kung sa wednesday na, yun ang di ko alam. hehehe
Shet, narealize ko lang na mula 8am ako gumagawa, at kain lang pahinga. at past 4am na ako natulog nun ah. kung empleyado ako, swerte naman ng employer ko. Pero hindi eh..
Sa tingin ko talaga sinusubukan ng pagkakataon pasensya ko. Lalo na ngayong palapit na palapit na ang deadline. As in deadliest deadline. kasi ganito..
Meron kaming 3 system na dapat mapagana, yung pang Globe, pang Smart, at pang HSDPA (ng Globe). Hindi ko na sinulat na GSM900, DCS1800.. o well, sinalat ko pa rin, pero kasi, ang tawag namin sa mga boards namen eh "900 tx" o "900 rx". O basta, sa bawat system, may 2 board, pair yun, dapat pareho gumagana para completey "gumana". Buong sem, ginugol namin sa pag sigurado na ok yung mga "modules" ng bawat board. Eh di dapat sana ok na lahat, pero hindi pa rin talaga. :( minsan pa nagpapalitan yung gumagana. nung gumagana yung 900rx, nde gumagana yung tx. nung napagana ko na yung tx, biglang nde naman rx. umulit ako ng buong board. hay shet.. parang ang bilis lang ikwento pero sana mapost ko dito yung mga pics ng boards namen.
At 7a.m ang meeting namin with doc bukas (oct 2). Hindi naman siya maaga. Kaya kelangan ko kunin yung alum casing ng 6:30. hinde, hindi naman maaga eh. Shet, lumulutang na ako. Bangag na. Ang dami ko nang kinakain kasi natatakot akong magkasakit. Ang dami kong pasa, dahil ata kulang sa tulog.
Ay oo nga pala, eto yung birthday na pinaka-nde ko feel, nde ko hinintay, hindi ko inisip kung anong mangyayari. Sana naman, maging masaya ako sa birthday ko. um, pero may natanggap na akong gift. ;p nde ko pa lang masyado nakakalikot dahil sa kawindangan. magpopost din ako ng pic nun.. hmm, pero nakapag post na ako eh. hindi ko nga lang kamay yung may hawak.
Tuesday, October 02, 2007 at 7:22 AM