hindi po kayo naliligaw, ito po talaga ang blog ni chanda
And we're 3rd :)
Yes, best eng'g week indeed. Ang sayaaaaaaaaaa!!!!!
Dahil late na ako magpost kaya parang nawala na yung mga gusto kong sabihin. Basta masaya na lang :D
Lahat naman ng nangyari at mga pics nasa multiply na ng mga tao. Lahat nakapagpasalamat na sa mga tumulong, ano pa kaya pede sabihin?
Um, ERG fight! hahaa. Yun pa rin.
Pero sobrang saya ko na part ako ng eng'g week na 'to. Although di na ako ganun ka active (sa lagay na yon). Pero kasi, ang lakas na naman ng erg eh, daming members, daming talents, ang kelangan lang push. At sa tingin ko, yun yung pinakamalaking naidulot ng eng'g week na 'to para sa ERG. Naipakita ng ERG na kaya pala, naipakita sa bawat isang mem na lahat posible basta everybody will take part. At ayon nga sa ating tagline, "puso lang." At dadagdagan ko, "tiwala lang." :) Nainiwala ako na kaya pa ng erg, lalo na't yung mga batang mems na todo na-hype sa narating ng ERG ngayon, I'm sure they'll do the same on the next eng'g weeks. Diba? Kasi nakakaadik yung feeling ng panalo. Nakita nila lumaban yung mga ate at kuya nila para sa ERG. And that's what really transpires in Eng'g week, passing on the fire, the passion for the org. :)
At sa lahat ng mga nakasalamuha ko ngayong eng'g week,
sa smokers, 3 years na, hehe. sumabay pa sa database project and grad, pero ang saya pa rin. break the smokers sumpa: kapag annalo sa smokers, wala nang ibang mapapanalo buong engg week. Kay maggi yun nagsimula. pero ngayon, mukang tumama.
sa maski, ahaha. feeling model. Pero salamat at naging part ako ng isang astig na production. Salamat at hinayaan niyong mahawakan ko ang ilang parte ng inyong katawan. Hehehe. :)
sa mga props people nung act one. sige, paint lang tayo ng paint :)
sa mga nag dresseng. Ang saya maging chef at mag slumber party
sa nag katuwaaannnnn!!! katuwa, 1st tayo! Salamat sa mga ideas niyo, salamat kay RA na nanghiram talaga ng mga posters at parol. Sa mga batang willing magpapicture, at sa mga tao sa ricarte, sana maging maayos ang inyong pasko. :) at sa judge number 2 ng crest, salamat!
sa mga nakaaaway ko, lalo na sa pila sa ms eng'g, hindi ako nagsosorry. pumila na kayo next time. at sa mga nasa harap ko sa pila na nde nag voice out kagad nung nadedehado na sila, nakow, hindi pwedeng laging ganon. :)
sa lahat ng erg, sa alumni, sa new mems, sa execom, salamat sa isang matinding eng'g week :)