hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
first 2 days
Hindi na kami alas onse nagigising. kaseeee...
NBA na naman!!!
At kanina, naka sampol na ang Miami! Mukang positive ang si Walker sa Heat at kapansin-pansin ang kanyang defense. At syempre, si Wade talaga ang inaabangan ko run.
Walang nagawa ina Stoudamire at Pau Gasol para mapigilan katambakan. Sa score na 97-78, mukang miami na naman bet ko sa season na ito.
Pero ang isa kong kapatid ay walang kamatayang Lakers pa rin. Nagulat na lang ako at biglang nagsisisigaw kanina. Pagtakbo ko, si Kobe na naman pala. Ang jump shot niya sa loob ng 0.8 secs ang nagpapanalo at overtime pa yon. Talo na naman ang denver. Unang game ni Jackson to as Laker's coach. Sayang at hindi ko napanood.
(maglalagay sana ako ng pic ni kobe eh, kaso wag na lang. ahahahahaha)