<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

hedeyk

Nagtutor ako ng 3 oras kanina, kaya hindi rin ako naka-attend ng EOEA (congrats pala ERG! :) congrats pransis!). Nagturo ako ng basic geom na walang book. At nakalimutan ko yung tawag sa triangle na walang equal side! Takte yan.

Tapos pag-bukas ko ng mail, lalong sumakit ulo ko. Hindi ko mareply-an yung Eazix (dad ni tina). Bukod sa English (haha) eh wala pa akong alam sa tinatanong niya. Well, naiintindihan ko naman. Ayaw niya ng overlap topics so nagtatanong siya kung ano ba daw yung magtatalk na companies. Kasi pwede siya design and development tsaka sa manufacturing rin. Eh ano ba yung ginagawa sa intel, canon at astec? Ahahahaha. Ungas ko talaga. Pero hindi ko talaga alam pramis. Ngayon, nag-iisip ako kung tatanungin ko yung bawat company kung tungkol saan sasabihin nila o sasabihin ko na lang sa eazix yung mga kasali. Ang sakit sa ulo pag-isipan.

After ko tawagan Bit Micro bukas, tama na. Baka madami pang pumayag, wala nang oras. "Too many speakers, so little time." Ahahahaha. Joke lang, baka mausog.

Dami pang aasikasuhin, Feb 1 na bukas.

Ay, kakabasa ko lang ng text ni francis na natalo ERG ng cursor dahil sa deductions. At least diba? Alam natin na sa puso natin tayo pa rin ang EOEA.
Tuesday, January 31, 2006 at 10:52 PM

balenciaga bag

Sa bawat nababasa kong blog na tiga-EEE, laging may kasamang acads. Tipong "natapos na rin ang exam sa wakas!" o di kaya puro rant "takte!! wala pa akong nagagawa sa eee chuva tapos may exam pa sa eee chenes!!" Diba, puro ganon? Wala lang, gusto ko magpost ngayon ng malayo sa pagiging eee student. hahahaha.
_________________________________

I saw Balenciaga bags last december at tutuban.

Image hosting by Photobucket





























I was surfing for Balenciaga bags way before since they're always carried by Nicole Richie and Lindsay Lohan. And I really think that the designs were awesome, not too girly for me, especially the motorcycle style. I can only describe it as awesome since I really have no idea about bag fashion and designs (im a eee student). I just go for whatever catches my attention and whatever I think will suit me. And the sizes were reasonable too, good enough for a school bag ( a typical college schoolbag is not our typical school bag in eee, e.g. katkat's backpack ) But when I checked the prizes, OMG! 600$-800$! So aroung 40-50k pesos. Uh-oh. Could be normal for others but not for me. I definitely have more sense than money so I putted the idea of having one in trash. Yeah, trash, trash, trash. But when I came across that store, I was so ecstatic to saw something like this:


Image hosting by Photobucket






I didn’t know that there are class-A imitations available here (or anywhere for that matter). Too bad they only got that style. I thought it was small for me. And when I tried to look for motorcycle styles in other stores, they only got metallic colors. Just imagine me going to class, (late and) carrying a gold/silver bag.


Image hosting by Photobucket

Ahahaha! It’ll be quite ok if I’m from BA, or Econ (or from ** club..hehe), but I’m a EEE student. And in EEE, fashion is a big thing. Big thing means it’ll be a big issue if you’ll go with what’s in or if you just try to be a little formal. So I can just imagine what people will tell me in case I really bought that bag. “Magpapautang ka?” or “Yes naman, kumikinang!” or "tabi kayo!baka hampasin kayo ng bag!" Hehehe. So I just picked other bag instead, the brown bag with studs that I usually bring lately. And oh, it was a gift but I had the chance to choose. Lucky me. :)

But I really want to have a Balenciaga! Either fake or fake (still). Ahahaha! No chance of buying an original. And I want any of from these colors:

Image hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket








Ahahaha. How demanding for a fake-buyer.

____________________
lalabas at lalabas pa rin pala yung pagka-eee.
Monday, January 30, 2006 at 10:49 PM

funny lines

Maraming nakakatawang nangyayari sa araw-araw. Lagi akong natatawa pero madalas, hindi ko na naalala yung mga yun. Kaya naman isusulat ko ngayon yung random na naaalala kong mga nakakstuwang sinabi ng mga tao sa paligid ko. Maaaring kwento lang rin sa akin ng ibang tao ang ilan sa nakasulat.

1.
Sa 51, may tinatanong si Sir Hizon tungkol sa Common Drain JFET, nang biglang:
Student: WHO CARES...

2.
Pupunta siya kina Lyand. Ang sinabi niya sa tricycle, #6 Hercules. Sa bakanteng lote siya binaba. (#8 kasi sina Lyand eh). Mas matatawa kayo kung makikilala niyo kung sino to.

3.
Theory ng isa nating kaibigan:
Hindi ba't ang 'ron' ay isang panlapi (suffix)? Turon, sinturon, pulboron..
At ang kahulugan niya ay 'pinagsama-sama.' Gaya sa pulboron, diba pag hiwa-hiwalay siya, polbo pa lang? At pag nagsama-sama na, polboron.
Takte, nde ko maisulat ng nakakatawa. I-padeliver niyo na lang sa akin to para mas nakakatawa.

4.
Sa 105 class at kami-kami pa lang ang laman ng LC2,
Ergmem1: Katkat, kamusta na kayo ni Edu?
Seryoso siya nun kaya imaginin niyo na lang kung gano kalaki yung "ha" ni katkat.

5.
Nawitness ko nung minsan magkasagupa ang dalawang mabagsik sa ERG. Nakakatakot nung moment na yun pero tawa na ako ng tawa nung kinukwento ko yun.
Mabagsik1: Pwede ba, _____! Wala akong balak.... (oops, no more clue)

6.
Namigay ng chocnut kanina sa 51. Marami pang sobra na nasa table, nagkatinginan kami ni *ungasmem* at biglang:
Ungasmem1: Sir, gusto pa daw po ni Chanda!!!
Sir: Sige, kuha lang kayo. Piso lang.

7.
Nagkwekwentuhan/nag-aasaran kami ni labgroupmate1 habang gumagawa ng experiment si labgroupmate2.
labgroupmate1: eh di nde mo na kelangan mag-aral! mag-aasawa ka na eh.
ako: eh ikaw nga eh, bat ka pa pumapasok, eh may business na kayo. yes naman, meron nang *name ng business*
labgroupmate1: ha? ha? meron na talaga kami. meron kami ng kapatid ko. bale, bakeshop naman. pangalan, Doray's.
Mukang lagot ako sa kagrupo ko pag nalaman niya to. ahahaha. Pero nde naman nagababasa yung isa eh.

8.
"Nasan siya?"
"Nagpapahinga. Stress eh"
"Saan?"
"Sa puno"
"Tangina, sa puno? Ano siya, panda bear?"
at harsh na yung susunod pang mga lines...

_______________
walo na lang muna.. antok na ako eh.
Saturday, January 28, 2006 at 2:00 AM

malas day

Kung meron man sinasabing "araw ko ngayon" na nangyayari sa mga tao-tao, kagabi nasabi ko pag-uwi ko na "hindi ko araw ngayon!"

  • madaling araw, gumagawa pa rin ako ng lab rep at hindi ko pa rin natapos. mga 4:00 am na yun.
  • mga alas syete, ginigising ako kasi tinatanong kung sasabay ako sa tatay ko pumunta sa meralco. usapan namin ng nakaraang araw, after lunch siya pupunta kaya sasabay ako. at natext ko na rin yung contact ko na afternoon ako punta. kaines. so hindi na ako nakasabay, putol pa tulog ko.
  • binawasan ng kapatid ko yung baon ko. sapilitan. wala akong magawa, ang laki niya. tsaka magdadala naman daw ako ng sasakyan. ang kapal talaga.
  • kahihiyan ang ginawa namin ni nas sa meralco. una, nagsalamin kami sa malalaking salamin bago namin na-realize na one-sided mirror yun . malamang, maraming nagoopisina ang nas akabila nun. pangalawa, napalitan na pala yung date ng dagitab kaya mali yung nasa MOA at contract. pangatlo, february 25 yung date na nilagay ko sa pirma. kahihiyan! puchak.nag-print pa tuloy siya ulit. "puyat ka pa ata eh" yan na lang nasabi niya. whew. buti at naka-oo na sila kundi.. baka mawalan pa ng pera erg.
  • nagpaulan ako sa philcoa kasi may kelangan kunin sa akin nanay ko. eh nasa lotsa pizza kami nina mei at iniwan ko sasakyan sa cs.
  • hindi ko alam kung malas o nakakatuwang experience yung nangyari samin sa philcoa. coding kasi si mei tapos may mmda. tinitingnan na kami kaya nagpark muna sa mcdo. pero eventually, tinawag na rin kami at nung sinabi naming sa up lang kami punta, pina daan na kami. he he he
  • hindi ako nakapag-aral. sabi ko sasama ako kina meiling nung gabi. but no. shet, ang hirap ng maraming responsibilidad.
  • nung magpapagas na ako nung gabi, sabi ko 200. sa tingin ko yun lang naman naconsume ko eh. ahahah. fairview to ortigas tapos pabalik. ahahaha talaga. pero laking gulat ko nung tuloy tuloy yung metro ng gasolina. tangina. lumagpas pa sa 500. nagsisigaw na ako sa gasolinahan kasi iniwan rin ako gasoline boy. shet!! 700 na nung napigilan. putakte yan. "akala ko po ma'am full tank" HUDAS! ang layo ng two hundred sa full tank! buti napigilan pala kundi mag-iisang libo yun. Nainis talaga ako. Wala akong balak magkoche hanggang sa ma-consume ko yung gas. At goodluck sa tatay ko kung marere-imburse ko yung nailagay. pero matagal rin naman kung ipapa-drain yun. at buti sakto may 700 pa ako. takte talaga. bad trip na bad trip ako. kung nde lang ako talaga naawa dun sa manong.
  • at pag-uwi ko, imbees na makisimpatya ang mga kapamilya ko eh tumawa pa sila.

at ngayon, tinatamad akong pumasok sa physics. leche. hehehehe. mag-aaral na lang ako 103 ngayon. (sana)
Thursday, January 26, 2006 at 9:57 AM

Tuesday na ngayon

Hindi na naman ako pumasok kahapon. Ahahaha. Monday is my new Sunday.

Pero ok lang, kahapon ko rin na-close yung deal with INTEL. Yahoo!! Co-presenter na sila ng CarEEEr Talk. Isa pang compant at hihinto na ako sa kakatawag. Hanap naman ng Speakers.

Argh. Kelan kaya ako magsisimula mag-aral...

Sa wednesday pala, punta ako ng Meralco para kunin yung tseke. Anytime this week kasi dapat. Pero kasi, sasabay na lang ako sa tatay ko pagpunta niya dun para tipid pamasahe. Sino sasama sa akin? Bukod kasi sa MOA, may contract pa yung Meralco. Unang beses ko yatang pipirma sa kontrata tapos may notaryo pa yun. Wala lang, hindi ko alam kung may kakaibang feeling ba. Ahahahaha.
Tuesday, January 24, 2006 at 8:55 AM

rant, birthday

Nakakahiya talaga yung nangyari sa exam ko sa 141.
Alam ko naman yung ibang mga tanong pero mali rin pagkakaalala ko sa formula. Hiling ko lang na mas mababa score sa akin ni Paul.
Image hosting by Photobucket















Ahahaha! Joke lang Paul. Sabay kasi kaming natulog na lang bansang mga 3am nung nagobernayt kami. Bawi na lang. Tangina, lahat na lang ng subjects ko nayong sem, babawi ako ah.


Ayoko na! Ayoko na ng ganitong buhay.

Ayoko nang hindi matulog pag friday night para mag-aral (at hindi para gumala o magparteey). Ayoko nang matulog mula hapon ng sabado hanggang linggo kasi puyat ka nga nung friday at stressed ka buong week.
Ayoko nang maagang gumising pag linggo (kasi mahaba rin yung tulog ko nung nakaraang gabi) kasi may trabaho ako ngayon maghapon.
Ayoko nang gigising ulit ako sa lunes na nakatambak yung mga problema.

Ok, tama na rant.

Birthday ni Ana kahapon! :) At kakatext ko lang sa kanya ngayon. Balak ko kasi kagabi, pero shet, nakatulog nga ako diba. Napakabuting gawain para sa isang kaibigan na 8 years mo nang kakilala.
  • hindi siya marunong magcommute nun, naiyak pa nga ata nung unang beses sasakay ng jeep na mag-isa siya.
  • minsan pinapatawid ko siya mag-isa sam para mapraktis.ahahahaha.
  • magaling na leader ng rsearch! pumasa kami eh! kahit hindi namin siya napilit magdefend.
  • pinaka maayos magnotes. magkamali lang siya, pupunutin na niya kagad! takte yan.
  • mahinhin pero kapatid niya corps commander ng quesci ngayon.
  • may crush dati kay ***** at kay ****** noong hs. Tapos ngayong college dun sa super duper "fashionista" na si ****** na taga ___sci. Ahahahaha. crucial kung anong science high school eh. Pero ngayon, dun na siya sa taga Boracay. yey! para free lodging na kami.
Image hosting by Photobucket


















ana, rovina, ako, sushie nung debut ng kapatid ni ana.


Image hosting by Photobucket
princess, sushie, ana, ako, rovina
nung 19th birthday ni ana.
SHET! ngayon ko lang na realize, 21 ka na ana! Ang tanda mo na. Ang tanda na ng mga friends ko. Ahahaha. Ang tanda ko na.
Sunday, January 22, 2006 at 9:26 AM

Bakit

Kaka-alarm lang ng cellphone ko..

Bakit?

Kasi dapat gigising pa lang ako ng 11:30 pm

Bakit?

Kasi dapat matutulog na ako kanina pagdating ko. Gigising ako para mag-aral dapat.

Bakit?

Kasi exam ko na sa sabado, tapos wala pa akong naaral. So gets mo? dapat natulog ako, tapos gigising ako pag nag-alarm na cellphone ko tapos mag-aaral na ako. Pero hindi! Hindi ako nakatulog. At gising naman ako ngayon pero hindi ako makapag-aral kasi nararamdam ko pa rin yung pagod.

Kasi may sakit na yata ako. Feeling ko talaga ikamamatay ko sakit, failure ng something. Parang ganon. Tapos, na-stress ako kakaisip. Buti sana kung kakaisip ng acads eh, but no. Tapos, nung feel ko nang matulog, nanood naman sila ng Only You. Kaya nga ayoko ng TV sa kwarto eh. Ayokong ayokong may ingay pag matutulog ako. Lalo na sa mga panahong to na daig ko pa ang meron sa pagka-aburido.

Bahala na. Feeling ko hindi pa rin ako mag-aaral ng 141. Praning nga ata talaga ako.

Sa kapraningan ko, naipahid ko sa muka ko yung pantene leave-on conditioner. Feeling ko ponds moisturizing cream eh. As in naglagay na ako ng dots dots sa muka ko tapos na scatter ko na sa may isang cheek ko saka ko lang narealize na iba yung feeling.
Thursday, January 19, 2006 at 11:31 PM

chanda STRESS espineda

puuuuuuuuuuutaaaaaaaaaaaaaa
aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaakteee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
e!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!!!!!!



-ako na lang nakakaalam kung para saan yung bawat letra diyan.
Tuesday, January 17, 2006 at 12:15 AM

Love Quotes

Kanina, habang nagdri-drive ako.. may nagtext.

"wn U LovE sUm1,sEt hm frEE!"

Sa phone ko kasi, yung first part ng message kagad talaga mababasa mo. Takte, uso pa ba love quote?! ahahaha. Alam ko pang high school lang yun eh.

Tsaka yung mga love quote, para sa walang love life. Ahahahaha!
(shet, ang harsh naman na ata)

Diba diba? Hit na hit talaga lalo na yung mga "bitter love quotes" sa mga medyo malabo ang career sa pag-ibig. I-she-share mo pa yung natanggap mong message sa friend mo. Tipong "sheeettt!!! basahin mo to! Saktoooo.." (with matching facial expression). Feeling mo lahat ng love quotes, swak na swak sa yo kaya naman feel na feel mo talaga yon. Ang mga "happy quotes" naman ay kasama sa mga pantasya mong balang araw ay sesendan ka rin ng crush mo ng ganoong message (you wish!). At gabi-gabi rin, bago ka matulog eh papasadahan mo ang inbox mo at muli na namang dadamdamin ang mga love quotes mo.

Mula ata nang magkaroon ako ng 3210 nung 3rd year ay ganon na ginawa ko. Hirap na hirap pa ako sa pagdecide ko anong message idedelete ko kasi nga maliit lang yung memory capacity. Laking tuwa ko kaya nung naging 3310 at medyo nadagdagan yung pwedeng i-save na message. Ahahaha.

Pero ewan, ngayon, wala na talaga. Wala na rin halos nagfoforward sa akin. Hindi na ako kasali sa anumang "forwarding-quotes-group." Pag nagsend ka sa akin ng chain (o kahit hinde) text, sa akin na ang katapusan nun. Hindi na rin mga quotes na kung ano-ano naka-save sa inbox ko. Sayang, kaya pa namang hanggang 1000 messages!

Pero kasi, iba na rin talaga ngayon. Yung mga inaakala kong kakilig-kilig na quote noon, wala pala yon. Mas mahalaga yung mga tipong "May payong ka bang dala?" sa oras na biglang umulan o di kaya kahit simpleng "sana maganda gising mo :)" Kahit hindi pa kayo, mas itretressure mo yung mga ganyang messages kesa sa mga forwarded na may mabubuo pang flower o bear sa graphics. Actually, magtaka ka nga kung sesendan ka niya ng mga mushy forwarded quotes. Nagpapasahan rin ba mga lalake ng mga mushy-mushy-han? Pero pwede rin naman.

Tapos, feeling ko rin, weird send-an ng love quote yung mga in a relationship. Kase feeling ko kasabay nun yung iniisip niya na iniisip mo na isesend niya yun sa boyfriend niya. Basta weird. Ganun lang naiisip ko.

Kaya naman nagtaka rin ako kung sino kaya magsesend sa akin ng love quote. Lalo na yung generic pa.

Tiningnan ko yung sender: Princess.

Takte! Si Princess. Hindi pwede. Kaya naman agad-agad kong binasa ang karugtong ng message...


LaOs n Un!


E2 tma!


wEn U LOvE sUm1, tas gUs2
nyang mkwLa,



kadEna m!


tpOn mO s iLOg!

mnsAn k n nga Lng mgMmhal,
iiwan k p?

mgkmtayan na!!!!


Takte. Si Princess nga yung nagtext sa akin. At natawa naman talaga ako mag-isa.

Sunday, January 15, 2006 at 1:53 AM

WEBSITE!!!!

May website na cawiw talk (archel style)!!!

yehey! salamat kay tina :)

tuloy ang buhay. ngarag na ngarag na ako.

Kanina, feeling ko pagod na pagod ako kaya naisipan ko nang matulog ng mga 10 pm. Tas pag higa ko, feeling ko may kakaiba. Feeling ko nagpapalpitate ako (o imahinasyon ko lang yun). Tapos andun na ako sa patulog na moment tapos feeling ko nde ako buhay. Ahahaha. Tipong kelangan kong gumising para manatiling buhay. Ganon. Kakaewan. Kaya bumangon ako.

Tinapos ko na rin ad namin para sa egroups.
Image hosted by Photobucket.com












Tapos si Jerome yung papagawin ko ng poster for printing. Yung perang pamprint? Bahala na.

I need a break this weekend. Manonood ako ng Dont Give Up On Us. Ahahahaha.
__________________________________
ps. sorry kung nagiging CarEEEr Talk update na tong blog ko.
Friday, January 13, 2006 at 12:33 AM

walang title

Shet, screwed screwed.

Dami pa dapat gawin. Ang dami ko ring sinasayang na oras.

Ako: Chanda, pinapaalala ko lang sa yo na enrolled na sa 17 units ngayong sem. Wala ka pang drino-drop at wala kang dapat i-drop. Leche! Bakit parang wala kang pinapasukan! Maaawa ka sa mga subjects mo. Naman!! Naman!

Chanda: Opo, papasok na po ako sa 105 (pang-3rd ko pa lang na pasok if ever) at sa 141(na medyo kinakalimutan ko talaga). At magbabasa na po ako ng mga nakatambak ko na babasahin.


___________________________________

Alam ko swanget yung tagline sa picture. Any suggestions? Tsaka pasensya na ah, perstaym kong gumawa ng poster. Langya yan.

Image hosted by Photobucket.com











________________________________

Nagkita pala kami ni Joy (buddy/officermate nung hs) kanina. Galing siyang New Zealand. Nagyaya siyang mag-isaw kasi apat na taon na daw siyang hindi nakakapag-isaw kaya naman syempre ako, likas na mabait, hindi pumasok ng 141. So yun. Astig pala sa New Zealand.
  • ang yaman ng gobyerno! may allowance yung mga estudyante (150$ per month), libre ospital, may allowance yung mga single mom (kaya karamihan daw hindi nagpapakasal. Basta magdeclare daw kasi sila na single mom may allowance na silang 400$ per month).
  • nakabili siya ng brand new na kotse sa pamamgitan ng pagpapart-time job. Kumikita siya ng mga 300$ a month (na pwede nang ipambuhay ng pamilya dito sa pinas). At mura lang rin pala kotse dun, lumalabas na mga 300k pesos lang yung brand new.
  • legal abortion, pinapamudmod lang ang condom, normal lang magpa inject ng contraceptives. Kaya naman kulang sa populasyon.
  • 4pm nagsasara mga malls
  • walang chicken ang mcdo!!!
  • pero yun nga 20% ang tax. Pero ano naman diba?
Sabi ko nga magt-TNT na langako dun eh. Ahahahaha.
Tuesday, January 10, 2006 at 11:51 PM

i need help

gumagawa kasi ako ng teaser/ad ng carEEEr talk na ipapakalat sa mga yahoo groups. tapos naisip ko syempre may picture (baka sabihin cheap tayo eh) ahahahaha. Basta, tapos ganito yung nakita kong concept.

Image hosted by Photobucket.com















Tapos ang gusto kong sabihin, parang "malinaw na ba ang landas na gusto mong tahakin pagkatapos ng gradutaion?" Ang pangit noh? Pero basta ganyan yung gusto kong ilagay. Dapat english kasi feeling ko sa UP lang patok yung bara-barang poster na tipong "Psst! May tyrabaho ka na ba?" Eh ipapadala ko yan sa iba't ibang schools. So yun, ano kaya pwede ko ilagay? Yung eksakto ah.


Sige na.. tulungan niyo na ako. For the love at erg. Tsaka for the love of chanda para sa mga hindi erg. :)
at 12:15 AM

Unang post sa 2006

Tapos na ang unang linggo ng 2006.

At kung mangyayari yung sinasabing "kung pano mo sinalubong ang taon ay magiging ganon ang buong taon mo" eh gudlak na lang sa akin. Sana naman hindi.

Marami akong gusto sabihin pero wala ako sa mood. Gaya ng mga theories ni Paul P sa 'ron' na isa palang panlapi, mga problema ko sa CT, problema sa acads, katabaan ko na sumusobra na talaga, problema ng cellphone ko, kinaiinisan kong mga bagay-bagay, etc. Gusto ko lang mag post ng bago kasi wala pa nga pala akong post para sa taong ito.
____________________
ps. aliw! nakita ko yung blog ng isa kong instructor. Hehehe, likas na tsismosa talaga ako at mahilig magbasa ng blog (kahit hindi ko pa nga kilala binabasa ko eh). So yun, nung nakita ko yung blog niya, naaliw talaga ako. Parang pag binabasa ko, prang "waw, normal na tao rin naman pala si sir." Hehehe.... Syempre hindi ko isusulat dito kung sino siya at kung anong url ng blog niya.
Sunday, January 08, 2006 at 11:07 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.