Masalimuot ang pagpunta ko dun dahil hindi ko macontact yung center at yung mismong bahay. Pero mga quarter to seven ay nagdoorbell na ako sa bahay nila. Yung bata yung lumabas at pinapasok na ako. Malaking bulas para sa grade 5. Denise ang name niya. Mukang mabait naman kasi niyaya pa nga akong mag dinner. Pero nahiya ako so siya na lang nagdinner. Bago rin siya kumain, pinakita niya yung assignment notebook niya at sinabi niyang wala naman siyang assignment. At pagbalik niya.. "Um, kung saan mo na lang kelangan ng mas maraming review, yun aralin natin ngayon" Pero jusko, math na lang sana. At minalas ako dahil sibika book ang nilabas sabay buklat sa page na may nabasa akong Batas Jones. Patay ako. Hinalukay ko ang utak ko para maalala yung part ng history na yun pero wala talaga. Tsaka ano yun, babasahin ko tapos ikwekwento ko sa kanya? Di ba ang tutor pag may nde maintindihan na topic? Eh ang linaw naman ng pagkakatagalog sa libro eh. Labo. Pero yun, syempre binasa ko na lang. At nagkwekwento-kwento ng kung ano-ano muna habang nde ko pa nababasang mabuti. Pag napapahinto ako ng salita dahil nagbabasa ako, siya naman ang nagsasalita. Halimbawa neto ay.. "Teach, hindi naman sa pagmamayabang, pero sikat ako sa amin. Lagi ako ginagaya ng mga classmates ko. Nung nag heels ako, after 1 week, naka-heels na rin sila. Tapos kunwari may pencil case ako sa bulsa, maglalagay rin sila..." Syempre, ako naman, naaliw nung una. Nakangiti lang ako. Isa ito sa mga maarteng bata. Tipong hindi ko kaibigan nung elem ako. Grade 5? pinagiisipan ko bang idol ako ng mga classmate ko?
Hindi ko rin maiwasang hindi ma-intimidate. Pano ba naman, nagdidiscuss ako about sa hawaii kung panong relationship niya sa America kahit na malayo siya sa us. Tapos bigla niyang sinabi
: "Ay, ganoon pala yung hawaii. Hindi ko alam yun. Ganoon pala.. kasi nakarating na ako sa hawaii. pero hindi ko yun alam." Shet, ang swerteng bata. walang kaaalam-alam pero nakarating na. So sinong mas lamang sa amin? Hahahaha
So ok, hindi siya yung tipong walang imik. Mas ok yun, para walang patay na oras. Pero napansin ko, wala ngang patay na oras, wala naman kaming nadidiscuss sa lesson! Takte yan, ang daldal! Nagdidiscuss ako ng Asemblea ng Pilipinas tapos biglang: "Teach, ano bang ibig sabihin ng pintig?" Eh di sinabi ko.. "Eh teach, ano naman yung vain?" "Ah, yun yung parang maarte, salamin ng salamin, powder ng powder, parang wala nang mahalaga sa kanya kundi muka niya. Suklay ng suklay" "Ah, eh di vain ako." Naku, patay, baka na-offend ko. "Um, kasi depende rin yun. Minsan para sa isang tao, vain na yun pero sa iba normal lang. Baka naman normal ka lang." "Vain ako kasi every subject nagpupunta ako sa washroom para magsuklay. Miss, can I go to the washroom? Syempre, ayoko naman na makitang magulo buhok ko." Ahh, ganon ba. Shet, vain ka nga. Ako nga pag naiihi lang nag wawash room eh. Minsan nga wala pa akong dalang suklay. Eh take note, ako 4th yr college na, ikaw grade 5. At marami pa talaga kaming kwentuhan. Ayaw rin pumasok sa isip niya yung mga batas. Super entertaining na yung ginagawa ko. Medyo naiinis na ako nun. Pero naisip ko, wala naman siyang masamang ginagawa sa akin. Lagot lang tayo pag may nakikinig sa discussion natin dahil puro kababawan ng isang grade 5 ang topic. Hanggang sa kinuha niya ang G-tech ko at naglettering rin sa pad paper ko. Sabay may comment pang hindi niya masyado gusto yung papel na yun. Ay jusko! Yung G-tech kong naghihingalo na. Grabeeee.. naiinis na ako. Pilit kong kinukwento si Quezon at Osmena tapos nde siya nakikinig dahil nagsusulat siya gamit G-tech ko. Pero tiis..tiis lang. Hanggang sa na-shock na lang ako sa mga susunod niyang mga kwneto. "Alam mo teach, hindi sa ano ah. Pero nakakadiri yung isa naming classmate. Kasi ba naman.. nalaman namin yung nanay niya, tindera lang sa school." Tigalgal ako. Sobrang gusto ko pang maiyak. (OA naman, pero sobra talaga). "Ha, scholar yun. Eh di malamang matalino. Tsaka ok lang naman yun eh, wala namang masama." Umiling lang siya. Shettt!!! Hindi ko naimagine na may ganito klaseng bata. Tinuturo sa GMRC at s Values na wag magmaliit sa kapwa pero hindi ko naisip na meron talagang ganito. I mean, buti sana kung classmate niya ako, na tipong nadadala siya sa peer pressure. Pero grabe, para sabihin niya sa akin yun, sobra! Talagang ganoon tingin niya. I really felt bad. Tapos tuloy-tuloy na kaungasan niya. May tumawag sa phone, aba! Nakipag chikahan na! mga 15 minutes!!! Nakakairita pa yung usapan nila: "Mageexchange gifts tayo? 8 lang eh, so boring!" "Hindi siya pwedeng sumali, hindi mahaba hair niya!" At kelan pa naging batayan ang haba ng buhok sa pagsali sa exchange gifts. Tapos mga usapan rin namin wala na.. "O basta, sa chapter na to, ang gusto lang ng mga Pilipino, kalayaan from US" "Eh sa mga nakaraang chapter rin naman puro kalayaan rin eh.." "Um, sa math, ano na ba topic niyo ngayon?" "Decimals. Pero ok lang yun, madali lang yun. Favorite ko math at science" "eh di ok pala eh. Kamusta mga grades mo?" "mahirap kasi yung grade five eh. Tapos hulaan mo kung anong lowest ko." "ano?" "math" Takte. . "ahh, baka kasi madami kang carelesness pag exams. Ilan ka ba?" "75" "ahhh.." Fave na niya yun ah..wala na ako masabi "Basta sa decimals, ang important lang dun, sa left ng decimal point, sa tens magsisimula.." "Oo nga" ( sa tonong nakakainis) Haay.. basta marami pang iba. Ok lang yung kakulitan, pero ang hindi ko lang gusto yung panglalait sa iba. Wala lang, grade 5 pa lang siya ganon na. Pano na pag high school. And i wonder kung anong ugali nung ate nyang 2nd year. Ano kayang tinuturo ng mga magulang nila sa kanila..ano kayang klaseng environment sa classroom nila. Kung pwede sana nde ako dun maging regular. Duguguin ako dahil wala talaga siyang ganang mag-aral at dahil yung karakter niya eh yung tipong nde ko magiging kaibigan, kahit kailan. Kahit na noong bata pa ako.
________________________
p.s. at bago pala ako umalis ay nagsulat siya ng tatlong email ad para iadd ko siya sa friendster? San ka nakakita ng taong may 3 profile sa friendster na hindi puno kahit isa dun?
Friday, November 18, 2005 at 11:08 PM