hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
One More Chance
Pagkakita ko pa lang sa trailer nito sa TV eh gusto ko na talagang panoorin. Hindi ko alam kung nagiging baduy ako at ang mga natitipuhan kong panoorin eh mga tagalog love stories o dahil sa tingin ko eh may sense talaga ang movie. Idagdag pa na nagagalingan talaga ako kay John Loyd umarte. Naks. Hahaha, eh kasi, mata pa lang, alam mo na yung emotion na pinoportray niya.
Anyway, tungkol sa movie, kaya ko siya plinanong panoorin kasi makatotohanan. Nangyayari sa normal na buhay, nangyayari sa mga taong nasa paligid mo, pwedeng mangyari sa yo. Hindi kagaya ng ibang tagalog na pelikula na mahirap yung isa tapos mayaman yung isa. Na tipong si Richard Gutierez (nde ko pala alam spelling) eh janitor! Camon diba!? O yun, basta, maraming pwedeng makarelate sa takbo ng storya ng One More Chance.
Sa tingin ko eh dapat panoorin 'to ng bawat couple, lalo na yung nde pa mag-asawa pero medyo stable na rin naman yung relationship. Hindi ito perfect date movie kasi may chance na mag-away pa sila pagkatapos. Hindi ito ginawa para magpakilig at magpromote ng loveteam pero para i-present yung yung struggles ng pagiging in a relationship.
Si Basya at si Popoy ay isang steady couple, 5 years na sila at nagsimula pa noong college yung relationship nila. Si Basya ay isang architect at si Popoy ay isang Engineer (civil perhaps) at "conveniently" eh nagtatrabaho sila sa isang firm. Nagkikita sila araw-araw, bukod pa sa nasa isang group of friends lang sila. Lahat ng ginagawa nila eh nakaayon sa path ng relationship nila. Until naramdaman na lang ni Basya na nawawalan na siya ng control sa buhay niya. Hanggang sa nagkaroon ng what-ifs. At dun na nagsimula, gusto niyang siya muna maging bahala para sa buhay niya kaya nakipag-break siya. Nasaktan si Popoy. Syempre, parang nabasura lang lahat. Pero nakahanap siya ng bagong girlfriend. Then saka narealize ni Basya kung ano yung mga nagawa niya. Too late?
Mga gusto kong part/dialogue:
Yung nagkaharap ulit sila after the break-up. "Putang-ina Bash, gaano ka ba katigas at di mo ko kinakausap?" Shet, painful. Mahirap siguro tanggapin na yung minahal mo for several years can ignore you like that and won't care when you're hurting badly.
"And you chose to hurt me." Dun narealize ni Basya na sa desisyon niyang hanapin yung sarili niya eh para na rin pala niyang piniling saktan si Popoy. Which I think, most party will not realize kapag nakipag-break sila. Iisipin nilang it will be for their best, for the relationship, blah blah. And yung magiging worry nila eh yung sariling pain, na paano kapag wala na yung isa sa buhay niya. Pero dapat nilang isipin yung partner na maiiwan diba? Unang-una, yung nakipag-break may reason pero nasasaktan pa rin. Paano pa yung isa, gulatan na lang? It will be more painful because it would be hard for them to find sense on why did it happen.
Yung hospital scene na pinapayuhan ni Popoy yung isang friend niya na iniwan din ng girlfriend. "Kaya tayo iniwan ng mga mahal natin, kasi may mga taong mas magmamahal sa atin. Yung di tayo sasaktan.." Nde ko maalala, sa lagay na yan, yung ibang linya. Hehehe. Makita mo ba naman yung mahal mo na in pain dahil sayo. kaboom.
The other side of the story, yung ineexplain na ni Dimples Romana kay John Lloyd na it's not all about him in pain. Na sana nakita niya yung need talaga ng partner niya to stand on her own. At kung gusto rin ba niyang patuloy niya nasasaktan si Bea habang magkarelasyon sila.
Sa mga decisions na ginagawa natin, lagi naman nating gustong mapabuti o maitama lahat. Kung ikaw ay nasa isang relationship at gusto mo ng space para hanapin muna ang sarili mo, eh siguraduhin mo muna na yun talaga gusto mo. O baka nabobore ka lang? O may iba kang gustong gawin tapos ayaw ng partner mo? Dapat handa ka. At sa mga gumagawa o nagplaplanong gumawa ng mga side trip diyan, dapat handa ka rin. Handa kang makitang sinasaktan mo yung partner mo, handa ka ring tanggapin na pwedeng mawala talaga siya sa yo. Hindi mo pwedeng sabihing, "joke lang" o "ulitan, tayo na lang ulit." Kasi minsan ganun, madali sabihing "break na muna tayo" kasi you've been sure for so long na lagi lang siyang andyan. Hindi ko sinasabing wag makipagbreak kasi against din ako sa martir-inspired relationships, hehehe. Pero yun lang, pag-isipang mabuti lahat kasi hindi naman lahat kagaya ni Popoy at Bash na may one more chance.
**** haha! affected na naman ako ng movie. kasama ko si reggy manood tas nakakatawa kasi may part dun na pati yung pagkain ng chicken skin eh nakasanayan nang i-control ni John Loyd. Automatic na tinatanggal niya yung balat ng manok, kahit yung manok ni Bea. Eh nung last time na kumain kami, tinanggal ko yung balat ng manok ko at tinabi lang sa gilid ng pinggan. takam na takam siya pero di ko pinapayagang kainin yun kahit siya nagbayad ng meal. eh dahil defensive ako, sabi ko kagad, "Hindi ko naman tinanggal yung baat ng manok mo, diba? Yung sa akin lang." Saturday, November 17, 2007 at 11:57 PM