hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
pc..pc..pc..
Napagod ako. Nagkanbas kasi ako ng PC sa carpark, sinamahan ako ni Reg. At bago tumaas kilay niyo at akalaing bibili ako ng bagong pc, hindi pa ra sa akin. Yung tita ko kasi pinapahanap ako kasi pangreregalo niya. Shet, sana ako na lang yung may bertdey. Nakakapagod talaga kung hindi para sa akin yung hinahanap ko. Hehehehe...
Hmm, kung tutuusin, mas mura ngayon. Sa tingin ko ah. Kasi sa yung amount ng pc na nabili ko last year, sa ngayon eh pwede na akong magkaroon ng LCD monitor. Pero yun, integrated naman yung mga video card. hehehe. As if naman napakinabangan ko yung videocard namin. Yung mga nagdodota lang naman ang masaya. Pero basta, sa loob ng isang taon, ang dami na namang bago. Nakakainis.
Sabi ko kasi sa ninang ko, ok na yung 20-25k. Tapos meron sa Silicon Valley, 22,300 tapos may free pa na ok na printer. Sana akin na lang yung printer. Ahahahaha.
tinamad na rin pala akong pumunta ng UP kanina. Bukod sa late na ako nagising, nakakainis pa yung panahon, nde mo alam kung uulan ba oo aaraw. pano na kaya ako bukas, may matitira pa bang slot sa akin kung alas dyes na ako magigising?Monday, November 07, 2005 at 8:34 PM