*haching*
may sipon ako! sa tag-init! puchak. Dala siguro ito ng maghapong paghiga at paglalaro ng Bejeweled.Pag pumipikit ako, nakakakita talaga ako ng jewels sa pagkaadik ko!
Ano nga ba ginawa ko nung mga nakaraan (bukod sa paglalaro ng Bejeweled)
Mon-Tues. UP. RA sa EEE. Enroll. Binigyan ng Appeal Form ng putanginang RA na yun sa engg. Dismissed daw kasi ako.Putangina pala niya, muntik na akong magkakontrata ng dahil sa kanya. Hindi ko alam yung pangalan nung nagbigay sa akin nung form. Pero yung isa dun sa info booth eh Lian (nde ko alam spelling pero basta li-yan ata o li-an) ang pangalan na taga IE club. Nasa info booth walang alam. Lahat ata ng tinanong ko eh tinanong niya sa kapwa RA niya. Akala ko ba may screening para maging RegCom sa Engg!?! Takte. At napagalaman ko ring pag reg com ka sa Engg, 3HOURS kang maglulunch. Aba naman, 2pm na kung magbukas sa hapon. Wala ka naman mareklamuhan kasi sabi nga nila magbubukas sila "after lunch."
Easter Sunday eh naginit na naman ulo ko sa twing maaalala ko.
Tapos pumunta rin ako sa bahay ng tita ko kung saan kami magpla-planning sem. Daig pa namin kinulong dun kasi walang telepono (so walang internet) ,channel 7 lang meron sa tv.Pero may signal naman ang globe :)
Nung saturday eh buraot na buraot nasiguro kami ni reggy at namimiss na daw niya ako (ahahaha) kaya sinundo niya ako at nag-sm kami. Daig pang sale sa sm fairview sa dami ng tao. Tapos alam niyo ba yung fastfood na KARATE KID? Parang joke time yung pangalan noh? kaya wala masyado kumakain. Pero nakita namin na 25 pesos lang yung bottomless iced tea kaya napakain kami dun. Ahahaha! yung25 pesos na bottomless iced tea lang talaga yung susi. Pero masaya naman. Sulit.Parang tokyo-tokyo. Unlimited rice din tapos mas tonkatso rin, ika fry, etc chuva. Pero may katsudon! Astig. Hehehehe... Basta sa panahong gutom ka, at gusto mong mag tokyo-tokyo, eh mag karate kid ka na lang.
Tapos kanina, nagkita kami ni Lyand para idiscuss ang mga milyones ng ERG. Ahahaha! Whooo! Naku, baka mahold-up ako niyan. ahahaha
At dumeretso ako ng UP para magsimba at mag-jog kami ni Reggy (ako naman nakamiss sa kanya..hehe) Tinatamaan na talaga ako sa mga sinasabi sa akin eh. Yung pinsan kong kasama ko sa cebu last year, sabi ba naman "grabe,para kang inihipan ah!" Walang modo. Ahahahaha.
Pero ayos pala magjog pag Sunday. Dami tao. Tas nakita ko sa Gabo. Si Gabo na nung 2nd round eh nagyoyosi na. At sunod ko namang nakita eh si BASTE! Si baste na sa susunod na pagkakita ko eh macho na! Ahahaha.
Ang haba na ata ng entry na to. Parang hindi 7am class ko bukas. Pinagbabayad ata ako ni Lord sa mga hindi ko pagpasok sa physics last sem.
Sunday, April 16, 2006 at 8:37 PM