hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
arkeoloji 1
Ganyan pala dapat. Akala ko "arkeyolohiya" eh. Ginagamit na rin pala yung mga hiram na letra.
So yun, yan ang GE ko ngayong sem. Kaya yan, kase..kelangan ko ng Philippine Studies na under sa SSP(Social Science and Philosophy). Karamihan kasi ng mga Philippine Studies eh nasa AH(Arts and Humanities) gaya ng mga Pan Pil 17,19, etc. AH din pala yung inakala kong kukumpleto sa Philippine Studies ko (6 units kase kelangan). Pero, hindi pala considered Phil Studies and FILIPINO25. Anak ng.. Basta basta.
So after more than 1 year na walang GE, muli na naman akong tumapak sa AS. Eh nakaktamad nga nung nakaraang linggo kaya 30 mins late akong nakapasok as arkeyol. Pagpasok ko pa lang...
Sir (hindi ko maisip name niya ngayon): What's ur name? Ako: (Mejo nahihiya kasi late) Uhh.. Chanda Sir: Ah! Chanda Espineda!
Patay,memorize na niya name ko. Dalawa lang kasi kaming late. Tapos yung mas late pa sa akin ay dumating lang para magpacancel. So ako na lang talaga maalala niya. At nung nakaupo na ako sa may bandang dulo...
Sir: What year are you now Chanda? Ako: uhh.. 5th year po. Sir: Umm..Nasa aura mo nga.
Owkeeey. Magandang tanong yun. Yung mga muka ng kaklase ko sarap pisatin eh. Porke't freshie lang sila!
Hindi pa ako nakaka-adapt sa bago kong surrounding nang bigla na namang..
Sir: (nakatingin sa akin) Ako: (jusko, ako na naman) Sir: Music ka ba? Ako: Uhh.. Hindi po.
At alam ko na ang susunod niyang itatanong, "Fine Arts ka?" Kaya naman..
Ako: Eng'g po ako.
O-ha! Panis yung mga kaklase ko. Baka akalain nila 4 yr couse ako tas nag-eextend pa. Mali kayo! 5 year course ako at mageextend pa lang next year. Ahahaha! Syempre nde nila alam yun.
Pero sana tama na, masyado na akong maraming exposure. At takte, wala akong maisip na dahilan para akalain niyang music ako. Wala namang siyang ibang tinatanong dun, ako lang! At nang akala ko nakalimutan na niya ako..
Sir:Bakit niyo ba kinuha ang subject na 'to? Klasmeyt1: Mahilig po kasi ako sa artifacts Sir:Ahh.. Eh ikaw.. Klasmeyt2:Maganda po kasi pag-aralan etc etc.. Sir:Eh ikaw, kinuha mo lang ba 'to kasi kelangan mo ng units?
B-I-N-G-O Ako yung tinanong niya!
Wag niyo na tanungin sinagot ko kasi nde ko na maalala. Nakakaburaot.Monday, June 19, 2006 at 11:31 PM
coolness! galing mo chanda, dapat sinagot mo ng isang dumadagundong na OO baket kelangan ko lang naman talaga. hehe. paimpress naman yung mga presyi na yun. hehe.
7:09 PM
d ko alam kung kelan balik ko eh....sorry ang hirap makakuha ng signal dito...tapos down pa yung ym namin, hindi ako maka-pasok...nag-field ako kanina..umuulan dito..grabe ang putik tapos naka-tsinelas lang ako...pero masaya...miss u
10:12 PM
Anonymous said...
hmm chanda mukang me mas malaki pang event sa july kesa dun sa mga event naten ah! hmm napaisip lang ako kung kelangan niyo ng countdown!!! hehehehe
10:49 PM
haha, ayos yung prof mo ah! ano name nun? nakakaasar siya eh, ano ba paki niya kung kailangan mo ng units kaya mo lang kinuha yung subject? dapat gawin niya, maipa-appreciate niya sayo yung subject na yun.
3:36 AM