hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
pers day
enrollment na kahapon pero parang walang sense yung pinunta ko sa UP. pagdating ko, punong puno na VLC pero wala pang 'payb' minutes eh nakuha ko na yung form5a ko kay paul. iba ako eh.hehehe. at pagkataos ay pumila ako sa SAL na umabot na ng alas diyes ay di pa daw ayos ang mga pc doon kaya akyat naman ako sa DSP para magpa-DEEERS kay geoffrey. Mga 10:15 ay kumpleto na talaga pero over sa cuteness na si chanda ay kinalimutan ang mga classcards so hindi siya makakapagpa-check. homaygoodness. kaya naman nanggulo na lang ako sa VLC hanggang bago mag lunch. at naawa na ako kay lyand kaya naman pumunta na rin kami ni geof sa bahay nila para magtawag. pero pagdating dun nde rin ako tumawag, naiinis na sila sa kin. hehehehehe. tapos alas singko na nang umalis kami papuntang cubao para pumunta sa gonuts (sabi ni sherwin, dun kasi nila nakuha yung 100+ dozens nila ng gonuts) na akala ko alam nila pero nde rin pala nila alam. at ang main purpose pala ng pagpunta dun ay manood sa gateway. buti na lang nakakatawa yung madagascar! kamuka pa ni paul v. yung giraffe! ahahahahaha. so yun, ganun na ang unang araw ng enrollment ko. past 10 nakauwi sa bahay tapos hindi ko pa alam magkano babayaran. at ngayon, tinatamad pa akong umalis, nadala na ako sa traffic kahapon -_-Friday, June 03, 2005 at 8:14 AM