Panahon na para mag-update. Shet, kaungasan na nangyayari sa buhay ko. Gumising ako kanina tapos napaisip ako kung nasaan ako. Ahahaha! Pano ba naman, mula friday night eh sa wala na ako sa bahay. Samahan pa ng ilang overnight ngayong summer. Basta pagod na pagod talaga yung feeling ko. So ano na ba nangyari?
ilang beses kong tinangkangmag-update pero hindi natutuloy. either tinatamad ako o wala talaga akong panahon magblog pag nasa tapat ng pc. walang panahon dahil naantok na talaga ako.
natapos na rin ako sa P.E. ko! wohooo!!! asteg. hehehe. at hulaan niyo na lang kung alin sa dalawang P.E. ko yung natapos ko ;p
2nd kami sa FOPC!!!!!
wohooooo!!! beat that! sheeeetttt. kakaibang feeling.Kung akala ng iba na 'nagpapansin' lang kami sa binagsak naming 4000 nung unang bagsakan, eh hindi po totoo yun. Wala tlaga kaming ibabagsak halos at that moment. Kahit ibagsak namin lahat ng meron kami at that time, hindi man lang kami aabot sa kalahati ng 30,000. Pero yun, dahil magaling ang ERG, nakahabol kami.Sa PET, takte to. marami akong naranasang mga bagay-bagay dahil lang sa paghagilap ng PET. Sumakay sa labas ng truck, magpalakad-lakad sa lansangan ng muntinlupa (na naka-shorts), kumain na parang patay gutom sa bus, at kung ano ano pang kaungasan. Pero nung andiyan na, nung tinatapakan na namin, ang saya talaga! Sana talaga may makuha akong picture nun. Yung na-occupy namin yung isang space dahil magtatapak kami ng PET. At sa mga papel, astig talaga, parang nag magic yung mga papel at dumami sila. Actually, na-underestimate namin yung mga papel namin sa 'mansion-ng-aso-nina-Arlan'. Marami na pala yun. Marami na pala yun compared sa mga nanakot na papel ng kabilang tambayan. Ahahaha! So kung iniisip nila na mas marami silang papel, ganun din iniisip namin. Nagulat na lang kami nung dinala na namin sa vinsons. Tapos napunta pa kami sa last. 12 midnight na natapos at naabutan pa kami ng ulan. Pero ang sayang makita na andun pa rin yung maraming ERG, nagtutulungan.
Basta, worth talaga lahat ng paghihirap. Ang dami daming laging tumutulong at gumagawa ng paraan. Go for co-chair next year! . Basta sa ERG, posible:)
pero lahat ata ng kasiyahan may kapalit. putakte, pero kasalanan ko talaga yung pagreremovals ko sa 103. jusko po. kung pumasok lang ako araw-araw pasado na eh. ahahaha. pero tama nang pagsisi. pero ang laking kaungasan ko talaga eh noh?wah! sarap iumpog sarili ko sa pader. ngayon,problema ko kung pano ako mag-aaral dahil summer na summer na. Sa laki ng libro ng 103, imposibleng nde nila makita.
talent show nung byernes.
Buti tinulog ko na kagad yun kesa ksama pa ako sa mga nagsisisi ngayon. Tanginang mga kabangagan ng mga tao yan. Kahit nung umaga na, hindi mo makausap ng matino. Empe kasi yung tinira. Ewan ba parang bigla akong tinamaan. Eh ayoko na talaga i-max kaya nahiga na ako. Tapos nung umaga..tinatawanan nila ako kasi pinopongka at pinapalo na pala ako ni mei nungpagbalik nila pero nde ako magising. Shet, naharass ako ng lasing. Ahahaha! Si geof pa, ginigising..tapos ang hilong hilo pa ata. Pag pinapa-smile namin, nagsmile. Sad face rin. Ahahaha! tangina. nakapikit pa siya nun ah. Dumating kami ng mcdo katips nung umaga na may hawak pang twalya. As in tinginan talaga mga tao sa mcdo. Parang may walking distance lang na resort dun. At dahil hindi kami pwedeng umuwi sa ganoong sitwasyon...
'ala-big-brother-house-sa-house-ni-jayrald'
At sa may malate pa 'to ah. Inampon kami ni Jayrald over the weekend. Ako, si mei, geof at ra. Hehehe. Sarap, parang hotel accomodation kase aircon pa yung kwarto. Takte,parang sleepover party, basa-basa magazines, nood tv. Pansit canton mania rin nung hapon ba yun o hapunan na? nde ko maisip talaga. Pero kaya kami andun eh para gumawa ng ____. Di pwede sabihin. Hehehehe. Buti naman at natapos. Sunday umuwi na sina mei at r.a. pero kami ni geof, dun lang. Hehehe. Sinulit.
ayan, kaya windang pa ako halos. may lakad kami ng nanay ko at ndeko amsabing mag-aaral ako ng physics eh. jusko po.
miss na miss ko na si reggy. pakshet. At nakwneto ko na ba sa inyong nasend ko sa nanay ko yung message ko para kay reggy? Tahakte yan! Of all people, sa nanay ko pa! Buti na lang hindi mushy masyado. -__-" Tinetext ko na kasi si reggy nun tas naisip kong itetext ko nanay ko dahil di pa ako uwi. Ayun, dyaheee.
Niluluto ko na yung pasta kanina para sa carbonara.
"Ma, lalagyan ko pa ba ng papel?" "ay! anu bayun!" "Ay Ma, lalagyan ko pa ba ng ano..ng.. ng asin!"
TAKTE. PAPEL ANG NASA UTAK KO.
Hay..
FOPC. Ang pang-stress sa sambayanan.
Anyway,kaya nagluto ako ng carbonara eh dahil kakaiba ang araw na ito. Usually kasi nagdidinner kami,pero ngayon syempre di pwede. Nagtext siya kanina na mag dinner na lang kami ng family ko. Para naman daw kahit papano special pa rin today.Naks! Pero, goodluck. Pagod din kasi ako at malamang late na ako makakaalis ng tambayan. Eh maaga pa naman nagdidinner pamilya ko, gegerahin ako nun pag nagutom. Alas singko pa nga lang tinext naako ng nanay ko na magsaing na ako kung nasa bahay na ako. Sorry,pero wala pa ako at wala pa akong balak umuwi nun. hahahaha.
Buti pag daan ko ng alas-otso sa rustans eh bukas pa. At kahit bangag na ako eh naalala ko pa mga ingredients. Siya rin kasi nagturo sa akin magluto nun eh. Ayun.. saya. Kakain na ako. Hehehe. Galing ko na ring magluto! hindi na makalat..Hindi ko na ring kelangan hiwain muna lahat bago magstart. Feeling ko mas astig yung eh. Napapanood ko sa "30 minute meals with Rachel Ray" sa lifestyle network. Dapat may 'packets' of time ka habang nagluluto.. habang naghihintay ka for something(like pagkulo ng pasta), dapat may ginagawa ka ring iba. Basta, ayun!
Hapi hapi. Sa chowking sa bundok siya nagcelebrate. Ahahaha. Ang cheap. Joke lang!
nakakabaliw! Maghapon walang kuryente dito sa amin. Kasalukuyan kaming nanonood kanina ng miami-nets nang mamatay ang ilaw. Tapos, 1 bar nalang yung batt ng cellphone ko. So naiimagine niyo naman yung sitwasyon? Buti naman at may telepono pa kahit papano. Nagtatawag ako ng junk shop na pagbebentahan ng mga papel. Tapos biglang sabi ng nanay ko, "wag mong sabihing aalis ka sa lakas ng hangin ngayon!" Ok fine, hindi na po aalis.
So natulog na lang ako maghapon! Ahahahaha! Ang sarap. Shet. Ito na rin ang pinakamatagal na inilagi ko sa bahay mula nung..um, di ko maalala! Ito na rin yung pinakamatagal na hindi kami nagkikita ni Reggy.. haayyy..kakaiba. Pag mga ganitong araw kasi magkasama kami. Lalo na pag wala talaga akong meeting or class. Then kapag may lakad kami sa maghapon, sure na magkikita kami sa gabi. Kain sa labas or kain dito sa bahay namen. Ahahaha! Basta laging may kain. Shet, bakit ba kasi kelangan magtrabaho. Ahahaha. Joke lang.
So bukas kelangan ko na talagang maghanap ng junk shop. Haayy. ERG. Anuba 'to. Nakikisama ang ulan sa atin.
Si bale, masarap naman matulog kapag umuulan. Itulog na lang natin 'to. Baka sa wednesday, bigla na lang lumiwanag. :) Saturday, May 13, 2006 at 6:54 PM
Namamaos ako ngayon kasi sumigaw-sigaw ako sa championship game ng kapatid ko (si Giorgio, yung pangatlo). Ahahaha. Proud ate. Dito lang sa village namin pero pormalan naman,may uniform pa sila. Yung nanay ko,mula sa unang game nanonood na. Kami ni Glenn (yung 2nd kong kapatid), ngayon lang last game. Hehehe,kahit matagal nang nagyayaya si Reggy na manood kasi namimiss na nga daw niya yung mga liga, eh ngayon ko lang nafeel manood.
Pagdating namin dun,medyo sa may sulok lang kami nanonood. 4-4 pa lang. Tapos aba naman, gumagawa pala talaga yung kapatid ko. Akala ko inuungas niya lang ako na star player siya. Ang nasa isip ko pa rin kasi, maliit siya sa mga ka-age niya kasi hindi siya kasing-laki ni Glenn. Pero matangkad rin naman pala siya kahit papano (5'9 at 4th yr hs sa pasukan). At hindi lang tangkad, basta may talent. Hanep yung mga fake lay-up at reverse lay-up. Astig talaga. Todo yung palakpak namin ni Reggy pati ni Mama. Sobrang close fight. Ang nakakainis pa dun,parang kamilang supporters ng team nila. Kumbaga, parang "Ginebra" kalaban nila, kakampi ang buong baranggay. So papayag ba ako? Shet, lumabas yung innerself ko at sumigaw-sigaw na ako dun. "Tatlo lang referee, lahat kayo gusto niyo magdesisyon!" "Kelangan bang magreact muna lahat bago ka magdesisyon ref? Grabe, delayed ah!" Ahahaha. Buti na lang nde naman ako malapit sa bench nila at baka masabihan akong manager at matawagan pa ng technical.
4th quarter, 5 yung lamang ng kalaban. Tapos napalapit ng kapatid ko sa isa. Oo,kapatid ko talaga kasi siya yung nakashoot ng 4 tapos siya yung naka-steal.*clap*clap* Ahahaha! Pero ang sad part dun eh naka-apat na foul na siya. And within the last 3 minutes, grumaduate na siya. Grabe yung hiyaw ng lahat ng viewers, palakpakan sila. Narinig ko pa yung mga batang nasa tabi ko, "Tangina! yung pinag-ipunan ko, mawawala na sa akin!" Sobrang nakakakaba manood. At natatawa rin ako sa nanay ko kasi alam na niya yung mga rules ng game. Pati traveling. Ahahaha! Dati talaga wala siyang idea, panalo at talo lang pinapakialamanan niya. Last 15 secs, lamang yung team ngkapatid ko ng isa. Possession nila pero na-steal at lumamng ng isa yung opponent. Buti naman at nakashoot yung kapitbahay namen kaya lumamang sila. 5 secs left, nag fastbreak. Tas tangina, nashoot pa. Hiyawan lahat. Pero weird, yung dalawang team humihiyaw. Kasi hindi daw pala counted. Ahahaha. Tangina, magawawala talaga yung isang team nun. Ipaglalaban nila.Pero yun, buti na lang may nag video kaya nakitang nagbuzz at nag sign na yung ref bago pa man magshoot. Hehehe. galing! Tuwang-tuwa nanay ko kasi lagi pa lang nasa bahay namin yung mga teammates ng kapatid ko. Grabe , kulang na lang magyakapan sila ng ibang mga nanay dun. Hehehee...
Shet, ang sarap talaga manood ng basketball tapos mananalo yung team mo. Apat na quarters mo susubaybayan kaya talagang mabibuild-up yung compassion mo sa team. Ako, personally, sobrang affected ako ng mga basketball games. Lalo pag nanood ako ng live. Grabe, kahit nga UP na yun na alam ko namang medyo wala nang pag-asa, nadodown pa rin ako pag natatalo sila. Nung bata ako, naiiyak ako pag natatalo Purefoods. Feeling ko siladapat lagi nanalo. Tapos nung HS, grabe yung iyak ko nung natalo yung section namin(Darwin4) versus Edison. Parang kung pwedeng pumatay ng cheerer ng kabilang team gagawin ko. Ahahaha!
------------------------------------- Hay, gusto ko matalo lakers PERO HINDI SA GANUNG PARAAN! Takte, kung kelan game 7. Kainis. Kainis. Sayang ang game. Sunday, May 07, 2006 at 11:19 PM
Sobrang SWERTE!!! Shetness..shetness ka kobe. Pano na Suns?
________________
**Congrats din pala kay Reggy! Yes naman, may trabaho na. =) Galing talaga!May laptop pa. Tsk.
**Happy 21st birthdaykay francis (belated!). At dahil diyan,malapit ko nang alisin brokeback piture mo:D Pag nakahanap na ako ngkapalit.
Happy 21st Birthday rin kay Rovina!!! (may 1) tanda mo na! Ahahaha. Yak. Imagine.. mula nung13 y.o ka kilala na kita. Imbitahan mo ko sa kasal mo ah. Labas tayo bago matapos ang summer. Pinapayagan ka na naman eh ;) Mis na kita! Kitakits! Monday, May 01, 2006 at 9:22 PM