<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Updates

  • I think I gained 20pounds. Ayoko magtimbang eh Horrifying. Hahaha. Eh pano ba naman. Hindi na kasya yung mga saktong pants na sinusuot ko last sem. nasusuot pa naman sila, pero parang hindi na makadaloy yung dugo sa hita ko sa sikip. Shet talaga, kung may talent ako, eto na yun. Kun may BIGGEST GAINER na game, sure na mananalo ako. In less than 1 month, t-w-e-n-t-y-p-o-u-n-d-s!!!! Saan nanggaling?
    • 5lbs--sa IT training meals
    • 5lbs--chips (kumakain ako ng pringles ngayon, bumili ako ng 3, 53 pesos na lang isa! magpapalit kasi sila ng package)
    • 10lbs-- cake and chocolate :( reese, galak, sneakers, riter, banapple, cafe quezon, flor de lys, five cows, starbucks
    • ++lbs--beer
  • At dahil diyan, mag-jo-jog na ako everyday. hahaha, sana. Pero sure na nde na talaga ako magrice, mag sweets (um, minsan na lang). Shet chanda, kaya mo yan.
  • IT training, database. no comment. :D
  • Uwi na si Reggy. Dapat nung friday pero nagpamove siya sa wed. pero sad pa rin :(
  • wala pa akong napapasukang 113.
  • kasi may sakit ako last week. sobrang sipon at ubo. as in nakahiga lang ako.. at nakakainis yung feeling ng nde ka makaalis.
  • nanginginig yung hita ko ngayon kasi umakyat ako sa WCEL (4th floor) tapos pumunta dito new CS building. Shet, 1st physical activity for a long time. i really need to do something. :\
  • ENGG WEEK na. At ang tagal kong nag hiatus sa erg kaya marami ako nde kilala. ayoko namang sa start ng game saka lang ako magtatanong ng names. that's just not erg. that is so ** ****! hehehe ;p
Monday, November 26, 2007 at 8:41 AM

One More Chance

Pagkakita ko pa lang sa trailer nito sa TV eh gusto ko na talagang panoorin. Hindi ko alam kung nagiging baduy ako at ang mga natitipuhan kong panoorin eh mga tagalog love stories o dahil sa tingin ko eh may sense talaga ang movie. Idagdag pa na nagagalingan talaga ako kay John Loyd umarte. Naks. Hahaha, eh kasi, mata pa lang, alam mo na yung emotion na pinoportray niya.

Anyway, tungkol sa movie, kaya ko siya plinanong panoorin kasi makatotohanan. Nangyayari sa normal na buhay, nangyayari sa mga taong nasa paligid mo, pwedeng mangyari sa yo. Hindi kagaya ng ibang tagalog na pelikula na mahirap yung isa tapos mayaman yung isa. Na tipong si Richard Gutierez (nde ko pala alam spelling) eh janitor! Camon diba!? O yun, basta, maraming pwedeng makarelate sa takbo ng storya ng One More Chance.

Sa tingin ko eh dapat panoorin 'to ng bawat couple, lalo na yung nde pa mag-asawa pero medyo stable na rin naman yung relationship. Hindi ito perfect date movie kasi may chance na mag-away pa sila pagkatapos. Hindi ito ginawa para magpakilig at magpromote ng loveteam pero para i-present yung yung struggles ng pagiging in a relationship.

Si Basya at si Popoy ay isang steady couple, 5 years na sila at nagsimula pa noong college yung relationship nila. Si Basya ay isang architect at si Popoy ay isang Engineer (civil perhaps) at "conveniently" eh nagtatrabaho sila sa isang firm. Nagkikita sila araw-araw, bukod pa sa nasa isang group of friends lang sila. Lahat ng ginagawa nila eh nakaayon sa path ng relationship nila. Until naramdaman na lang ni Basya na nawawalan na siya ng control sa buhay niya. Hanggang sa nagkaroon ng what-ifs. At dun na nagsimula, gusto niyang siya muna maging bahala para sa buhay niya kaya nakipag-break siya. Nasaktan si Popoy. Syempre, parang nabasura lang lahat. Pero nakahanap siya ng bagong girlfriend. Then saka narealize ni Basya kung ano yung mga nagawa niya. Too late?

Mga gusto kong part/dialogue:
  • Yung nagkaharap ulit sila after the break-up. "Putang-ina Bash, gaano ka ba katigas at di mo ko kinakausap?" Shet, painful. Mahirap siguro tanggapin na yung minahal mo for several years can ignore you like that and won't care when you're hurting badly.
  • "And you chose to hurt me." Dun narealize ni Basya na sa desisyon niyang hanapin yung sarili niya eh para na rin pala niyang piniling saktan si Popoy. Which I think, most party will not realize kapag nakipag-break sila. Iisipin nilang it will be for their best, for the relationship, blah blah. And yung magiging worry nila eh yung sariling pain, na paano kapag wala na yung isa sa buhay niya. Pero dapat nilang isipin yung partner na maiiwan diba? Unang-una, yung nakipag-break may reason pero nasasaktan pa rin. Paano pa yung isa, gulatan na lang? It will be more painful because it would be hard for them to find sense on why did it happen.
  • Yung hospital scene na pinapayuhan ni Popoy yung isang friend niya na iniwan din ng girlfriend. "Kaya tayo iniwan ng mga mahal natin, kasi may mga taong mas magmamahal sa atin. Yung di tayo sasaktan.." Nde ko maalala, sa lagay na yan, yung ibang linya. Hehehe. Makita mo ba naman yung mahal mo na in pain dahil sayo. kaboom.
  • The other side of the story, yung ineexplain na ni Dimples Romana kay John Lloyd na it's not all about him in pain. Na sana nakita niya yung need talaga ng partner niya to stand on her own. At kung gusto rin ba niyang patuloy niya nasasaktan si Bea habang magkarelasyon sila.
Sa mga decisions na ginagawa natin, lagi naman nating gustong mapabuti o maitama lahat. Kung ikaw ay nasa isang relationship at gusto mo ng space para hanapin muna ang sarili mo, eh siguraduhin mo muna na yun talaga gusto mo. O baka nabobore ka lang? O may iba kang gustong gawin tapos ayaw ng partner mo? Dapat handa ka. At sa mga gumagawa o nagplaplanong gumawa ng mga side trip diyan, dapat handa ka rin. Handa kang makitang sinasaktan mo yung partner mo, handa ka ring tanggapin na pwedeng mawala talaga siya sa yo. Hindi mo pwedeng sabihing, "joke lang" o "ulitan, tayo na lang ulit." Kasi minsan ganun, madali sabihing "break na muna tayo" kasi you've been sure for so long na lagi lang siyang andyan. Hindi ko sinasabing wag makipagbreak kasi against din ako sa martir-inspired relationships, hehehe. Pero yun lang, pag-isipang mabuti lahat kasi hindi naman lahat kagaya ni Popoy at Bash na may one more chance.

****
haha! affected na naman ako ng movie. kasama ko si reggy manood tas nakakatawa kasi may part dun na pati yung pagkain ng chicken skin eh nakasanayan nang i-control ni John Loyd. Automatic na tinatanggal niya yung balat ng manok, kahit yung manok ni Bea. Eh nung last time na kumain kami, tinanggal ko yung balat ng manok ko at tinabi lang sa gilid ng pinggan. takam na takam siya pero di ko pinapayagang kainin yun kahit siya nagbayad ng meal. eh dahil defensive ako, sabi ko kagad, "Hindi ko naman tinanggal yung baat ng manok mo, diba? Yung sa akin lang."
Saturday, November 17, 2007 at 11:57 PM

Free Texting While Online

Yes, it's free.
And unlike chikka, you don't have to install anything.
How?



Step 1. Go to Google Talk: http://www.google.com/talk/#

Step 2. Launch Google Talk Gadget

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket












Step 3
. Log-in using your g-mail account. A new window will pop.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



















Step 4.
Add contacts.


**Very important**
Follow this format when adding: 639277813681@chikkatalk.com

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


















The added party will receive a notice in a while and you will see the added contact in your window


ayan din pala yung new number ko (sorry nagplug pa, ang hirap maghanap ng contacts, text niyo naman ako.)


Step 5. Send message! :) Double click on the number , then a new tab will appear. Input message on the lower part of the tab.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket




















yey! and i believe it's unlimited :D

too bad you can't assign name to your contacts..
Wednesday, November 14, 2007 at 11:07 PM

Bohol Trip 2007

Yes, may 2007 kasi sure na babalik kami dito :D

Kung gusto niyo ng pahinga sa magulong siyudad (naks), eh sa Panglao talaga kayo dapat. Siguro, iba-iba yung reviews ng mga galing ng Panglao. Merong nagustuhan, merong ok lang at merong hindi talaga. Depende kasi yun kung saan sa Panglao kayo pumunta.

Dalawa yung sikat na beach, yung Alona beach at Dumaluan Beach. Sa Alona, sa pagkakaalam ko eh tabi-tabi ang mga resort at kainan. Ang naiisip ko sa kanya eh parang Puerto Galera type. Eh sino ba namang lubos na matutuwa kung ganun lang rin. Eh ang layo ng bohol, pwede namang nag puerto na lang. :) Pero iba pa rin yung sand ng Panglao..

Ngayon, sa Dumaluan, may 2 resort, Ang Dumaluan Beach Resort at ang Bohol Beach Club. Sa Dumaluan Resort kami nag-stay kasi mura, mga 1850 yung room per night for 2, kasama breakfast. Plus 350 yung extra peron. Sa Bohol Beach Club naman eh grabe sa mahal, 3800 ata pinakamura. At ang mga astig eh nasa 10k per night. Pero grabe, sulit naman kung sa sulit. Kasi ang ganda! Yung mga pinapalabas sa TV na Wow Philippines ng Bohol eh kuha sa BBC.

Dahil magaling kami, at nagbasa ako talaga sa PEx bago pumunta, eh naexperience namin ang BBC :D Na-set namin na yung 2nd day namin eh BBC day. Pano? Pwede ka magcross sa BBC shore for 250 per person (weekday kasi, kapag weekends 350). May guard talaga dun sa dulo ng BBC at bawal pumasok kung hindi ka guest or magbabayad ng 250. Pero ok lang naman yung 250, consumable yung 150. At sa halagang 100, maeexperience mo 'to:

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket




like this, hehehe

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket




Ang maganda sa Bohol Beach Club eh wala masyado tao at may naglilinis ata talaga ng shore. Sobrang feeling mo sa iyo ang mundo. Naks.













makakapagduyan ka din dito:





















makaka-swim ka dito:


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
































At since may consumable kaming tig-150 eh dun kami nag lunch. Reasonable naman yung price para sa ganung type ng resort. Yung malaking pusit eh 160 lang, 230 para sa kare-kare. Ok lang diba? Para ka lang nag pizza hut sa lunch.


















At dahil nasa Bohol na rin kami, eh nag-tour na para makita ang Chocolate Hills, tarsier at Hinagdanan Cave sa aming 3rd day. Yung contact na nakuha ko sa PEx ay si Spencer, wala sa akin ngayon yung phone num niya. For
1,800, marami nang stops at good for 4 persons na. Kaya mas sulit kung apat kayong namamasyal kasi 4 kayong maghahati sa 1.8k. Kung big family naman kayo eh may mga van, for 12 people eh 3k lang, pwede pa daw tawaran. Si Spencer na rin nagsundo at naghatid sa amin sa airport. 400 talaga ang rate, kahit ng mga taxis from airport to panglao, at pabalik din. So kesa makipag coordinate pa kami sa hotel eh si Spencer na rin ang kinuha namin.


Chocolate Hills















Tarsier and Reggy
, wala akong shot kasi takot ako :(

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
















Hanging Bridge

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
















Man-made Forest

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
















Baclayon Church

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket




















Blood Compact Site

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
















Hinagdanan Cave

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


















Lunch at Loboc River Cruise.

280 per person ang buffet, hindi ito kasama sa 1,800 na tour. Hmm, hindi ako naulitan sa food, pero yung view naman ng loboc river yung habol. At syempre, experience. :)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


















Sa ibang meals naman eh may masarap na barbeque-han sa dumaluan, nasa 70 lang yung grilled 1/4 chicken, at ganun din ang price ng liempo. Samahan pa ng mango shake na 35 lang. Super sulit. Wala kaming picture kasi nawawala sa iip naming picture-an bago, gutom kasi kami lagi. Hehehe


Sa tingin ko sulit talaga yung Bohol trip namin. Bukod sa nakamura na kami sa airfare (2,500 per person 2-way tagbilaran-manila) eh na-experience namin yung 1st class resort sa murang halaga :) At syempre, mas masaya ang trip dahil sa aking kasama, naks! :)

Anyway, may mga other activities na hindi namin nagawa. Yung snokling, dolphin watching sa Balicasag Island. 1800 yun and mga 6am ang alis para maabutan yung dolphins. Eh bukod sa maaga at mahal, eh mas ok ata kung maramihan. Parang mas masaya mag snorkel. At meron ding bago sa Panglao ngayon, yung EAT Danao. Adventure trip naman siya, rapelling, slide for life, treking, river, etc. Weekends lang siya, 2,800 for food, lodging and equipments mo for 2 days and 1 night. Ayun, tara! Subukan natin :D

Sa budget sa Bohol trip, sa tingin ko sobra-sobra na 10k para sa isang tao. Abangan niyo yung PAL na 288pesos lang, alanganin yung days pero malaki naman matitipid. So mga 3k for plane. At kunwari apat kayong nagtratravel, 200 para sa sundo at hatid sa airport, 500 para sa day tour, 500 para sa balicasag tour. Sa accomodation, mga 650 per night kasama na breakfast. suggest na mag 3 nights talaga kayo kasi ang bitin, may 1 day bohol tour tapos mag dolphin watching pa, hindi niyo maeenjoy yung beach.. wala lang, para sa akin eto yung pinunta ko dun eh. So mga 6k na, plus yung 280 pala na Loboc lunch at 250 na entrance sa Bohol Beach Club. At budget na mga 150 sa isang meal. At syempre, sa natira pampasalubong! Hehehe..

Friday, November 09, 2007 at 6:24 PM

Bagong VAIO para kay Meling

Dahil siya lang kilala kong may Vaio! Hahaha!
Syet, hindi ba yan mababali?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket







(photo from www.bryanboy.com)

At ang tanong, magkano kaya 'to?
Monday, November 05, 2007 at 11:18 PM

Pampa-gana (part 1)

"Tita, ano ba yan, hindi mo ba ako binilhan ng gamot ko? yung pampa-gana"
-caitlin, pinsan ko

Nakakatawa.

"Pst! Tingnan mo nga sarili mo sa salamin. Sa tingin mo ba kelangan mo ng pampa-gana?"
-ate chanda

Hahaha. Eh kasi, ang taba naman niya eh. Ang siksik eh.. Sarap nga pisil-pisilin yung braso. Kinder 2 na siya sa Diliman Prep at rank 1 siya. Unbelievable. Hindi kapani-paniwala kasi hindi siya mukang seryoso mag-aral. Nanonood siya ng lahat ng teleserye sa channel 2, tambay siya sa kalsada sa hapon, may dala siyang face powder at tsinelas araw araw. Ewan ko talaga dun kung pano siya nag-top. Anyway, natawa lang ako talaga kanina. Nung pagkapunta ko dito sa editor.

Kung kelan walang ginagawa saka wala akong post eh. Ay, busy pala ako. Busy ako magpataba. Hahaha! Eh kasi naman lagi kami magkasama ni Reggy. Mula pagkauwi niya nung tuesday eh eating marathon na kami. At dahil trip ko magpost ngayon, eh magbibigay ako ng comments sa mga kinainan namin.

Mexicali
Price: about 150 yung buritos, nachos and quesidilla, 50 yung botomless drinks.
Sa Promenade, Greenhills kagabi.
Nachos with guacamoli sarap! Sa buritos, feeling ko kumonti yung meat at dumami talaga yung rice :( or maybe dapat yung regular size lang oorderin ko. hehe.. Nakaka-sawa na puro rice nakakain mo eh. Buti na lang sarap ng white sauce, at anghang talaga ng chili sauce. At sa mexicali lang ata may unli calamansi juice.

Jollibee
Price: Alam natinglahat to :)
Sa Tutuban, kahapon ng tanghali.
Syempre alam niyo naman mga lasa ng pagkain dito pero nakakinis sa Jollibee eh yungpag phase out nila sa mga items nila ng bigla-bigla lang. Hindi mo naman masabing hindi mabenta. Yung super favorite kong banana langka pie, inalis na. Siguro hindi niyo na 'to naalala pero eto yung kasama ng peach mango pie na unang nilabas talaga. Mga early high school pa ata to nawala. Grabe, kinimkim ko lang sama ng loob ko. Hahaha. Tapos eto ulit, yung cheese mushroom burger wala na! Hellloooooo!!!! Bakit nawala? Eh marami naman bumibili nun eh. Cheaper alternative sa bacon mushroom melt ng wendy's. Kainis. Tsaka yung pizza melt ah, ewan ko talaga kung anong basehan nila. Ang haba na ng nasabi ko sa jollibee.

Five Cows
Price: Um, about 150 yung order ng desert: ice cream, ice cream cake.
Sa trinoma, nung Friday afternoon.
Shet, sa nakakakilala sa akin, alam niyo na mahilig talaga ako sa sweets kaya heaven. hehehe. Yung order ni reggy eh yung ferrero ice cream. Nung ako na pipili, gusto ko sana nung mga ice cream cake pero may leche na namakyaw nung mga mukhang masarap. Ice cream narin inorder ko, yung apple something. Ang sarap ng order namin! Sobra. Yung sa kanya, lasa talaga ferrero chocolate! Yungakin, basta may kung ano-ano dun sa vanilla ice cream pero masarap. Wala akong kwentang food critique. Basta masarap. Pilit ko pang sinasabi na bagalan namin kasi nangangalay talaga paa ko. Kaya kami "magmemeryenda" eh para makapagpahinga. Pero nde namin kinaya, ang bilis naubos. Hahaha. Babalik ako dun.

Pao-tsin
Price: 41, may rice meal ka na!
Sa trinoma nung saturday at sa Sm fairview nung wednesday ng gabi.
O diba, naging fave na namin. Hehehe,nagustuhan niya rin eh. Fave namin yung steamed crab or shrimp. Ang sarap din kasi ng sauce. Pero sa tingin ko ang masarap dito eh presyo eh. Mahirap lang sa Hypermarket eh nakatayo ka. Unlike sa Trinoma, nasa food court nila kaya mas ok, comfortable kumainng tig kwarenta na meal. :D

Chef D' Angelo
Price: 220-3 piece WINGS, 100 ceasar salad, 200+ yung 9 inch pizza, 50 botomlessiced tea
Sa SM Fairview nung Thursday night.
Ang sarap ng chicken! Barbeque sauce yung pinili namin. And shet,WINGS talaga kasi ang laki! Nakakabusog na yung isa. Yummy pa yung sauce, ranch ba yun? Basta white. Hahaha,wala akong kwenta. Hindi ko pa na-try yung pasta. Hindi ko maalala yung pizza kasi yung chicken yung tumatak sa isip ko. Balik ako dun para ma-analyze yung pizza. :D

Max's Fried Chicken
Price: Ok na yung mga meals, 150+ eh 1/4 chicken,rice plus side dish na either pansit, lumpiang ubod, macaroni salad, then additional 50 sa drinks.
Sa Katips, nung Wed lunch.
Syempre, iba talaga ang fried chicken ng Max's with mtchingJufran catsup :p Sa lahat ngimportant ng dine out namin ng pamilya ko eh maxs lagi kaya naman mejo nakakasawa. Hmm, pero kung marami kayo kakain, I recommend na yung package yungkunin niyo. Like yung for 5 people na tig 1.5k++, pero kahit 7 pwede magsalo. Mag chicken, kare-kare, pansit, sinigang na hipon, bangus at buko pandan dessert pa. Mag additional rice nalang kayo :D

Ayun, shet, nungpagkasulat ko, napatingin ako sa tyan ko. Shet, kaya pala siya lumaki na naman :( Mula sa ilang buwan ba yakisoba lang lunch at dinner ko, tapos wala pang tulog.. naging (more than) complete meal every meal at (more than) 8 hours nba tulog. Di nakasya pants ko. Seryoso. Jog time na. Ay, bohol muna :D

Iniisip ko na dagdagan yung mga 'reviews' sa mga pinopost ko. Food, vacation places, alcohols, hahaha! Sige, hanggang sa muli!
Sunday, November 04, 2007 at 8:51 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.