| hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda |
Bagong sem na naman. Panibagong set na naman ng long exams, problem sets, MPs, lab reps, at final exams. Pero sa tingin ko iba ang sem na ito. Iba na talaga mga kasama ko. Sa 107 na lang kami magkakasabay ng mga 'batchmates' ko. Wala na yung mga review overnights kina lyand na kapag tulugan na ay ganito kami.

Medyo maluwag pa nga yan sa lagay na yan eh. Bangag na bangag pa diyan si katkat.May mga pagkakataon na nagsisigawan pa bago matulog kasi nakalaylay ang mga paa ng mga nasa kama at tumatama sa mukha ng mga nasa sahig. At ayaw rin nilang tumabi sa kin kasi nadadagan ko daw sila. hahaha!
Wala na rin yung mag-aagawan sa pwesto sa dining table, syempre mas ok kung mas malapit sa master. Wala na yung pag-aawayan kung anong papatugtugin sa pc kaya nauuwi sa pagpatay na lang nito. Wala na rin yung magluluto at kakain ng kung ano-ano kapag alas tres ng madaling araw. Hindi na namin gagaguhin si Lyand sa kanyang power speech skills. Hindi na rin namin mapagtritripan yung burger machine sa kanto. Wala nang sisigaw kay katkat sa umaga kasi mabagal kumilos. Hindi na rin namin siya maloloko kay edu. Hmm...Nasan na nga ba tong mga to? Si Sherwin nasa usa/europe tour ng UPSA (sosyal eh), si Ayin nag-shift na sa GE (iniwan kami -_-), sina Geoff (master), Lyand (host, speaker), Lei (um, muse na lang siya) at Francis (at siya, escort) ay mga members na ng ExeCom ng ERG so busy na talaga sila. Si Paul naman ay busy kaka promote ng kanyang pelikula, Madagascar. Umasenso na talaga sila. Ang mga 02 na 'pseudo' 03 naman ay ganun pa rin, patawa-tawa lang kami ni edu, pero unti-unti nang bumabangon. At nagkaroon na rin ng iba't ibang kaberks sa mga 03 eh. Ayun, kaya kailangan na ng extra effort para magkasama-sama kami ulit.
Sana marinig ko ulit yung mga tawanan namin na madalas dulot ng kakornihan, kababawan at kagaguhan.
Tuesday, June 14, 2005 at 11:57 PM ![]() |
Ako si: chanda Nakatira sa: Kung hindi ka pa kuntento diyan.. |
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||