Sa mga hindi nakakaalam eh naka-isang linggo na akong pumapasok sa call center :) Oo, isa akong tech support representative. Tapos na ang comm skills at kasalukuyan kaming nasa technical stuff.
11pm to 8am ang aking shift at madalas eh para akong zombie kasi di naman ako sanay matulog sa umaga. Tsaka diba, tayo kahit dami ginagawa, mga 5am to 8am eh tulog talaga.
Feeling ko makakagawa ako ng libro sa experience ko dito. Masaya naman, walang pressure, kahit na parang 8 hours akong nasa classroom. Imagine, ako, hindi nag cut or hindi na-late :D magkaka pwet sore na ako. Kahit na may exam every after unit na madiscuss namin (GPS units nga pala yung sinusupport) eh parang petiks lang. Yabang ko. Pero kasi naman, engg naman ako. At hindi ako nagyayabang. Kahit sa training, hindi ako nagbi-bibo at nagcocorrect ng mga pinagsasabi ng ibang tao. Kahit minsan eh kumukulot na bangs ko talaga, hehehe. Kilala niyo ko, mabilis ako mag-burst out nga mga naiisip ko lalo na kapag nakaka high blood. Pero ayun, medyo napipigilan ko pa naman.
Pero masaya mga kasama ko. Liberating. Kakaiba ang mga kwento sa buhay. Yung isa, bading, may ka live-in siya at 3 years na sila. Nagkakilala sila sa male pageant (contestant sila pareho). Yung isa naman tomboy, 6 years na rin sila ng live in niya. Yung isa 2 anak, ayaw na umuwi ng asawa niya nasa dubai. O diba, boring na buhay ko :) Basta astig, new set of kwento and kagaguhan.
Nakkataba nga lang, kahit na 3-4 lang tulog ko madalas. Dami ko kinakain, para lang nde ako maantok. Yung mga kasama ko nagyoyosi, ako kumakain. Kamusta din naman gastos ko. 1.50 lang sila, ako bente. wala pang drinks yun.
O yun na lang muna, ayusin ko pag nagka time ako. :) Pero pagdasal niyo pala muna 52, 113 at PI100 ko. Para di ko bunutin sunflowers sa april :D
Wednesday, March 12, 2008 at 1:54 PM