Isang unit na lang yun. Natapos ko na ang dapat kong tapusin at nakasalalay na lang kay Sir Escoto kung maghahanap na ako ng white dress o hindi.Please, please talaga.Dapat sana eh magaan lang huling sem na ito. Pero dahil feeling ko nga masyado magaan, naghanap ako ng pampabigat. haha. Isabay ko ba ang pagtatrabaho sa gabi sa pagpasa ng mga requirements at paghahanap sa PI100 prof ko. Wala nang class pero kelangan kong magtest, mag docu, mag exam. Etong huling linggo, max 4 hours lang tulog ko, kanina, isa lang. At ngarag na ngarag na itsura ko. Pero last blow na naman.Sana, sana talaga.Isang malupit na entry kapag lumabas na ang result nun. Promise. Pero sana masaya ang post na yun.
Friday, March 28, 2008 at 5:26 PM