<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Food Trip

Hi friends, after kong matuklasan ang Ea-ji, BreadPan, Rael's Sampaloc sa SC (yung maalat) at choco mucho, marami na ulit akong natuklasan. Hehehe...

HungryPac Crinkles and Chocolate cake
Super!!! Nung una, naki-free taste lang ako pagdaan namen (oo, makapal talaga muka ko) sa The Block. Pero di ko mapigilan bumili nung chocolate cake. Hehehe, maliit lang naman siya at 3 for 100. Baka sabihin niyo ang garapal ko, isa lang binili ko (35 pesos). Pero di ko na nahintay na makahanap ako ng uupuan, kinain ko na habang naglalakad. Super sarap din ng crinkles nila. Kaso medyo mahal kasi 80 pesos yung pinakamurang box. Basta, katapat siya ng Burgoo sa The Block, SM North.

Cerealicious!
Para siya ice monster pero mamimili ka sa mga cereals (malamang). Tapos yung gatas niya, frosted, parang ice cream kaya nde gaano maghahalo-halo yung lasa ng mga cereals. I recommend (naks) na yung Create-your-own yung bilhin niyo. 45 pesos tapos 3 different cereals (of your choice) yung kasama. May milk na rin yun. Yung mga blockbusters kasi nila, na worth 80 pesos, isang type lang ng cereal, may ice cream lang at kung anong eklat na toppings. Basta, kung mahilig kayo sa Ice Monster, magugustuhan niyo rin to. Nasa The Block din ito. Nakatapat dun sa SM Main building. Katabi niya yung Cafe Arabico na never ko pa nakitang may kumain. Ahahah. Ang sama ko. Basta, try niyo. :)

Kettle Corn
Eto medyo corny. Kalasa pala niya yung Hole Kettle Corn, pero mas matamis. Yun lang, kasi ang tingin ko dati dito sa Kettle Corn lang eh hindi masarap at boring ang lasa.

Brownies' Peanut Butter Crispies
15 pesos ata eto, pero ang sarap! Kalahati ng cross section niya eh chocolate tas may crispies at may lasang peanut butter. Nakaka-bother lang na hindi ko siya nakita sa Brownies nung huling 2 beses na pagpunta ko. Sana naman, hindi nila phi-nase-out (what a word).

Subway
Corny ko noh? Ngayon lang ako nakakain eh. Hahahaha! Pero ok talaga eh. Naalala ko, ginagawa lang ni Mario ng lifestyle channel yung mga jumbo burgers. Kaya na-excite talaga ako. :) Pero next challenge, 12 inches!! Joke lang, di ko kaya, nakakabusog yung kalahati.

Del Monte Fried Chicken Mixes, Restaurant Style
Gusto niyo ba ng murang KFC? Hehehe, di naman kalasang-kalasa pero ang sarap talaga! Bale mabibili siya sa supermarket for 36 pesos ata. Tapo, may mix na dun para sa kung saan niyo imamarinate, tapos mix sa breading at mix sa gravy. Kumpleto talaga! Hehehe, pasubok niyo sa mga nanay niyo. Seryoso talaga :) Kina Reggy ko 'to natikman. At bumili na rin ako para dito sa bahay namen. Manok na lang kulang.

Yan na lang muna.. nakakatamad maghanap ng pictures. Subukan ko na lang silang picture-an kapag kumain na ulit ako. Hahaha! Go jogging!!!
Tuesday, November 28, 2006 at 10:14 PM

MAOT

Anong title nung bagong kanta sa Pinoy Dream Academy? Yung.. Nais naming marating.. ang tuktok ng mga bituin, di kami titigil...

Astig eh. Sobrang naadik na ako manood ng tv. Ahahaha! Lalo na Maging Sino ka Man. Shet, nakakaawa na si Anne Curtis dun. Adik na adik ako sa puntong hindi na ako nakakatext kay Reggy na nakauwi na ako. Hahaha.. "inuuna mo pa si Papa Sam at Papa John Lloyd."

Hay, not so good Monday. Unang-una, Monday na naman. Pangalawa, talo womens sa volleyball. Nakakhiya kina MM at Karen. Wala man lang akong nagawa. Bad trip.. parang napapatulala lang ako kapag may bumabagsak na bola. Bad trip. Di bale, participation 100 pts diba? Tas yung panalo 200. I'll make up to the lost 100 points. Promise. Hehehe, tapos basta, wala ako halos pinasukan na class. Nakakatamad eh.

Tapos na-approve na pala visa nina Reggy papuntang Australia. Yehey kasi ang tagal na rin niyang bum at oh-no kasi baka di na siya dito magpasko at matagal ko siyang di makikita. So by January, makikita niyo na ulit akong pakalat-kalat lang sa EEE.

Ang sakit na ng paa ko. Nagjo-jog na kasi ako ulit eh. Hehehe. Sa acad oval. Kaya kung nung minsan eh parang nakita niyo ako dun, tama kayo, ako nga yun. Ahahaha!

Engg week. Engg week. Engg week.
At ang aming Ms Engg...

Photobucket - Video and Image Hosting


Ok ba? Pero mahihirapan yan magpaliit ng boses. Tsk. Buti pa yung iba...

Leche, naiinis na pala ako. Akala mo kung sino ka. Ang kapal ng muka mo! MAOT! Ang feeling feeling mo, mahiya hiya ka. Palipitin ko yang leeg mo nangtuluyan ka nang mawalan ng boses eh. MAOT! Hindi talaga ako makapagpigil, papatirin kita kapag nagkasalubong tayo eh.
Monday, November 27, 2006 at 9:13 PM

nakaka-gigil!

isang oras lang pero mas napagod pa ako kesa sa maghapong palakad-lakad sa UP. Pano ba naman kasi, nag-umpisa na naman ako mag-tutor. Pero ibang level talaga yung tutee ko ngayon.

isipin niyo, naging problema na namin to before mag sembreak. tapos ngayon ulit..

"so ayan, solve for x.."
"uhhh.." parang nagiisip. ang na-andun lang eh x^2 -16=0
"eh diba, kelangan matira yung x sa isang side, so yung dapat gawin?"
"t..transpose..?"
"tama" buti naman..medyo alam pala niya.. so sinulat ko na yung x^2=16
"ay, nawawala na po ba yung zero dun?"
"ah, oo kasi ganito yun, bale nag-a-add ka ng 16 on both sides..blah blah" naiimagine niyo siguro kung paano ako natigalgal sa tanong na iyon.
"so ano na gagawin after niyan? kelangan matira lang x"
"umm.."
"x squared, ano ba yung reverse ng squared?"
"divide by 2"
"ha!?!" pramis, nde ko napigilan mapa-ha.. pano ba naman kasi, tinanong ko na yan last time, nung 2nd quarterly exams niya tapos ngayon ulit, yan pa rin sagot niya!
"tingnan mo, 3 squared.. anong value? 9 diba? kapag dinivide ba sa 2 yung 9, 3?!?" sobrang panggigil na talaga.. pero grabe talaga, sobrang pagpipigil.

tapos may part din na factoring yung step, yung tipong x^2-16 eh mafafactor mo sa (x+2)(x-2). Medyo ok naman yun.. akala ko.. Yung given eh (4x^2-16)..

"diba yung concept niyan, square root mo muna each term.. sige, yung first term muna."
"ahh.."
"sige, yung 4, ano square root?"
"2"
"ok, so imumultiply mo lang yung 2 sa square root ng x squared. ano ba yung square root ng x squared?"
"uhh.. 2!"

Omaygad.. at marami pang iba. Nagdadasal nga ako nun eh. Baka mag-walk out ako. Hehehe, pero chllenge talaga 'to. Kasi yung iba kong pasaway na natutor-an, wala lang silang gana, tipong ayaw talaga mag-aral. Eh siya, ewan talaga. Pero mabait naman siya eh.

Yun nga pala, 4th year high school na siya. :) Mas nakakagigil ba?
Wednesday, November 15, 2006 at 10:20 PM

much chocolate

Guys, natikman niyo na ba ang choco mucho!??!?

Isa siyang tsokolate (malamang) na local at mura lang pero ang packaging niya eh medyo ok kumpara sa nips. Medyo kalevel niya yung mga cadbury..medyo lang. Basta. Tapos ang sarap! Hehehe, meron bang hindi masarap sa akin? Pero yun.. masarap talaga siya, may caramel, cereals, etc. 7 pesos lang siya sa mga tindahan sa kanto. Mga 2 months ago ko pa siya unang natikman nang mapadako ako sa isang mini grocery sa may north fairview. Tapos nung hinanap ko na siya sa mga big supermarkets, hindi ko siya nakita talaga. Sobrang nalulungkot talaga ako nun. Parang naikwento ko na kasi sa lahat tapos wala akong maipakitang proof since hindi pa nga ako nakakabili ulit.

Tapos buti na lang nung start ng classes, meron siya dun sa tindahan sa may FC (Faculty Center)! At ngayon nga, makikita niyo na siya sa Coop, sa puregold at sa robinsons supermarket. Hindi ko pa nachecheck sa sm eh. Hehehe, ayun, 5 pesos lang siya sa mga big stores kaya ok talaga.

Photobucket - Video and Image Hosting


Yun nga lang, nakakataba. Lalo na kapag may magbibigay sa iyo ng isang box na may 10 piraso. Holy shet.

---------------------------------

ENG'G WEEK naaaaaaaaa!!!! Hanggang dun lang... ayoko magmayabang in advance. Hahahaha! Kita-kits ;)
at 9:05 PM

2nd planning sem

where: bahay ni Julie sa Antipolo
when: friday-sunday last week (nakaktamad mag-isip ng date)
mga nangyari:

Photobucket - Video and Image Hosting
grocery muna sa metro-east. kasama ako diyan!!! pero ako yung kumuha ng pic. hehehe... Dapat sakto lang sa 2k eh. Si katkat, may calcu na nga mali pa. Sa bilang niya mga 1,700 lang. Pero sobra kami ng bente. hehehe... wag niyo siyang isama sa grocery.


Photobucket - Video and Image Hosting



puro screen sa lahat ng sides kaya kita mo kung gaano ka-creepy sa labas. Si Julie at ang dalawang f_ _ _ t.



Photobucket - Video and Image Hosting







laki ng dining table (hindi nga lang kita). tsaka ang folding bed na literal na nakafold. Ma-straight lang siya pag may nakahiga na.



Photobucket - Video and Image Hosting









Oo!!! Planning sem 'to!!! Chips, tasty, palaman at cards.. ERG, plinaplano talaga naming mabuti ang 2nd sem.



Photobucket - Video and Image Hosting






Ang dahilan ng pagsikip ng pants ngayon ni Meiling. Nakikita niyo ba yung malaking tortillos? hahaha!! kami lang umubos. Iba talaga ako makaimpluwensya eh.



Photobucket - Video and Image Hosting



Mahal talaga ako ng execom...Lalo na ni Katkat. Aahhaha! Hindi ko talaga yan naramdaman. Natulog kasi ako nung kumakain sila ng dinner. Tapos nung nagresume, hindi na nila ako ginising. Sinulat-sulatan lang.


Photobucket - Video and Image Hosting





Ang presidente at ang bise presidente. Seryosong pic muna. Para masabing nagplanning sem.



Photobucket - Video and Image Hosting






Ang presidente at ang first lady???? Nag-bahay-bahayan po sila. Bale may schedule pala kugn sino mang may gusto sumunod. May nakabook na eh. Si _ i _ daw next.. hehehehe. peace.








PINAKIKILALA:
ANG NURSE NG ERG.


Photobucket - Video and Image Hosting





Bale ganyan pala yung erg apparel natin sa 2nd sem ah. Available din pala in green and blue.

Go ERG!!!
Tuesday, November 07, 2006 at 4:24 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.