hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
sira yung phone ko.
argk! kamalasan. nung sabado to ng hapon. nasa sm kami nang biglang mamatay, pero dahil naman yun sa naubusan na ng battery. eh biglang hindi ko na sila makita (yes, ugali ko talagang humiwalay kapag nasa mall. mas gusto ko tumingin-tingin mag-isa) kaya pinilit kong i-on ulit. maraming beses kong sinubukas pero namamatay rin. tinigil ko na rin naman yung pag-try nang makita ko na sila mama. Pagbalik ko sa bahay, eh di kinabit ko na kagad sa charger. Iniwan ko lang dun at nang maalala kong nde ko pa pala narereply-an si reggy eh binalikan ko na. Eh di ba sa tuwing mag-oon tayo, lalabas yung logo ng nokia, tapos mejo magfe-fade siya at mawawala at mapapalitan na ng background na ginagamit mo? Eh nung in-on ko na yung telepono ko.. puro lang nokia logo lumalabas! bad trip. 4 times siyang maglu-loop tapos mamatay! waaahhhh!!! nung linipat ko yung sim ko sa phone ng kapatid ko, aba, wala yung mga msgs, wala ring phonebook. ay bad trip. feeling ko naman 'reformat' lang kelangan nun. pero pano na yung contacts? haayyyy... sana maayos na. wala nang extrang phone dito sa bahay at wala na akong pambili.Sunday, July 03, 2005 at 10:32 PM
Anonymous said...
kaya pala ibang um yung gnamit mo kanina.. ayun. sana hndi ka na mbadtrip. hehe. :)
11:01 PM
Anonymous said...
aah, yung UM dun sa unang post NUM yun. mali lang ng type. :)
11:02 PM
oo nga, kasi yun yung mga panahong wala akong mapasukan ng sim card ko. pero ngayon, nauto ko na kapatid ko. pede niyo na ulit ako itext dun sa number ko pero pakilala na lang kayo. -_- wah! walang kalaman-lamang contacts yung sim card ko.
8:28 AM