hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Unang post sa 2006
Tapos na ang unang linggo ng 2006.
At kung mangyayari yung sinasabing "kung pano mo sinalubong ang taon ay magiging ganon ang buong taon mo" eh gudlak na lang sa akin. Sana naman hindi.
Marami akong gusto sabihin pero wala ako sa mood. Gaya ng mga theories ni Paul P sa 'ron' na isa palang panlapi, mga problema ko sa CT, problema sa acads, katabaan ko na sumusobra na talaga, problema ng cellphone ko, kinaiinisan kong mga bagay-bagay, etc. Gusto ko lang mag post ng bago kasi wala pa nga pala akong post para sa taong ito. ____________________ ps. aliw! nakita ko yung blog ng isa kong instructor. Hehehe, likas na tsismosa talaga ako at mahilig magbasa ng blog (kahit hindi ko pa nga kilala binabasa ko eh). So yun, nung nakita ko yung blog niya, naaliw talaga ako. Parang pag binabasa ko, prang "waw, normal na tao rin naman pala si sir." Hehehe.... Syempre hindi ko isusulat dito kung sino siya at kung anong url ng blog niya. Sunday, January 08, 2006 at 11:07 PM