<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Speaking of health Card

Nung myerkules ng madaling araw eh naaksidente yung pangatlo kong kapatid. Sampu silang magkakabarkada na sakay ng fx-type na minamaneho ng isa rin nilang kaibigan.

Eh di nung umaga ng Wednesday, paggising ko nagtatalo na yung tita ko pati pangatlo ko kapatid kasi hindi man lang inalam ng pangalawa kong kapatid kung san papunta yung nanay ko nung madaling araw. Sabi ba naman, "Si Giorgio pinuntahan, naaksidente ata" at cool na cool pa siya. Naisip ko naman nun, baka hindi nga naman grabe kasi mag-isa lang pumunta nanay ko. So tinawagan ko nanay ko, sabi naman ok lang yung kapatid ko, sinasamahan lang nila maghintay ng results yung iba doon sa Malvar Hospital. Sabi gasgas nga lang daw. Naisip ko nun, "langya gasgas lang pala inabala pa si Mama" Hahaha! Eh kasi diba, kinabahan pa yun. Pero pag-uwi nila, grabe nde lang pala gasgas, as in cuts sa likod at braso. Pina x-ray din para masigurado na wala fracture. Kaya naman pala niya tinawagan si mama kasi marami babayaran. Bad trip pa nanay ko kasi hinagilap pa niya yung health card ng kapatid ko bago siya pumunta sa ospital pero nde pala macre-credit. Kapag under the influence of alcohol pala, hindi pwede ma claim ang health card. So ngayon alam ko na, sa mga nagababasa, alam niyo na rin. Pag uminom kayo, wag kayo maaksidente, walang bisa ang health card. Hahaha!

Anyway, eto ang kwento. Nung nagkwekwento kapatid ko parang comedy na eh. Pero pag iisipin, swerte pa rin at wala naman grabeng nasaktan. May nabalian ng buto sa kamay at tanggal talukap mata (yung driver) pero at least, ganun pa rin nangyari.

Galing sila sa inuman (malamang) at ihahatid na sila pauwi nung may-ari ng bahay sa kung saan sila naginuman. Sa batasan sila galing tapos may taga north susana kaya papunta muna dun. Sa may tapat ng St. Peter may iniwasan daw, pero kapag kabig, hindi na nacontrol kasi maulan din nun kaya bumaligtad na lang sila.

Sabi ng kapatid ko, pagmulat na lang niya nasa commonwealth na siya. Tumilapon silang tatlong nasa likod palabas ng sasakyan. Kinapa niya kagad buo niyang katawan, baka daw may kulang na. (Hehe) Pero maya maya dugo na yung tumutulo sa muka niya, pagkapa niya, puro bubog yung ulo niya (semikal yun eh). Tapos nasa loob pa ng sasakyan yung iba nila kasama, eh nakita nila na tumapon na yung gas. Feeling niya nasa pelikula siya (yes, action star) at pinagabbasag nila yung bintana para makalabas lahat. May mga funny moments pa din like "Cho, yung havaianas ko, wala!". "Tangina sasabog na to yung tsinelas mo pa iniisip mo!" O diba.

Sila sila lang nagsugod sa sarili nila sa ospital. Sabi ko buti may pambayad pa sila sa taxi. Hahaha. Kasi diba, kapag mga ganyan saktuhan na lang pera. Buti naman may isang daan pa siya. Sabi pa daw ng isang driver "wag yung duguan!" Sabi niya, pwede ba yun manong eh emergency na to. So yun, nadala na sila sa ospital.

Very apologetic daw talaga yung driver, kahit na malaki din tama niya. Parang nakakaawa nga eh. Kasi diba, parang magkakasama kayo, buti nga hinatid mo pa mga barkada mo, and hindi mo naman intensyon yun eh. Wala naman nanisi pero naguilty yung driver.

Well sana makarecover na silang lahat. And matuto na. Hindi ko naman sinabi na wag uminom. Pero mag hinay-hinay muna. :) Pero wala naman daw nagpagalit, kahit nanay ko nde naman nagsermon. I think thankful pa rin sila na ganun lang inabot ng mga anak nila.
Friday, October 03, 2008 at 9:03 AM

Magastos magkasakit

Kahapon ng hapon, bigla sumama pakiramdam ko. Akala ko nung una tinodo na naman aircon kaya ginaw na ginaw ako. Pero nung nakita kong nde naman naka jacket katabi ko, aba eh nilalagnat na ata ako. Hahaha.

Tuloy-tuloy din kasi ginawa ko nun. Hindi ako sanay? Hahaha. Nung nakaraan kasi e wala naman pressure yung ginagawa ko. Sabay alas singko may pinapahanap pa sa akin. Nakakastress ata na uwian na tapos may papagawa pa noh. Ginaw na ginaw ako habang gumagawa. Uminom ako kape at biogesic. Pero ok lang, nahanap ko naman, at sakto napatagal din meeting ng sasabayan ko kaya nakaabot pa ako.

Nung nasa elevator na ako feeling ko talaga nag chi-chill na ako eh. Lalo na nung pagsakay ko sa sasakyan tapos aircon. Naisip ko magpa ospital na. Nangyari na rin sa akin yun before eh, then dinala din ako sa ospital. Pero wala naman nakitang kakaiba. Anyway, bukod sa nakakahiya naman sa sinasabayan ko, naisip ko rin na hindi ko dala yung medicard ko!! Asus. Ayoko magbayad. Hahaha, kuripot sa sarili. Sayang, active pa din kais yung medicard ko na galing sa company ng tatay ko, at syempre yung akin mismo, pero pareho ko silang hindi dala. Kaya naman sinabi ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng tuluyang magchill.

Hindi ko alam pano ko nagawa. Pero hindi na nga ako nagchill pero hinang hina ako. Siguro sa pakikipaglaban sa lamig. Hahaha. Buti hinatid ako ng officemate ko hanggang dito sa bahay. Kaya naman alas otso eh tulog na ako.

Kainis kala ko naman makakagala ako kagabi kasi la naman pasok ngayon. Anong point ng post ko? Hmm.. dalhin lagi medicard mo, you'll never know. at kaya mo labanan yung mga lagnat lagnat na yan.. lalo pag ayaw mo magbayad. Hehehe
Wednesday, October 01, 2008 at 7:33 AM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.