<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

nawawalang lecture notes

hinahanap ko yung notes ko sa 35..kasi diba andun yung mga overdamped, underdamped. Tsaka nakalimutan ko na talaga magtransient analysis. Dagdag pang wala akong napasukang matino sa 53...

At narealize kong binigay ko nga pala last fopc.

Galeng.


Pero sheeett!!! Sana di ko na lang binigay. (steering com pa rin naman kami kahit wala yun eh..la pang kalahating kilo yun!!hehehe.. yabang.)
Tanga talaga oh. Bwiset!!!


At dahil diyan, matutulog na ako. Bwahahaha!
Friday, July 28, 2006 at 12:45 AM

muntik na

Kasi, may ME (machine exercise) kami sa EEE105. At due yung kaninang 10pm. Syempre, kilala niyo naman ako, magpapass na ako nung mga 9:45. At pagkakita ko sa UVLE, nde pa ako member ng class!!! Oh noooo.... Tas naalala ko nga pala, sa TFU na section ako nag-enroll last time, then TFX pala kami. Shet,so pano na? Kahit mag-enroll pa ako at that time, nde na rin aabot.

So naisipan ko nang sa email na lang ako mag-pass.Ganun naman kasi nangyari nung ME1, kasi down yung UVLE nun. As in tinatype ko na.."sir marc, sorry po talaga, dito na ako nag-send. Nde pa po pala ako member nung UVLE class natin eh.. Kasi po sa kabilang section po pala ako nag-apply. Sana po maconsider niyo 'tong sinend ko. Wala pa rin naman pong 10pm.."

Tapos, nalaman ko nalang, lahat naman pala kami sa mail magsesend!!! Wala pa lang bin yung submission ng MEs dun sa UVLE namin. Takte!! Buti na lang, kundi mapapakunot ulo si sir sa kin. Hehehe.. Dyahe sana yun oh!!

Ay, oo nga pala, salamat kay chenney. Siya nagsabi sa akin na sa mail pala talaga isesend.
Tuesday, July 25, 2006 at 9:47 PM

bwiset ang webmail

bwiset ang webmail.

ayaw mag-attach, exceed na daw ako sa max na 10MB (na ang kayo pa talaga sa 10mb ng usage ko)... kainess!!!

Saan ba pwede magreklamo?

Kaya gumawa ako ng bagong email ad sa yahoo.. yung kasama buong pangalan ko. Ang weird naman kasi kung chandita03 gagamitin ko diba? Hehehe.. Parang pa-cute na ewan.
at 3:20 PM

rainy day..go away

Buti na lang rin wala pa ring pasok. Kahit na ang ibig sabihin nito ay pagka-cram sa mga susunod na araw. Eh dun naman ako nabubuhay eh... :)

Nakakainis yung mga nangyayari. Argh.

May mali eh..basta may mali. Maraming kulang.

Anyway, marami akong kelangang gawin ngayong araw na 'to. Machine exercise sa 105, tawag-tawag, aral sa 53, etc. etc. (mas marami pa yung etc, asi yung etc yung nde ko pwedeng isulat dito..hehe)

____________________

Nagring yung phone namen. At dahil siya pinakamalapit, sinagot ni Mae..

Mae: Kuya! Sa 'yo... english speaking ah!
Glenn: Hello..hello.. Wala naman eh.
Mae: Meron ah! English speaking pa nga eh. Sabi, "pwede po ba kay Glenn?"
Chanda and Giorgio: Hahahahaha!!!!
Chanda: English speaking ba talaga? Bat tagalog yun!?
Mae: Tanga, tinagalog ko lang para maintindihan niyo.

____________________

Sa tambayan nung byernes... Maingay kami nina katkat dahil sa pagpirma pirma sa sigsheet..

Karen Dogillo: Borrow ng pen... (nasa kabilang side siya)
Chanda and Katkat: Ha? (maingay pa kasi nun)
Karen: Borrow ng pen..
Chanda and Katkat: Ha? Ano daw?
Mga ibang tumulong kay karen: Borrow daw ng pen!!
Chanda: Ah..
Katkat: Haaa?
Lahat na: Borrow daw ng pen!!!
Katkat: ahhh.. english kasi eh!

Takte, tagalugin niyo kasi!!! Ahahahaha!!!
at 11:27 AM

the big "one-eight"

Aug 18 last year...

Photobucket - Video and Image Hosting



















July 18 this year...


Photobucket - Video and Image Hosting


















Anlaki na ng tinaba ko! Ahahahaha!


At siya, siya ang dahilan. HIndi ako nag-gym for 4 days kasi kakain kami. Wendy's, turbo treats, Ilocos Empanada (2x), waffle, pizza, chips, softdrinks, world topps, popcorn, sandamakmak na chocolates :( Hehehe. Pero masaya naman :) Syempre.

Astig nga pala sa i-max. Super! I suggest na ma-experience niyong lahat. Pagpasok mo pa lang eh feeling mo nasa hotel ka. May mga waiting lounge kasi, na as in ok yung mga seats. Hindi basta-basta upuan at carpeted pa ang sahig. Then sa loob, hindi naman ganoon kalaki. Mataas, kasi malaki yung screen..pero sa space para sa seats, mas malaki pa yung sa ibang cinema. Pero astig talaga yung 3D effect! Super. As in parang ang lapitlapit ng mga characters sayo na pwede mong hawakan! :) Ilang beses nga akong tumili sa trailer (trailer ng mga imax movies) kasi feeling ko ako yung kakainin ng dinosaur. Hahaha! Feeling ko taga bundok ako. Superman nga pala pinanood namin. Hindi naman buong movie eh 3D. May mga 4 na segments lang na mga tig 10 mins. May sign para isuot mo na yung "goggles" mo para sa effect.

Photobucket - Video and Image Hosting



















Ayan yung goggles:) Pagpasok pa lang eh lahat na nagpipicture-an suot ang mga goggles na yan. Kaya nakigaya naman kami. Hehehe...


At syempre, ang i-max ay nasa MOA (mall of asia..although pag sinabing MOA eh memoramdum of agreement una pumapasok sa isip ko). Ang laki..at nakakaligaw. Buti na lang at may sanay mag navigate yung kasama ko. Ahahaha! May compass pang dala eh. Hehehe, joke. Sabi niya, ginaya daw talaga ang Mall of America. Sana nga magka-theme park na rin dun :)

At syempre, kelangan sa Royal Place kami magdinner.. kasee.. Basta! :)

Photobucket - Video and Image Hosting




















itim niya noh? Ahahaha! Uy, joke lang. Maghapon nakabilad eh.. ayaw mag sunblock.


Natapos na ang unang selebrasyon.. at ngayon pa lang, hinihintay ko na ang mga susunod pang anibersaryo. Ang bilis lang ng panahon kapag kasama ka. Halika, sabay tayong magbilang...
Wednesday, July 19, 2006 at 10:19 PM

Saya ng Sunday

Dumating na kasi Reggy eh.. :)

Syempre, gala kagad kami. By 12 ata eh nasa Glorietta na kami. Lakad-lakad, libot-libot. Hehehe, tyaga niyang sumama sa kin. Tapos bumili siya ng printer para sa , yung HP900. Yung 350 lang yung black ink pero kamusta naman yung presyo ng mismong printer? Hehehe. At shempre, dun na rin kami ng lunch *ahem*gym*ahem*.

At dumeretso na kami sa ninoy aquino stadium para manood ng UP-Ateneo game. Salamat nga pala kay lei na napagtanungan namin ng directions. Hehehe. Shet,kainis talaga! Sayang yung mga sigaw ko. Paasa lang. Pero sulit naman yung bayad kase nakita ako sa TV. Ahahaha! Jologs! Pero kasi ang saya saya ng 1st quarter, sabay ganun. :( Nalungkot talaga ako pagkatapos kaya napagdiskitahan ko yung chocolate na binigay niya. Takte, nakakalahati ako nung isang malaking (shet, nde ko alam size) basta, yung malaking size. White choco na may cornflakes. *ahem*gym*ahem*

Then nag dinner kami sa bahay nila :) *ahem*gym*ahem*

At inuwi na niya ako. Bumili pala muna kami ng ice cream bago umuwi. Nasasanay na ata mga kapatid ko ah. Tsk. Hehehe. Pero di na ako kumain ng ice cream,pramis. :D

Pero mukang marami pang calorie intake hanggang tuesday... haayy.. :)

__________________________

Pagdating ko sa bahay...

Chanda: Huy Giorgio! Nanood ba kayo ng UAAP? Napakita daw ako sa tv!!! (jologs talaga ako)
Giorgio: Nge, feeling mo isa ka dun sa mga chicks na finofocus pag half-time!
Glenn: Ate, baka ikaw yung dun sa purefoods Hotdog!!! Yung nafe-feature na kumakaen!
Duet sila: Hahahahahaha!

Thank you brothers...
Monday, July 17, 2006 at 12:30 AM

One rainy day..

at wala ako sa bahay..nasa CEL ako ngayon at naisipan ko na naman mag-post.

Isang panalo na lang para sa Purefoods :) Bata pa lang ako, Purefoods na yung fave team ko. As in walang iba, walang 2nd fave, Purefoods lang talaga :) Hangwapo ni Patrimonio eh! Pero nagkaroon din ng span na hindi ako nanonood at wala rin akong balita sa PBA.

Tapos ngayon na lang ulit. Hehehe..MVP pa si James Yap na favorite ng nanay ko. As in pagkauwi ko kagabi, kinwento niya sa akin yung speech ni James. Kinwento niya kung pano siya kinabahan na baka sumablay si James at hindi pasalamat si Kris. Ahahaha! Affected. Basta, buo yung kwento niya, akala mo spokesperson ni James.


Photobucket - Video and Image Hosting

Pero iba na rin talaga ang mga players ngayon. Dati..oo gwapo si Patrimonio,pero walang effort. Ngayon, jusko,ilang litro kaya ang nilalagay nilang gel sa mga buhok nila para hanggang sa 4th quarter eh nakatayo pa rin. Takte yan, mukang lahat ng preparation time nila eh para sa pampapapogi at hindi sa warm-up para sa game eh. Hehehehe.
















Mukang swerte lahat ng teams ko ngayong taon ah.. Hmmm, UP? Game 2. Game na ba kayo? :)

_________________________________

Mga eksena sa arena:

1. Sa kabilang panig ng lugar...
Guy1: Pare, ano na nga ba yung tawag dun sa portable na computer?
Guy2: Ahhh..
Guy3: Laptop
Guy1: Ah, oo laptop!

Ako (si Monde lang naman nakakarinig): Taaakteeeeeee! Hindi niya alam ang laptop?!?
Monde: Ayyy, nasa braso na ang utak!

Takte naman talaga diba? Hindi pa ba uso sa paligid niya laptop. Muka naman silang mayayman eh..

2. Kwento lang sa akin nina Lyand..
Guy1: Grabe, sakit ng katawan ko, seven hours ako nag-gym eh.
Guy2: Seven Hours? Ang tagal!
Guy1: Pero may 1 hour naman na break..

Pero kahit na, 6 hours kang andun!?! Wala ba siyang ibang buhay?
Thursday, July 13, 2006 at 2:37 PM

Swerte

hindi tuloy exam sa me63!!!!

Haha. Nasa chapter 3 palang ako ng mga 1am eh (4 yung exam at nasa bahay ako). Buti na lang. :)

Pero alis pa rin ako. Hehehe, papawis habang malamig.
Wednesday, July 12, 2006 at 3:17 PM

Schedule

Shet, ngayon ko na-feel na kelangan ko nang gamitin planner ko. As in per hour entry.

Pero basta, bawal na ako magka-meeting sa 18. Fully booked na ang araw ko. Hehehe. May maaga nagpareserve eh! Hahahaha!
Monday, July 10, 2006 at 10:51 PM

UP FIGHT

Astig, panalo UP sa first game!!!

After ilang years ba? Hehehe.. 1st year ako, umasa ako sa1-0, NU na kalaban nun ah, talo pa rin! Astig, mukang may future. Hehehe. Swanget lang ng venue.

TSAKA NAKITA NIYO BANG NOTEBOOK LANG GINAMIT NUNG COACH!?!? Takte yan! May spring pa. Imbes na kabahan ako nung last seconds at nag-time out UP eh natawa na lang ako. Wala na ba tayong pambili ng whiteboard na may magnetic chuva?
at 9:38 PM

*buntong hininga*

haayyy...

wala akong magawa ngayon sa kabila ng sandamakmak na dapat kong ginagawa. nakakainis talaga na yung gagawin mo eh nakadepende muna sa gagawin ng ibang tao. nakakainis na hindi ko masita yung dapat kong sitahin. nakakainis na feeling ng iba mas magaling sila tapos alam mong hindi naman. nakakalungkot na yung mga inaakala mong makakatulong sa iyo eh talagang walang natutulong at wala talaga atang balak tumulong.

bahala na.

ahahaha! nde pwede yun. pero basta, bahala na muna. takte, epekto 'to ng pagpapaalala ng elctromag kanina sa 153. Salamat nga pala kay Francis, ang astig kong partner. Hehehe...

dumadalas na ako sa CEL. nandito ako ngayon actually. ;)

oo nga pala, bababa siya sa 17! wohooo! :) :) :)
Tuesday, July 04, 2006 at 3:34 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.