<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Merry Christmas

nung dinner with high school friends last dec 23. actually, namiss ko yung dinner. late ako eh. pinuntahan ko sila sa gonuts. lipat din kami sa starbucks sa west ave dahil kakadating lang ni rovina ng mga 12midnight. (ok lang, nilibre naman niya kami)

Last dinner date namin, nalaman kong nagpaparenovate ng CR nila si Jebi. Nagwowork siya sa bank na nde ko maalala kung ano.
lillian: uy chanda, invited ka daw sa blessing ng CR nina Jebi.
(hahahaha, syempre joke yun)
friend: ano namang feeling mo kapag nakikita mo cr niyo ngayon?
jebi: grabe, naubos nga savings ko eh. papalagyan ko nga ng tabo dun sa my pinto. piso ang ihi, limang piso ligo.. makabawi man lang.
(hahahaha)

Last summer, eh nag-bora sila na tig 1,500 lang. Plane yun ah at hotel accomodation pa. May contacts kasi. Nung gusto ko na sumama, tapos na negotiation. Bad trip.
Chanda: O, baka mag-bora na naman kayo tapos di niyo kagad sabihin. Para naman makapag-ipon yung mga estudyante.
friend: Korea daw tayo ngayong summer eh.
Tahakte, nahuhuli na talaga ako. Bora pa lang target ko sila Korea na.

At dahil nagtratrabaho nga sa Renaissance Hotel si Rovina..
Rovina: Uy! gusto niyo sa hotel, overnight, may discount ako. Pero hanggang apat lang talaga.
Friend/s: Talaga? Eh magkano naman?
Rovina: Mga 70 dollars a night.
Chanda: Takte, over 1k a night din bawat isa. ang mahal!
Rovina: Sosyal kasi yung hotel noh!

Hindi pa rin ever nakasama si Rovina sa mga outings namin, kahit nung mga sembreak outing pa. At dahil nga may mga sister hotels yung hotel nila sa ibang bansa ayon sa kanya..
Chanda: Ayan, kasi ang plano sa Korea daw sa summer, baka may sister hotel kayo dun..
Rovina: Ah kasi halos sa ASIA lang yung mga sister hotels..
ALL: KOREA!!! ASIA!!!!
Rovina: Sorry! Sorry! Absent ako lagi kay Ma'am Capinpin eh.
(si ma'am capinpin ay teacher namin sa Asian history nung 2nd yr hs)

At naungkat na naman ang pagiging perennial late ni Rovina.
Friend A: Anong nafeel mo nung bigla ka na lang pinalitan ni Osang na class monitor?
Friend B: Napalitan siya?
Friend C: Oo, kasi diba siya dapat magrerecord ng mga late. Eh pano niya marerecord kung siya lagi late. So isang araw na lang pagpasok niya, hindi na siya class monitor.
Chanda: Nung first year, di pa uso cellphone nun, kaya mga 2 oras kami maghihintay sa kanya sa mcdo carpark. Hahanap pa kami ng payphone around SM para lang malamang nasa bahay pa siya.
Rovina: Nagbago na ako ngayon!

So sabi nga niya nagbago na siya.
Rovina: Hindi na ako nalelate ngayon.
Chanda: Weh
Rovina: Oo, nakakahiya kasi, may summary at the end of the month. Eh di makikita talaga dun kung ilang late at absences.
Vanessa: Hala, eh ako nga nakaka 8 na late na eh wala pa atang one month
Chanda: So inaasahan mo pang mareregular ka?
(Si Vanessa ay trainee sa PNB, sa march pa ata siya pwede maregular)

Napag-usapan yung mga thesis. Syempre, hindi tungkol sa akin! hehe. Thesis ni Rachel, Civil engg siya, sa upd din.
Chanda: Eh pano yung thesis niyo, mga plan talaga ng mga buildings?
Rachel: Oo, di lang naman buildings. Dams, bridges. Pero di naman kelangan gawin talaga yung mga plans na yun.. depende
Chanda: Ahhh..
Sunshine: Bridges?!?! Pwede ba kayo gumawa ng bridge papuntang TAIWAN?
Rachel: Sunshine, bakit naman gagawa ng bridge papuntang taiwan.. -_-
(uh, si sunshine ay adik sa mga taiwanese actor. grad siya ng stat, pero full time na tutor. mas malaki pa nga kita niya compared sa mga employed)


Napag-usapan din yung tungkol sa relationships.
Vanessa: Eh pero sino yung mas nagmamahal sa isa?
Friend: Meron ba talaga nun? Na yung isa mas nagmamahal over the other?
Vanessa: oo!
Chanda: Eh sa inyo, sino?
Vanessa: Tinatanong pa ba yon!
(nakakatawa talaga 'to kasi hindi pa naman official yung sa pagitan nila nung guy. at alam naming gusto niya talaga yung guy.)

May kinekwento si Vanessa..
Vanessa: Tapos nag mamagic sing na. Si *toot* kasi hawak niya yung PHONE tapos inaabot niya kay..
Chanda: PHONE? baka MIC?
Vanessa: MICROPHONE!! phone! pwede na!
(nice one.)

Nauubusan na kami ng paguusapan dahil mga hanggang alastres kami sa starbucks.
Rovina: Di nga lillian, san ka nagwowork?
ALL: Sa UP ngaaaa!!!
Rovina: Di nga? Nagtuturo ka??
ALL: Oo!!
Rovina: Akala ko nangjojoke lang kayo.
(Takte. Si Lillian ay nagtuturo ng bio11 at bio 113. Siya yung kapatid ni Sam.)

--------------------

wala na akong ibang update. kasi kumain lang naman ako netong mga huling araw. chumachanda na talaga ako ng todo!!! dami ko nang alam lutuin.. bahala na sa january, jog na lang ulit.

Sorry di rin ako nakagreet last krismas. Hehehe, sa new year na lang. :)
Friday, December 29, 2006 at 10:55 PM

1 week summary

Hello world.

Pagkatapos ng ilang araw eh magpopost na ako. Sobrang dami na atang nangyari kaya bullet type na lang.

  • Eng'g Week. Hindi ako masaya, hindi ako kuntento. Pero di naman ako galit. Basta yung akin lang eh sayang. Sayang lahat ng effort, lalo na ng execom, lalo na ng mga nag-awitan, nag-indakan, etc. Putangina. Ilang linggo mo pinaghandaan tapos yun lang. Oo, masaya dahil naka-fifth, kung saya lang pala habol eh di sana nde na lang natin plinano mabuti, "bahala na kayo maglaro method" na lang. Todo talaga yung saya nun, walang pressure. Siguro natatawa yung iba habang binabasa to, "si chanda high blood pa rin." Pero grabe, masyado kong mahal yung ERG para makuntento ako sa 5th place. Parang kung bata lang ako gusto ko magiiyak at sabihing, "ulitan!" Pero hindi. Ilang points nawala namin dahil sa time issues, smokers, indakan pair, awitan. Ayan, putanginang awitan talaga yan. Putang inang sino ba yung mga judges. Kalimutan na natin yung 1.3 na minus, pero hello, narinig niyo ba yung JPIA? At hello, narinig niyo ba yung ERG? Bahala kayo kung may magreact dito, putangina niyo. Tapos ilang points nawala dahil sa konting pagkakamali, andung sinaraduhan yung kumuha ng ID, na-late sa pagpass ng mga kelangan, hindi nakakrating yung mga tao sa umaga. Haay..pero tapos na. Sorry kung ang tindi pa rin ng galit ko, ngayon ko na lang ulit napag-isipan mga nangyari. Sabihin niyo na kung bitter, pero yung mga madaling nakatanggap ng mga place nila, they know they deserve to be there. And napag-isip ko rin talaga, astig ng ie club at kem. IE club para sa perang nilalabas nila at sa dami ng taong napapagalaw. Sa kem din dahil talagang lumalaban sila sa ie club.
  • After ng engg week eh natulog ako. May tutor ako nung Saturday na yun at xmas party din ng erg. Dahil di ako makabangon, mga 4 na ako nakarating sa bahay ng tutee ako. Umaasa rin ako nun na may lakad since tapos na nga engg week, pero wala eh. Kami na lang ni Reggy lumabas. Sbarro sa SM North. Stuffed Pizza, stuffed calories. Sobrang bloated ng feeling ko after.
  • 17th month din pala namin nung monday. At dahil nakatikim ako nung Sunday ng Krispy Kreme, eh kelangan makakain na rin siya. Dinayo namin sa the Fort. (nasilayan ko ulit yugn embassy! hehehe). At dahil na-excite kami, dozen binili namin. Ahahahah! Tig 3 ata nakain namin that day. Yung mga tipong caramel filled chuva pa kinain ko. Hehehe. Nagpasalubong naman ako ng apat. Tinawag ko yung nanay ko, "ma, halika, tikman mo yung 38 pesos each na donut" Ahahah! Kasi kapag di ko sinabi yun, nde nila ma-appreciate eh. Ang mahal pa mandin.
  • Kaya din kami pumunta sa The fort kasi nabasa ko sa dyaryo na andun yung biggest store ng All Flip Flops. Nung dumating kasi yung stocks ng havaianas sa Chocolate, The Block, nag-inarte ako at hindi bumili. Tapos, naubos na. So buti pag punta namin dun, meron pang color black na High. Yey! Aga ng christmas gift ko :)
  • At dahil alam naming wala kaming makakainan na hindi high end sa area na yun, pumunta kami ng market market. Sa Kenny naman kami.
  • Ay, eto pala stig sa Market Market, meron pala dun sport depot na may nike. Grabe, nakakbaliw dun kasi yung mga Nike Free, tig 2k lang. Pramis! Yung isang 4k ko pang nakikita sa mall, 2.4k lang dun. yung mga shirts, grabe, tig 650, dri-fit na. Yung mga jogging pants, 1k compared sa 2k sa mall. Yung mga stock na andun, hindi pa talaga luma. Nkakabaliw talaga lalo na wala kasi akong pera. Hahahaha!! Pero yun, check niyo. Napicture-an ko yung iba pero sinita na ako. At na kay Reggy pa yung mga pics. Post ko dito after. Naki-chip-in ako sa 2 shirts kaya may gift na ako. wahehehe..daya ko.
  • Christmas Party naming 02 Erg, with mei and jayrald noong tuesday ng gabi. HIndi ko talaga alam kung sino ba talaga kasama dun basta. Kina Lei (sa muntinlupa) ginanap. Humabol lang kami nina Mei, francis at Dean. Dami food, nag grocery sina katkat. Sila, excited kumanta, ako gusto ko na uminom. As if kumakanta ako. Pero, since sina katkat ang nag-grocery, mas maraming pulutan kesa sa inumin. Takte, 4 na lata ng tuna, tas daming popcorn. At yung inumin, 1 empe long neck, isang lambanog na bubble gum at dalawang grande na colt 45. Ewan ba kung bakit colt 45. Idol ata nila si Bamboo. Eh parang kelan ba naginuman sa ERG na colt45. Anyway, kelangan inumin. 9 kami so bitin yun. Bumili pa kami sa 7-11 nung kalagitnaan. Grabe, halo-halo na ininom ko kasi yung binili namin, strong ice at red horse grande. Ang saya, si katkat nang-aagaw ng mic at tumatayo pa sa silya. Si lyand pulang pula na. Si dean nagconcert. Ako humawak na ng mic, takte. Lam ko yun na pinakalasing ko kasi di naman ako naganon dati sa mga sem-ender. Kinuha ko yung mga 1/4 na bilaong pansit malabon tapos dami ko talaga kinain. Di ko na maalala kung pano ako nakaakyat. Paggising ko sa umaga, tindi ng hangover at sobrang sama ng tyan ko. Dahil nga ata sa pansit, sinuka ko lahat ng kinain ko nung almusal. Di ako mapalagay hanggat di lumalabas. Kaya naman nung lumabas na, natulog ako, paggising ko, 5 pm na.
  • Tinatawagan na ako ng nanay ko kasi papunta na sila ng SM. Sabi ko, "paalis na kami dito." Hindi ko lang nasabi na nasa muntinlupa ako. Hehehe. Pero buti at nakisabay kami ni katkat kay lei na hinatid ng parents niya sa EEE. Pagdating sa EEE, sinundo naman ako ni Reggy. Sabay text ng nanay ko na pauwi na sila at wag na akong pumunta sa sm. Sobrang gutom ko na nun kasi wala nga laman tyan ko maghapon kaya kumain kami sa World Topps sa may tabi ng ever.
  • Napapansin niyo na ba sa kwento, kapag nabanggit na yung "reggy" may kain na na susunod. Tsk tsk. Hahahaha! Kapag nagsama na kasi kami wala nang taga-pigil. After nga naming kumain sa World Topps, napag-usapan naming ang gastos namin sa kaen. Kung susumahin siguro kain gastos namin mula umpisa, grabe na. Italianis, yellow cab, subway, aveneto, fazollis, don henricos, mcdo, wendys, jollibee, kenny, pinoy sisig, treehouse, hotshots, mexicali, rodics, flaming wings, world topps, tokyo tokyo, teriyaki boy, karate kid, at kung saan-saang kainan sa UP. Heehehe, halata naman sa katawan.
  • Kanina, may gift certificate ako sa SM, so punta kami sa fairview. After yun manood kami dito sa bahay ng prison break. Ang gulo sa dept store at wala akong napili kaya kumain na naman kami. hahaha! Wendys, salad bar,
  • Adik ako sa prison break. bibili na kami ng season 2 bukas. hehehe...
  • Sa January na alis sina Reggy! :) Ibig sabihin din, more kain to come.

Magulo yung post ko kasi hindi ko na inayos (hahaha, nice one). Basta nakwento ko na. Sa saturday din pala eh may dinner kami ng hs barkada. Shit, tagal ko na ring hindi nakita si Rovina. Ayun lang. Palam muna.
Thursday, December 21, 2006 at 11:52 PM

High End

Sa isang di inaasahang pagkakataon ay nakatapak ako sa Embassy nung saturday night. At isa lang ang nasabi namin buong gabi, HIGH END.

Dati, kapag pumupunta kami sa eastwood, sinasabi namin ng mga kasama ko, puro sosyalan naman. Na parang we don't belong. Pero dun, shet, we don't belong to the nth level. Hahaha! Kasama ko si Geof, Lyand, Danes, Madam Tin at Ivy. Sumali kasi sina Geof, Ivy at Danes dun sa video making contest para sa HIV. Di naman kami nakakhiya dun, pero deep inside, alam naming nakakahiya. Sa palda pa lang ng mga babae, bawal at umabot sa tuhod. Tapos dun ko nakita yung dati sa tv ko lang nakikita na mga taong nakapila para pumasok sa bar. Cool. Oo, jologs na talaga ako.

Free yung white wine at red wine at chivas. Malas lang namen at mejo late kami dumating kaya isang round ng white wine at chivas lang nainom namen. Pero ok na rin ata kasi isang baso ng diluted chivas lang eh hilo na si geof. Baka buhatin na siya ng bouncer palabas kung uminom pa. Nahiya naman kami kaya umorder kami ng pica-pica. almost 500 ata yung tas 8pieces lang na kung anoano nakatuhog sa toothpick size na stick. Takte. Hirap maging sosyal.

At si Marc Nelson pa yung host!! Grabe, sobrang nakakhiyang magpapicture kasi lahat dun eh friends niya na tipong beso beso. balak ko nga sanang bigla na lang siyang lapitan tas makibeso beso rin. Ahahaha!

Then punta kami sa eastwood para makapag dinner sila at makapag breakfast kami ni lyand. Ay, oo nga pala, nagdradrive na si Lyand! Hehehe. His 3rd day of driving so mejo sa gitna pa ng lanes yung takbo at matagal pa kami bago nakakapark. May moment din na napa "putang ina" na lang ako kasi didikit na kami dun sa Pajero na nakapark. Kelangan ko pang itiklop side mirror niya. Heheh, pero ayos pa rin :)

Sulit na sulit talaga ang gabing yun!

-------------------------
Eng'g week na, ang saya!!!!! :)
Sunday, December 10, 2006 at 10:04 PM

smokers

astig! Tapos na smokers. At 3rd pa kame. Hindi ko na talaga inasahan kasi nga, nde na namin pinerform yung special task whih is 10%. Kung naperform lang yon, tsk. Sobrang bad trip na kasi ako nung moment na tinatanong sa akin kung magpeperform pa kami kahit na overtime.. Kasi, 1 minute halos nagrun clock namin, eh di pa nagstart talaga yung presentation. Hindi kasi nagkakarinigan dun sa lugar ng mga magsasalita dahil may mga taong naka-itim na nasa prohibited area. Err, ok lang naman sumigaw, sana lang nasa tamang lugar.


Kaya di ko rin talaga napigilan mapaluha after. Parang pagod kasi ako, tapos yung task pa yung hini naisama. Parang ako yung sisihhin kasi nde ko nacalculate yung time ng mabuti. Pero nabawi talaga yun nung nag 3rd kami. Super saya. :) Basta makita ko masaya yung ERG, nawawala yung pagod at inis. Salamat sa lahat! Kilala niyo na kugn sino kayo.

And marami din akong nakitang org na malungkot, umiiyak pa yung isa, at nagrereklamo yung iba. Oo, siguro nakakaaliw yung presentations ng iba, matinding pangookray. Pero we should consider the criteria. 30% yung relevance sa issues... And that makes some presentation quite boring. Pero sa dulo diba, who got the last laugh? (aggre, hehehe) Mas ok na nga yung ganitong smokers, may sense. Kesa magmurahan lang tayo ng magmurahan.

Pero yun, grabe na pagod ko. Kanina, bago magpresent erg, feeling ko talaga magcocollapse na ako eh. Hehehe. Inisip ko lang walang magbubuhat sa akin. Late na kasi ako nakakatulog lagi tapos ang babaw pa ng tulog ko. Late ako natutulog kasi gumagawa pa kao ng chocolates. Hehehe, businesswoman ako ngayong pasko eh. Mahirap ang buhay, kelangan ng extra income. Pero hindi naman talaga para sa akin yun. Ako lang nagstart kasi yung nanay ko walang tiwala sa negosyo. Ayun, medyo naipapakita ko na, mas ok na my per kang umiikot kesa bigla na lang nawawala.

Kelangan na mag-ipon ng lakas. Lahat ng games ko next week kelangan ng super strength.
Friday, December 08, 2006 at 2:23 AM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.