hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
sa summer na ito, hindi ako "magsusummer"
ewan ko kung part din ng ideolect niyo to.. "magsusummer" na ang ibig sabihin eh kukuha ng summer classes.
maghapon, marami-rami rin ang nagtext sa kin..
"nasan ka? anong isusumer mo?" "hoy! mag-p-PI100 ka ba?" "hindi ka ba talaga magsusummer?" "sabay daw tayo maglunch, san ka?"
takte! hindi ako mag susummer class! dapat talaga physics103, para sabay na ako sa physics 104 sa first sem. pero.. maraming pero.
baka tamarin rin ako, gusto ko rin sumama sa cebu, at gusto ko rin magtrabaho.
at maraming pang dahilan.. at hindi ko maiiwasang alalahanin ang mga nakaraang summer..
unang taon, nag summer ako ng math54. advance yun. dapat 1st sem ng second year pa kukunin. pero narinig-rinig ko na ok i-summer, tsaka marami nag summer! mukang in! hehehe. 5 units yun! hinayupak, 1-5 pm ata kami at nakaupo lang sa isang room at nag-aaral paano mag integrate. pero hindi ko naman masyado ininda yun. magaling ako eh! tsaka masipagsipag pa ako nun. but, oh-noh! pupunta silang cebu. hindi pwedeng hindi ako sumama. nag-absent ako ng 3 and a half days (sobrang haba na nito dahil summer nga). nakahabol naman ako at pumasa pa. sabi sa inyo magaling pa ako nun eh :)
pangalawang taon, sa pagkakataong yon, kailangan ko magsummer para maka-24 units, kundi magkakakontrata ako. nasan na yung pagisging advanced ko? wala na? nagkanda leche-leche na. kumuha ako ng es12 art stud at pe, pero art stud na lang pinagpatuloy ko, na inc pa kasi ako sa pe. dahil umuwi nama kami sa sorsogon. sabi sa inyo, may pagkatamad talaga ako. pero masayang masaya ako sa summer na yon. bagong phone, nag tennis lessons ako, nag driving lessons ako, etc etc. hindi ko ininda yung pangit na academic standing ko. ano naman? masaya ako eh. ang daming bagong nangyari.. at ilang buwan din akong nagpakasasa sa mga biyaya..
at sa summer na ito, ibang-iba na. ngayon ko napagtanto na sopbrang biyaya pala nakamit ko dati. pangit pa rin academic standing ko, pero ngayon, naka 24 units na ako bago pa man mag summer. ligtas na. at sa pagkakataong ito, hindi lang summer "ko" iniisip ko. hindi ko na iniisip ang summer bilang summer lang. ang summer, kasunod nito ang pasukan., at kasabay nito ang tuition, etc.
siguro nga sapat na yung mga biyayang tinamasa ko dati. sa iba na ako naglulunoy ngayon. alam kong hindi dapat magreklamo. dapat talagang harapin ang mga bagay na ito. pero bakit ganoon? bakit sobrang biglaan? hindi ko man lang naisip na mangyayari ito sa summer na ito? pero gaon talaga, some good things are not meant to last.
sa summer na ito, hindi ako magsu-summer gaya ng pag-summer ko nung mga nakaraang summer.Friday, April 15, 2005 at 12:05 PM