<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

sa central

at wala pa rin siya.. naantok na ako! walang online sa YM. lahat sila tulog na dahil sa pagod. At yung iba, malamang may lakad.

hmmm, kanina, naisip ko na sa tatlong sunod-sunod ko na pagdaan sa central ay nakita ko ang tatlo kong classmate nung elem. Thursday ng umaga, medyo dahan-dahan akong naglalakd sa overpass nun kasi may iniisip ako, at puyat pa ako. Pababa na ako nang biglang may mukang bumulaga sa akin at sinabihan ako ng "HOLD-UP TO" Sheeeet!!!!! Sobrang huminto yung paghinga ko nun at malamang naging katawa-tawa muka. Ilang araw ko rin kasing dala yugn pera ng raffle tickets at yun kagad pumasok sa isip ko. Buti na lang, naipauwi ko sa kay Meiling (orgmate) yung pera nung nagdaang gabi at buti na lng, si Ryan yung anggulat sa kin. Leche! Muntik na ako atakihin sa puso! Langyang Ryan yan.. Si Ryan ay taga-quesci rin kaya nakakausap ko talaga siya. At sabay a kami naglakad hanggang sa may hostel. Pareho kaming papuntang engg, pero ako, sasakay, siya tatakbo. May hinahabol kasi siyang game at ako naman, wala anng lakas maglakad pa. Nung hapon naman ng thursay, magkasama kami ni Reggy nang makita makasalubong ko naman si Julius. Taga-ateneo siya at andon siya para mag-fishballs. Masarap naman talaga fishball dun sa central. Meron pa silang kakaibang menu doon, ang fish nuggets. Wala na akong alam na stand sa UP na may fish nuggets. Sayang nga at nakapag-fishballs na ako sa CS nun kaya nde na ako nakasama sa pagkain dun. At kaninang umaga, nasa central overpass naman ako nang mapansin kong Jayson pala ang sinusundan ko. Si Jayson ay Geog sa UP rin at marami siyang ka-close na celebrities (oi, totoo to). Pinag-isipan ko kung babatiin ko siya. Eh di sinusundan ko siya, medyo mabagal siyang maglakad. Naalala ko rin na kelangan na pala kagad ako sa Engg kaya biglang overtake na ako sa kanya. Ayun, baka kasi humaba usapan at nakakahiyang hindi kami magsabay hanggang sa sakayan ng ikot. Eh nagmamadali talaga ako.

Ayun, aliw lang. Sa sunod-sunod na paglakad ko dun, may nakita ako. Hehehe. Iniisip ko nga sana na bka si Jihan naman makita ko kanina. Pero nde naman pala ako naglakad pauwi kanina so wala ako makikita. Sana makita ko pa ibang kong lem batchmates :)
Saturday, July 30, 2005 at 1:55 AM

tag tag

pffft! wala pa kapatid ko (si giorgio) at nasa concert siya sa UP. Kelangan ko siya hintayin kasi high blood na nanay ko, hehehe..late na rin kasi ako umuwi. Shet, buti pa siya nakakaattend dun. So mag po-post lang ako ng magpo-post hanggat dumating siya. At dahil ni-tag pala ako ni bebang...

three names you go by:
1. Chanda
2. Chandita
3. Chands (nde ko to trip)

three screen names you have had:
1. bumblebee
2. neurotic
3. chandita (at marami pang iba)

three physical things you like about yourself:
1. eyes
2. my.. uh.. chest haha, pero tunay <--hahaha! sige bebang, gagayahin kita dito 3. hmm..takte ang 3. hirap naman neto. skin color na lang. ayun, marunong makisama eh.

three physical things you don't like about yourself:
1. shet! shempre ang mga "not-so-baby" fats. ahahaha
2. paa na malapad
3. maikling legs. nde proportional sa upper part ng katawan

three parts of your heritage:
1. chinese na medyo malayo na
2. pinoy na lahat
3. la na...

three things that scare you:
1. death
2. kasamaan: riot/hold-up/sapakan/
3. failure (nde sa exams ah..failure in general to)

three of your everyday essentials:
1. glasses
2. cellphone
3. at dahil remittance ngayon, ang aking logbook.

three of your favorite musical artists:
1. jewel
2. matchbox 20
3. coldplay

three of your favorite songs
1. don't dream its over
2. i think god can explain
3. as long as it matters

three things you want in a relationship:
1. peace
2. contentment para may security
3. happiness

three lies and truths in no particular order:
lies:
1. wala talaga akong problema ngayon
2. marami akong pera
3. masama ako..hehehe

truth:
1. masaya ako sa kabila ng lahat
2. hanggang salita lang pagiging harsh ko
3. mabilis lumipas galit ko

three physical things about the opposite sex that appeals to you:
1. smile
2. height
3. hands

three of your favorite hobbies:
1. net
2. sleep
3. read

three things you want to do really badly now:
1. matulog na!!!
2. huminto ang oras para may pnahon pa ako mag-aral sa mga dapat pag-aralan
3. mag drive sa malayong malayong malayo (oo, malayo talaga to)

three careers you're considering/you've considered:
1. field work.. basta engineer na on the go
2. pero-pede ring nasa office
3.fashion designer/interior decorator/taga-gawa ng mga anik-anik

three places you want to go on vacation:
1. hawaii
2. paris
3. bohol ;)

three kid's names you like:
1. tala
2. ulap
3. bisig (pero sana nde payatot to)

three things you want to do before you die:
1. makanood ng NBA all stars tapos courtside..haayyy
2. makapag-travel kasama mga mahal ko sa buhay
3. magkpamilya

three ways that you are stereotypically a boy:
1. i love basketball
2. i hate mushy music..ayoko rin ng emo. hehehe
3. mabilis ako magpatakbo. hehehe

three ways that you are stereotypically a girl:
1. hindi makapagdecide kagad. na napansin na rin niya kanina. hehehe
2. mahilig ako sa mga medyo kikay weird stuffs
3. tanga ako magpark!

three celeb crushes:
1. ira cruz
2. lucky (kahet bading)
3. diet..hehehe

my turn to tag...
three people that i would like to see take this quiz:
1. princess
2. rovina
3. vanessa

at 1:20 AM

trash post

Sobrang bad trip ako kanina. Actually, hindi lang badtrip..napuno na ako kanina. Kung hindi ako nakapagpigil eh baka nabato ko na yung mga halamang inakyat ko mula 2nd floor at pinasok ko papunta sa stage ng theater. Kaya magiging trash post lang ito..para lang mahinga ko sama ng loob ko.

Sa ERG, 100+ members kami. Ilan lang ang gumagawa? Akala ko ba tulungan? Pamilya daw kami eh. Pamilya my ass! May kapamilya bang hindi umuuwi (nakalimutan na ata na nasa likod yung tambayan)? Actually, meron naman..yung mga may ginagawa talaga. Pero yung mga kapamilya namagpapakita lang kapag may kainan? O well, ang saya nga naman nun.. "Uy! may pansit daw sa tambayan!" "Opening pala mamaya eh, free dinner to." Kapag mga ganito, asahan mo, ang daming ERG..karamihan naman sa kanila, 'prodigal members.' Sa sobrang dami, nauubusan na ng pagkain yung mga taong naghirap para sa event na yon.

Punta naman tayo sa trabaho? ERG? Andiyan ba kayo? ha? Bingi ata sa mga announcements. Medyo lumabo rin ata mata kasi hindi man lang nabasa sa tambayan na may mga events at kelangan ng tulong. Kahit na araw-araw silang umuupos sa tambayan kasi dun na sila naglulunch at dun kumokopya ng homeworks, hindi pa rin nila napansin. Off din ata cellphones nila at hindi nakakatanggap ng text brig. Hirap naman kasi tumulong, sagabal sa acads, sagabal sa ibang mga lakad. Tsaka pwede ring hindi mo naman committee yun, bat ka tutulong? At marami rin pla makapal talaga ang muka na tipong event na ng committee nila, missing in action pa rin. Akala siguro nila, nagmamagic lang ang ERG. Ano yun? Feeling nila basta na lang nangyayari ang isang event.

Yan ang general scenario. Pero normal naman talaga sa isang org yun eh. Meron talagang mas may passion kesa sa iba. Pero normal pa ba pag pakiramdam mo, iilan na lang kayong may passion at pilit niyong inaakay yung mga natitirang walang paki-alam?

Maraming nangyari kung bakit napuno na ako kanina. Sobrang pagod na rin siguro sa paggawa nung mga karton na iyon, mula pa rin kasi yun nung sunday. Pero hindi ako nainis sa paggawa, alam niyo namang ok lang sa kin gumawa ng mga ganon, nakakapagod lang talaga. Kapag may gumagawa at rush iyon, nakakasakit ng ulo makakita ng pabagal-bagal. Ganoon na talaga mood ko, pag maraming ginagawa, gusto ko mabilis lahat. Pati nga sa gumgawa ng burger sa SC naimbyerna ako eh.Na prepressure na rin ako sa mga tanong ng tanong kung magkano na nakokolekta ko. Paki-take-note po, tagakolekta ako, hindi tagasingil. Kung walang boluntaryong magbibigay sa akin, wala akong makukuha. Hindi ko naman pwedeng sabunutan ang isang mem kung wala siyang maibigay. Kahapon, shempre, nirurush lhat ng ilalagay kasi nung gabi pa lang prinint, buti na lng may mga apps. Hindi naman pwedeng mabalewala yung malaking karton na iyon kung nde lalagyan diba? Habang nagkukumahog kami sa paggupit at pagpaste, aba, merong mga dumating na feeling nila "inspector" sila. Omayagad! May bago na bang position sa ERG? As in taga-check sila kung ok lahat? Ang dami pang comment, eh ni hindi nga sila humawak ng gunting para don. Tapos pagbalik mo pa ng tambayan, todo kwentuhan lahat. Eh di syempre, sinabihan sila na "Punta na kayong Engg!" Para naman magkatao sa exhibit diba. Pag sinagot ka ng "bakit, anong meron?" ano kaya mafifeel mo? Di ba ang sarap ibalibag yung whiteboard na kung saan nakasulat yung mga events? Akala ko rin tapos na ako nugn thursay, meron pa nga plang symposium kanina, friday. Shempre, dahil hindi naman ako isa sa mga "prodigal" members, hindi ko natiis na hindi tumulong. Doon na nga ako dumeretso imbes na sa 41. Pagdating mo pa lang.. "chanda dapat mabilis, dpat ganito, dapat by 12 ganito, ayusin mo naman yan, kelangan ng ganito, gumawa ka ng bunutan, bili ka ng bola.." Keri lang, sige. 1:30 yung seminar tapos may class dun sa theater hanggang 1. 12:30, sabi nagpapunta na ng tao. Oo, nagpapunta, pero walang taong dumating! Nakakainis! Kasi alam kong sa mga normal na friday sa oras na iyon ay halos walang maupuan sa tambayan! Marami akong naisip na walang class non kaya uminit na talaga ulo ko. Sige, buhat ng paso, tanggal ng tarp, ayos ng reg booth. Akyat, baba, akyat, baba. Natapos ang class, wala halos tao sa engg theater. Minadali ko yung pagpasok ng mga halaman. Nagtulong rin kami sa pagkabit ng tarp. Pero pagod na talaga ako nun, nangingig yung kamay ko kakabuhat ng halaman. Naisip ko, "ayos to ah..kami-kami na lang lahat" Pwede na palang magka-event kahit bente lang kayo sa isang org. Tapos biglang may magreregister na pala na mga tao. At since ako pinakamalapit sa pinto at medyo alam ko naman mangyayari, eh nilapitan ko sila. Sablay instruction ko kaya napagalitan talaga ako. Pero alam ko namang hini todo sablay yun na tipong magkakagulo na buong event gaya kung pano ako nasigawan. Sinabi ko na rin na tama na pero tuloy tuloy pa rin. At yun na.. dun na ko huminto. Sinabi ko, tama na..hindi ko na kayang manatili pa sa event na yon. Mas mabuti pang umalis.

Nagpakalat-kalat lang ako sa UP non at naghanap ng makakasama. Sinabi ko na umuwi na ako pero may 41 DC pa ako kaya nde ako makakauwi. Sobrang sama ng loob ko talaga non.

Siguro trash post talaga ako. Ginawa ko to na may sama pa ng loob. Marami sigurong tutuligsa at bakit kelangan ko pa ito i-publish. Wala kayong paki-alam. Ito talaga nararamdaman ko. Kung nag-aalala kayo na masira ang reputasyon ng ERG dahil baka mabasa to ng kung sino mang galing sa ibang org. Hindi rin ako ang nagpasira sa reputasyon. Ang alam, ginagawa ko lhat ng pwede kong gawin para sa organsasyong ito. Alam ko marami pa rin kami, pero sana magising naman ang mga "prodigal" mems na yan. Tangina, hindi na nakakatuwa.

Kaya kung nabasa mo to, at alam mong wala kang natulong sa mga nangyari sa ERG netong huling dalawang linggo. Mahiya ka sa sarili mo. Wag ka muna sumama sa mga kasiyahan sa sem na ito. Isa ka sa mga walang kwentang mem. Pamparami ka lang.

_____________
Bukas siguro, matatawa na lang ako dito. Pero ngayon, eto talaga nararamdaman ko. Hindi ako galit sa isang tao. Nainis lang ako sa mraming tao at mga pangyayari.
at 12:23 AM

S-T-R-E-S-S

Hayy...sobrang pagod at stress ang nararamdaman ko ngayon. Parang pumapasok ako hindi para mag-aral. Pumapasok ako para sa ERG.

Simula Sunday pa namin ginagawa ni Edu yung para sa exhibit ng Giz Mo 'to na para bukas at sa friday. Isa siyang malaking parang pader na inspired ng Fantastic Four ads na nasa SM. ang nagawa namin, mga 3m yung haba tas lagapas 2 meters yung taas. So malaki talaga siya at may kaartehan pa sa paggawa namen. Mula sa mga styro at balikbayan boxes ay natayo namin.

Sunday, dahil hapon na kami nagsimula, yung base lang halos nagawa namen. Kami lang tatlo yun nina Geof at Edu. Monday, hindi ako lumabas dahil baka kung mapano daw ako sabi ng aking nanay so sila lang gumawa. Tuesday, natapos na namin yung buong katawan. Buti na lang medyo may tumulong na rin..hmm, actually si Baste lang ata yung matinong tumulong. Tapos nung gabi pa, aba'y bigla na lang akong naiwan! Eh ayos pa man din yung lokasyon ng EEE. Sa sobrang windang ata ng mga ta nakalimutan nilang kasabay nila ako. Langya yan.. Buti na lang laging may nandiyan para sa kin :) (yes, napapangiti na yun..hehehe)

At kanina, umaga pa lang sinumulan ko na ang pagbalot dun. Maghapon akong gumawa.. 15 minutes lang kasi yung lab namin. Buti na lang... Sa maghapon, ang nkain ko lang eh dalawang hamburger tsaka isang casava cake. Ewan, pag na stress talaga ako nde ako makakain ng matindi. Naiirita rin ako kasi kami lang halos gumawa. Buti sana kung busy lahat at alam mong may part sa mga events. Eh wala eh! meron lang talaga sigurong walang pagmamahal sa org. Bad trip. Mga alas diyes na rin kami nakaalis sa Engg kanina.

Hayy..pagod talaga. Nangangalay mga binti ko at masakit paa ko dahil sinubukan ko na namang magsapatos kahapon at ngayon. Amoy pawis at glue pa ako.. at marami pa kong gagawin mamaya at bukas. Kelangan ko pa pumunta sa engg ng mga 7. Good luck sa akin.. grabe. Sana maging ok naman bukas. Stress talaga..

Matatapos rin to...malamang...
Wednesday, July 27, 2005 at 11:29 PM

Gusto mo ba magka-iPod? :D

Bili na kayo sa akin ng raffle ticket! Twenty pesos lang magkakaroon na kayo ng chance na magka- iPod mini. O diba? astig to promise.

GRAND PRIZE: APPLE iPOD MINI

CONSOLATION PRIZES: 2 - ALFA XLIVE BLUETOOTH 128 MB MP3 PLAYER http://www.alfa-tech.com.hk/index_product.html for specs

(this is brought to you by UP Engineering Radio Guild)
Sa Aug 13 po yung drawdate nito, sa Alumni Homecoming namen.

Sige na.. bili na kayo. Hehehe, ako kasi yung in-charge sa buong raffle tapos hindi ko namalayan hindi ko na pala nabebenta yung para sa akin. Contact niyo na lang ako kung bibili kayo o kung may mga friends kayong gustong bumili.

e-mail: chandita03@yahoo.com
ym: chandita03
cp: 09268705329

hayun!! salamat! :D

at eto ulit yung ticket...
Image hosted by Photobucket.com
Monday, July 25, 2005 at 6:24 PM

di na pala

Oh well, pagka-hit ko ng "publish post" button para sa last entry ko, saka naman sumigaw ang pamangkin na tumutunog yung phone ko.

Babangon ka nga Chanda, dahil pupunta na kayo ng Ortigas! Kelangan na talaga ang netopia cards.

sana meron isang buong araw na pwede ako magpaka-porkchop.
Friday, July 22, 2005 at 11:59 AM

Porkchop

Oo, marahil isa nga 'to sa mga araw.

Sa araw na gusto ko na lang magpagulong-gulong sa kama na parang porkchop ni pinapadaan sa breadings bago iprito.

Hindi ako pumasok ng eee 43 at 41. At pahanon lang makakapagsabi kung papasok ako mamaya sa dc ng 41.

Hayyy, kapag tinamaan ka nga naman ng katamaran.

Sa mga naghahanap sa akin, patawarin niyo ako. Sa mga nasa food stuffing ngayon sa AS parking lot, sa mga magreremit ng tickets at pera, sa nag-uutos sa akin na pumunta sa ortigas sa office ng netopia... jusko, tinatamad talaga ako! hehehe.
at 11:52 AM

Halfday

Kanina, kahit wala akong class na napasukan, sulit rin yung pagpunta ko UP.

Unang-una, July 21 ngayon at ito ang "halfway" ng mga raffle tickets namin. At dahil ang inyong lingkod ang in-charge don, eh naloka(well, di naman todo) ako dahil ako tumanggap ng mga kalahating bayad at ilang tickets. Actually, di naman mahirap kasi konti lang nagbayad. Eh ano namang magagawa ko diba? Alangan namang sabunutan ko yung mga hindi pa nakakapagbenta. Ganun talaga ang buhay, mga deadline na deadline-deadline-nan lang. Hehehehe.. Pero nakikita ko na sakti ng ulo sa mga susunod na araw pag kelangan na naming bumili ng iPod at nde pa sapat ang pera. Tepok ka Chanda. Tsk.

At shempre, kahit halfday lang dahil proclamation chuva ni Roman, kanya-kanya lakad ng mga tao. Kami (oo, kami) naman, napagdesisyunan naming manood na lang ng DVD. Gusto niya ng Star Wars Episode 3 kasi dahil sa kasablayan, hindi namin napanood yun sa sine. Peyborit pa naman niya yon.. kaya naman pumunta kami ng riverbank para bumili ng not-so-orginal dvd. First time ko nun pumunta a lugar na yon.. Astig pala siya! Sobrang ayos kasi may factory outlet ng Mossimo at Nike. Kung close tayo, alam niyo kung gano ako kasaya dahil sa mga ito. Hehehe.. Ang laki talaga ng bawas. At kahit wala naman akong pera, masaya pa rin kasi mas kayang pag-ipunan. Sabi nga niya, sobrang saya ko daw. Marami ring tsinelas na astig kaya todo aliw. Masaya rin namang tumingin kahit tagbebente na lang ata laman ng bulsa ko.

So masaya talaga tong halfday na ito. :)
__________
Pagpasensyahan niyo na mga post ko recently, parang wala lang. Nagagawa kong diary puchak. Ahahahaha! Basta masaya lang ako. Tuloy tuloy lang pagtatype ko.. ayun. Sa susunod, sususbukan ko nang ayusin, yung tipong ok naman..yung nde parang diary entry *bow*
at 12:08 AM

ang kapatid ko. *bow*

Naisipan kong gawa ng entry ang isa sa mga kapatid ko pagkatapos niya akong buhusan ng alcohol sa likod.

Oo, may pagka abnormal talaga siya. As in nakaupo ang ako dito sa tapat ng PC, tapos siya ewan kung anong pinaggagawa niya habang nagrereview nang bigla akong nakaramdam ng malamig sa likod ko. Takte, alcohol! Mapapailing ka na lang, pero kung maiisip mo na isang napakalaking tao ang gumawa nun sa yo matatawa ka.

Siya yung sumunod sa akin. Syempre nung bata kami, mas malaki ako sa kanya. Pero ngayon, goodluck na lang kung nagkataong mas malaki pa ako sa kanya no. 6 footer siya na malaki rin ang katawan. Maraming hindi nag-aakalang 17 pa lang siya. Pwede mo na siyang mapagkamalang may anak lalo na kung matagal natripan na naman niyang magpahaba ng balbas. Hindi na rin siya kumportable na gumamit kotse kasi kailangan pa daw niyang yumuko para sa side miorros. Nursing ang course niya ngayon, at hindi mo gugustuhing kasinglaki ng mga kamay niya magiinjection sa yo.

Pero ang nakakatawa dito, sa kabila ng kalakihan niya,eh sobrang batang isip pa rin. Napakaraming kasablayan. Gaya na nga ng bigla na lang pagbuhos ng alcohol sa likod ko. Sabay tawa yon na pang-asar ah. Hindi ko rin makakalimutan yung nasa kotse kami (nung bakasyon lang to ah), ako nagdra-drive, nanay ko sa harap, tapos siya sa likod kasi may pigsa siya. Bigla na lang siya nag-demand na nagugutom siya! Ay susme! Parang kinder na umaatungal sa likod na gusto niyang mag mcdo, ang sarap batukan. At sa lahat din ng kainan, hindi magpapahuli ito. Bata pa lang kami kapansin-pansin na kagulangan. Bibilisan niya pagkain niya tapos bigla na lang siya manghihingi sa amin. Ogag talaga. Tapos naalala ko pa nun, ang order niya sa Jollibee, 2 pcs chicken, 1 extra rice tapos yung dessert niya, jolly hotdog! Kung di ka ba naman talaga maging jumbo niyan.

Marami itong sablay na tanong. Mga tanong na hindi pinag-iisipan kaya nakakairita na. Mga bagay na alam na niya, gusto niya lang paulit sa yo. At ang hindi ko makakalimutang tanong niya, "Ate, ano ba si spongebob? Cheese o foam?" Bwahahaha! Walang humpay na tawa kami ng pangatlo kong kapatid. Ang ungas! Fave kasi ng gf niya at that time si spongebob kaya nagtatanong. Eh la namang ibang alam panoorin yun kundi nba.

Pero isa ring nakakatawa dito ay ang kanyang kagustuhang magpapayat. Isang gabi na nanonood kami, natyempuhan namin yung sports unlimited. Eh di parang showcase ng mga magagandang katawan. Shet, nagulat na lang ako biglang nag-sit-ups! as in sobrang gabi na yun ah! Sabi niya "kapag nakakkita ako ng ganyang katawan, naeengganyo ulit akong magpapayat," sabay pisil sa mga taba taba niya. Ahahahaha! Ilang beses na nga rin siyang nagsubok mag gym, pero walang nangyayari kasi lagi siyang may inuman session. At nung lunes ata yun, medyo gabi na ako nakauwi, naabutan ko siyang nanood ng tv sa sala. Binida niya kagad na finale na yun ng The Biggest Loser. At oo, bigla na naman siyang nag-sit-ups! At ngayon, nakakalat na naman ang mga dumbells niya. Wala na lang nakikialam sa kanya.

Basta, matinding topak. Ang laki tapos ang batang isip. Pero kami lang ata nakakaalam na sobra pa ang pagka bonjing netong taong to.
Wednesday, July 20, 2005 at 10:41 PM

eee44

Argh! namumuro na sa akin tong 44 ah. Pinuyat ako kagabi tapos biglang pwede pa pala hanggang mamayang 12 midnight! Anong kaungasan yon? Delingkwente akong estudyante pero alam ko pa rin na ang deadline ay deadline. Handa akong mabawasan kapag tinamad akong magpasa bago ang deadline. Pero ano na itong sa 44? Feeling ata ng iba naming classmates para kaming high school students, na tipong pag mas maraming hindi nagpasa mamomove yung deadline. Look, hindi ako nagmamagaling dito pero naiinis lang talaga ako. Leche. Pwede pa daw baguhin pero ayoko na. Nakakatamad na.

Sana sa susunod panindigan na ni sir yung deadline. Sana rin may sipag pa ako nun para makapag-pass on time.
at 10:30 PM

Lab Rep

dahil sa nangyari sa unang lab report ko (hs pa kasi yung last na lab rep na ginawa ko. wala namang labrep sa eee12,34 at 42 eh), marami akong natutunan:

1. basahin yung experiment
2.alamin ang nangyayari (wag magpanggap)
3.wag umasa sa groupmate para sa data (no offense katkat) o di kaya siguraduhin mong naisusulat niya lahat.
4.basahin din yung tanong sa bawat number para alam mo kung anong kailangan mong data.
5.wag makipagdaldalan kina r.a., edu, katkat at paul habang may nangyayari.
6.makisalamuha sa mga "responsableng" kaklase. para kahit papano may mangyari sa lab layp mo.
6.kapag online kang gumagawa ng labrep, mauubos oras mo kakapagchikahan sa mga classmates mo. buti sana kung alam nila yung mga sagot. hehehehe..

Ayan, halos sakto pagkatapos ko. 11:30, eh kelangan ko pa maligo..1 yung class. Kayang kaya ko pa yan. Pero nde nga, nde ko na sinagutan yung iba. Hindi ko naman talaga alam sagot eh. Ahahahaha! Buti na lang mabait si sir Ivan. Kahit na ginawa na niya kaming "resistance committe" nung nakita niyakaming todo kwentuhan.
at 11:30 AM

walang title

minsan nagsasabay ang mga pangyayaring sobrang saya at sobrang lungkot. at sa pagkakataong iyon, hindi mo alam kung anong damdamin ang dapat mamayani. maasar ka dahil kung kelan dapat masaya ka nang todo, saka may mangyayaring sablay. pero diba dapat baligtad? ipagpasalamt natin na may magandang nangyari sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap natin.

kaya naman nagpapasalamat ako :)

Nakita ko to sa isang luma kong notebook. Sulat kamay ko, pero malamang hindi ko gawa (asa pa chanda). Tapos naalala ko, nakuha ko sa inquirer, di ko na maalala kung anong date. basta mga 3 years ago na ata. Sa article to ni KC Concepcion (idol ever) at hindi niya rin alam kung anong title. La lang, naisip ko lang ilagay dito...


It doesn’t interest me what you do for a living

I want to know what you ache for

and if you dare to dream of meeting your heart’s longing

It doesn’t interest me how old you are

I want to know if you will risk looking like a fool

for love

for your dream

for adventure of being alive

It doesn’t interest me what planets are squaring your moon

I want to know if you have touched the center of your own sorrow

If you have been opened by life’s betrayals

Or have become shriveled and closed

From fear of further pain

I want to know if you can sit with pain

Mine or your own

Without moving to hide it

Or fade it

Or fix it

I want to know if you can be with joy

Mine or your own

If you can love with wildness

And let ecstasy fill you to the tip of your fingers and toes

Without cautioning us to be careful, be realistic

Remember the limitations of being human

It doesn’t interest me if the story you are telling is true

I want to know if you can disappoint another to be true to yourself

If you can bare the accusation of betrayal

And not betray your own soul

If you can be faithful and therefore trustworthy

I want to know if you can see beauty

Even when it is not pretty, everyday

And if you can source your own life for its presence

I want to know if you can live with failure yours and mine

And still stand at the edge of the lake

And shout to the silver of the full moon, “Yes”

It doesn’t interest me to know where you live or how much money you have

I want to know if you can get up after the night of grief and despair

Weary and bruised to the bone

And do what needs to be done

To feed the children

It doesn’t interest me who you know ad how you came to be here

I want to know if you will stand in the center of the fire with me and not look back

It doesn’t interest me where or what or which whom you have studied

I want to know what sustains you from inside when all else falls away

I want to know if you can be alone with yourself

And if your lively like the company you keep in the empty moments..

___________________
** para rin pala to kina rovina at princess :)


Tuesday, July 19, 2005 at 8:48 PM

Tulog

Maghapon lang akong blangko. Walang pumapasok sa isip ko kahit na alam kong bukas ang exam sa 107. At kahit na alam kong critical na subject ito para sa akin, pinili ko pa ring matulog. Natulog lang ako halos maghapon.

Sana matulog na lang ako nang matulog. Para wala akong iniisip. Para wala akong nakikita sa paligid ko. Para wala akong nararamdaman. Pero hindi, gising pa rin ako ngayon. Sabagay, lumilipas rin naman. Umaandar bawat segundo na humihinga pa rin ako. Kami dito sa bahay. Siguro nga matatapos rin ito. Sabi nga niya, basta maniwala lang ako. Kahit hindi ko na talaga alam kung paano na ang mga susunod na araw, naniniwala pa rin akong lilipas rin ito.

Kagaya rin siguro ito ng exam ko bukas. Matatapos rin. Pero kelangan ko lang tanggapin na bagsak lang talaga ako. At maging handa sa mga sususnod na problema na bunga nito.

Nalanghap ko na ata lahat ng hangin dito, kakabuntong hininga. At natuloy na rin ang kahapon pa nagbabadyang sipon ko. Gusto ko pang umiyak, yung iyak na parang bata, yung hagulhol. Pero hindi na pwede, tama nang may isang nagmumukmok dito. Ang dapat ko na lang sigurong gawin ay magpanggap na ok ang lahat.

Itutulog ko na lang siguro ito.
Sunday, July 17, 2005 at 8:00 PM

nde na nag-aral

may exam ako sa 107 sa lunes. at mahabang chapter ang dapat aralin. nung nakita ko yung notes, hindi na ako nagpaphotocopy. sabi ko, "sasayangin ko lang pera ko dito. di ko naman mababasa." tama nga ako, kasi imbes na overnight ako sa eee para mag-aral kasama sina geof, umuwi na ako. ay, namasyal pala muna bago umuwi. at nagyong oras na ito, na dapat nagbabasa na talaga ako, eh nakikipagchikahan naman ako sa YM. napakahusay talaga.

basta chismis, wala talagang kupas ang mga taga-ERG. dadating yung araw na isususlat ko rin lahat ng cheesmax na alam ko. hintayin niyo na lang iyon.

hay, natatamad na ako mag-aral. buti na lang masaya ako. :)
Saturday, July 16, 2005 at 11:08 PM

issue

Matindi na nga pala talaga ang issue ng pagpapababa kay Gloria.

Maraming magtataas ng kilay o di kaya mabwiswisit sa sinabi ko. "Sa pagkadami-dami ng nangyayari, yan lang masasabi mo!?!" Nakakatawa, taga-UP pa naman ako. Institusyon na kung saan pinaniniwalaang radikal ang mag-aaral.

Pero may mga rason naman kasi kung bakit hindi talaga ako mabilis na nakakasunod sa mga isyung panglipunan at pampolitika. Unang una, hindi ito ang mga isyung tinatalakay sa mga majors namen. Kahit nga pagtaas ng kuryente, hindi nauungkat ng mga lecturer. Basta masabi nila ang kailangang masabi para sa araw na iyon (bago pa mag-umpisa ang sem ay nakaplano na para sa kanilang lahat), eh ayos na. Hindi kami gaya nang mga course na nasa AS o Palma Hall. Syempre sila, kailangan nilang pag-usapan iyon. Eh yun naman talaga sakop ng kurso nila.

Pangalawa, wala rin akong GE subject ngayon. Malamang sa kahit anong GE mapag-uusapan iyon. Kahit na Socio, Socsci, Kas, PI, Philo,etc etc.. Basta may paki-alam rin yung prof, sigurandong hindi kayo umaandar sa mga dapat na topic niyo ngayon dahil pinag-uusapan niyo si Gloria. Marami na rin akong natutunan sa mga GE ko dati, at nakakapanghinayang talaga na wala akong GE sa sem na ito, sa panahong ito.

At syempre, hindi ko naman sinisi lahat sa kanila, dahil kung isa akong mamamayan na may paki-alam, magbabasa ako ng dyaryo o manonood ng news. Pero sa mga nangyayari nung nakaraang linggo, ni hindi nga ako nakasulyap sa TV at ang mga dyaryo ngayong weekend ay hindi ko pa nahahawakan.

Hindi ko ito pinost para ipagsigawang "wala akong paki-alam" sa mga nangyayari. Sinulat ko ito bilang isa sa mga mag-aaral na parte ng isang pinaniniwalaang radikal na institusyon pero pag-alam nga lang sa issue ay di magawa. Hindi ako kagaya ng mga estudyanteng taga-up nasa isip niyo, na may mga dalang poster at sumisigaw ng "gloria resign!" At alam kong maraming estudyante ang kagaya ko. Nung mga panahon ng budget cut issue ay nakakatambay pa ako sa Palma, pero sa mga nakita ko, nasa mga 100 lang ang nagsisisgaw dun sa lobby. Sila-sila rin ang nagpapaliwanagan. Naisip ko nun, napakarami ng estuyante sa UP, at karamihan sa kanila ay dinadaan-daanan lang ang mga nagrarally. Halos tuldok lang iyong 100 na yun kumpara sa mga taong may klase sa palma sa oras na iyon. Kaya naman, nasabi ko na noon, na hindi pala totoong radikal ang mga taga-up. Mas marami pa rin ang walang paki-alam, mas marami pa rin ang gusto na lang tumambay at magyosi maghapon. Pero ngayon, mas malaking issue na ito, nakatambay pa rin kaya sila? Dumami na kaya sa 100 yung sumasama sa protesta?

Ngayon, pagkatapos nito, hahanapin ko na yung dyaryo namin ngayong weekend. Magbabasa na ako. Hindi man ako makasama sa aksyon, at least alam ko kung anong nangyayari. Para pagdating ng panahon, kapag tinanong na ako ng mga apo ko kung anong nangyari kay Gloria, hindi ko sasabihing "ay, hindi ko masyado nabalitaan eh, may exam kasi ako nun sa eee43, tapos sumunod naman yung sa 41 at sa 107 kaya hindi ako nakabalita." Kahit na ma-uno ko pa yung mga exam na iyon (na napakalayo ring mangyari), hindi iyon ma-aappreciate pagdating ng araw. Kaya sana, magbasa na rin kayo (may mga nagbabasa kasi nito na alam kong wala ring alam sa issue). Para naman makapagpalitan tayo ng mga haka-haka habang nasa tambayan o sa tuwing mahihinto tayo sa pagrereview.
at 7:13 AM

pagod

at kakagising ko lang...

ewan, pero nanghihina ako. kanina lang ata ako nakabawi ng tulog. Mula nung nakaraang sunday eh umaalis ako araw-araw, at halos buong week eh lagpas 10pm na ako nakakauwi.

kung di sa main lib eh sa seattle's kami nag-aaral. Meron pala kaming 10% off dun! grabe.. at nung myerkules eh sinubukan kong mag tripple espresso. Aba, matindi pala to dahil 48 hours akong hindi nakatulog. hindi ako naantok pero bangag na bangag ako.

Sabado. gising ng alas tres kasi wala pa rin ako naaral masyado. 8:15-10 exam sa eee21. 1-3 exam sa eee43. tapos pagbalik sa tambayan, gagawa na daw kami ng circuit. Pero napansin naming wala kaming magagawa dahil bukod sa wala talaga kaming alam, eh bangag na kaming lahat. kaya naman hininto na namin. Umalis na ako at pumunta na kami ng greenhills. Siya bibili ng telepono, ako ipapaayos ko yung akin.

Grabe, dun sa mga una kong pinagtanungan, 500 daw! eh software lang naman aayusin dun. Sabi pa rovina, 300 lang daw. Eh di hanap sa iba. hanggang sa may iosang nakatayong mama. Sabi niya, "Ma'am, repair?" Eh di sinabi ko, sabi niya, 500 nga daw. Sabi ko, "Nge, eh sabi nung kaibigan ko 300 lang daw." Tapos biglang sige daw. 300. Naku, naisip ko wrong move, sana 200 na lang sinabi ko. Eh di sabi ko na lang "ay, 300 na ba talaga? babaan natin, 250! Sige na.. maggaabi na oh..wala nang magpaprepair." Ayun, pumayag. Kahit na sabihing nakatipid ako ng 250, hindi pa rin, kumita pa rin sila sa akin kasi software lang yun. Walang nabawas sa kanila noh. Kahit 100 dapat pede na yun. At tumuloy kami ng galle para bumili ng regalo ng kapatid niya at para kumain na rin.

SObrang pagod at antok na rin siguro nun. Tulog ako kagad pagdating. AT ngayon nga, mga 11 na ako nagising. Puro na text, alas dos na lang pala kami magkikita. Gagawa na talaga ng circuit...bukas na to kelangan eh. Hayyy... hindi pa matatapos to. Exam sa eee41 sa sat, sa eee107 naman sa monday. Idagdag pa na magsisimula na erg week. hay....

gawa na phone ko! perowala nang contacts..tsk! kaya pag tinext niyo ko.. pakilala kayo :D
Sunday, July 10, 2005 at 10:59 AM

'jebs'

waaahhh!!!
naje-jebs na ata ako.
masarap pero nakakatakot.
nalulunod na sa inodoro.
dapat na bang kumapit para hindi matangay?

---------
si princess lang pala pwede mag comment dito. ahahaha! pero kung alam niyo pala ibig kong sabihin diyan, pwede na rin.
Wednesday, July 06, 2005 at 12:50 AM

katkat ang chanda strikes again

Sa eee101 na class kanina...

Magkatabi kami ni katkat sa may bandang dulo, yung malapit sa aircon at sa table na kung saan naglelecture si doc R. Nasa 2nd row kami pero wala namang tao sa tapat namin. Boring talaga tong 101 na to kasi ba naman, nakaupo lang yung lecturer. Pero eto naman ay dahil kailangan niyang i-record yung buong lecture para sa mga..hmm, basta nirerecord...

Eh syempre, kami ni katkat, ginagawa lahat para mapigilan antok. Nung una, nagsulat ako sa papel, tapos kinalabit ko siya, pinabasa ko yung sinulat ko.

"kamuka ni sir si josiah"

tawa siya ng konti. tapos sulat rin.

"mas payat nga lang."

sang-ayon naman ako, tawa rin ng konti. hanggang sa hindi na kami nakuntento sa pagsulat. nagkwentuhan na rin kami. marami na kaming napagkwnetuhan nun. sigurado rin naman ako na nagkwekwentuhan rin yung mga classmate namin. may natutulog pa nga sa may likod. hanggang sa naging ganito na kwentuhan namin...

chanda: shet, amoy katsudon pa rin yung pantalon ko. yak!
katkat: yak!
chanda: punta muna tayong cs bago tayo mag 107.
katkat: sige. pero natatakam ako sa katsudon!
chanda: ako rin! bili kaya tayo ulit?
katkat: sigi!! (yung muka niya excited na excited) hati tayo?
chanda: hati?!


nang biglang sumabat si doc R.

doc R: excuse me, umm, ms 1990 crimson girl (eto kasi yung print sa t-shirt ni katkat)

aba syempre napahinto kami sa pagpapantasya namin sa katsudon!

doc R: you have something important to say?
katkat: (natigalgal) wala po sir
doc R: really? then what are you discussing there
?

at napatahimik na talaga ang class. nagising na ang mga natutulog. alam ko na kung anong nangyayari. naisip ko nun, sana sabihin ni katkat, pinag-uusapan namin yung parts ng circuit na kelangan bilhin.

katkat: ahh, pinag-uusapan po namin yung exam.. sa 107.

nakagat ko labi ko dito. gagawa na nga lang ng kasinungalingan, yung mali pa! 101 class yun eh. kaya naman..

doc R: 107? so you think this is a 107 class? (sobrang sarcastic nito)
katkat: no sir, 101 po.
doc R: how many of you have 107? (tingin sa class)


aba pakshet, may mga 107 yung iba dun pero hindi nagtaas.

doc R: so only 1? ah no, 2. only the 2 of you. (marami pang blah-blah nde ko na maalala) hmm, maybe you should research on proper etiquette in class.

patay na. gets ko, ipapagreport na kami. kasi nabalitaan ko na yung mga late pinagrereport. tintingnan ko rin kung paano pigilan nina meiling yung tawa nila. ako rin natatawa. shet! magrereport ng proper etiquette! gantihan talaga. akala ko dati yung reporting about dun sa mga machines. eh magiging gmrc teacher pala kami eh.

doc R: i always ask some of my students to do this. You will report for 5 minutes. Hmm, both of you. What are your names?
katkat: ahhh, rosario po.
chanda: espineda.
(ayan lang nasabi ko sa buong engkwentro).

bago pa matapos ay humirit pa ng parang ganito si doc R.

doc R: sa monday, dapat magawa niyo na tong circuit na to. madali lang naman eh. But if you'll keep on talking about 107, wala kayong magagawa.

siyanga! magkagrupo pa mandin kami ni katkat dito. panagalawang beses na namin to ni katkat. una kay doc M. Parts pa lang ng osciloscope yun, nagdadaldalan na naman kami. Nang bigla niya kaming tawagin para ituro kung nasan yung trigger level. Syempre, shock na naman kami, at hindi talaga namin alam kung asan dun yung trigger level! SO basta nagturo ako, nagturo rin siya. Magkaiba tinuro naming dalawa!

at pagkalabas namin ng classroom, walang humpay ng tawa yung mga classmates namin na kakilala. nakakatawa naman talaga eh. kung nakita niyo lang si doc R. parang hindi siya naasar, basta ang casual, pang-asar talaga. parang ang tanda-tanda na namin. hehehe. pero nung inisip ko, pangatlong beses na akong napupuna ng prof dahil sa kadaldalan ko. Sa kas1, pinalipat pa ako sa harapan ng prof! ahahaha, parang bata. Sa chem16 lec rin, nahiritan ako na "do you want to discuss here infront?" pero iba kasi tong sa eee101. bukod sa parang ang tatanda na namin, magrereport pa ako!

hayy, pano ko kaya irereport yun? kung sa mga GE nga nde ako nagrereport halos, biglang sa ganito pa. -_-


------------------
ngayon ko lang napost kasi nagloko yung internet kagabi. eh antok na antok na ako (ibig sabihin nde na naman ako nag-aral ng 43)
Tuesday, July 05, 2005 at 7:42 AM

Kinds of Lover

The Idealist

You are a dreamer, an incurable romantic. You are full of expectations, illusions and fantasies. You relish roses and chocolates, and believe in passion, moonlight and love songs.

>> karamihan ganito. lahat naman ata nagsisimula sa ganito.. tsk. too bad for most of us.

The Nymphet

You are a hot cat on the loose – purring, flirting, and cavorting all around town. Earthy and scheming, you love being the center of sexual attention. Nymphets age into naughty old women.

>> la pa naman ako kakilalang ganito..wahehehe

The Don Juan

You are perennially on the prowl like bumblebee buzzing from flower to flower, Sensual, suave and flamboyant, you think you are God’s greatest gift to women. Older Don Juans are, of course, dirty old men.

>> masama, pero may mga ganito. tsk. dami-dami ganito, gusto niyo sabihin ko kilala kong ganito? wahehehe. joke.

The Gold Digger

Money and power drive you. Love is a commodity you trade for financial and material gain. A clever leech, your motto is “No money, no honey.”

>> lol. hehehe..some do this for practical reasons.

The Honey Jar

You are financially loaded and don’t mind being used by cute, young creatures who need a provider for their juvenile whims. You are a convenient sugar daddy or mommy who buys sex and love.

>> parang si pooh naalala ko dito dahil sa honey jar. wahehehe, no offense rovina! ;b

The Ladder

You are social climber who is voracious for social status, lineage, money and everything that would liberate you from the social dump you are in. You love being in the society pages and would do anything to be at high society affairs.

>> pfft! parang si *ano*

The Hitler/Delilah

You are domineering power freak. You want your lover to be a slave who will succumb to your every wish and command. The Delilah enjoys dominating and psychologically castrating her man.

>> hmm..tahimik na lang.

The Martyr

You are lowly and servile, and enjoy silently suffering for your lover. A masochist in the severest sense, you allow yourself to be exploited and would gladly die for love.

>> powta, die for love, kaungasan!

The Satyr

You are an insatiable sex addict. You have an overabundance of sex drive to the point of psychotic obsession. You keep a little black book where you tabulate your conquests.

>> iba pa ba to dun sa cat sa taas?

The Iceberg

You may look perfectly beautiful but you are sexually frigid. Breaking free from as traumatic sexual past or strict Victorian upbringing might thaw your frozen attitudes, fears and desires.

>> onga, buti na lang nde ako perfectly beautiful! bwahahahaha

The Last Train Catcher

Because your biological clock is on its last wind, you are desperately seeking, running after the last train to Loveland, Your fear of ending up solitary agitates your frantic search for love.

>> pero at least na-enjoy mo yung lahat nang moments bago ka sumakay, diba? :)

The Upgrader

You live in the fast lane and success has distanced you from your partner. Now you need a younger, more presentable trophy babe or hunk to prove that you’ve still got what it takes.

>> sheeesh (kunwari sosyal rin yung comment ko)

The Braggart

You are a big talker, a kiss and tell. You tell juicy stories of your sexual conquests to impress others and build up your hollow e go. You could be spilling more beans that you should.

>> yung iba puro tell, kahit wala namang nangyaring kiss. powta. ahahahaha!

The Indie

You are independent type who does not want a commitment. Freedom is very important to you, so you shun serious relationships and marriage.

>> wag na lang kaya ako magcomment dito...hmm..tama!

The Oedipus

You are looking for a mother figure, someone who will treat you like mother did. You prefer strong, dominant women who can love you warmly yet strictly discipline with you. The Electra is the female counterpart of the Oedipus.

>> at ginagawang alila ang mga syota. aysos.

The Prince Charming

People think you are the ultimate catch – a dashing heir to some throne, a real prized trophy. You wonder why they regard you as such because in reality, you, too, have your own private battles to face.

>> wala akong kakilala na papasok sa "prince charming" category. ahahahaha. joke lang.

The Princess

You are beautiful and every inch a princess. But your overprotective family has encased you in a contamination-free prison complete with bodyguards. Oh, how you pine for your Romeo’s rescue!

>> naku princess, nde ata ikaw yung princess na tinutukoy dito. ahahahaha.

The Betrayed

You are cynical about love because you have been brokenhearted, abandoned, or jilted. All your hopes and expectations from love have been shattered. You are angry at life and afraid to love again.

>> ayos tong last ah. pero siguro, dadating din yung point na susubukan mo ulit :) life's too short..ano naman kung mabigo diba? just be happy that you experienced it.

So, what kind of lover are you?... ;p

-----------------------------------------
la kasi ako magawa habang nagd-dl ng lecture notes ng 107.
Monday, July 04, 2005 at 8:35 AM

sira yung phone ko.

argk! kamalasan.
nung sabado to ng hapon. nasa sm kami nang biglang mamatay, pero dahil naman yun sa naubusan na ng battery. eh biglang hindi ko na sila makita (yes, ugali ko talagang humiwalay kapag nasa mall. mas gusto ko tumingin-tingin mag-isa) kaya pinilit kong i-on ulit. maraming beses kong sinubukas pero namamatay rin. tinigil ko na rin naman yung pag-try nang makita ko na sila mama. Pagbalik ko sa bahay, eh di kinabit ko na kagad sa charger. Iniwan ko lang dun at nang maalala kong nde ko pa pala narereply-an si reggy eh binalikan ko na. Eh di ba sa tuwing mag-oon tayo, lalabas yung logo ng nokia, tapos mejo magfe-fade siya at mawawala at mapapalitan na ng background na ginagamit mo? Eh nung in-on ko na yung telepono ko.. puro lang nokia logo lumalabas! bad trip. 4 times siyang maglu-loop tapos mamatay! waaahhhh!!!
nung linipat ko yung sim ko sa phone ng kapatid ko, aba, wala yung mga msgs, wala ring phonebook. ay bad trip. feeling ko naman 'reformat' lang kelangan nun. pero pano na yung contacts? haayyyy... sana maayos na. wala nang extrang phone dito sa bahay at wala na akong pambili.
Sunday, July 03, 2005 at 10:32 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.