hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
mga nakaputing uniform
Sa ngayon, nagkalat talaga ang mga taong nakaputing uniform. Hindi mo alam kung sila ba ay mga nursing students, o caregivers, o therapist o kung ano pang iba na puti rin ang uniform. Hindi mo rin masabi kung sino ba sa kanila ang estudyante pa lang at kung sino na talaga yung may lisensya. Maayos naman silang tingnan, malinis kasi kapag puti. Lahat sila taas noong naglalakad. Malamang naman ang naglalaro lang sa isipan nila ay "kikita rin ako ng dolyar."
Hit na hit talaga ang ganitong course ngayon. Pano ba naman, dolyar nga daw ang kikitain. Magpapakahirap ka pa ba sa accounting kung wala rin namang kasiguraduhan na malaki ang kita mo pagkatapos? Eh kung ang mga doktor nga kumukuha ng nursing units eh. Parang lahat sila atat na makalabas ng bansa at magpunas ng tae ng mga porenjer. Mag-aaral ka para magpaka-yaya. Anubayun! Eh dito nga sa atin kahit katorse anyos pwede nang maging yaya.
Ewan, bias nga siguro pananaw ko tungkol sa nursing fad na ito. Oo, aminado naman ako na pagkita ng pera ang isa sa mga dahilan natin sa pagpili ng ating mga karera sa buhay. Kaya ko rin pinili ang course ko dahil malaki rin daw ang demand para dito. Pero ako, hindi talaga pumasok sa isip ko na kumuha ng nursing. Wala rin naman kasing nag-suggest nito sa akin dati. Pero ngayon, sa tuwing may magtatanong sa akin kung bakit hindi na lang ako nagnursing, napapa-nge talaga ako. Hindi ko maimagine ang sarili kong nakasuot ng puti na iyon. Pero higit sa lahat, hindi ko maisip na magiging ganoon ang buhay ko. Mag-alaga sa mga may sakit, tumingin ng bp, mag injection, hindeee!
Tapos kanina lang, habang nakapila sm, sa sakayan ng fx, may mama na bigla na lang natumba. Akala ko nga may nanunulak lang sa likod ko, pero natutulak pala siya nung mamang nahimatay. Maayos naman pnanamait niya at marami pa nga siyang pinamiling goldilocks product. Kaya hindi ko rin maisip kung bakit siya nahimatay. Sakto siya sa may paanan ko kaya medyo lumayo-layo ako. Alam ko naman na wala akong maitutulong. Akala ko kasi ay bubuhatin na siya para dalhin sa ibang lugar. Nagkagulo na ang paligid, nagkakatinginan kung sino ang sasaklolo. Hanggang sa mahagip ng mga mata namin ang grupo ng mga kabataan na naka-puti. May nagsabi kaagad, "hoy kayo! first aid!" Pero wala, nakatanga ang mga nakaputi. Meron na lang sumigaw sa gwardiya. Meron na ring babae na nagpaamoy ng white flower. May nagtanggal ng butones ng polo at nagluwag ng belt. Mayroong nagpaypay. May nagsaway sa mga tao na lumayo-layo para magkahangin. Marami nang hakbang pero nakatunganga pa rin ang mga naka-puti na yun. Nakakapag-init ng ulo talaga. Eh gago pala sila eh. Mga ungas sila na nag-susuot nang puting mga uniform na yun. Ano yun, pamporma lang? Bakit wala silang alam sa first aid? Buti yung ibang mga nakapila. Kahit na sabihin nating estudyante pa lang sila, dapat alam nila yung mga bagay na yun kasi yun yung nature ng career nila.
Nakakainis. Halos kalahati ng mga tao ngayon sa bansa natin eh gusto mag-nurse. Pero bakit yung mamang nahimatay hindi man lang natulungan ng mga naka-puting ito? Nagtanga-tangahan lang ba sila kanina kasi baka madumihan lang yung mga uniform nila kapag tinulungan nila iyon? Naisip siguro nila na wala naman silang mapapala don. Wala namang dolyar. Puchak yan. Naleleche pa rin ako kapag naalala ko to.Friday, June 24, 2005 at 11:39 PM