Ok rin pala na wala akong magawa kanina kasi nakapaglinis ako ng mga gamit sa paligid ng pc namen ngayon. actually karamihan eh gamit ko talaga pero syempre, mas nakakinis kasi halo halo na rin pati gamit ng mga kapatid ko. buhol buhol na rin ang mga wires na nakakirita nang tingnan pero wala akong ginagawa dun for the past few months. Naiyaos ko na rin ang mga cds, at sinipag akong alamin kung anong mga laman ng mga walang label. Astig kasi nakita ko yung cd ng cebu pics namen na matagal ko na ring hinahanap. Tas yung ilang mp3 cds ay nilabel-an ko na. Pero may mga ilan dun, actually medyo marami na porn. hahaha! takte, iniisip ko nga kung susulatan ko ng "porn" eh. ewan kung anong mafifeel ng 2 kong kapatid kung nakasort yung mga cds nila at ang mga yun eh nasa isang side. hahaha!
pero masarap din pala na medyo umaayos yung paligid.
at least kahit paligid mo maayos.
susunod naman etong pc mismo, kapag meron na ako ng lahat ng kelangan kong installers, format na. ang tindi na rin kasi ng mga virus.
*******
minsan, may mga bagay na naiintindihan mo pero hindi mo mapilit yung sarili mo na ganun yung maramdaman. wala namang kaso talaga eh, yun nga lang, kelangan lang ng panahon para lumipas kung ano man yung nararamdaman na yun. at siguro, dadating din na babalik sa normal ang lahat. kelangan lang maghintay...
Monday, May 14, 2007 at 2:13 PM