<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

ilang pagninilay

at dahil wala akong magawa...
1. may mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin pwedeng manipulahin. Kahit gaano mo pa ipagdasal, kahit ga-timba pang luha ibuhos, kahit na sabihin mong 'ginawa ko na lahat'...hindi mangyayari ang gusto mo. Hindi mo mapipilit na matupad ang hinahangad mo, hindi mo mapipigilan ang mga bagay na ayaw mo. At ang mas masakit pa dito, hindi mo makukuha ang sagot sa mga katanungan mo. Bigong-bigo ka na nga, gulong-gulo ka pa. O kay saklap talaga no?
2. alam nating mamatay tayong lahat, bawat isa may katapusan pero lahat rin tayo hindi tanggap ang ganoong kalakaran.Alam mong mamatay ka rin isang araw pero nasa iyo pa rin ang mga agam-agam, ang mga katanungan.At ulit, wala kang makukuhang eksaktong sagot sa mga tanong, labo talaga.Kaya madalas ay kinakalimutan na lang ang alalahaning iyon, magpapatuloy sa buhay at magigising na lamang ulit kapag may malapit sa ating na puso na lumisan.Mahirap tanggapin na yung kasa-kasama mo bigla mo na lang titingnan sa loob ng kabaong, hindi na humihinga, kahit na sabihin pang nakangiti siya.Doon ulit papasok sa ideya mo ang sistema ng buhay.
3.sa kabila ng mga nangyayari sa akin ngayon, dapat maramdaman kong swerte pa rin ako.May nakakain pa kami sa araw-araw (sobra pa nga), may tinutuluyan, makakapag-aral pa kami sa dadating na taon, may kinabukasan na naghihintay kahit papano. May mga laging andyan para tumulong sa tuwing dapang-dapa kami. Nakukuha pa rin naming magbiruan, maglokohan, maggaguhan.Kaya kahit may mga pagkakataong gusto ko na lang magpakalayo-layo, hindi ko sila kayang iwan kahit madalas ay aburidong-aburido na ako sa kanila at madalas ko silang sinisigawan.
4.masarap ang feeling nang nakakatulong ka sa pamilya.Kahit na malalayong kamag-anak, masaya yung nakaktulong ko kahit papano.Yung mga akala mong wala nang silbi sa closet mo, pwedeng malaking bagay para sa kanila. Kaya naman kahit ang hirap bitawan ng ilan kong bag (na mahal na mahal ko kahit na hindi ko na ginagamit), nabawi naman yun sa mga ngiti ng mga nakatanggap.
5.hindi ko kayang tumira sa probinsya! mababaliw ako. Kahit na sabihin pang maganda mga beach, hindi ko kaya nang matagal. Mga 2 weeks siguro pwede pa pero pagkatapos nun no no no. Gaya nang pagpunta ko a cebu, nung mga dulo parang gusto ko nang magwala at lumipad pabalik ng manila. Iba talaga ang kinasanayan, kahit pwet mo maninibago pag nasa ibang lugar ka.Hindi ko rin pala kaya malayo ng matagal sa pamilya. Namimiss ko kagad mama ko. Naks naman, is dat me? Eh pag nandito naman ako, madalas ay wala sa bahay. Umabot pa nga sa puntong boarder na ang tawag sa akin dito.
6.hindi ko rin kayang maging housewife, feeling ko naman makakapag-asawa ako. Sige rephrase, hindi ko kayang manatili sa bahay ng mahabng panahon upang atupagin ang mga gawaing-bahay.Nakita ko kasi yun sa mga pinsan ko sa probinsya. Maghapon lang babantayan yung anak, maglalaba, magsasaing,maglilinis at maghihintay na lang sa sweldo ng asawa.Hindi ko sinasabing pangit yun, pero sa sarili ko, hindi ko kaya.Marami akong panagrap para sa sarili ko at alam kong hindi uunlad pagkatao ko kung ganoon lang (hindi ko minamaliit, lang..ibig sabihin wala nang iba) ang gagawin ko.Nasanay na akong always on the go tapos mabuburo ako sa bahay, isang malaking NO. as in N-O.
7.ang corny mag-asawa ng bata ka pa. imagine.. imbes na makipagchikahan eh maghuhugas ka ng mga tsupon. buti sana kung madatung ka o di kaya yung napangasawa mo at magkakaroon ka ng mga super alalay at pwede ka pang makapagpatuloy ng buhay mo.Pero sa hirap ng buhay ngayon, dapat talagang pag-isipan ang mga bagay na iyon. Mas masarap na kapag uwi mo sa bahay eh sarili mo lang ang papaliguan mo at ang laman lang ng push-cart mo eh non-fat milk at hindi Nido.
8.hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa mga taong malalapit sa akin. Kahit gaano pa kalaki kasalanan nila, kahit gaano ko pilitin sarili ko na magalit sa kanila.. kaya naman, sa sarili ko na lang ako nagagalit.waaaah!! ang sarap sumabog.
9.masarap ang feeling na alam mong may kakampi ka, laging may andiyan para sa yo. :)
10.naniniwala na ako kay princess, ang pag-ibig, parang pagjejebs, hindi pinipilit. Basta na lang mamalayan mong uupo ka na sa trono para ibigay mo lahat para don.
11.pero mahirap kalaban ang sarili. Sa lahat, dapat una mo munang itanong sa sarili mo kung ano ba talaga.
12.marami pa akong hindi nararanasan sa buhay.siguro nga dapat itabi ko na yung ideya na "bata pa naman ako eh" kasi hindi na ako bata. hello?! dapat unti unti ko nang i-set yung mga goals ko.Hindi yung tipong basta na langako pumapasok, mag-aaral pag exam. Siguro nga kaya magulo nangyayari sa akin kasi hindi ko rin plinaplano yung patutunguhan ko.
13.Masayang makita ulit ang mga kaibigang kasa-kasama mo noon pa. Kasi sa kanila mo malalaman na nagbabago na rin ang buhay. Iba na mga ichura, iba na rin mga pinag-uusapan.
14.naks, tumatanda na si chanda. Hindi ko namalayang iba na pala yung mga issue na nakikita ko. Siguro nga dahil magbebente na ako sa taong ito (yak!)
Sunday, May 29, 2005 at 12:57 PM
  Post a Comment »
 

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.