<body id=bd><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/12168539?origin\x3dhttp://chandita.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Yahoo!

Finance Music Travel Mail My Yahoo! Messenger
Select Search Category: Web Images Directory Local News Products
• Advanced
• Preferences
hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda

Bente

Sadyang hindi na ata mapipigilan ang panahon. Parang kelan lang iba pag pagkakarinig ko sa pangalan mo, akala ko kapangalan mo yung kontrabida sa 'Sarah, ang Munting Prinsesa.' Ang harot mo noon pa, kahit kakaumpisa pa lang ng klase at hindi pa tayo magkakakila-kilala. Medyo nakakainis ka, pero wala naman akong magagawa kasi medyo malapit yung mga upuan natin. Magkasama tayo sa bilog ng mga upuan kapag lunch non. Kaya naman pansing-pansin namin kung gaano ka kabagal ngumuya at kung paano inayos ng nanay mo lahat ng gamit mo para sa araw na iyon. Nakakatawang ang una mong crush ay hindi lalaki, na sobrang gulo mo pala talaga noong elementary. Naalala ko ring kasama kita sa unang offense ko sa school, yung sinugod tayo ni Jaguar sa room dahil sa ingay natin. Pero malaking grupo tayo noon, at hindi tayo yung constant na magkasama.
Hindi ko na talaga maaalala kung paano bigla na lang ikaw yung kinonsidera ko na bestfriend. Unti-unti ko nang natanggap na likas ka talagang late at nahawa na nga ata ako sa yo. Naiitindihan ko na kung bakit ka ganyan, madaldal, kengkoy, maingay pero ang mas mahalaga, nakilala kita sa likod ng mga tawang iyon. Maraming kababawan noon pero tinuring natin yung sobrang mahalaga nang mga panahong iyon. Gaya nang pagsabi ko sa yo kung sino ang crush ko, at syempre ng crush mo rin at crush rin nina ana, sushie, daryl, vanessa at ibang mga taong naging malapit sa tin. Ika fry, calcu..yan na lang naaalala ko sa mga code names ng crush natin. Di ko mapigilang mapangiti habang ginagawa ko to. Ang mga walang humpay na kwentuhan ng 'kilig moments' at mga pagbibigay ng payo na akala mo naman ay may alam talaga sa sitwasyon. Hindi ko rin makakalimutan kung paano natin iniyakang tatlo ni ana nang sabihin ko sa inyo na may balak ligawan yung crush niyo. Hahahaha! Natatawa na talaga ako sa kababawan natin noon. Pero gayunpaman, hindi ko pagpapalit ang mga alalaalang iyon. Mga kapraningan, mga kagaguhan, mga pantritrip sa ibang tao, mga simpleng kain sa SM na umaabot nang ilang oras dahil sa kwentuhan, ang walang sawang paglibot sa SM kahit wala namang tayong bibilhin, ilang oras na chikahan sa telepono, mga bagay na mag-papaalala sa kin ng parteng yun ng buhay ko at kasama ka doon.
Apat na taon tayo nagkasama at araw-araw halos na nagkikita. Hindi natin napansin ang mga pagbabago sa bawat araw na iyon, pero kung babalikan, ibang-iba na talaga tayo ngayon. Hindi man tayo madalas na nagkakasama ngayon, alam ko, at alam mo rin na wala pa ring nagbago. Hindi mo man nasasabi agad sa akin, at ganoon din ako, alam kong isang 'coffee session' lang natin ay magiging updated na naman tayo sa isa't isa. Oo nga, iba na ang level ng kwentuhan ngayon, hindi na natin pinag-uusapan kung nakatabi ba natin sa upuan yung crush natin sa araw na yon. Hindi na natin inookray yung mga babaeng nalilink sa mga crush natin. Wala na nga halos crush crush, may boyfriend ka na rin kasi :) Lumalalim na ang buhay at natutuwa akong hindi tayo mahihirapang intindihin ang isa't isa sa bawat sitwasyon. Ibang problema na ang pinaguusapan natin sa harap ng mga kape at pagitan ng mga naninigarilyo. Maaring hindi tayo nagbago sa tingin ng ibang tao, nandun pa rin kasi ang mga tawa at walang katapusang hiritan, pero alam ko at alam mo rin na iba na talaga.
At ngayong bente ka na, andito pa rin ako. Malamang sa pagtungtong ko ng bente ay andiyan ka pa rin. Hindi mo ko kelangang tawagan agad para magbalita kung anong bago. Alam ko namang kahit ilang buwan pa tayong hindi mag-usap, kilala pa rin kita. Oo, lahat tayo nagbabago, pero madaling makasabay ulit lalo na't alam mo naman yung core nung taong yun. :)
Happy Birthday ulit Rovina! haylabshuuuuuuuu!!!
Sunday, May 01, 2005 at 11:44 PM

Anonymous Anonymous said...

chanda..

naiiyak ako sa sinulat mo ha..nandito pa namn ako sa sc...nakakahiya..gagu ka..

grabe..sobrang salamat...ndi naging okay high school ko kapag wala ka..sa totoo lang isa ka sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko..hanggang ngayon..though marami na rin nagbago..kahit kelan, ndi kita nakalimuan..iba kasi pinagsamahan natin eh..maraming ndi nakakaalam nun..iba ka kasi..totoo..kaya nga naman naging totoo din ako sayo..wala pa nga tayong naging away diba? =) pwera na lang kapag late ako sa meeting natin hehehe..

miss na tlg kita..ang tgal na nga tlg ng panahong lumipas..may bf na rin ako..hehe at ikaw ay may bago ng lovelyf..ndi man naging kayo ni ikafry eh sayang sha at ndi naging kayo..feeling ko kasi masrap ka tlg magmahal..sayang...lam mo, swerte magiging bf mo..coz ur not just any other ordinary girl na nakikilala..miss ka na rin ng nanay ko..pati bonding moments natin mga chikababes..minsan labas tayo nila ana..coffee..magbabaon ako ng kape!!! kasi wala na kong pera

pasensha na kung wala ako nung panahong alam mo na..nung sad ka..isipin mo na lang lahat ng tao, may kanya knyang problems..at isa na ko don..hope maging maayos din lahat..

bsta punta tyao reunion ah..kwentuhan uli...hehe

at don sa guy na yun...sana ay ingatan mo bestfriend ko kasi bihira na makakita nyan..tsktsk..

salamat sa lahat ng tulong mo ha eversince nakilala kita..sa lahat ng payo, oras, care at lahat lahat..ndi ko yun makakalimutan...

at kung ikakasal man ako..hehe..pangako ko kahit nasan ka pa..ul be one of my special guests...hehehe..promise..

friends for keeps...

love you! 2:25 PM  

Blogger chanda said...

naks, naiyak ka talaga? yak! ahahahaha. basta ok lang yun. tsaka grabe, wala akong guy! anuba! 5:46 PM  
  Post a Comment »
 

Sino ako?

 Ako si: chanda
Nakatira sa:

Kung hindi ka pa kuntento diyan..

Recent Happenings 

Starting from scratch.

blog nila 

• ERG
• Archel
• Amos
• Ariel
• Ayrie
• Brij
• Ces
• Chap
• Chenney
• Elai
• Erika
• Geof
• Grace
• Ivy
• JC
• Joey
• Julie
• Kathy
• Kit
• Lau
• Lei
• Loulou
• Marjo
• Mic
• Presh
• Reya
• Teanuts
• Tin L
• Tina
• Zsa-zsa

• EEE
• Josiah

• Kisay
• Bebs
• Daryl
• Jebi
• Juneeee
• Lillian
• Princess
• PX
• Reines
• Rovina and Rye
• Serafin
• Vanessa

• DPS
• Bebs
• Julius
• RU

• Other Friends
• Mike
• Rach
• Van

• Celebrity Blogs
• BRYANBOY
• KC's blog
• Bianca's Blog
• Ala's Blog

Wish list 

•  NIKON d40
•  Ipod 3G Nano arm band
•  Retractable earphones
•  Gym bag
•  brown Havis (pigtas na mga havis ko)
•  scuba lessons
•  cheap phone
Oct 2005
SMTWTFS
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
plus2net.com Calendar

Weather » Change Location

 
Free Website Counters
Free Website Counters
How to Suggest a Site | Company Info | Privacy Policy | Terms of Service | Jobs | Advertise With Us | Help
Copyright © 2005 for Blogger by Blogger Templates Inc. All rights reserved.