindi ko kelangan ng bagong taon para mabago ito. Dahil pag pinaabot ko pa nga January 1 to, sira na talaga buhay ko. May exam sa Jan 4 at may 2 sa Jan 7.

At may nakikita pa akong conflict. Nakakainis. Pero yun.. delikado to.
Wednesday, December 28, 2005 at 2:09 AM

sims

Officially, dalawa na ang nilalaro ko sa PC. Spider Solitaire at SIMS!!! yeyy!! ahahaha. ang loser ko sa games.

Wala lang, wala na talaga ako natripang laruin. Iniisip ko nga kung bakit eh. Eh halos lahat naman ng computer games nagkaroon kami. Mula sa family computer, sa sega, sa ps, tas dito sa pc(ang ganda pa ng graphics ng pc namen.. hahaha!), eh meron naman kami. Tas alam ko adik ako sa mario nun. Pero diba dalawa lang parati yung joystick? Tas dalawa rin yung sumunod sa akin na kapatid na lalaki, so parang malamang ako yung hindi maglalaro. Tsaka ako rin yung panganay so malamang ako yung magbibigay. So siguro dahil dun kaya nawalan na rin ako ng gana.

Image hosted by Photobucket.com

Nung nag-install kami ni Reggy ng Sims2 dito sa pc, naisip ko lang na "naku, ang laki lang ng kabawasan neto sa space." Pero pina-install ko pa rin. Hindi ko naisip na mae-enjoy ko siya. At wala halos pahinga pc namin dahil adik na rin sa sims yung 2 kong kapatid. Pero bano pa rin talaga ako. ahahaha. parang pulubi lang yung sim ko. hehehehe.

Tapos sobrang kakaiba yung feeling ko sa sims kasi parang siya yung katuparan ko sa mga nilalaro ko nung bata. May sketch book na ko nun tas gumagawa ako ng floor plan ng mga bahay tas parang aandar yung story ng laro ko dun sa floor plan. Ahahaha. Parang nasa imigination ko lang lahat. Ahahaha. Weird ba? Ngayon ko lang narealize na weird nga. Pero kasi ang boring kapag dolls! ang bagal nila kumilos, i mean ako pag magpapakilos. Eh nasa imagination ko rin naman lahat. So parang bakit nde ko pa todohin pag-iimagine.

So yun, nakukuha ko yung mga concept kung pano yung itsura ng bahay sa mga pinapanood ko. Madalas sa telenobela pa since wala pa kaming cable nun. Naalala ko pa, meron akong 'Mula sa Puso' inspired house. Kasi diba mansyon yung bahay nina 'Via' (Claudine Barreto) kaya naman tinandaan ko kung pano itsura ng hagdan, pinto, mga ganon. Tapos basta, maraming marami yon. Malamang na itinapon ko na rin yun.

Hehehehe. Kakaiba nga ta talaga ako. Tas nung naikwento ko to sa isang tao, sabi niya, "bat hindi ka na lang nag-arki?" Oo nga, bakit hindi na lang.
Sunday, December 25, 2005 at 11:55 PM

parties

So kamusta naman ako?

Hehehe, maraming nainis sa akin dahil sa mga hindi ko napuntahan na party. At sa kabila ng yon ay pagod na pagod pa rin ako at feeling ko la pa rin akong pahinga. Kase naman, hindi ko talaga sinasadayang may maunang magpareserve ng appointment sa ken. Agahan niyo next time. Ahahaha! joke lang. Pramis, hindi ko sinasadya.

At kamusta naman ang calories? (As if nagbibilang dati). Mula pa nung linggo, lamon na ever.

At ang xmas party namin nina rovina and others a.k.a chickababes (super yak):
  • hindi pa rin kami nagbago. Ang usapang 9:30-10 na kitaan sa mcdo philcoa ay naging 11:30-12. Ito ay dahil hindi pa rin nagbabago si Rovina at nahahawa na kami. Hehehehe
  • Nung 1st year hs pa ako huling nakarating kina lillian at marami kaming memories ni Rovina dun. Andun din yung kuya niya na gumawa ng project namin sa science. Cum Laude ng EEE at nagdodoctorate ngayon sa US. Alam ko nagturo rin siya after graduation eh.
  • Wala halos kumakain! Langya yan, ang daming extra food. Hindi ko alam kung sobra lang talaga yung food o mahihina lang kami (actually sila) kumain. Feeling ko pag sina geof at francis kasama ko sa food na yun, ubos talaga eh.
Image hosted by Photobucket.com

ang tanging picture na kumpleto kami. Kasi sa lahat na, wala ako. Ang hirap pag ikaw may dala ng cam. tsk..
  • Ang walang katapusang okrayan at pambabara.
  • Ang hirit kay Vanessa na "Hoy, anorexic ka na ba?" at ang sagot na "Hindi, bolemic yan!" Ahahahahaha! At syempre ang pagganti niya sa akin na tumaba na naman ako. Ahahaha. fine.
Image hosted by Photobucket.com

  • Ang pagvivideoke sa magic sing na sinabihan na sila ni Badong (bunsong kapatid ni Lillian) na babarilin na sila ng kapitbahay.
Image hosted by Photobucket.com


















si diana yung pinaka garapal sa mic. hahahaha.

  • Ang paninisi sa magic sing dahil hindi makasabay sa kumakanta. At may topak rin ata dahil parang hanggang 50 lang ang score namin. Tapos nung maayos na kanta ni cesar, 0 (zero) yung score! Ahahahahaah
Image hosted by Photobucket.com















kaya mo yan cesar...
  • Ang walang gustong sumama kay jebi na manood ng backstreet boys concert. Jusko.
  • Ang paghihirit sa mga in a relationship. tsk.
  • Ang panonood ng korean movie. Grabe. At ang pagke-claim ni sushie na asawa niya yung bida. Mas grabe.
  • Ang pang-aasar sa mga gragraduate na at ang pang-ookray sa mga nde pa. (ouch)
Image hosted by Photobucket.com



















  • ang pagkwekwentuhan kung saan na napunta ang mga batchmates namin at ang mga pinagusapang hindi ko na isusulat dito para walang issue.

Masaya talaga yun. Sa uulitin. :) At least naiiba na mga topics namin. At sikat pala sa amin si Jayrald. Naks naman. Hehehehe...


Super pagod pa ako sa mga lakad. Super tagal rin kasi namin ni Reggy naglibot kahapon sa 168 tutuban at robinsons galle. Kaya hindi rin ako nakapunta sa party ng 02 kina lionel.

Ayun, saka na ako magpopost ng xmas post. Tutulog muna ako. Goodluck sa mga dapat kong aralin..
Thursday, December 22, 2005 at 12:54 PM

Pasko

Sabi ko nung nakaraan, eto yung "pinaka-hindi-ko-feel" na pasko. Sa dami ng mga hinarap ko netong mga huling buwan, sa krisis, sa kawalan ng moolah, sa kapaguran ko sa mga sideline ko, sa mga sakit ng ulo, sa kakulangan ng happy time with friends.. malabo talagang maging excited ako sa paskong ito.

Pero mukang kinain ko na ata iyong sinabi kong iyon. Wala man akong naibalot na regalo para sa aking mga kaibigan, wala rin ako halos natanggap na mga gifts, nawalan man ako ng load at inisip kong baka mawala lang yung load ko kaya hindi na lang ako nagpaload kaya naman wala akong nabati ni isa sa inyo, hindi man ito kasing sagana ng mga nakaraan na Pasko; alam kong isa ito sa mga hindi ko makakalimutang Pasko.

Kasabay ng panonood ko ng Charlie and the Chocolate Factory, nalaman ko ang kulay ng Pasko kong ito.

Sana matagpuan niyo rin ang tunay na kulay ng mga Pasko niyo.

MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT! :)


ps. sorry sa mga hindi ko nareply-an. bukas na lang ako magloload pag sigurado nang hindi magulo ang networks.
pps. sobrang dami kong kinain. ahahaha. hindi normal. at hindi rin normal ang paglobo ko. in just 2 days na pag stay sa bahay, goodluck!
at 12:26 PM

Nostalgic

Nasa Quesci ako kahapon, at lagpas isang taon na rin mula nung huli akong pumunta dun.

1st screening kasi kahapon at ako yung naghatid sa kapatid na Andres. Ako kasi nagtutor sa kanya simula nung nakaraang linggo. At ang weird ng 1st screening, mental ability lang. 80 items at 1 hour lang. Diba nung batch natin (02), 2nd screening yung mental ability? Hmm.. basta yun weird. Tapos syempre, ang dami kong nakitang pagbabago:
  • meron doong bulok na service tapos nakalagay na :"quezon city science high school" nge! wala nun dati, at sinong gumagamit nun, math contestants pag may laban? hehehe, sayang geof nde kayo nakasakay dun.
  • lahat ng mga halaman ay may label at scientific name. diba dati sa may garden lang ni ma'am giron? washuu.. nagdudunung-dunungan.
  • gaano na ako katanda para makita kong mayroon nang dalawang puno ng niyog sa soccer field!?! dun sa may tapat ng chem/physics.. hmm, baka nde ko lang napansin dati
  • ang pangit na ng mathay 2!! kadire.. ang pangit nung pintura. maswerte pa rin kami kasi bago pa yun nung ginamit namin. grabe, wala bang pondo sa pagpapapintura nun? kung ako parent nung mag eexam tapos makita kong ganun, public na public na talaga ang dating.
  • may kung anong chuva na rin sa parking lot. parang monumento na kung ano.
  • at bernoulli na ang nakita ko, wala nang becquerel!?!? kawawa naman kayo katkat.

At ang daming bumalik na mga memories.
  • 1st year: karaniwang tao at ako si mother nature, pagpalda ni princess na parang manang nung 1st day, paglalaro ng patintero, pagbibigay ng hotdog kay sir almendares pag ayaw namin mag exam sa earth sci (boohh!), andres-dessa, johann-au, jason-carne, camba! nawala skechers ko sa locker, basura yung bec kasi walang classroom, yung maja blanca nina aedryn
  • 2nd year: pag-iyak naming tatlo ni rovina at ana dahil kay calcu (yak), values jingle, cr cleaning (yak!), pagliha namin ng upuan sa guidance kasi puro vandal, pag-iyak ni emil over sa namatay na salagubang, edison vs avo, si geof sa pintuan lang naga-ap kasi late siya palagi, cross-stitch, SUPER FLOWER POWER with px and geomar, palaka, bangus, rovina-ralph, px-don, chanda-*toot* (ahahahaha), zone2 business manager, class president, geometry!, the jar (yung puro candies)
  • 3rd year: COCC, buddies, pangteterorize ni ma'am bathan pag english, trigo kay sir lorenzo, research na lagi kaming nasesermunan ni ma'am carmona, prom sa celebrity sports plaza, tinarayan ni sushie si marie, chickababes, stick to the wall, double time, silent drills, squat jumps, push-up(puro pang coc lang naalala ko nung 3rd year)
  • 4th year: class vs advicer, bravo company, silent drills competition, kinulong ako ni marvin sa chem lab, pangteterorize ni ma'am mina sa chem, ang quartet: ako, jeris, bebs at princess, princess-andres (ahahahaha!), HQ, review sessions for UPCAT, slapshock, prom, grad ball, pagtambay sa soccer fields with buddies, CAT, pagpapahirap ko sa kadete, paglalaro ng curie ng think-a-ton (nerds eh), marvin as president,
Super dami ko talaga naalala. Yung canteen, andun pa rin! yung magpapapalit ka ng cheats ba yon? tama ba? Tapos yung service kong green at ang forever kasabay kong umuwi na si Alexa. Kahit na commute na kami, sabay pa rin. Ang walang katapusang hirap ng pagiging COC at ang saya ng pagiging officer pagkatapos (buddies!! miss ko na kayo), ang Darwin at ang forever kong classmate na si Andres (malas), ang walang katapusang kulitan nina marvin at otep, ang pagdadamo natin sa T.H.E, yung elective classes, mga field trip na bulok (2 lang pala..), mga pauso ni ma'am erpelo para pumasang upcat.

Marami pa.. hehe..naantok lang ako. Super sayang bumalik. Kahit wala kang kasama, tingnan mo lang yung lugar. Grabe, iisipin mong mahaba na talaga yung panahong lumipas. Dahil hindi ka na kagaya nung dating pakalat-kalat lang sa quesci.
Sunday, December 18, 2005 at 2:00 AM

Image hosted by Photobucket.com



















nobody figures like he figured me out...


at 12:02 AM

samu't sari

Sa kadahilanang wala akong magawa at hindi ako makatulog (sa hindi ko rin malamang dahilan)...
(actually nagsasagot ako ng survey kanina tas ang papangit na ng mga tanong sa dulo kaya tinantanan ko na)

** sobrang wala palang kwenta yung mga books natin nung elementary. Tipong may ilang paragraph na wala namanag sense, paulit-ulit lang. At kahit ako, kaya kong gumawa ng mga libro na yun. Halimbawa, sasabihin lang na naimpluwensyahan tayo ng mga Amerikano sa pananamit, aba eh isang page na kagad ng libro ang kelangan basahin na puro naman kaungasan. Wala lang, hindi ba yung binubusisi ng DepEd. Kaya lalong tatamarin yung mga estudyante bumasa eh.

** marunong na ulit ako ng mga tinig ng pandiwa, aspekto ng pandiwa, POKUS ng pandiwa, uri ng pangalip, etc. At hanggang ngayon sasabihin kong ungas pa rin ako pagdating sa ganon.

** mahirap palang gastusin yung perang galing talaga sa pinaghirapan mo (pero nagastos ko na rin). Hehehehe. Pero kunwari, bibili ka ng sapatos, kung ipapabili mo lang sa nanay mo, ang pipiliin mo eh yung mas maganda (syempre mas mahal). Pero nung ako, dala ko na yung sarili kong pera, shit! Tipong, ilang araw ko tong pinagpaguran ibibili ko lang niyan. Magtsitsinelas na lang talaga ako araw-araw. Ahahahaha! Sobra pala talaga yung love ng parents noh? I mean sila yung nagtratrabaho tas papabili ka lang ng bagong sapatos kasi may gasgas na yung luma mo. Pag nagtrabaho kayo, promise marerealize niyo yun.

** sobrang mahal na talaga ng gas. yung 300 na pinagas ko sa may ever nung wed ng gabi, wala na rin kagabi. at hindi na ako kumakaskas non ah. tsk.

** kagabi, habang nagtututor ako sa st charbel, dumating yung tito nila. Eh nagcocomputer yung lalaki tapos biglang, "Francis, sasakit mata mo diyan." Akala ko dahil baka akala non matagal na siyang nagcocomputer. "Gusto mo LCD monitor. Ipakuha mo sa Fil-Am yung isang LCD ha" sheeett.. LCD?! Eh 19" na kaya yung monitor nila at flat screen halos. tapos yung bata, wala lang sa kanya. As in wala lang. "sige po." parang pag ako yun, may titong biglang dadating at magbibigay ng LCD monitor, eh magsisigaw ako sa tuwa.

** takteee.. ngayon pala yung lab report namin!!! at pano pa kami makakapasa ngayon diba? haaayy.. goodluck talaga. next week (sana) na lang.

** too many christmas parties, hindi ko na alam kung ano-anong date nila. shetness. masyado akong busy this week. Hindi halos ako nakareply sa iba. Buddies, andito na ba si joy? Kelan na ba tayo magkikita-kita? Chickababes, sa bahay ni lillian? Sino ka exchange gift ko? Kelan ba ulit? checheck ko na lang sa phone ko.
Friday, December 16, 2005 at 10:01 AM

weng'g week

Wooooohhhh.

Kakaibang eng'g week. Likas pa naman pagka competetive ko. Lalo na pag alam kong pinaghirapan. Tsk.

Yung smokers, konting hirap lang yon. Kaya masaya nung nanalo.

Yung christmas tree, tangina buong maghapon ako dun naghirap pero sobrang walang kwenta-pangit-basura-parang hindi pinaghirapang krismas tree ang lumabas. Bad trip ako nun sa sarili ko kasi may mga hindi ako nakitang mga bagay na mangyayari. Kagaya ng kakulangan ng katulong, kahirapan nung nakikita kong design, pangit pala pag konti lang yung leaves. Hay leche, hindi lang talaga ako sanay na gumawa ng mga ganon kapanget na art work. Mas sanay pa akong bumagsak sa exam.

And then the other night events. wohooo! ang saya saya! Salamat sa mga pumuri sa erg pagpasok ko. Late ako pero pakiramdam ko winner na ang erg. But then, no. Di bale, sa puso namin danzergs.. talo niyo sila.

DEP,
Minsan dumadating talaga yung mga ganito. Mga hindi inaasahan. Yung sasabihin mo, "shit! ano ba naman to! kamalasan! tangina!" Yun feeling mo hindi mo worth yung binigay sa yo. Natural na magtatanong ka, sasabihin mo hindi fair. You know you deserve something more. At ito nga yung nangyayari sa ain ngayon. Pero wala na, patapos na. Hanggan dito na nga lang yung chapter na ito. Pero hindi dahil dun hihinto na tayo. Bakit hindi natin isipin kung bakit nangyari sa atin ang ganito. Ito na yung tamang panahon para i-asses natin yung sarili natin as part ng org. Panahon na rin para alamin natin kung anong problema ng org. Panahon na rin para mangolekta ng mas maraming "puso" para sa erg. Marami nang myembro, puso ang kelangan.
Lahat tayo nalulungkot. Pero sa lungkot na rin yan malalaman mo kung gaano yung hirap mo sa mga events. Kung mas malungkot, mas panalo ka para sa ERG. :)
Kaya natin to, makakabangon rin tayo. Siguro sa engg week na ito, hindi ang mga talents natin ang susubukan. Esprit de Corps. sorry military term. hehehehe.
Thursday, December 15, 2005 at 8:28 AM

Please support UP ERG

Support UP ERG..

text:
campus (space) vote (space) indakan (space) erg

and send to 2214(globe), 2622 (smart) or 2835(sun)

Sige na.. bawat text niyo malaking tulong talaga sa indakan group ng org ko. Sa mga dumadaan dito, wala munang updates. Engg week eh. Text niyo lang yan hanggang tuesday night, please? Tsaka sa mga ERG na dumadaan, mahiya ka naman! magtext ka na...
Monday, December 12, 2005 at 7:22 AM

SMOKER's NIGHT

Ang saya! Hindi ko ineexpect. Yung feeling eh yung tipong pumasa ka ng 23. ahahahha!!

Salamat sa lahat ng tumulong at pumayag na tumulong (sapilitan man o hindi).

Kina lendl, bernard, lhady, ayrie, nina (pagaling ka), geof, kuya gidz, presh (iba ka!), edu, josine, chester, monmon, derick, amiel, raph, amos, em-em, homer, ej, camille, ekay, leanne, katkat...

Tsaka sa lahat ng nag-cheer lalo na nung binu-boo na :)

1..2..3..
ERG FIGHT!!!

kung alam ko lang, nagstay pa sana ako. berdey kasi ng nanay ko eh. Happy berdey mama!!! :D

hehehe..sobrang bangag na ako. at naantok. kelangan ko na ng lakas. maaga pa bukas. papasok ako sa lab kasi nde pa kami naglalab para sa sem na ito. chanda, mahiya ka naman, pumasok ka kahit papano. (gagawa rin kasi ako ng xmas tree eh).
Friday, December 09, 2005 at 12:47 AM

Chicken Little

Was a bit disappointed at ssshicken little.
naks english.

Pero 1st sentence lang kaya kong english eh. Hahahaha. Masyado lang siguro akong nag-expect na nakakatawa. Sobrang mas nakakatawa pa nga yung Madagascar eh (para sa akin po ito). Well, nakakatawa naman kasi kahit papano, pero kasi marami siyang spoof ng iba't ibang movies. So yung ibang mga bata, hindi naman nila yun napanood so wala masyado tumatawa.

At naisip ko.. diba dati Madagascar page kami sa Fin para sa sig sheet? Eh kung chicken little kaya kami ngayon?
Hmmm.. Ang leader dati, lion, at si Lyand yon.


Image hosted by Photobucket.com









Pag ngayon, si chicken little ang bida eh...

Image hosted by Photobucket.com















Errr... Meron din namang ibang characters:






Image hosted by Photobucket.com













hmmm...
o di kaya eto na lang:

Image hosted by Photobucket.com
















DADDY CHICKEN


Pero di siya bida...

So hindi na pwedeng mag chicken little sa fin page?

Sayang, may bagay pa naman kay paul:

Image hosted by Photobucket.com















Uy, bati na nga kami ni lyand eh.. peace tayo ah :)


Anyway, sa wakas eh medyo nawala rin ako sa stressful cycle. Hindi ako nagmarket, hindi ako pumasok (na isang linggo ko na rin palang hindi ginagawa), hindi ako nag akyat-baba-lakad-libot sa eee at hindi ako nagtutor. Sobrang kawindangan rin talaga ang nangyari sa kin ngayong linggo. Tipong pwedeng ipadala sa maaalaala mo kaya at tipong hindi niyo mapapaniwalaan kapag kinwento ko.

Sana makapag-aral na ako ng physics.. dapat na. dahil wala akong oras sa weekdays.

Sana rin wag ako magpadala sa stress sa mga susunod na araw para wala akong awayin. Sana maging maayos na lahat para hindi ako nawiwindang. Sana naiintidihan to ng mga taong nasa paligid ko.
Saturday, December 03, 2005 at 11:23 PM

moment na nakakawindang kasi hindi mo na alam gagawin mo---moment na masaya kasi nagawan mo ng paraan yung problema---moment na nakakalungkot ulit kasi wala pa lang naging silbi yung ginawa---kaya moment na naman yun na nakakawindang.

cycle.

nasa jeep ako kanina at medyo masikip pa yun nang biglang nag-hit sa akin na nov 30 na. At meron pala deadline yung script para sa smokers. Sa Friday na rin pala yun. At ngayon nga ay nagiisip ako ng mga pwedeng ilagay. Feeling ko nakakatawa. pero kasi diba, malay natin kung iba yung nakakatawa sa ibang tao. anyway.. gagawin ko na rin. kung ayaw nila, gumawa sila. diba? :)

so hindi na ako magaaral for physics. 3 na lang ako sa quiz bukas, for attendance.

shit, ngayon ko lang na realize na meron pala talaga akong habit na hindi magreply. Bukod sa text, sa mails din pala. ngayon ko lang na-realize na marami na nagreply sa mails ko sa egrps at wala akong nireply-an kahit na isa. wala naman kasi ako important na sasabihin, pero feeling ko ngayon dapat nagrereply pa rin ako.

at pagktapos ng maghapong paghahanap ng converter from doc to pdf, nakahanap na rin ako ng ok. primo pdf. yung acrobat distiller 4.0 kasi na nahiram ko kay reggy nde ko mapagana. at isang oras ko rin palang na-dl yung primo.

antok na antok na ako. pagod na pagod. miss ko nang matulog ng 7pm. miss ko nang matulog ng 9pm. miss ko nang matulog ng 12. haayy..miss ko na matulog kung kelan ko gusto.
Thursday, December 01, 2005 at 1:01 AM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.