hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
isang linggo
Uh, pagkatapos ng isang linggo, hinding hindi ko na mamimiss bahay namen. kahit kelan..
Hehehehe, syempre nagbibiro lang ako.
Kung dati ay hindi ako makatigil dito sa bahay ng isang araw (dahil lagi akong nasa skul o kung saan mang lupalop) eh ngayon naman, wala pa akong limang oras nasa up sa loob ng isang linggo. Dati namimiss ko talaga yung bahay namen, yung kama ko pati nde ko napapansin yung mga pagbabago dito dahil nga madalas ako wala. May mga gabing sa sala lang ako natutulog para nde mapalalim ang tulog..hehehehe. Pero ngayooon, miss ko na UP! miss ko na erg, miss ko na tumambay. Miss ko na maglunch sa CS at Engg canteen at syempre, miss ko na mag-lib (naks!) Dami na rin pala pinagbago sa UP.. may sunflowers na! hehehe. May aircon na rin sa CS canteen at malinis na tambayan (ewan lang ulit ngayon).
Grabe! as in maghapon lang ako sa bahay, kung ano ano lang ginagawa. Masaya rin pala yung feeling na pagkagising mo, wala kang iniisip na exam..pwede ka pang magpagulong-gulong sa higaan na parang porkchop na nilalagay sa breadings. At kahit na may gagawin ako (at eto po ang paglalaba), pwede naman kahit late ko na gawin, na madalas nangyayari kaya naman nde natutuyo ang mga labada eh dahil mga hap day na lang sila nahahanginan (hindi nabibilad eh). Ang paghuhugas ng pinggan ay hindi problema, bahala na lang sa min yung hindi makatiis makitang nakatambak na sa sink yung hugasan. Mahirap pag walang kasama sa bahay, pero ok lang, lahat naman kami tiis tiis. At yehey! nanonood na ako ng tv! Harhar. Masisira nga lang remote dun sa kwarto kasi lipat ako ng lipat ng channels. Ang dami kasi sequels eh! Hindi ko naman sila naumpisahan noh. Sana may channel na puro fear factor, amazing race, fifth wheel, knock first, queer eye, ambush makeover, your invited, area, oprah, that's so raven at iba pang palabas na hindi ko maisip ngayon. Hmm, tsaka ayoko na muna pala mag-paaraw. Ang itim ko na eh! -_- hindi nga ako pumupunta kahit dun sa may labas namen eh. ahahaha! tatlong beses ako naliligo araw araw para lang bumalik ng konti kulay ko. hehehe, yak! ang vain. pero nde, basta ang pangit kasi ng pagka-tan. actually nde tan, sunog talaga tawag. Basta, masayang walang class ngayong summer. Hindi ako nagsisisi. Nakakatulog ako ng 5am na walang inaalalang class kinabukasan. Bum na kung bum pero nakakamiss naman talaga yung ganito. Delingkwente akong estudyante pero lagi pa rin akong bothered at nde makatulog ng maayos. So this will be a good way to recharge. Kelangan talaga maging maganda ang pasok ng first sem sa kin.
Nakakaisang linggo pa lang ako, marami pang linggong susunod na bakasyon. Pwedeng dito sa bahay, pwede ring sa ibang lugar ;) Pero, meron pa rin pala akong responsibilities! ahahaha. kakabasa ko lang sa mails. FOPC na, go ERG! Saturday, April 23, 2005 at 3:16 PM