hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
One rainy day..
at wala ako sa bahay..nasa CEL ako ngayon at naisipan ko na naman mag-post.
Isang panalo na lang para sa Purefoods :) Bata pa lang ako, Purefoods na yung fave team ko. As in walang iba, walang 2nd fave, Purefoods lang talaga :) Hangwapo ni Patrimonio eh! Pero nagkaroon din ng span na hindi ako nanonood at wala rin akong balita sa PBA.
Tapos ngayon na lang ulit. Hehehe..MVP pa si James Yap na favorite ng nanay ko. As in pagkauwi ko kagabi, kinwento niya sa akin yung speech ni James. Kinwento niya kung pano siya kinabahan na baka sumablay si James at hindi pasalamat si Kris. Ahahaha! Affected. Basta, buo yung kwento niya, akala mo spokesperson ni James.
Pero iba na rin talaga ang mga players ngayon. Dati..oo gwapo si Patrimonio,pero walang effort. Ngayon, jusko,ilang litro kaya ang nilalagay nilang gel sa mga buhok nila para hanggang sa 4th quarter eh nakatayo pa rin. Takte yan, mukang lahat ng preparation time nila eh para sa pampapapogi at hindi sa warm-up para sa game eh. Hehehehe.
Mukang swerte lahat ng teams ko ngayong taon ah.. Hmmm, UP? Game 2. Game na ba kayo? :) _________________________________ Mga eksena sa arena:
1. Sa kabilang panig ng lugar... Guy1: Pare, ano na nga ba yung tawag dun sa portable na computer? Guy2: Ahhh.. Guy3: Laptop Guy1: Ah, oo laptop!
Ako (si Monde lang naman nakakarinig): Taaakteeeeeee! Hindi niya alam ang laptop?!? Monde: Ayyy, nasa braso na ang utak!
Takte naman talaga diba? Hindi pa ba uso sa paligid niya laptop. Muka naman silang mayayman eh..
2. Kwento lang sa akin nina Lyand.. Guy1: Grabe, sakit ng katawan ko, seven hours ako nag-gym eh. Guy2: Seven Hours? Ang tagal! Guy1: Pero may 1 hour naman na break..
Pero kahit na, 6 hours kang andun!?! Wala ba siyang ibang buhay? Thursday, July 13, 2006 at 2:37 PM
Anonymous said...
haha! ngayon, meron nang excuse si geof kung bakit bumaba grades niya. kakagym kasi! napunta sa muscles yung utak!