<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Getting back on track

(Oo, 1 week na lang halfway na, pero magblo-blog pa rin ako..parang nagyon na lang ulit kasi ako nakapahinga at nakapagnilay-nilay)

Getting back on track...

Last Friday, dinner at Pizza Hut, cheesy puffs! at pasta at cake. Then Saturday, bucket meal kami ni DR, Lawrence at Jonas. 4 lang kami, sa tig 2 pieces kami. With extra rice at french fries pa. Oo, OMG talaga. hahaha!

Baka di ko mamalayan, maging ganito na ako ulit:

Photo Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at PhotobucketPhoto Sharing and Video Hosting at Photobucket











Eh dati, nung mga bandang summer, as in kumakain sina Geof sa KFC tas hindi ako makatingin sa manok kasi ang mantika, tas lalo na yung balat! Tipong no way talaga, asian salad lang naoorder ko. Pero ngayon, what happened? :( yung isa kong pants/shorts na hanggang tuhod eh hindi na naman kasya sa akin. Ganon ako kabilis magexpand (parang rubber, hehe). Tas yun, narealize ko na hindi ko dapat hayaan yung sarili ko na maging ganon na naman yung appetite. Sayang naman yung pinaghirapan ko mula February.. Kaya isusulat ko na ulit yung dapat kong gawin. :)


1. http://www.marathonguide.com/FitnessCalcs/Caloricneeds.cfm Para malaman mo kung ilang calories yung pwede mong i-take everyday na hindi ka mag-ge-gain. So kunwari, allowed ka ng 2,500 calories per day, kapag nasa 2,300 lang yung intake mo, makaksave ka ng 100 per day then after 35 days, 3500 calories na yung nasave mo, which is equivalent to 1 pound. Parang ang tagal ng 35 days, 1 lbs lang mawawala sayo, eh kaya ko nga mag-gain ng 6 calories in 3 days eh!. So pwede mong gawing less 1000 calories per day, pero sanayan na yun. Basta tandaan, 3500 calories= 1 lbs. Yan ang isipin niyo kapag kakain kayo ng mga chocolate cakes, cinnamon buns which are 500 calories per serving ;)

2. Paano malalaman kung ilang calories yung kinakain mo? kaya may tinatawaag na calorie counting, kasi eto talaga yung main na principle kung bakit nag-ge-gain at naglo-loose. Makikita sa net yung mga calories ng food. Meron ding pocketbook na list ng mga calories, hiniram ko pa 'to kina katkat (sa ate niya, at di ko pa nasosoli). Tapos dati pa, may mga gabi ng pinaguusapan namin ng kapatid ko (si Glenn) yung mga calories ng food. Tipong, "shet, pizza -530 calories, beer- 180 calories, rice- 300, oo-lah-lah!" Ganyan mga comment namin :)

3. Eh di maglilimit ka na sa food intake mo, pero ang isang matinding rule, wag na wag ka magpapagutom. Weird noh? Pero ganon kase, kapag nagutom ka, babagal metabolism mo, tas bigla ka kakain, wala na, patay na. Kaya advise-able na lagi kang may snacks. Syempre, healthy dapat. Eto yung mga low-calorie snacks na sa tingin ko ok at hindi naman mahirap hanapin:
    1. apple - about 70 calories (Php10-12.50 each)
    2. graham wheat crackers - 110 calories per pack (Php 29 yung isang pack of 10's)
    3. wheat bread - 70 calories per slice (Php 55 yung isang pack ng gardenia)
    4. non-fat yoghurt - 45 calories (pero Php45 din ata yung sa Magnolia)
    5. non-fat milk - about 100 calories (may powder, may nasa tetra pack)
    6. granola bars - average of 100 calories per piece (Php 188 yung pack od 10's ng Quaker, ok rin yung Nature Valley na available lang ata sa Rustans) - ok kasi masarap, hindi mo nafifeel na deprived ka. Eto yung pinagkakain ko nung summer, hehe.. ingat lang sa ibang granola bars, kasi energy booster talaga sila. Merong bars na 500 calories! haha, yung pinadala sa akin ni Reggy, 580 pa ata. heheh..
    7. other fruits, pero kaya preferred apple kasi may effect siya na "nakakapagpabusog"
    8. COKE LIGHT - 0 as in zero calories! pero bahala na lang yung acidity ng tyan mo. haha!
4. Choose low-calorie foods. Kung mamimili between Kenny and KFC, mag kenny ka kasi
roasted. Kung mamimili between chicken and beef, chicken ka na lang, less calories.
WATER na lang kesa iced tea, kesa coke (coke light pede). Non-fat milk for your latte,
may swiss miss diet (25 calories lang), may donut lite (pero di ko pa rin kaya 'to, sobrang
weakness ko donut)

5. MAINTAIN. Yan ang bottom line ng lahat. Nung nakaraan, medyo ok talaga kasi
naka-stick ako sa "healthy" lifestyle, pero mahina pa rin ako, at nagpadala sa mga tukso
gaya ng KFC, mcdo, donuts at Ceralicious! So ngayon, ill be back on track :p

Paano ba maging focused? Ay, unang-una pala, paano ba simulan? Yun ata yung pinakamahirap na part. Ang paglubay mo sa mga bagay na fried, na matamis, na masarap! Yung idea na puro walang lasa na kakakainin mo, mahirap tanggapin. Pero syempre, wag mo biglain. Dati, inumpisahan ko rin (kasi humingi ako ng advise sa mga nag-lose na ng weight talaga) na lahat kinakain ko, EXCEPT RICE. Eh di sige, donut ako, chocolate, kahit anong ulam, kahit pasta, basta walang rice. Then yun, unti unti :)

At inumpisahan ko yun ngayon, maghapon ako kumain ng carbonara. Argh. Panget pa rin, pero mas panget kung nagcarbonara pa ako, nag kanin ulam pa. Tapos, napansin ko na mas naiiwasan kong kumain kapag medyo nageexercise. Kasi panghihinayangan mo yung kakainin mo. Alam mo yun, sa treadmill, laglag na baga mo, nakalagay, 200 calories pa lang nabuburn mo, hindi pa katumbas ng kinain mong kanin. Ayun, so kahit simpleng walking ok na. :) Galaw-galaw ika nga.

Feeling ko, hindi mo mapagsasabay ang intense work-out at intense diet (unless hollywood star ka). Lalo na nagaaral o nagtratrabaho ka (AT NAG-ti-THESIS). Kasi mauubusan ka talaga ng energy. Pero kelangan ko lang talaga, healthy foods na ulit. Kapag nasanay kayo, ok na, hindi niya na iisipin. Dadating sa point na hindi niyo maimagine na kakain kayo sa Mcdo or Jollibee.

Pero minsan talaga, kelangan magsaya. Pwede naman ulitin lahat ng hirap na yan, pero di natin sure kung mararanasan pa ulit natin yung delicious foods with good company :)

kapag may tanong kayo, tanong niyo lang. Marami pang tips, mga sample diets, na natutunan ko sa kapatid ko. :)

Labels:

Monday, July 23, 2007 at 8:16 PM

Today

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket





2 Years na kame!!! :)

At dahil mahal ang freight charges, ipapa-airmal ko lang yung drawing pad na gift ko. Then kelangan ko pa matyempuhan na andun na siya sa bahay nila, kundi sayang naman.

2 years, pero parang ang tagal na. We've been through a lot. Nung una sa Isabela lang niya kelangan mag-work, nasa Luzon pa yun. Then ngayon, ibang isla na, uh ibang bansa pa actually. Pero tuloy pa rin. :) syempre.

Buti napagtiisan niya ko noh? Hehe, at dahil parang "new year" eh may new year's resolution ako:
  • Mabilis na ako magdedecide. Kung saan kakain, kung ano order, kung ano ba talaga gagawin ko, kung anong bibilhin ko, etc.
  • Hindi na ako madalas "maha-high blood." Pipigilan kong maimbyerna at magtaas ng boses. hehe, pero minsan hindi naman talaga ako galit. :D
  • Oorder na rin ako kapag gusto ko talaga. Hindi yung tipong ayaw ko pa kunwari umorder ng fries pero uubusin ko naman yung sa iyo. hehe
  • Hahabaan ko na yung time limit na maiinis ako kapag hindi ka nagreply kagad. (Syempre long distance text na, may excuse, fine)
  • Mag-aaral ako magluto ng kare-kare at ng spaghetti ni mama (hmm, sana hindi na madagdagan yung ultimate fave foods mo)
  • Gra-graduate na ako. Hahaha, kasama pa rin dito yun.
  • Hindi na kita bibigyan ng "menu plan" na puro non-fat milk at apple lang pede kainin. hehehe. very outrageous. :)
  • Hindi na ko matatawa kapag maghahanap tayo ng pokemon CDs. tsaka Doraemon, tsaka simpsons, tsaka family guy, tsaka... marami pa.
  • Hindi na ako magbabasa ng inbox mo! hahaha! para hindi ko malaman yung mga surprises na para sa akin. :p
  • Hindi na ako maiinis kung naglalaro ka lagi ng PS2, o kahit anong game... hmmm, minsan lang naman diba? :)

Hmm, yun na lang muna. La ako maisip..hehehe, feeling ko mabaet naman ako eh. diba? diba? Pag di ka sumang-ayos, maiinis ako, hehe, joke. :D


Happy ulit :)

*********
Parang ang dumi ng drawing ko. First attempt na magdrawing after several years. At first attempt na magwater color.
Tuesday, July 17, 2007 at 10:13 PM

Sana 48 hours ang Sunday

Para may panahong matulog at gumawa ng mga bagay na dapat gawin.

Weird noh? Kaya ka puyat the whole week kasi dami mo ginagawa. So sana Sunday talaga yung day para bumawi ka. Pero hindi pa rin, ang dami pa ring naka-tambak na gagawin. Gusto ko nang matapos to! Takte, pero wala pa ngang halfway eh. -_-

Nung Sabado eh ang aking "gimik" day. Define gimik. Pagtapak sa SM. Hahaha. Loser ng buhay. Pero kasi magdi-dinner kami ng mga high school friends ko sa Trinoma. Eh si Katkat, punta na ng Sm nga mga 3. Eh nakakatamad na rin naman sa lab, at para makita ko rin sina Lei at Marjo kaya sumabay na ako. Grabe, may fiesta ata sa SM, ang daming tao. o hindi na ako sanay makakita ng tao. Hehehe. Naghanap si Marjo ng shoes, pero ginulo ko siya nang sabihin kong ang mura ng nike shoes sa Market Market at sa Tutuban. Nagkataon din na nasalubong namen si Jayrald. Ooops.. may sobrang nakakhiya pa akong naibulalas sa gitna ng SM. Eh kasi, parang iba na yung porma ni Jayrald, nde na yung tipong kung ano-anong t-shirt lang jan at pants na malalaki. Basta nasa medium-size na yung shirt niya tas nakashorts na hindi malaki. so parang wow diba. Tas sinabi ko kagad, "Uy jayrald! nag-iba na package mo!" Tas sila, napanganga, ang bastos pala nun. Aba, eh diba package, yung as a whole, kung pano niya prinepresent darili niya, yun ang ibig kong sabiin. Apparently, bastos nga pala yung "package." Hehe.. problema na lang ng mga nakarinig.

Tapos kumain kami sa Burger King, na kakaiba na rin ang "package". basta, ang hip! Pwede mag charge gn phone, may wifi.Iniisip ko kung kakain ako, kasi mga 5 na nun, ang magdidinner din kami nina Rovina later that day, Pero nagutom ako kaya nagwhopper na rin ako. Free sundae pa. Hehehe.

Nakakatawa kasi pinaguusapan yung mga mga katrabaho nina Marjo at Lei. Tas laging kapag lalake, ang main issue, kung "stable" ba o hinde. Eh di yung isa daw gwapo, medyo matanda na kasi manager na. Pero yung laging i-po-point out, stable na! Tas yung isang bata, top 6 ng ECE board exam, eh di naks, magiging stable! Wala lang, kasi unlike yung mga crush crsuh lang nung hs, na tipong, uy ang cute, uy ang neat, uy ang sweet, etc, sa edad namin, hindi na ganun yung mga main attributed na kinoconsider. Wala lang.. we're getting old.

At syempre, yun din ang topic namin ng mga hs friends ko. 6, or 6:30, papunta na ako Trinoma. Yung order ng pagdating namen dun eh kagaya pa rin ng dati. Si Ana maaga, then si Rovina ang pinaka-late. O diba? Lahat halos nagwowork na, except, ehem, syempre ako. Then si Ana na nag-me-med (pero nagpapatawid pa rin siya sa mga classmates niya kasi di siya marunong), at si Cesar na nagtetake ng mga Organic Chem, etc this sem, in preparation for NMAT. Pero sila, naka-isang degree na. Ako, gash. Si sunshine eh mgtratrabaho na sa opisina, yey! Si vanessa, lumipat na ng work.

Kumain kami sa Super Bowl, grabe, puno lahat sa part na yun ng Trinoma. At habang kumakain, walang humpay na okrayan pa rin. Alam mo yun, nakaktuwa na never nawala na naguungasan kami. tas si Vanessa pa rin yung laging napagiinitan. Hehehe, hindi daw kasi bading si Piolo. Wow. Pero marami na rin naman kaming mature stuffs na Like, um, ano ba. Hahaha, sabay ganon.

Kasi parang ang bata pa rin ng group relative sa ibang ka-age namen. Like si Ana nagkwekwento, tinatanong kasi siya ng mga classmates niya ngayon sa med school kung bakit hindi siya umiinom. Sabi niya, "eh sa hindi eh, hindi rin naman umiinom mga friends ko." Muntik na ako masamid, grabe. Sabi ko nga, dapat gawin na ng grupo namen yun eh. Hehe, pinaplano ko na kung kelan.

Tapos meron na palang challenge sa barkada. Last woman standing. Kung sinong last na single eh reregaluhan ng lahat. Hanep yan. Hahaha, so automatic talo na ako. ::)

At sa wednesday, 2 years na kame! yey! Pero wala lang.. super hectic ng linggong 'to. Nasa rig din siya kaya nde ako nagsend ng card. Mas mahalaga pa rin sa anniversary yugn thought na kayo pa rin after another year. Yung celebration, pampadagdag lang. :)

So umabot na ng Monday ang post na 'to. Back to routine na naman. 'Til next post.


Monday, July 16, 2007 at 8:51 AM

Saturday post

Nakakapagod pero kapag iniisip ko yung mga ginawa ko parang hindi naman ganun kalaki. Ganito ata talaga kapag hindi mo talaga gusto gingawa mo.

Kanina pagkagising ko, ang sakit na ng katawan ko dahil sa muli kong pageexercise kagabi. Nagbukas kagas ako ng pc, nagcheck ng mails. Tas nalaman ko na nagmail na pala kay DR ang thesis adviser namen, nung thurs pa. Nakakapanghina, pero yun.. nirevise ko na naman yung BOM. Parang madali lang pero mga 3 hrs ko rin ata ginagawa yun. Kasabay ng pag-run ng code ko sa Zacs (sa 4 million time cycles ko lang naman pinapaabot). Tapos, mga last 2 components na lang ako, para alamin yung distributor code at manufacturer code, nag-update pa yung site ng digi-key. Sinong malas? Ako.

Pagkatapos eh nanood ako ng UP vs Lasalle. So nawala na sa akin yung title na "malas", nasa UP team na. Kelan ba? Anong season ba kayo mamayagpag?

Tas nagugutom na kame. Eh wala yung nanay at tatay ko dito. Nagluto na lang yung kapatid ko ng pancit canton at ako, pancakes. Ang dami ko nakain, nasusuka na ako pagkatapos. Hehehe.

Tas natulog ako, tas nagising, tas tinapos na yung BOM at sinend. Tas naka 3.5 million cycles lang yung code ko. Tas ngayon na, tapos na ang saturday.


ps. walang sense yung post ko. sorry, nde ko man lang sinabi kung ano yung BOM, yung digi-key. ang BOM ay bill of materials, um, list of components na bibilhin namin para sa thesis, at yung digi-key ay distrbutor ng mga components.

ay, malapit na mag-18. hindi ko pa alam gift ko. bukod sa pagiisip ng gift, hindi ko pa alam paano makakarating sa perth. card na lang kaya? 24 pesos ipa-snail mail. hahaha. kuripot. estudyante pa eh. ay, ayan, online na siya. nasa rig na kasi siya mula kahapon. nung mga nakaraan kasi nag-skype kami. wala naman siya ginawa kundi inggitin ako sa subway at chocolates :(
Saturday, July 07, 2007 at 11:37 PM

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.