<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Walang nangyayari

Sa buhay ko. Dapat nagsosolder ako ngayon pero nakakatamad pa. Hehehe, sorry katkat :)
Nagugutom na ako, sana matuloy na mag something fishy kami. Super excited ako lagi dun, ewan ba. Hindi ko alam kung anong nangunguna, yung kagustuhan kong maka-isa dahil 100 lang ibabayad ko, o sadyang katakawan ko lang.

Speaking of katakawan, tumatakaw na ulit ako. Oo, ulit, kasi may panahon dati na ayoko ng may lasang pagkain. hahaha, ultimo shake, nde ko papalagyan ng syrup o sugar. Anong lasa? Subukan niyo. Pero seryoso, hindi na nga ako nagjo-jog, parati pa akong nagma-mcdo. Hindi ako nagpapansin sa pagrarant ng mga bagay na 'to. Nakakapanghinayang lang na mapunta sa wala ulit yung pinaghirapan ko. Naks naman, kala mo seryoso. Pero more than one month na nga stagnant yung weight ko. Syempre, alam naman nating lahat kung kelan nagstart :) Hi beh! :)

So kelangan ko sigurong i-recap yung mga pinaggagawa ko at pinagkakain ko nung summer, para rin maalala ko at magawa ulit. This weekend, gagawa ako ng post tungkol dun. Hehehe, tsaka para masagot na rin lahat ng nagtanong sa akin ng "anong ginawa mo?"
Saturday, June 30, 2007 at 2:18 AM

weird

kanina nasa fx ako papasok ng UP, tas nakaupo ako sa middle part. Yung nasa front, isang babae at tas isang lalake na parang galing sa operation. Basta, ang daming mga itim-itim sa leeg niya, naka-bandage yung isang kamay niya pati isang paa (nakita ko sa reflection sa mirror). Pero ok na naman siya, nagsasalita, kausap yung katabi niya. Hanggang sa may tiningnan silang isang form. Pagkatingin ko pa lang sa form, napansin ko kagad yung pirma na andun. kamuka ng sa tatay ko. Kakaiba kasi yung pirma ng tatay ko, hindi mo mababsa yung 'espineda' tas parang ang daming curve strokes na effect. at pupusta ako, ang hirap nun ma-forge. sinubukan ko na dati eh, hahaha! (buti na lang madali lang pirma ng nanay ko). Anyway, tinitigan ko mabuti, kamuka talaga. Tas pinipilit ko basahin kung ano yung nakatype dun sa may gilid. Wala, hindi kinaya ng salamin ko. Buti na lang malaki yung title nung sa papel, "Meralco Sick Report." So yun, sure nga na pirma yun ng tatay ko.

Well, hindi naman siguro yung tatay ko yung naka-aksidente sa kanya, kung naaksidente man siya. Tsaka kung walang meralco siguro dun sa papel possible pang ganon. Baka employee yung lalake dun sa branch kung nasan ngayon yung tatay ko tas pupunta siya sa main office ng meralco (sa ortigas) dahil andun yung hospital ng meralco.

Wala lang, kakaiba lang nakita ko pirma niya habang nasa fx ako.
Tuesday, June 26, 2007 at 10:40 AM

Mental disorder and sexual preference

Topic sa Tyra Bank’s kahapon yung mga kakaibang crimes at kung paano nalampasan ng mga family ng victims yung tragedy, na dinagdagan pa ng matinding media exposure.


Yung first story, sobrang tragic. Normal family sila, mag-asawa na may 4 na sunod-sunod na boys, 12 years old ata pinakamatanda, then 5th yung baby girl. Yung guy lang nagwowork, yung girl, sa bahay nagaasikaso ng 5 kids. Then isang araw na lang, tumawag yung girl sa asawa niya at pinapaauwi niya yung guy kasi may nangyari daw sa mga anak nila. Pagkauwi nung guy, patay na yung limang anak niya, nilunod ng asawa niya sa bathtub.


Yung next story, homosexual issue. Si Gwen (na Eddie dati), umattend lang ng party sa lugar nila. Yun yung first time niya mag cross dress talaga, then nung nasa party, nalaman nung 4 na guys na lalaki pala siya talaga. Binugbog si Gwen, super torture at nilunod sa ilog.


Parang mahirap paniwalaan yung mga ganitong pangyayari no? Pero nangyayari sila. At pwedeng mangyari yan sa ‘yo, sa akin, sa paligid natin.


Mental Disorder


Yung first case, I think, is a case of schizophrenia. Mental disorder na hindi mo madifferentiate kung ano yung real sa imagination mo lang. Kaya diba yung mga nasisiraan ng bait, madalas sinasabi na “may gusting umatake sa akin, may papatay sa akin.” Sobrang active ng utak. Yung mga normal peoplr, nakakaisip din naman ng mga outrageous events pero aware siya na “iniisip” niya lang yun. In the mother’s case, siguro nagka-emotional breakdown na siya. Imagine, taking care of 4 boys and 1 baby girl. Kasi sabi ng lahat ng friends nung babae, sobrang sweet naman nung girl and imposibleng kaya niyang maging marahas. Pero ang point nun, hindi nay un yung “normal” na takbo ng isip niya.

Wala pang natutukoy na exact na cause ng schizo, kahit nascan na yung brain at nakikitang may damages, hindi pa rin exactly matukoy kung anong specific part yung nakakapagdulot ng schizo. Proven na rin na malaking factor yung genes, meaning, kung may kadugo ka na nabaliw, mas malaki yung chances na magkaroon ka rin. Pero di naman ‘to tipong diabetis na automatic kang mahahawa. At sabi pa ng prof ko sa psych, 20’s to 40’s kadalasang lumalabas yung symptoms. At habang tumatanda, lumalala damages sa utak. At bihira lang yung todong gumagaling. Meron kasi na tipong emotional breakdown lang, at hindi pa considered na schizo. Peor yung schizo na talaga, forever na may treatment na kelangan. Yun eh para lang mapakalma yung patient at hindi na todo normal.

Kaya nga sabi ng prof ko sa Psych 101, you need to be the master of your life. Kaya tayo nag-aaral, para maging master, para makayanan nating ihandle lahat ng darating na stress. Yung stress eh hindi lang yugn stress ng exam, yung stress ng work, yung stress ng pera, pero yung stress ng real life. Tama nga naman, when we chose to be an engineer, kelangan nating mag-aral ng mga concepts, ng theories, ng computation. Hindi yun inaaral para may masagot ka sa exam, para makapasa, para grumaduate. Kelangan mo aralin dahil kapag andun ka na sa technical world na gusto mo at wala kang alam, everything will be chaotic. Walang order sa brain mo para macontain lahat ng information at ma-analyze lahat. Kasi kung hindi, you will not be capable of thinking in that field. Hmm, hindi ko alam kung naipaparating ko yung point ko ng maayos. Hehehe, pero astig lang isipin. J

Pero sad to say, minsan napupunta tayo sa “world” or situation na hindi natin inaasahan maging ganon, hindi natin napaghandaan. Masyadong biglaan siguro kaya there is no way to condition your mind towards the events. Kaya puro stress na, hanggang sa hindi na kaya. Kaya may nasisiraan ng bait, may nag-gi-give-up at nagpapakamatay.

Wala lang, feeling ko, lalo na ngayon na fast pace ang buhay, kelangan nating malaman ang mga bagay na ito. Para siguro makaiwas, para makatulong sa mga kaibigan, o simpleng maihanda natin ang ating mga utak sa mga stress na ni minsan hindi natin inakala.

Sexual Preference


Bakit laging special topic or title ang “homosexuality”? Bakit yun lang ang hinahanap ng sagot, bakit hindi inuusisa ng tao kung bakit mas marami ang heterosexuals at ano ang concept sa pagka-attract sa opposite sex?


Sa tingin ko, dinidikta yun ng lipunan natin ngayon. Sinasabi nila, kasalanan maging bading. Nge. Tapos dahil dun, may mga homophobic, at yung iba, hindi lang takot, galit na galit pa. Hindi kasi naiinfirm ng mabuti ang mga tao, eh kung isabaya kaya nila sa sex education kung pano rin ang sexual development.


After conception, yung human embryo, pare-pareho lang regardless kung magiging babae o lalaki. Yung primordial gonad (na present sa lahat ng embryo), by default magdedevelop into ovaries. Pero kapag nag-act yung SRY genes, dun lang madedevelop ang testis, na mad\gsesecrete ng testosterone na magiging estradiol na “magdedefeminize” sa brain. Na tipong yun na yung responsible sa mga masculine characteristics. Pero minsan, kahit XY yung chromosome ng isang embryo (meaning genetically male siya kasi XY, sa female XX), hindi sapat yung mga androgens para madefemize yung mga characteristic. Hindi niya mapreprevent yung default na development which is magdevelop ng breasts, female sex organs, etc. Ang point lang dito, may mga cases na genetically male, pero external features are female. And at the same time, may mga genetically female, na ang outside appearance eh male.

Oo, may ganoong cases. So masisi ba natin sila? Kunwari may pinanganak na walang limbs, mgagalit ka ba? “Kasalanan” nab a yun gaya ng kung pano i-treat yung mga tinatawag na 3rd sex? Hindi diba?

Sige, baka sabihin ng iba na wala naming problema sa sex chromosomes, kunwari male externals, at XY pa, pero same sex ang gusto. Nasa topic na tayo ng sexual preferences. May mga studies na nagsasabi na yung mga homo, mas naenjoy nila yung activities ng opposite sex nung bata pa sila. Kunwari, yung lalaki, mas nahilig siyang magbahay-bahayan kesa magbaril-barilan. Ang mga bagay na ito, lalo na nangyari nung wala pa silang concept ng sexuality, eh nakadepende sa temperament ng bawat tao. Temperament na mula pagkasilang mo, ganun na. Pano kung likas na ayaw ng isang bata sa magulo, madumi at maingay, so natural iwas siya sa mga larong kalsada. Ang makaksama niya yung mga batang naglalaro lang sa backyard, na nagkatong mga babae ang andun. Yung batang ayaw sa magulo, regardless na kung lalaki siya o babae, sasama siya sa mga mga nasa backyard lang. And that doesn’t make him gay kung lalaki siya. May sexual concept nab a yung mga 2year old kids? Wala pa diba? Ang point, yung mga bagay na natural na nagustuhan mo nung bata ka pa, may malaking factor sa mga preferences mo kapag fully developed ka na.

Maraming theories kung paano nagiging homo, pero isipin na lang natin, hindi nila pinili yun gaya ng hindi natin pagpili na magkagusto tayo sa opposite sex. Wala namang nagturo sa atin na gwapo si ganito, sexy si ganun, at nakakakilig kapag nakikita si ganito diba? Ganun din sila. Kapareho lang natin. Kung lahat lang may tamang knowledge about this, wala na sigurong homosexual crimes. Sama lang kasi makarinig na "pinatay siya kasi bading siya."


Tas sabi pa ng nanay ko, nakakaaliw nga eh, "gusto ko magka-anak ng bading, uso eh!"

____________

Astig talaga ng mga natutunan ko sa Psych 101. Dami matutunan kahit super stressful ng exams.

Labels: , ,

Sunday, June 17, 2007 at 2:09 PM

Places to visit in Sing

nasa mutiply ko na yung mga pics! :0
chandita.multiply.com


Sentosa Island



















Mas maganda talaga na one whole day pumunta dito. Lalo na kapag may kasama kayong kids. Sobrang daming pwedeng puntahan, may beaches, underwater world, rides, 4D max, etc. Or kahit simpleng lakad lang. Although may free buses na umiikot sa loob ng sentosa kaya wala kang problema sa pagikot-ikot. Mga 60 dollars each person, mapupuntahan mo na lahat dito. Isa-isahin ko lang yung mga napuntahan namin sa Sentosa.



Cable Car
















Syempre mas masaya kung dito kayo sasakay papunta (at pabalik na rin kasi 1dollar difference lang ang 1way sa 2way ticket). Pwede kasi train or bus din sakyan. Todohin niyo na at gawing glass ang inyong sasakyan para maraming view :) 14 dollars each ata sa two way na glass. Sa booth din ng bilihan ng tickets for cable car, may mga packages na pagpipilian para medyo makamura sa mga rides sa loob. Di lang namin yun in-avail kasi may mga ilan na nde naman namin gusto (like butterfly and insect park).


Nakakatakot yung unang labas niyo from the building. Pero ok na yung buong trip, hindi naman siya umaalog-alog.


Sky Tower






















Hindi naman nakakatakot. Wala lang, upo lang kayo, then aakyat. Picture-picture. Tapos bababa, walang kakaibang feeling. Pero syempre, maganda pa rin i-try :)



4d Magix
























4D kasi bukod sa 3D (may suot kayong glasses) eh mafi-feel niyo pa talaga yung scenes kasi gumagalaw galaw upuan. Meron pang lumalabas na tubig at medyo mababasa ka. At tekte, kunwari may mga crabs at spiders, may gagalaw-galaw sa ilalim ng upuan at sa may tenga mo. Shet, sensitive ako sa mga ganon kaya nagsisisgaw-sigaw talaga ako. Tawa nga ng tawa yung katabi ko sa kabilang side, hapon ata yun. Tas as in pinipikit ko mata ko kasi inaatake ako ng mga bees at bats! Hahha, saya. Sulit 'to, lalo na sa akin.




Dolphin show and Underwater World



















Mas ok na package ng dolphin show at Underwater world yung bilhin niyo. Although nasa magkabilang side sila, may free bus naman. At kung medyo hapon na (gaya nung sa amin), unahin niyo na yung dolphin kasi hanggang 9pm pa naman yung underwater world. Ang cute nung dolphins kasi pink, pero wala naman masyadong tricks na pinakita. Yung underwater world, hmm.. siguro sobrang ineexpect ko lang na maganda siya, pero ok lang, masaya rin. Kakatakot mga sharks! Tsaka malalaking spiders.



Luge and Sky Ride

































Ang Luge eh parang go-cart. Saya! Hehehe, bumibilis din kasi. Bad trip lang, medyo maikli yung track, kaya naman ang theme nila dun eh "once is never enough" . Yung kasama sa package namin (na binili na mismo sa loob ng sentosa) eh 2 luge and 2 sky rides. Masaya rin sky ride, pero di nakakatakot. Um, nakaktakot lang na malaglag yung cam mo at yung tsinelas. Hehehe, pero si Reggy ok lang naman, eh matatakutin yun eh.


Yung Night show

Na hindi namin napanood.. :( kasi wala nang tickets nung bibili kami. 7pm ata nagstart yun. Maganda daw kasi dahil parang lights, infrared show. Ayun. Sana mapanood niyo kapag pumunta kayo :)


Merlion and Esplanade





























Para lang makita at magpapicture! Hehehe, at masabing pumunta kayo ng Singapore. Mas ok na makita niyo siya ng umaga at gabi. Yung Esplanade pala, as in sa Durian naka-pattern. At ang Merlion eh walang historical background. Yun..








SNOW CITY












I







to ang the best! As in parang isang planta ng ice. Snow talaga! Ahaha. Para kaming ewan kasi wala naman kaming kasama na bata, pero enjoy ne enjoy kami. 14 dollars, for 1 session yun na 1 hour. Kasama na boots at jacket. Extra 2 dollars para sa gloves. Sulit talaga kasi may giant snow slide na sasakay ka sa mga black na parang salbabida. Eh sa hindi pa ako nakakita ng snow eh. At hindi pa ako naka-experience ng -5 degrees eh. Mas pinili namin to kesa sa Jurong Bird Park. Akalain niyo yun!



Singapore Zoo





















May package yung Sing Zoo, Jurong Bird Park at Night Safari na 40 dollars ata para sa 3 na. Tapos, lagi kasi kaming late nagsisimula mamasyal eh kaya pagdating namin sa zoo, 30 minutes na lang, 6pm kasi nagsasara. Suggested na whole day yung i-spend mo sa 3 lugar para manamnam mo talaga. As in fast walk to the max para lang makakita pa ng mga hayop. The best yung white tiger! Ang lalaki! Hehehe, tsaka mga kangaroos! pati mga chimps! As in ang lalapit lang at wala kang makikitang rehas na bakal unlike sa mga zoos na madalas nating nakikita. Sayang lang at di namin naabutan yung dolphin show. Eto na siguro yung pinaka pinanghinayangan ko sa trip na namen, yung penguin show.. :(



Night Safari


















May show muna, na 7:30 ata nagstart. Nakakatawa talaga kasi pang-stand-up commediane rin yung pinaka emcee. Tas astig kasi sa kung saan-saang part ng stadium nangggaling mga hayop. May time pa na napayuko kami kasi kala namin matatamaan na kami nung owl. Di lang makapagpicture ng mabuti dito kasi bawal flash sa camera. After ng show, pwede ka na sumakay ng tram ride na lilibot sa buong place. As in parang safari talaga, yung mga hayop, wala sa kulungan. Parang kunwari yung mga lions, ginawan din sila ng cave. Nakaktuwa! KAhit matanda na ako natuwa pa rin ako ah, pano na yung mga bata. Nakaktakot lang na baka mamaya may katabi ka na. Hehe, at eto talaga, walang pictures kasi madidilim at bawal flash.



DHL Hotair Balloon!









Newest attraction 'to sa city. 23 dollars isang sakay na 7-10 minutes. Mahal no? Buti na lang, naserach ko sa net, may isang Singapore Boat Tour kase, nakasama sa package nila yung Balloon. For 25 dollars, may 30 minutes na boat ride ka na (makikita merlion, esplanade, etc) tapos may hotair ka pa! Astig noh? :) Buti na lang nakita ko sa net yun. Astig din talaga 'to kasi 150m above the ground. Nakakalula medyo, si Reggy, nakahawak lang kamay niya sa rails. Hahaha! Sabi pa niya nung una "nakasakay na naman ako sa helicopter eh, kaya ko na yan!" Medyo mahirap pa saktuhan to kasi kapag lumakas hangin, walang flight. Ayun. Pero try niyo! Kelan pa ba kayo makaksakay ng hotair balloon? :)

















G-max






















Eto yung reverse bungee, pero sad to say, hindi kami sumakay kasi 40 dollars ba naman. Hehehe, sa susunod :) Sinulat ko lang dito para sa mga pupunta eh mapaghandaan niyo na.



Orchard Road.

Para sa mga shopping. Mura ng Giordano, o baka kasi sale season talaga ng buong singapore. Yung mga shirts, 300 na lang. Hindi lang simpleng shirt ah, yung mga may design. Pero kasi, wala rin sa budget ang pagshopping. Tas yung pabango, grabe! Super mura. Bumili ako ng cold ng benetton, mga 10 dollars lang. Original ah, sabi kasi nung tindera sa season na 'to, pine-phase out na lahat. Ayun, parang tyangge mga pabango. Tas dun din ako nakakita ng yung Guess bags nakatambak na parang mga Secosona sa gitna ng SM. Hahaha, kakaiba nga eh. Pero mahal din talaga yung iba.


Sige, yun lang muna, wala akong maisip na iba. Tsaka more than 1 hour na ako dito. Hahaha! Pakapalan ng muka. Mahal ng snapple eh. Bukas na ang pagtutuos sa EEE. Pray for me.

Labels: ,

Tuesday, June 12, 2007 at 8:16 PM

5 hours to wait..

..para umalis yung eroplano ko (yes, may eroplano ako) dito sa changi.

Nakakainis maghintay pero sa ngayon, mas nangingibabaw yung lungkot ko. :( Papunta na naman kasing Australia si Reggy.. Nung unang pag-alis naman niya kasi hindi ganun kalungkot. Pero ngayon, shet, kung pwede lang magiiyak-iyak ako dito. Hehehe.

Pano ba naman kase, dapat, magdidinner pa kami together ngayon. Ang nasa plano, 5pm balik ng hotel, kunin gamit then punta na dito airport. 8pm pa kasi yung akala naming flight niya. Buti na lang, nung pagbalik ng hotel, nasabi ni Josine (kapatid ni Reggy) na "diba, 6 ang flight mo?" Tas pagka-check, 6:50! Eh 5:30 na nun, so todo ngarag. Yung mga pinamili earlier, eh nasa plastic pa. Buti na lang at naayos na rin namin yung bags namin bago umalis. Shet, sobrang stress talaga, buti na lang walang traffic. Naglabas pa nga siya ng gamit kanina kasi overweight yung check-in baggage niya. Buti na lang may bags siya sa loob ng maleta kaya nadagdagan na lang hand-carry. At ang nakakalungkot pa, hindi ako nakapag-babay.. awww, kakalungkot talaga. Pumili kasi kami ni Josine para sa GST refund (tax refund ng binili niyang cam). Tas pagbalik namin, pumasok na siya. Nakikita ko na lang siya na nasa kabila ng salamin. Hayy.. siguro yun talaga nakakalungkot.

At ngayon, kelangan ko pang bumili ng lecheng Snapple na tig S$4 (120 pesos) para lang makapagnet at mabawas-bawasan ang oras. Yung mga free internet terminals kase, nasa loob mismo. Eh di naman ako sa loob nitong terminal 2 papasok kundi sa budget terminal, na malayo ata dito kase mag-bus pa ako.

Hindi ko rin alam pano pagbaba ko sa Pilipinas. Hehe, unang beses ko lumabas ng bansa eh. Basta sabi ko lang sa nanay ko, 4am ako sunduin. Bahala na, at least nasa Pilipinas na yun. Concentrate na muna ako dito na makaalis ng Singapore.

At para may magawa ako, magblog na rin ako ng mga ginawa namin. Para masaya :)

Labels: , ,

at 7:53 PM

Blogging from Mt. Emily

At yan ay kung saan ang hotel namin dito sa Singapore. Naks.

More than 24hrs na nga rin kami pala kami, pero medyo nakakapagod na rin. Pero masaya :) syempre. At [para hindi ako mahirapan magblog pagbalik ko diyan, might as well kwento na ako ng mga nangyari. Uumpisahan ko na sa NAIA airport ah. Kasi sobrang SHIT yung mga few days prior to our trip.

Singapore Airlines!

Sosyal kami eh. Naka-singapore airlines. Hahaha. Binili lang kasi ni Reggy yung miles sa mga ka-brod niyang frequent flyer. Pero grabe! 1st class kung 1st class. Sorry ah, hindi kasi ako sanay sa ganito. Cebu pacific pa nga lang nasasakyan ko. Hindi pa sumasakay, sumakit na ng todo ulo ko. Siguro naghit na yung ilang araw ko na tig 2 hours lang na tulog (gahil sa mga bagay na ayoko na i-blog). Eh sakto, yugn biogesic, wala sa handcarry ko. Wala rin sa hand carry ko yung lalagyan ko ng contacts (may liquid yun eh). Pero walang sakit ang makakpigil sa akin mag-enjoy. Heheh.

Pagkaupo pa lang sa eroplano, maya-maya andiyan na yung magbibigay ng hot towels. Tas ako, yung muka ko, tipong excited makakuha. Ahaha! Wala akong pake. Kami nga lang ata halos yung turista dun. I mean, yung karamihan puro mga businessmen, professionals. Lahat nakalap-top bag. Na tipong sobrang daming kausap bago sumakay, at nung nakasakay na, laptop mode na. At mga naka-long sleeves pala sila ah. Samantalang ako naka-shorts! Sosyal ako eh. Tapos yun, may meal pa pala! At naipili na rin ako ng meal ni Reggy thru internet. Yung meal, ay meal talaga ah. Kumpleto yung mga kubyertos, with knife, etc. May appetizer, main course, pati bread and butter. Yung main course ko eh fish with potatoes and other veggies, yung kay Reggy oriental pansit. Tapos ang drinks din eh mamili ka lang. Softdrinks, fruitjuices, kahit champagne at beer. Magcha-champagne talaga ako sana kugn di lang sobrang sakit ng ulo ko. Hehehe. Tapos maya-maya, may ice cream pa! Di ko napigilang sumigaw ng "Uy! may ice cream!" Hahaha. Dyahe to the max.

At may sari-sariling mini-tv sa tapat ng passengers. May option kang manood ng pelikula (5 ata pagpipilian), TV series, etc. At pwede rin mag-games! hehehe, syempre lahat sinubukan ko. Kaaliw talaga eh.

Maganda talaga sa Singapore airlines, feeling mo rin alta ka kapag nakasama sa mga nakasakay dun. Pero grabe, owrth 20k ata yung round trip dun kapag bibilhin talaga. Kaya naman pala ganun yugn services. Tapos ang dami pang perks kung magto-tour ka dito. May Sing Airline Bus na libre mo masasakyan, maraming umiikot ikot para iikot buong Singapore. Pero hindi na ako singapore airlines pagbalik (awwww..) hindi maayos yung sched eh. Kaya cebu pacific na lang.


Changi Airport

Super laki! At parang "bahay ng aso" lang ang NAIA compared sa Changi. Ang sosyal, ang linis. Pagtapak ko pa lang, nalaman ko na kung bakit 3rd world country talaga tayo. Tas eh di super haba niya, may mga escaltor na hindi pataas. (Shet, hindi ko maisip ngayon pero nasa common room ako ng hotel namen kaya nakakahiyang magtanong kay Reggy kung anong tawag dun.) Eh diba kunwari sa Metro East, kapag sumakay ka, tatayo ka lang tas hayaan mo na siyang dalhin ka. Dun, kelangan maglakad. At sobrang dami pang nageexcuse kasi nagmamadali sila at nakaharang ka. Fast pace. Sayang lang at di kami nakapaglibot dahil malamang nasa lapag na yung mga gamit namin.

Dun na rin kami bumili ng dinner, syempre sa MCDO. hahaha, katawa noh? Pero tinake-out na lang para sa hotel na kainin.


Hangout hotel

Nasa hotel ako ngayon, common room, libre net. May TV rin, billiards, etc. Common room. At naantok na ako para ipagpatuloy to. Heheh, kakapagod kasi ginawa namin maghapon. Magkakasama kami ni Josine (kapatid ni Reggy), Vanie (pinsan ni Reggy) at Yoshi (bf ni Josine). Super marathon day. Hanggang sa susunod. :)

Kung kelangan niyo pala ako macontact, text niyo si Reggy, same number kami, except the last digit. Imbes na 3, 2 na, okies?
Sunday, June 10, 2007 at 12:05 AM

chill

Nakaka-ewan pero "sinugod" ako sa hospital kagabi. Sinugod kasi literal talaga na biglaan. Naospital na ako nung bata pero hindi yung basta-basta lang. Nung tumagal na ata lagnat, saka lang nagpack at pumunta sa St. Luke's. So parang planado yun diba? Eh kagabi talaga, hinde!

Pumunta kami sa SM Fairview ni Reggy kasi may kukunin siyang padala. Then nung paglabas na namin, medyo giniginaw na ako. Nung nasa kotse, hindi ko na pina-on yung aircon kasi super ginaw na. Nung una, parang nasa isang super maginaw na room lang ako na walang jacket. Tapos maya-maya, nagtretremble na yung katawan ko. Tinanong na niya ako kung punta na ako sa ospital, ako naman ayoko talaga. Parang "outrageous" na idea na magpaospital kasi di naman talaga ako sakitin. Pero nung sumasakit na yung mga litid ko dahil sa panginginig, at hindi ko talaga mcontrol, pinatawagan ko na nanay ko. Halos hindi na ako makasalita sa panginginig. Nakakatkot talaga kasi never pa talaga nangyari yun sa akin or nakita ko mga kapatid ko na nagkaganun. Buti na lang sinasabi ni Reggy na nagkaganun na siya nung nagka-viral infection siya last year.

Eh di sa may FEU fairview kami dumertso imbes sa bahay. Gosh, sa emergency room pa talaga. Halos di na nga ako makalakad tas parang walang may gustong tumulong sa akin. Pinagtatanong pa ako dun sa desk ah! Mga walang kwenta talaga. Tapos nung nakahiga na ako, tuloy tuloy pa rin yung tanong. Isang manipis na kumot lang binigay sa kin tapos tanong na naman, mga medical history etc. Tinanong pa kung kelan pa daw ako nanginginig, sabi ko "ngayon-ngayon lang. nasa sm fairview parking lot kami nung nagstart, tapos deretso na dito." Aba, eh tinanong ba naman ako kung mga ilang minutes na ba daw yun at anong oras ba ako dumating dun. Leche diba!? Kapag pasyente ka ba ikaw magtetake note kung kelan ka dumating sa emergency room. Putakte talaga. Ang bulok ng systema sa FEU. Sinabihan ko na nga yung nurse na "wala ba kayong ipapainom sa akin? nahihirapan na ako manginig." Pero wala pa ring pinainom sa akin. Bale tinapatan lang nila ako nung ilaw na mainit. Hehehe, parang baby sa incubator.

Tapos yun, kinuhanan ako ng dugo at nagpaka-OA ako kase nde ko na maalala kung anong feeling nun. Ineexpect ko masakit talaga. Kaya naman nagpupumiglas pa ako. Hahaha. After 1 hour yata saka pa lang ako uminom ng paracetamol. At pagkatapos ng mga 3 oras na paghiga sa emergncy eh pinagpawisan na ako ng todo at parang wala nang nangyari. Nung medyo ok na nga ako, naririnig ko na yung ibang mga ingay sa emergency room eh. Nakakatakot na nakakadire. Kasi naman, may mga sumusuka, eh pano kung nakakahawa yung mga sakit nung nasa kabilang kama lang at clothe divider lang pagitan namen? Pero buti na lang din at ok na, wala namang nakitang mali sa blood at urine. Sabi nung doctor, baka daw stress lang yun.

Salamat nga pala kay Reggy na nagdala sa akin at nandun din siya hanggang sa makalabas ako. :) Nagbayad din kami sa ilang test na hindi naman dapat kasi may medcard ako. Aba, eh malay ko ba sa mga ganun. Dapat pala kapag matanda na inaalam na yung mga ganung bagay. Sa nanay at tatay ko na syempre andun din. Sa tita ko at kapatid kong naghatid ng jacket at pajama pero ang dahilan lang ng kapatid ko ata ng pagsama eh para magstarbucks. Ayun, kakaibang experience. Hehehe..

Ewan, nakakastress nga ata mga aatupagin ko sa linggong ito. Pero kelangan kong magpagaling :) Para sa Friday, tuloy na tuloy na sa Changi. Hehehe...
Tuesday, June 05, 2007 at 7:23 PM

Kamusta naman

Kung kelan walang pasok saka naman nde ako nakakapagpost sa blog. Eh ganun ata talaga, kasi kapag may pasok, lagi nasa lab. Maghahanap ng components, then maya-maya nasa blogspot na (kagaya ngayon!)

Parang 2 weeks pala na wala halos pasok pero ang bilis lang, wala nga akong maalala na humiga lang ako sa bahay. Pano ba naman kase, andito si Reggy. Hehehe, parang masama loob ko noh? Pero syempre hinde :D Ang saya na kasama ko ulit siya, hmm.. kumakain na ulet ako. As in! Para bang ilang taon siya nawala kaya dapat makainan namin lahat ng favorite naming kainan dati. Sa loob ng 2 linggo lang ah! Subukan kong alalahanin kung san-san na kami nagpupupunta at nagkakakain.

  • Jollibee! Thrice na ata, mula lang nung pagbalik niya. Ang sarap nung nachos+fries nila. Hehehe, actually, siya lang oorder nun kasi sa umpisa parang ayoko, pero laging ako rin umuubos. Sarap din nung mango caramel sundae.
  • Mcdo. Twice? kapag "hindi ganun kagutom" state. hahaha! may ganon talaga noh? Oo, habang bumabaybay sa commonwealth, mafifeel mong gusto mong kumain pero di ka ganun kagutom. Gusto ko nung chicken nuggets pero kadire kase yung green na honey mustard dip, parang uhog. Kaya nde ako umuorder nun. Sarap mag fries!
  • Burgoo. Sarap nung nachos! Hehehe.. Tsaka mga kakadating pa lang niya nung kumain kami dito kaya feeling ko kaya ko pa magdiet, nagorder ako ng salad. Pero masarap naman eh :) Masarap lahat, mahal eh. 18 din pala nun kaya reason magcelebrate.
  • Ihaw1. Naimagine niyo bang kumain na ulit ako ng sisig with unli rice? Hahaha. halos biscuit lang kinain ko buong summer tas napag sisig ako. Tsk.
  • Karate Kid. Sa SM fairview. Katsudon favorite namen dito. Nagtataka nga ako bakit wala pa sa SM north. Para kasi siyang Tokyo Tokyo na bukod sa unli rice, eh unli iced tea pa. Mas marami pang choices kesa sa Tokyo2.
  • Max's. Nag-ninong kasi siya sa binyag, dun sa main branch. Tas sumama ako, makapal muka ko eh. Ang ayos pa kasi mga bata yung kasama namin sa table so mas maraming share napunta sa amin.
  • Chowking. Dalawang beses. Nung una, noodles lang inorder ko. Pero nung panagalawa, Lauriat! Hahaha! Pagkain ng mga nanay. Diba? Yung nanay ko kase laging ganyan order, busog man siya o gutom. Pati mga tita ko, ewan ko ba.
  • Brother's Burger. Actually, nakita lang niya sa isang page sa Maxim yung mga burgers na masasarap. Dapat eh pupuntahan namin yung sa Banawe, pero baka hindi namin makita, mabwisit pa kame, kaya yung sa JBJ na lang dapat sa Timog. Pero nung andun na, Brothers Burger na lang. The best ang cheese steak! :)
  • Try-mo Shawarma Co. Pangalan pa lang, sosyal na! hahaha, joke. Isa siyang joint sa may Lagro. As in dinadayo siya kasi marami yung serving at masarap din naman. Diba yung sa Mister Kebab (sa delta) na bibili ka ng parang plate then ikaw mismo gagawa ng shawarma mo, meron din silang ganun, 75 pesos lang, with egg pa. Tas makakagawa kahit mga 5 na shawarma. Oder ka lang ng extra veggies. :) Basta, astig talaga to sa mga nagfo-food trip.
  • Taters. Sa Trinoma. Eto talaga yung reason kung bakit dun kami nanood ng shrek. Hehehe.. With jumbo fries and jumbo iced tea (na masarap) at chips pa, eh jumbo din ang price. Para sa akin ah. Kuripot ako eh. Sabi ko nga, kunwari kasama ko lang sina Katkat manood, eh di syempre ako lang gagastos lahat sa sarili ko, hinding hindi ako oorder dun. Well, di rin naman na kasi uso sa men (nina katkat, geof, etc) mag popcorn eh.
Tas sa kung san-san na rin kami nagpunta..
  • Trinoma. init ng parking. Pero mas ok na magpark dun kung pupunta ka sa area (kahit punta ka pa ng sm) kasi yung exit, dun na sa intersection ng mindanao. Unlike kung sa sm pa, iikutin mo pa traffic.
  • SM North, SM Fairview...
  • Greenhills. Bumili siya ng PS2 na dadalhin sa Australia, pinabili.
  • Tutuban. Para bumili ng shirts.
  • Circle C. Tutuban na nasa QC. Medyo mas mahal pero ok talaga siya. Kahit sa mga cute na damit. At syempre, pirated DVDs. Meron din ditong bilihan ng murang sushi kaya naman babalik-balikan talaga. Hahaha. Along congressional siya, kunwari nasa Mindanao Ave ka papuntang novaliches, turn right ka sa KFC.
  • Bilihan ng CD sa may Mayon. Hindi ko maintindihan kung bakit super dinadayo ang shop na to kahit nde naman maganda ang pwesto. Pero nasa kanila daw kasi yung mga hard to find na installers. Ng games, ng programs, etc. Mas mahal nga kesa sa ibang bilihan pero sigurado naman daw sa quality. Pero astig nga, as in kahit anong maisip mo na gustong matutunan meron dun! Kapag tipong bum ka, punta ka dun. Meron pa nga dun tungkol sa camera, uy Geof! Meron yung para sa Nikon (something) nakalimutan ko model pero yung picture kamuka ng camera mo. Itetext nga sana kita nun pero la ako load.
  • Manaoag Church. Grabe, sa Pangasinan pala yun. As in more than 4 hours ang trip. Kasama namin parents niya, umalis yung bus ng 5am sa cubao. Then nakapagmass kami ng 10-11. By 12, sakay na ulit kami ng bus pabalik ng Manila. Road trip. Pero mukang efefctive, pinagdasal ko kasi yung Physics 104 nina Meiling, tapos pumasa sila. Sana yung mga para sa sarili ko, matupad din.

Hmm, this week wala na ata. Kelangan na magtipid para sa weekend. Yiheeeee! Excited na ako, pero sana walang panira. Umpisa pa lang ng sem may exam na ako. Kamusta naman. Tsaka yung thesis. Jusme. Sakit sa ulo.

Feeling ko rin pala may sakit ako. As in kaninang umaga parang magblablackout na mahihimatay na ako. Uminom kagad ako ng tubig tapos pumasok sa banyo at naligo. Creepy, sana wala lang 'to. Sige, naubos na ang isang oras sa pagpost.

ps. nagpagupit nga pala ako. Shet, ang bobo nung naggupit. ang ikli talaga sa likod. ang ungas. Magpopost ako ng pics kapag sinipag.
Monday, June 04, 2007 at 6:09 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.