<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Speaking of health Card

Nung myerkules ng madaling araw eh naaksidente yung pangatlo kong kapatid. Sampu silang magkakabarkada na sakay ng fx-type na minamaneho ng isa rin nilang kaibigan.

Eh di nung umaga ng Wednesday, paggising ko nagtatalo na yung tita ko pati pangatlo ko kapatid kasi hindi man lang inalam ng pangalawa kong kapatid kung san papunta yung nanay ko nung madaling araw. Sabi ba naman, "Si Giorgio pinuntahan, naaksidente ata" at cool na cool pa siya. Naisip ko naman nun, baka hindi nga naman grabe kasi mag-isa lang pumunta nanay ko. So tinawagan ko nanay ko, sabi naman ok lang yung kapatid ko, sinasamahan lang nila maghintay ng results yung iba doon sa Malvar Hospital. Sabi gasgas nga lang daw. Naisip ko nun, "langya gasgas lang pala inabala pa si Mama" Hahaha! Eh kasi diba, kinabahan pa yun. Pero pag-uwi nila, grabe nde lang pala gasgas, as in cuts sa likod at braso. Pina x-ray din para masigurado na wala fracture. Kaya naman pala niya tinawagan si mama kasi marami babayaran. Bad trip pa nanay ko kasi hinagilap pa niya yung health card ng kapatid ko bago siya pumunta sa ospital pero nde pala macre-credit. Kapag under the influence of alcohol pala, hindi pwede ma claim ang health card. So ngayon alam ko na, sa mga nagababasa, alam niyo na rin. Pag uminom kayo, wag kayo maaksidente, walang bisa ang health card. Hahaha!

Anyway, eto ang kwento. Nung nagkwekwento kapatid ko parang comedy na eh. Pero pag iisipin, swerte pa rin at wala naman grabeng nasaktan. May nabalian ng buto sa kamay at tanggal talukap mata (yung driver) pero at least, ganun pa rin nangyari.

Galing sila sa inuman (malamang) at ihahatid na sila pauwi nung may-ari ng bahay sa kung saan sila naginuman. Sa batasan sila galing tapos may taga north susana kaya papunta muna dun. Sa may tapat ng St. Peter may iniwasan daw, pero kapag kabig, hindi na nacontrol kasi maulan din nun kaya bumaligtad na lang sila.

Sabi ng kapatid ko, pagmulat na lang niya nasa commonwealth na siya. Tumilapon silang tatlong nasa likod palabas ng sasakyan. Kinapa niya kagad buo niyang katawan, baka daw may kulang na. (Hehe) Pero maya maya dugo na yung tumutulo sa muka niya, pagkapa niya, puro bubog yung ulo niya (semikal yun eh). Tapos nasa loob pa ng sasakyan yung iba nila kasama, eh nakita nila na tumapon na yung gas. Feeling niya nasa pelikula siya (yes, action star) at pinagabbasag nila yung bintana para makalabas lahat. May mga funny moments pa din like "Cho, yung havaianas ko, wala!". "Tangina sasabog na to yung tsinelas mo pa iniisip mo!" O diba.

Sila sila lang nagsugod sa sarili nila sa ospital. Sabi ko buti may pambayad pa sila sa taxi. Hahaha. Kasi diba, kapag mga ganyan saktuhan na lang pera. Buti naman may isang daan pa siya. Sabi pa daw ng isang driver "wag yung duguan!" Sabi niya, pwede ba yun manong eh emergency na to. So yun, nadala na sila sa ospital.

Very apologetic daw talaga yung driver, kahit na malaki din tama niya. Parang nakakaawa nga eh. Kasi diba, parang magkakasama kayo, buti nga hinatid mo pa mga barkada mo, and hindi mo naman intensyon yun eh. Wala naman nanisi pero naguilty yung driver.

Well sana makarecover na silang lahat. And matuto na. Hindi ko naman sinabi na wag uminom. Pero mag hinay-hinay muna. :) Pero wala naman daw nagpagalit, kahit nanay ko nde naman nagsermon. I think thankful pa rin sila na ganun lang inabot ng mga anak nila.
Friday, October 03, 2008 at 9:03 AM

Magastos magkasakit

Kahapon ng hapon, bigla sumama pakiramdam ko. Akala ko nung una tinodo na naman aircon kaya ginaw na ginaw ako. Pero nung nakita kong nde naman naka jacket katabi ko, aba eh nilalagnat na ata ako. Hahaha.

Tuloy-tuloy din kasi ginawa ko nun. Hindi ako sanay? Hahaha. Nung nakaraan kasi e wala naman pressure yung ginagawa ko. Sabay alas singko may pinapahanap pa sa akin. Nakakastress ata na uwian na tapos may papagawa pa noh. Ginaw na ginaw ako habang gumagawa. Uminom ako kape at biogesic. Pero ok lang, nahanap ko naman, at sakto napatagal din meeting ng sasabayan ko kaya nakaabot pa ako.

Nung nasa elevator na ako feeling ko talaga nag chi-chill na ako eh. Lalo na nung pagsakay ko sa sasakyan tapos aircon. Naisip ko magpa ospital na. Nangyari na rin sa akin yun before eh, then dinala din ako sa ospital. Pero wala naman nakitang kakaiba. Anyway, bukod sa nakakahiya naman sa sinasabayan ko, naisip ko rin na hindi ko dala yung medicard ko!! Asus. Ayoko magbayad. Hahaha, kuripot sa sarili. Sayang, active pa din kais yung medicard ko na galing sa company ng tatay ko, at syempre yung akin mismo, pero pareho ko silang hindi dala. Kaya naman sinabi ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng tuluyang magchill.

Hindi ko alam pano ko nagawa. Pero hindi na nga ako nagchill pero hinang hina ako. Siguro sa pakikipaglaban sa lamig. Hahaha. Buti hinatid ako ng officemate ko hanggang dito sa bahay. Kaya naman alas otso eh tulog na ako.

Kainis kala ko naman makakagala ako kagabi kasi la naman pasok ngayon. Anong point ng post ko? Hmm.. dalhin lagi medicard mo, you'll never know. at kaya mo labanan yung mga lagnat lagnat na yan.. lalo pag ayaw mo magbayad. Hehehe
Wednesday, October 01, 2008 at 7:33 AM

Sometimes

Finally he reaches the train station. He sprints to catch the train on a stop. As he hops in, there she is standing right infront of him. Their eyes meet.

"What are you doing here?" he mutters. He doesn't know what to say.

"You too, what are you doing here?" she answers back. Then they exchange smiles.

Sometimes expect the unexpected. Like now. Like her.

He positions adjacent, but not too close, to her. He begins to think about the past. Their past. He wonders if she also thinks of those days. Of those days with him.

The train starts to move.

She looks his way. He notices this but pretends not to. She then looks away. He now begins to look her way. He starts to create a clone of her in his mind. He takes down the details with his eyes. Her long hair. Her chinky eyes. Her thin lips. His mind then does the replication. She seems to notice it. She decides to look his way. He is quick enough to look away.

Sometimes you don't need words to say I miss you. I need you. I love you.

After a few stops and occasional glances, it's time for her to go. Their time is up.

"Bye!" She has to go her way.

"Bye!" He has to go his way.

Sometimes it's easier to say goodbye than to make her stay. Stay with you. Stay in your life.

They leave their smiles for each other not knowing if they will meet again.

Sometimes it's better that way.

_____

na-isend lang sa akin sa outlook. :)
Tuesday, September 30, 2008 at 1:37 PM

Tulog lang

Nasobrahan na ako tulog mula nung friday. Kanina na naman, nanonood ako ng one more chance sa cinema 1, tapos natulog na lang ako.

Mas mabuti pa kasing matulog na lang kesa mag-isip.
Sunday, September 28, 2008 at 10:54 PM

Himala!

Ayan ang sinabi sa akin kagabi nung umuwi ako ng mga alas otso ng gabi. Hahaha! Kasi ba naman Friday na Friday eh nasa bahay na ako kagad. At nung mga nakaraang araw, 10 pm na ako umuuwi kahit na may pasok kinabukasan.

Pano, nagka ewan-ewan na mga aktibidades. Yung isa, siguradong umaga na ako uuwi.. Kaya naman hindi na ako pumunta. Andito tatay ko kaya nagpapalakas muna, at parang mas gusto ko pa rin nagpapalipas ng hangover sa kama ko. Yung mga nagboboards naman bawal guluhin. Hahaha. Sasama sana ako sa Tomas, kasi aaral sila. Pero baka di nila mapigilan pag niyaya ko na sila mag beer. ahahaha! Yung isa rin, hindi natuloy.. kahit na nagdadalawang isip na rin ako pumunta. Antok na ako at pagod. Ewan ba. Kulang din kasi tulog ko buong linggo. Kaya naman nung iniisip ko pa lang mag gym, sa tingin ko eh masasayang lang pagpunta ko. Tamad na tamad na ako. Hahaha.

Kaya kinalabasan, tulog na ako ng mga alas nuwebe. Nagising ako ng alas tres, hinahanap ako ni happy. Haler! Tulog ulit ako.. Pero ngayong alas syete di na kaya ng likod ko. Wala naman ako magawa. May Prison Break na sana ako na binigay ng officemate ko pero iniwan ko naman laptop. O diba. Sablay.

Kahapon din kasi, sa teacher's village ako binaba ng officemate ko na sinasabayn kasi papunta siya sa may QC city hall. Kakain sana kami ababu pero leche nasan na ba yun. O di mini stop muna ako. Inisip ko mag UP, pero la naman ako kasama. Plus may dala pa akong malaking bag, na muka akog may camping.

Dami ko na namimiss..
*pumasok ng naka tsinelas at maikling pantalon
*pumasok ng kung kelan ko gusto
*umuwi kung kelan ko gusto
*mag lunch at dinner sa maginhawa.. ate fe's, grill queen, combi, etc
*maglunch sa FA, siomai meals
*turon o bananaque sa SC
*mais sa SC!
*fishball sa central
*maglakad sa central habang malakas hangin (syempre may effects dapat)
*isaw sa kalay
*halohalo sa Lutong bahay
*Mag jog sa acad oval (ay baka mag jog na ako)
*erg tambayan
*4th floor quiet zone
*yung kahit nde planuhin alam mong may lakad kayo or gagawin for that night (kung nde thesis, inom)
*manood ng sine :(
*....

Ayoko na isulat yung iba. Hahahaha.
Kelangan ko na talaga makahanap ng ibang gagawin. Kasi naman, ayaw maniwala ng tatay ko nagpapabili ako camera. Akala niya joke lang.

Gusto ko rin mag beach!!! May 2000pesos, package yun papunta anawangin. Tara na. Kaso nagrereview nga sila for boards. Solo na lang ako. Hehehe.
Saturday, September 27, 2008 at 7:00 AM

Ang aga ko ngayon

Buti na lang sakto lahat pinagdesisyunan ko ngayong araw na to.

Dahil wala si Lyand, kelangan ko mag MRT. Pede naman na mag gym na ako sa umaga pero naisip ko na hapon na lang. Maaga pa rin ako pumasok, mga 6 umalis na ako sa bahay. Inisip ko ring magbaon dahil marami namang natirang ulam mula sa berdey kahapon. Pero dahil pagsuot ko ng pants ko, hindi ko na nangailangan magbelt (meaning lumulusog ako sa di ko maintindihang dahilan) kaya naman di na ako nagbaon. Plano ko mag siopao siopao na naman sa mini stop.

Tapos nung nasa MRT na ako (ang dami nang tao kahit maaga pa!) naalala ko na may training pala ako. 8:15 ang sundo sa office papunta sa One World, sa Fort din yan pero sa kabilang dulo. Kung nag gym ako malamang 8:45 ako papasok. hahaha. At dahil training yun, may food! Lunch, am and pm snacks covered. Ahay, pano na naman ang diet ko.

Pero iniisip ko talaga bakit hindi ako pumapayat. Last week, mon-friday ako nag gym. Minimum na 30 mins ako nag treadmill, nag bike class pa ako mon and wed. Nagbadminton pa ako nung sabado. O diba kinakarir ko? hahaha. Pero bakit ganon? Well, bukod sa cookies, napapa fast food ako kapag nagrereview. At complete meal ang aking lunch parati, with dessert.
Monday, September 22, 2008 at 7:51 AM

Ayoko na sa gupit ko

Parang ang alanganin.

Lalo na kaninang naka office attire ako. Medyo formal kasi, tas pang bata yung gupit. Parang feeling ko walang seseryoso sa akin sa mga meeting. Unlike nung mahaba, tapos naka tali tapos nakasalamin ako. Muka nga lang akong 27. Hahaha.

Di bale hahaba din to.

O papagupit ako nung parang kay basya sa one more chance. Maikli sa likod tas mahaba sa harap. Then pahead band head band din. Hmm, bahala na.


Mag board exam ba ako o hindi?
Ok ba o hindi?
Ganun ba yun o hindi?
Feeling ko ba o hindi?

Ang labo.
Monday, September 15, 2008 at 10:02 PM

Kakalungkot

Kakalungkot na masama pakiramdam ko.. Unang beses ko mafeel yung ganito kaya medyo nakakapag-alala rin. Long weekend pa naman, plano ko talaga mag relax. Pero hindi yung ganitong kelangan kong mahiga kasi kelangan.

Kakalungkot na wala mama ko dito :( Umuwi sila ng province ng tatay ko kaninang madaling araw eh. kakaiba pala pag wala ka directly masabihan kung gano kasama pakiramdam mo. And you know no ones gonna do the stuff the she usually do (when ur sick) for you. Kunwari gusto ko fruits, feeling ko kasi kelangan ko vitamins, ako talaga lalabas para bumili :(

Kakalungkot na matanda na ako.Kasi kung bata pa ako, malamang sasabihin ko na masama talaga pakiramdam ko at hindi aalis mama ko. Kaso malaki na ako at dapat kayanin ko na i-deal yung ganitong situation.

Kakalungkot na walang kwenta yung doctor kanina. Kasi syempre i-a-avail ko yung medical card ng company. Plan ko sa FEU dito sa amin. 10 am yung sched ayon sa brochure. Pagpunta ko dun 2pm daw, mali yung brochure. So balik ako 2, aba walang tao yung room! Eh kakalungkot kasi nag absent na ako. SO punta ako sa isang hospital along commonwealth. Ayun. Nagreseta lang siya. Tinanong ko pa nga kung nde ba ako magpapatest, hindi daw muna.

Kakalungkot na ako na magbabayad ng gamot. Hayyy, hirap naman. Hahaha, ang selfish, gusto nanay pa rin magbayad. SO ibig sabihin hirap pala may anak noh? Kaw babayad lahat ng gamot hanggang magka work siya. Tsk.

Kakalungkot. Kasi wala yung mga taong sana kasama ko. Basta kakalungkot :(

Kakalungkot kasi wala na. Hindi na. Tapos na...
Friday, August 15, 2008 at 10:30 PM

Once in a blue moon post

Dapat eh mag-aaral na ako para sa boards...
Pero adik na ata ako tumapat sa monitor.

At parang sa tuwing mag-aaral ako para sa exams, ngayon ko naisipang gawin ang mga bagay gaya ng pag-blog. O diba. Simula ng nagwork na ako hindi na ako nakakapost. Ano na ba nangyari sa akin?

* more than 2 months na ako dito sa trabaho ko. Hindi ko alam kung masaya, o malungkot. Steady lang. Mahirap kasi walang training, pero pag iisipin ko naman yung mga possible training na kunin ko sa point na to, feeling ko mabo-bore ako. Gulo no? Pero magiging mahirap sa akin pag umandar na ulit project namen. Supposedly kasi, shadow lang ako at taga ibang bansa talaga gagawa. Pero ayun, umalis na yung gagawa, at ako na. :(


* ako na lang nagtatrabaho sa pamilya namen. Hahaha! Nagresign na tatay ko nung June. Kala ko nagjojoke lang siya, kasi no, 2 kapatid ko pa nagaaral. 1st year college at 2nd year hs. Pero seryoso nga siya.

* at eto pa, nag-aaral pa tatay ko. Baligtad na mundo. Hehehe. TInatapos niya law niya. Isang subject na lang kasi yun dati sa FEU, mga gradeschool pa ata ako. Tapos nagka-problema. Astig nga eh, ibig sabihin gusto niya talaga. Kelangan pa kasi maka 1 year residency siya dun sa Sorsogon para makagraduate siya.

* so pano na kami nabubuhay? Di ko alam. Hehehe. May pension naman tatay ko.. Hmm, at syempre nagbibigay ako. Bayad sa telepono, grocery twice a month, at nagbibigay sa nanay ko. ANg bait ko diba? Hahaha, pinuri sarili. De, kasi nakaklunkgot na wala ako naiipon. Pero ok lang siguro hanggang ngayong mga unang buwan. At nagbibigay naman kasi ako. :)

* iniisip kong maghanap na ng bahay malapit sa fort. Kasi ang mahal na ng pamasahe at ngayon pa, magbo-boards, nauubos time ko sa travel. Pero pero, mahirap maghanap. Yung malapit, mahal. Outrageous! bwahahah! 30k studio type. shetness. kahit 6 pa kami magsiksikan dun, mahal pa rin 5k. Yun din iniidip ko pag may ka-share, kelangan ko ng katahimikan sa gabi. bahala na.

* at ang huli, boards na! Sana mag-take ako. ahahaha. Wala pa ako nauumpisahang matino. Nde pa nga ako kumuha clearance. O diba. Bala na.

Eto na muna. Kasi kugn nde ko pa tapusin baka nde ko na naman ito ipopost.
Hanggang sa muli, babay.
Saturday, August 09, 2008 at 10:09 AM

Chanda in Malaysia

Naks, rhyme pa. Pedeng pang ad.

2nd day ko ngayon, pero kahapon eh 10 pm na ako dumating. Pero grabe pakikipagsapalaran ko. Unang-una, ang tagal ko nagpa-ikot ikot sa airpot ng Kuala Lumpur. Malay ko bang kelangan sumakay ng train para makarating sa immigration at ma-claim ang baggage ko. At eto pa, dahil naisip ko sosyal naman yung hotel ko, baka kasama yung pagsundo sa airport. EH may mga booth yung ibang hotels dun like shang, so lumabas ako para hanapin ang Sunway. Pero ang dami na kagad kumausap sa akin. Etong isang lalaki, sobrang pushy, kunwari accommodating pa. Tas pagtanong ko kung magkano, 250MYR daw. Eh syempre, nde pa ayos sa utak ko pag compute, naisip ko lang mahal, pero parang ok na. Kakapagod eh. Pero buti na lang bumilis na rin pag process ng utak ko at narealize kong SOBRANG mahal nun. Sobrang halos hilahin na ako ng lalaki at limo pa daw maghahatid sa akin kasi maganda naman hotel ko. Per lumabas ang tunay na Chanda, kahit nasa ibang lugar nde papagulang. Hahaha. hahanap muna ako ng mura. Buti pagtanong ko sa info booth, sinabi nila na mag airport taxi na lang daw ako. At pagpila ko nga for airport taxi, 67MYR lang!!! Imagine! Muntik na ako malinlang. Hahaha. Astig ko talaga.

Anyway, pero kapag papasok ako sa hotel, parang di ako makapaniwala eh. Parang, weh, dito ba talaga ako. Kasi diba, nde naman ako rich. Hahaha. Nung nagpipicture nga kami ng kasama ko, mag sumitsit, akala siguro nila nde kami naka check in sa hotel. Langya pala sila. Hahahah.


Photobucket

Photobucket

Photobucket


Sarap sa kama. Sana makabalik ako dito tas may ka-hug na ako. Awww.
Monday, June 16, 2008 at 9:59 PM

I miss blogging

Bakit nga ba hindi na ako nagbloblog?

Hindi dahil sa walang time. Online naman ako madalas pero ang dami na ring ginagawa. Well, wala naman nang reports or researches compared nung student pa lang, pero bat parang dami ko ginagawa. Sa tingin ko, dami ko kasi ginu-google. Bukod sa mga technical terms na naririnig ko tas wala akong idea, dami ko ring ginu-google na tao, lugar, company. At madalas din ako mag-google ng mga lugar na gusto ko bakasyunan. Hahaha. Syempre ngayong may work na, eh nakikisama ako sa hiyaw na "i need a break" ng mga pagod na sa kanilang trabaho. Kahit na wala pa akong isang buwan diba. Eh bakit ba, masama bang may target na puntahan? Bukod sa gusto mga gusto kong puntahan, eh tinitingnan ko na rin online ang mga gusto kong bilhin. Haba na nga ng listahan ko, pera na lang kulang. Tapos, dahil hindi ko na nakikita yung karamihan ng mga tao, eh nakiki-update ako sa tulong multiply. Hindi ko na kelangan mag elaborate pa tungkol dito.

Feeling ko, isang malaking factor na pumipigil sa akin sa tuwing susubukan ko gumawa ng entry eh yung kelangan ko pang i consider yung ita-type ko. Dati kasi ano man maisipan ko, go lang. Ngayon, kelangan kong isipin kung pede ko ba yun isulat, kung baka makasama yun para sa career ko. Naks, as if may career. Pero pano nga ba ang 'blogging ethics' for the professionals? Basta yung nde na student. Pero bakit nga ba pag student ok lang. Ok lang isulat kung anong school mo, anong course mo, sinong prof kinaiinisan mo, kung feeling mo bagsak ka sa exam. Bakit ngayon nde mo na pwedeng sabihin derecha kung san ka nagwowork, kung naiinis ka man, kung ano na nafifeel mo sa ginagawa mo. O well, hirap naman maging mature.

So ano na lang pede ko ilagay dito? Mga lakad, mga bakasyon, mga inuman, mga pangyayari sa kalsada. In summary, anything na nde kasama work.

Ay di ko pa pala napopost yung mga ginawa ko nung summer :)
Tuesday, June 10, 2008 at 8:29 AM

Pano na gagawin lahat

Morning shift na work ko. Flexi, 7-9am. Minsan gising ko, 4:30, minsan 6. Depende kung kanino ako makikisakay. Puwi naman, solid na 2 hours byahe ko pauwi. At isama na natin ang struggle sa MRT. GRabe, alam na anaman ninyong competetive akong tao pero talo ako sa mrt. Pramis! kahit makipambuno ako, hahaha. Naisip ko nga, pano na yung mga nde competetive, nakaksakay pa kaya sila?

Pag-uwi sa bahay, feeling ko talaga pagod na pagod ako. Halos tulog na lang kagad. Well, nung thurs and friday eh nag hip hop abs pa ako. Kasi naman, goodluck sa mga bilbil ko. Hahaha, kakaalis lang kasi ni Reggy. AT alam niyo naman, napasarap na naman sa kain. Ewan ko ba, para akong goma, na stretch stretch lang ganun. Ngayon eh kelangan ko na ulit magpaliit.

AT ayon nga, review pa para sa boards. Kelan ko yun isisingit? Kelangan ko na planuhin sched ko. Hay, kundi lagot ako.

Miss ko pa si Reggy :( kakalungkot. Wala pa siya net connection sa Brissy right now. Ewan ba. Kalungkot kasi parang wala ka naman kausap para makalimutan mo unlike nung nasa college. Baka kapag may ginagaa na ako talaga nde na masyado malungkot.
Sunday, June 01, 2008 at 8:55 PM

Sun-chine

Eto na ako!!!





Sana maging ok lahat :)
Sana maging ok kahit yung iniwan ko. (asa)
Sana mabilis kong mababwi ang kulay na susungin ko sa mga susunod na araw.
Sana makapulot ako isang supot ng pera.



But I really deserve this. Period.




Kelan ba ako magbabakasyon ng hindi stressed out bago umalis. Pano kasi, lagi kong sasabihing di ako sama tapos hindi ko rin naman matitiis sa dulo. Or busy ako feeling ko ok na lahat tapos wala pa pala ako naumpisahan. At ngayon, buong pamilya kaming stressed. Kamusta naman, nung linggo lang nagdecide na tutuloy. Yan tuloy, yung work ko :( Anyway, happy thougts. Err, di pala happy. Concentrate sa mga gagawin.

1. empake. 2 set pa kelangan ko i-empake kasi sunuran lang siang 2 trip.
2. may number 2 dapat eh nagawa ko na.
3. transfer pics sa pc
4. charge cam
5. charge ipod (ginagawa na po)
6. pa-print grad pics. op kors. kabilin bilinan ng aking nanay eto. punta ko sm at dahil may pinapabili pa tita ko.

Chanda sa text: Ma, ayaw pirmahan ng supervisor ko yung resignation. Pumasok daw ako hanggang friday. Pano na yung tin number ko? Baka nde ibigay.
Ineexpect kong reply: Ah, ganun ba. Ikaw bahala.
Mama's reply: Number lang yan.

O-ha! Taray ng nanay ko.

Pagdating ko sa bahay,

Mama: Chanda, sabi ni Papa mo kung pede lang itapon na yang mga nakapatong sa mesa. (sarcastic yan ah. kasi kung makikita niyo yung mesa na tinutukoy, yan din reaksyon niyo)
Chanda: Ah, pwede naman. Tinatanong lang ba niya kung pwede? (sabay tulog sa kwarto)

Hehe, taray ko rin. Pero niligpit ko na..
Excited na ako. But ilang araw din kami nde magkita ni Reggy :( sad. Pero sa monday naman.. :)
Tuesday, May 06, 2008 at 9:52 AM

Gumaduate na ako

Wala nang rant tungkol sa exams, sa papers at sa thesis. Sa wakas, nde na ako papasok sa school at magpapanggap na nakikinig. Wala na rin yung kaba sa dulo ng sem kung ilang units na naman ibabagsak ko. At wala na rin ang mahabang pila sa enrollment.

(Mama ni Chanda: Sa wakas hindi na siya hihingi ng baon, sa wakas uuwi na siya lagi, sa wakas magtatrabaho na siya at magbibigay ng pera sa akin. sapat na ang anim na taong pagtitiis.)

Pero mamimiss ko UP. Yung pagkaen, yung murang pagkaen, yung pwedeng mag tsinelas, yung pedeng nde magsuklay, yung pedeng tulala maglakad tas nde ka mababangga, tsaka yung mga tao. Naka.

Sabi ko gagawa ako matinding post diba. Hindi pa ito yun. Gusto ko lang i-share na graduate na ako. Hahaha

At eto mga katibayan.


Photobucket

Nag-pictorial habang Univ grad rites.

Photobucket

Centennial Graduate

engg grad










Eng'g Grad. :) naks!
Monday, May 05, 2008 at 2:48 AM

Bakasyon Option B: Caramoan/Water Skii at CamSur

fare
manila to naga by bus P750
naga to sabang/talisay port by van P70
sabang/talisay to guijalo port, caramoan by boat P120
guijalo port to centro by jeep P10

(papunta) P950

CWC to guijalo P100
guijalo to sabang/talisay by boat P120
sabang/talisay to naga P70
naga to manila P750

(pabalik) P1040

accomodation (4D, 3N)
2 nights in caramoan P800
2k per room for 5 people
4k for 10
1 night in ecovillage in CWC P340
1.7k for 5 people

total P1140

activities
day 1-2: island hopping P250
day 3: spelunking P300
CWC transfer P100
day 4: wakeboarding P610

total: P1510


grand total: P4640

Pictures!!!

Caramoan, Cam Sur
Dito daw gaganapin ang Survivor Philippines. At nasa Inquirer kahapon (April 24) eh may international film na dito isho-shoot. So bago pa magmahal at sumikat ang lugar na to, eh tara na! Ang daming islands and beaches na pedeng puntahan. Parang Phuket style (yeah, ive been there eh, haha). Bukod sa beaches, may falls, caves, rivers. Nature adventure talaga to friends.

pictures from :

http://www.crane-caramoan.org/caramoan/tourism.ph
http://www.flickr.com/photos/tags/caramoan/
http://dasler.multiply.com



Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket






CAMSUR WATER SKI COMPLEX.

Gusto ko lang malaman kung kaya ko 'to. Sa package, whole day ka na pede mag ski. At may pool din sa complex para todohin na natin pagka sunburn.

For more pictures, and official site of the complex:
http://www.camsurwatersportscomplex.com/

Photobucket

Photobucket

Friday, April 25, 2008 at 8:11 AM

Blog Blocked

It was reported as spam so I was not able to post for several days. Muka ba tong spam blog? Takte yan.

Kainis, kung kelan marami ako gusto ipost. Ngayon wala ako sa mood. Hahaha, wala daw. Isang linggo na ako inuubo. Last weekend, nde na ako nakalabas sa lecheng ubo at nanghiina talaga ako. Trangkaso ata tawag dun. Ayun. Tapos monday pumasok na ako kasi feeling ko ok na naman. Nakakpasok naman ako, pero ubo lang ng ubo habang nasa floor. At isang malaking pack ng tissue nauubos ko per shift, pwera pa ang pagkuha ng tissue sa CR. Hanggang sa parang nde siya gumagaling :( Kagabi I decided na nde na pumasok. Nagdadalawang isip pa ako kasi sayang yung pay sa araw na yun. Pero sabi nga ni Reggy, gusto ko ba daw ubo ng ubo sa grad rites, tsaka mas mahalaga ang health. Tama nga naman. So nakatulog ako buong gabi.. hay, gusto ko na ng normal na buhay.

Sana, sana tumawag na sila.
at 8:00 AM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.