hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
wala akong maisip..
nakakabaliw! Maghapon walang kuryente dito sa amin. Kasalukuyan kaming nanonood kanina ng miami-nets nang mamatay ang ilaw. Tapos, 1 bar nalang yung batt ng cellphone ko. So naiimagine niyo naman yung sitwasyon? Buti naman at may telepono pa kahit papano. Nagtatawag ako ng junk shop na pagbebentahan ng mga papel. Tapos biglang sabi ng nanay ko, "wag mong sabihing aalis ka sa lakas ng hangin ngayon!" Ok fine, hindi na po aalis.
So natulog na lang ako maghapon! Ahahahaha! Ang sarap. Shet. Ito na rin ang pinakamatagal na inilagi ko sa bahay mula nung..um, di ko maalala! Ito na rin yung pinakamatagal na hindi kami nagkikita ni Reggy.. haayyy..kakaiba. Pag mga ganitong araw kasi magkasama kami. Lalo na pag wala talaga akong meeting or class. Then kapag may lakad kami sa maghapon, sure na magkikita kami sa gabi. Kain sa labas or kain dito sa bahay namen. Ahahaha! Basta laging may kain. Shet, bakit ba kasi kelangan magtrabaho. Ahahaha. Joke lang.
So bukas kelangan ko na talagang maghanap ng junk shop. Haayy. ERG. Anuba 'to. Nakikisama ang ulan sa atin.
Si bale, masarap naman matulog kapag umuulan. Itulog na lang natin 'to. Baka sa wednesday, bigla na lang lumiwanag. :) Saturday, May 13, 2006 at 6:54 PM