Kaka-alarm lang ng cellphone ko..
Bakit?Kasi dapat gigising pa lang ako ng 11:30 pm
Bakit? Kasi dapat matutulog na ako kanina pagdating ko. Gigising ako para mag-aral dapat.
Bakit?Kasi exam ko na sa sabado, tapos wala pa akong naaral. So gets mo? dapat natulog ako, tapos gigising ako pag nag-alarm na cellphone ko tapos mag-aaral na ako. Pero hindi! Hindi ako nakatulog. At gising naman ako ngayon pero hindi ako makapag-aral kasi nararamdam ko pa rin yung pagod.
Kasi may sakit na yata ako. Feeling ko talaga ikamamatay ko sakit, failure ng something. Parang ganon. Tapos, na-stress ako kakaisip. Buti sana kung kakaisip ng acads eh, but no. Tapos, nung feel ko nang matulog, nanood naman sila ng Only You. Kaya nga ayoko ng TV sa kwarto eh. Ayokong ayokong may ingay pag matutulog ako. Lalo na sa mga panahong to na daig ko pa ang meron sa pagka-aburido.
Bahala na. Feeling ko hindi pa rin ako mag-aaral ng 141. Praning nga ata talaga ako.
Sa kapraningan ko, naipahid ko sa muka ko yung pantene leave-on conditioner. Feeling ko ponds moisturizing cream eh. As in naglagay na ako ng dots dots sa muka ko tapos na scatter ko na sa may isang cheek ko saka ko lang narealize na iba yung feeling.
Thursday, January 19, 2006 at 11:31 PM