<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Muchacha Day

Kasi summer na naman. Wala yung tita ko na kasa-kasama namin dito sa bahay. Kaya madalas ngayon eh muchacha day ko. Gaya kanina, alas syete pa lang nun eh ginigising na nila (nanay ko at tatay ko) ako para maglinis.

pakshet diba? ngayon na nga lang ako pwedeng maglunoy sa kama.Pero hindi ko rin kasi sila masisi.Kahapon kasi, nung aalis ako, syempre tinanong nila akokung saan ako pupunta.

"Sa laboratory na pagthe-thesis-an ko.Maglilinis." Kelangan talaga "laboratory na pag-thethesis-an" kasi you know, unfamiliar pa kung sasabihin kong "CEL" or "Lab" lang sasabihin ko. Para malinaw. So akala ko naman matutuwa sila namarinig na hindi "org" yung dahilan ngpag-alis ako. Ang hirit ba naman, "Baka pwedeng dito ka na lang maglinis." Ay takte! Kaya nasabi ko na lang, "Bukas ako maglilinis dito sa bahay." Akala ko makakalimutan nila. But no.

Ayun nga, bumangon na ako at hinarap ko na yung pilit kong iniiwasan araw-araw, ang mga KALAT sa bahay namin. Jusme, nagkalat ang mga damit sa kung saan! Akala mo walang aparador! Nanay ko lang kasi maghapon eh. Eh kulang sa housekeeping skills yun. Ahahaha! San ka ba nakakita ng anak na nagsabing kulang sa house keeping skills ang nanay niya? Eh kasi hindi naman kasi namalagi yun sa bahay, nagwowork siya bago pa siya magpakasal. Sa pagluluto, yun,ok talaga. Halata naman samin ng kapatid ko eh. hehehe. Pero sa ibang bagay, naku. Makukunsume ka. Mahilig yun magwalis,pero yung sa dinadaanan lang!Kamusta naman yung alikabok sa mga ilalim ng upuan diba? Kung maglaba, akala mo stockholder ng maynilad water at ariel. Ang gastos! Tas kanina, nagliligpit siya ng mga nilabhan. "Giorgio, nagsusuot ka ba ng t-shirt na puti? Eto oh. Sa yo ba 'to ha?"At ang sagot ng magaling kong kapatid, "Mama naman, ang laki ng pangalan ni Ate sa likod ko oh!." Yung PE t-shirt ko yun malamang. Hehehehe.

So yun, mega linis ako ng kwarto namen. Mega halungkat ng mga kung ano-ano sa cabinet. Ok rin kasi maramiakong nakitang pang FOPC. Hahaha! Hindi ko na nga tinatanong sa kanila kung may gagamit pa ba non eh. Basta plinastic ko na lang.

Tapos pinagkatuwaan ko ring basahin yung diary ng kapatid kong bunso. Takte yan! Ahahahaha. Putakte talaga. Hindi ko alam kung tatawa ako o maalta-presyon. Halimbawa:
"Dear Diary, Masaya ako ngayon kasi mataas ang grade ko ngayong 3rd quarter kaya masaya ako (laging redudunt sa isang sentence). Yung English ko na dati 86, ngayon 87 na (grabe, ang laki ng tinaas). Bye"
"Dear Diary, gusto ko magkaroon ng pero kaya may wish ako...SANA MAGKAROON AKO NG PERA! (na naka-lettering pa yang wish niya na yan ah.)"
In fairness, mga year2002 pa naman yan naisulat so bata pa nga siguro siya niyan. Pero grabe, hindi naman ganyan yung mga naalala kong mga naisulat ko sa diary.

Sa ilalim rin ng kama ko eh nakita ko ang 1 month nang nawawalang remote control ng tv. At ang pinakamalaking reward, nakakita ako ng g-tech! Grabe! As in puno pa siya. yey! may g-tech na ko.=)

Mga 4 na nung natapos ako sa kwarto. Ang tagal noh?Mula umaga yun.Pero pinameryenda naman ako ng nanay ko ng bananacue.(Feeling niya talaga muchacha ako for today.) Tapos naglinis na rin ako ng banyo. Sayang yung pawis ko eh.

Ito na yung unang beses na namalagi ako sa bahay maghapon mula nang magstart summer classes. At ngayon lang ako medyo nakapahinga. Pagkatapos kasi ng planning sem last weekend eh grad naman ni reg nung gabi. Tapos one whole week ng class na naman.

Ngayon na lang rin ako ulit nakapost ng buong puso. hehehe. Ang haba tuloy.
Sunday, April 30, 2006 at 6:30 PM

ERG-lalala

ok.. so kelan ako nagpost?

Ngayon. Kung kelan exam ko na sa physics bukas.

Ahahahaha! Shet, nakakapagod. Weight training at tennis at physics at erg stuff.

EVERYDAY!

At isang oras akong gumawa ng proposal. Tsk. Ganito lang yan eh. Nung pagkatapos ko maligo, inisip ko.. "ERG o Physics?" Paulit-ulit yun. "ERG o Physics?" At shempre, tinatanong pa ba yun?

Ahahahaha! Bahala na bukas. Sana mamemorize ko naman kahit papano mga formula.

Saka na ulit ako mag-uupdate! Hehehehe.

Hirap din kasi somehow confidential mga pinaggagawa ko lately. wushu! ahahaha.
Thursday, April 27, 2006 at 9:08 PM

Pasukan na naman...

*haching*

may sipon ako! sa tag-init! puchak. Dala siguro ito ng maghapong paghiga at paglalaro ng Bejeweled.Pag pumipikit ako, nakakakita talaga ako ng jewels sa pagkaadik ko!

Ano nga ba ginawa ko nung mga nakaraan (bukod sa paglalaro ng Bejeweled)

Mon-Tues. UP. RA sa EEE. Enroll. Binigyan ng Appeal Form ng putanginang RA na yun sa engg. Dismissed daw kasi ako.Putangina pala niya, muntik na akong magkakontrata ng dahil sa kanya. Hindi ko alam yung pangalan nung nagbigay sa akin nung form. Pero yung isa dun sa info booth eh Lian (nde ko alam spelling pero basta li-yan ata o li-an) ang pangalan na taga IE club. Nasa info booth walang alam. Lahat ata ng tinanong ko eh tinanong niya sa kapwa RA niya. Akala ko ba may screening para maging RegCom sa Engg!?! Takte. At napagalaman ko ring pag reg com ka sa Engg, 3HOURS kang maglulunch. Aba naman, 2pm na kung magbukas sa hapon. Wala ka naman mareklamuhan kasi sabi nga nila magbubukas sila "after lunch."

Easter Sunday eh naginit na naman ulo ko sa twing maaalala ko.

Tapos pumunta rin ako sa bahay ng tita ko kung saan kami magpla-planning sem. Daig pa namin kinulong dun kasi walang telepono (so walang internet) ,channel 7 lang meron sa tv.Pero may signal naman ang globe :)

Nung saturday eh buraot na buraot nasiguro kami ni reggy at namimiss na daw niya ako (ahahaha) kaya sinundo niya ako at nag-sm kami. Daig pang sale sa sm fairview sa dami ng tao. Tapos alam niyo ba yung fastfood na KARATE KID? Parang joke time yung pangalan noh? kaya wala masyado kumakain. Pero nakita namin na 25 pesos lang yung bottomless iced tea kaya napakain kami dun. Ahahaha! yung25 pesos na bottomless iced tea lang talaga yung susi. Pero masaya naman. Sulit.Parang tokyo-tokyo. Unlimited rice din tapos mas tonkatso rin, ika fry, etc chuva. Pero may katsudon! Astig. Hehehehe... Basta sa panahong gutom ka, at gusto mong mag tokyo-tokyo, eh mag karate kid ka na lang.

Tapos kanina, nagkita kami ni Lyand para idiscuss ang mga milyones ng ERG. Ahahaha! Whooo! Naku, baka mahold-up ako niyan. ahahaha

At dumeretso ako ng UP para magsimba at mag-jog kami ni Reggy (ako naman nakamiss sa kanya..hehe) Tinatamaan na talaga ako sa mga sinasabi sa akin eh. Yung pinsan kong kasama ko sa cebu last year, sabi ba naman "grabe,para kang inihipan ah!" Walang modo. Ahahahaha.

Pero ayos pala magjog pag Sunday. Dami tao. Tas nakita ko sa Gabo. Si Gabo na nung 2nd round eh nagyoyosi na. At sunod ko namang nakita eh si BASTE! Si baste na sa susunod na pagkakita ko eh macho na! Ahahaha.

Ang haba na ata ng entry na to. Parang hindi 7am class ko bukas. Pinagbabayad ata ako ni Lord sa mga hindi ko pagpasok sa physics last sem.
Sunday, April 16, 2006 at 8:37 PM

Newest beach bodies

To Mossimo,

These are our pictures. You may want to check it first before we show upon your screening.

Image hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket











Image hosting by PhotobucketImage hosting by Photobucket



















Sorry, but that's the least we could do for a short notice invitation. We could've undergo diet and rigorous workout if you onl; you advised us earlier.

However, these are 2 of my friends who I recommend most:

Image hosting by Photobucket Image hosting by Photobucket














________________________
Francis, Mossimo pala ha. Ungas! ahahaha. buti nga syo, "hairy".

Ahahaha!Sorry friends. Masaya eh. Tsaka kasama naman ako. Sa mga nde naisama diyan, wag kayongmag-alala, makakahanap rin ako ng picture niyo :D
Sunday, April 09, 2006 at 11:30 PM

Recap

Hmm.. marami na nangyari. Hindi ko alam kung saan magsisimula.

Acads. Nagremovals ako sa 51! yey! kaso..masakit kapag bumagsak pa dun. todo talaga. Sa ngayon, April *insert date herekasi hindi ko maisip kung anong date na habang gingawa ko to* na, 3 units palang ako! PALAKPAKAN! takte.

ERG. ahahaha. humabol ako sa tagaytay para magsaing, maghugas ng pinggan, malasing,magyosi at sumuka ng sardinas. Ahahahaha. Malaki pala kapalpakan natin sa pagsaing. Sabi ng aking nanay, dapat daw, pag maramihan eh pinapakuluan muna yung tubig tsaka ilalagay yung bigas. Kasi masyado na daw nabababad yung bigas bago maluto kapag hindi ganun yung proseso. So edu, alam na natin noh? Ano kaya mangyayari sa susunod na semender? hmmm.. RA? hahahahaha.

Saya talaga, humabol lang kasi kami ni Stayshaun (c/o carl). Nagkita kami sa Olivares at kumanin ng taquitos ni Josine dahil sa gutom namin at wala pa sila sa bahay.

Ay, meron papala akong ginawa dun! nagtwister sa picnic GROOVE (nakalagay talaga dun! groove!). Of all places para tumuwad-tuwad eh dun pa. At leastwala naman siguro makakakilala sa aking ibang tao dun. Ang hirap kaya! ang sakit nglikod ko hanggang ngayon. Yoga ng wala sa oras (at lugar).

Sayang, hindi kami pumunta sa Palace IN HEAVEN (c/o Crisanto Leandro Jimenez a.k.a. "ama ng sinampalukang manok kapag sem-ender").

La na yung ibang details kasi yung nagbabasa naman neto eh andun lahat (except KATKAT and LEI). ahahaha. Sayang.Masaya talaga.

Basta ERG,masaya.

Ecexom naman. Ahuhuhu. Tambak na ata gagawin ko. Pero keri lang yan. :) Masaya rin naman.Charing!

Back to acads. Ano kaya isusummer ko? Juskopo!Inenjoy ko kasi masyado ang last sem eh. ahahaha. RA (Registration Assistant) nga pala ako.. Sa tuesday, makikita niyo ako sa info booth. So, wag na kayo magtanong sa akin, babarahin ko lang kayo.
at 10:16 PM

ang pagsira ko sa buhay ko

ahahahaha. putangina.

ang dami kong bagsak this sem. pakingshet.

sira na buhay ko. ahahahaha. 6 years. putangina.

"ma, isipin mo na lang nag-intarmed ako tapos nag-advance ako kaya 6 years na lang."

ahahahaha. hindi ko alam gagawin ngayong summer. worst na mangyayari,kelangan ko kumuha ng 2 GE. ay pakinghsyet.

magpaparehab na talaga ako.

kelangan ko ng ibang gagawin bukod sa pag-aaral.
Sunday, April 02, 2006 at 12:13 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.