hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
Bago mag-enroll...
Sobrang gulo ng mga nangyayari ngayon. Na parang hindi ko na alam gagawin, pero syempre hindi naman pwedeng huminto na lang. Nakakatuwa nga kasi habang nung isang moment na sobra sobrang hindi ko na alam gagawin, nagplay yung "Ikot" ng Stonefree. Oo, sige, medyo labsong yun, pero yung point na "kahit anong mangyari, kahit ano pa yung dumating, tuloy pa ring iikot ng mundo.. at oo, kahit hindi ka sumama, iikot pa rin." So nagpapasabay na lang ako sa agos.
Anyway, hindi ako sanay na nagshe-share ng mga bagay na ganito. So iba na lang..
*******
Weird ata talaga yung mga gusto kong aksesorya.
Sabi sa akin nung receptionist sa TechnoParkOne sa Eastwood: Ay miss grabe!! akala ko namamaga yung tenga niyo!!! (As in super concerned yung muka niya) Ang suot ko nung eh earrings na heart chunk stud. (magpopost ako ng pic kapag naisip ko ulit) Duh, bwiset.
Binibilhan ng tito ko yung tita ko pati kapatid ko ng silver stuffs. braclet at hikaw ata. Tito: Ay, kunan niyo rin si chanda! Tita: Hindi naman ito yung type nun eh. Tito: Eh anong type niya? Tita: Mga TINIDOR! (meron kasi akong bracelet na gawa sa tinidor.) Pero grabe, weird lang na parang adik ako sa tinidor. hmm.. hanapin ko nga yung tinidor ko, suot ko ulit.
*******
Congrats kay GEOFFREY FADERA!!!!!! Valedictorian ng Eng'g 2007 graduates!!!! Astig astig! Congrats din ky Lyand at Monde, Cum Laude. Naks, ibang klase talaga mga friends ko eh. :D Tsaka sa ibang pa lang Laude at gragraduate.. :)
Congrats sa lahat ng pumasa ng ECE board exam! wohoo!! yes!! Go EJ!! (hindi na kita tinext kasi baka mahalata mong late ko na nalaman, ahahah! Pero congrats talaga) Kelan ang fiesta sa bahay niyo ha?
*******
Di pa ako tapos mag-enrol. Pero sobrang gusto ko na netong online enlistment! sobrang swerteng nakakatyempo ako ng isang open. sakto pa sa gusto ko :D
*******
"The secret of life isn't just to live, but to have someone special to live for. We only live once, but if we love right, one lifetime is enough."
Sinend sa akin yan ni Josine kagabi. Wala lang, so true diba? Minsan kasi iniisip mo kung anong sense ng buhay mo, kung san ka talaga pupunta, kung para saan ang lahat. Pero kadalasan wala talagang sagot.. Hanggang sa merong makakapagparamdaman sa iyo na hindi mo kelangan maintindihan lahat, basta't alam mong buhay ka, buhay siya at parte kayo ng buhay ng isa't isa. Parang everything will stop there. (yes, mushy.. pero seryoso, ganito talaga nafifeel ko :)
At sa 'yo, thanks for making me feel alive, thanks for making me feel that everything's alright.. Happy 19th month!!! :) Wednesday, April 18, 2007 at 8:21 AM