Napuna na naman ng nanay ko ang mabilis na pag-init ng ulo ko. Bihira na nga ako umuwi sa bahay, nakita pa niya yun? Sabi pa niya, nagagaya na ako sa tatay ko. Huwat?
Iniisip ko nga kung bakit ako ganun, kung ganun ba talaga ako, kung sa bahay lang ba ako ganun. Pero syempre, biased ako sa sarili ko.
Madalas naman talaga parang naiirita ako, at nasasabihan na "cool ka lang" kasi tumataas na naman boses ko. Pero hanggang dun lang naman yun, feeling ko alam na ng mga tao sa paligid ko na hanggang comment lang yun. Wala naman akong gagawing aksyon na tipong manghahamon o mananapak. Hindi ko lang alam ngayon kung normal ba yung pagiging high blood ko.
Sa bahay, hindi ko alam kung ako, o sila o yung mga differences namin yung problema. Paano ba naman kase pag uwi ko (na medyo minsan na lang), kung ano-ano na kagad ipapagawa sa aken. Tapos, tipong inexplain ko na nga, magtatanong na naman. Kunwari, late na ako umuwi tas may pasok pa kinabukasan, malaman ko na lang ipinapagawa na pala sa akin yung homework ng kapatid ko. Buti sana kung math lang noh, na tipong 3 items, keri lang. Pero minsan drawing, minsan essay! Iniisip ko pa lang ngayon naha-high blood na naman ako. Nung nakaraan lang, pinapabasa sa akin ng kapatid kong pangatlo yung ilang pages kasi report daw niya, sabihin ko daw yung mga importante. Shet, ano ako, secretary? Tsaka ang point dun, report niya hindi niya alam!? Pero ginagawa ko yang lahat, pramis. Kahit todo pasigaw-sigaw effect pa ako, ginagawa ko naman. Diba mabait naman ako? Kelangan ko lang ng outlet ng pagkainis kaya napapasigaw.
Tapos hindi lang yung para sa kapatid ko. Minsan pa, pati resume ng mga pinsan ko ako magta-type. Grabe naman diba? Hindi sa ayaw kong tumulong, pero kasi naman, may mga oras na busy talaga. Naiisip ko, baka yung gap namin yung technological aspects yung main reason. Feeling nila, ako lang may pwedeng gumawa nun. Pero sana maisip ng nanay ko na wala kaming printer, tas ako na nga magta-type, ako pa magpaprint sa labas. Basta, lahat ng usapang computer, digicam, ym, ako lagi. Eh yung mga kapatid ko marunong naman diba? At yung latest na pinag-awayan namin ng nanay ko, eh yung pagpapaprint ng pictures ng tita ko. Hinihingi na daw ng tita ko. Eh ang point ko, hindi pa naman sila magkikita. Sabi ko, sabihin niya kung kelan sila magkikita. Siguro nga nag 3 weeks na yung pinapagawa niya sa akin, pero sa 3 weeks, nde naman sila nagkita. Diba walang point na naprint ko? Sabi niya, this Sunday daw sila magkikita, so sabi ko, eh di sa saturday pag-uwi ko, dala ko na pictures. Akala ko ok na, aba, tinext na naman ako ng kapatid ko kagabi, "yung pictures daw sabi ni mama" Wahhhhhh!!!!! Sabi ko saturday diba???
Hindi ko alam kung paano ieexplain sa kanila kung anong klase yung araw-araw ko. Na pag exam, kelangan mag-aral, pag sinabi kong may ginagawa ako, meron talaga. Nung thursday ng umaga nga, nagcra-cram ako para sa exam sa Physics 104. Umuwi ako nung wed night kasi nabaligtad na, hindi na ako nakakaaral sa lab. Tas yung nanay ko sabi, ipagdrive ko daw siya sa commonwealth market at bibili siya ng niyog kasi mag-gagata. Yung commonwealth market eh malayo sa min, 1/3 na siya ng pagpunta ko ng UP. At may niyog naman sa labasan namin. Willing naman ako kung sa may labasan lang, mga 20 mins lang max mawawala sa akin. Eh di sabi ko, bakit sa commonwealth market pa, meron naman sa malapit. Sabi niya, mura daw kasi sa commonwealth market. Eh niyog lang bibilhin niya eh! baka mas mura lng yung ng limang piso dun, yung oras ko, yung effort, yung gas.. ahay..
Siguro nga madalas na tumataas boses ko, lalo na sa bahay. May reason naman lahat eh. Pero kelangan ko lang siguro magpasensya. Baka pag lumaon maging grumpy na rin ako lagi. Ewan ba san ko na-aquire yung ok lang na galit na tono. Sa CAT siguro, o yung feeling ng authority dahil panganay ako, o talagang ganito lang ako, o namana ko sa tatay ko? Paano ba magmanage ng anger?
Saturday, August 25, 2007 at 9:02 AM